Read without ads and support Scribd by becoming a Scribd Premium Reader.

Mga Pokus ng Pandiwa

Ang pokus ay ang relasyon ng pandiwa sa paksa ng pangungusap.

1.aktor-pokus o pokus sa tagaganap

  • Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “sino?”.
  • [mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- , magpa-]
  • Hal: Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan.
  • Hal: Nagluto ng masarap na ulam si nanay para sa amin.
  • Hal: Bumili si Rosa ng bulaklak.
  • Hal: Si Ian ay humingi ng payo sa kanyang kapatid tungkol sa kanyang suliranin.

2.pokus sa layon

  • Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “ano?”.
  • [-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an]
  • Sa Ingles, ito ay ang direct object.
  • Hal: Nasira mo ang mga props para sa play.
  • Hal: Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay para sa amin.
  • Hal: Binili ni Rosa ang bulaklak.

3.lokatibong pokus o pokus sa ganapan

  • Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “saan?”.
  • [pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an]
  • Hal: Pinagtaniman namin ang bukiran ng maraming gulay.
  • Hal: Pinuntahan ni nanay ang kusina ng bahay para magluto ng masarap na ulam.
  • Hal: Ang tindahan ang pinagbilhan ni Rosa ng bulaklak.
  • Hal: Pinadausan ng paligsahan ang bagong tayong entablado.

4.benepaktibong pokus o pokus sa tagatanggap

  • Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “para kanino?”.
  • [i- , -in , ipang- , ipag-]
  • Sa Ingles, ito ay ang indirect object.
  • Hal: Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.
  • Hal: Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na Birhen.

5.instrumentong pokus o pokus sa gamit

  • Ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “sa pamamagitan ng ano?”.
  • [ipang- , maipang-]
  • Hal: Ang kaldero ang ipina
  • ngluto ni nanay ng masarap na ulam para sa amin.
  • Hal: Ipinampunas ni Marco ang basahan sa mesa.
  • Hal: Ipinanghambalos niya ang hawak na tungkod sa magnanakaw.

6.kosatibong pokus o pokus sa sanhi

  • Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “bakit?”.
  • [i- , ika- , ikina-]
  • Hal: Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam ng aming nanay.
  • Hal: Ikinatuwa ni Ynez ang pagbili ng rosas ng kanyang nobyo para sa kanya.
  • Hal: Ikinalungkot ng bata ang hindi nila pagkikitang mag -anak .

7.pokus sa direksyon

  • Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “tungo saan/kanino?”.
  • [-an , -han , -in , -hin]
  • Hal: Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.
  • Hal: Pinuntahan ni Henry ang tindahan para mamili ng kagamitan.
Notes
Load more