PATULA NG PANDAIGDIGANG PAHAYAG NG KARAPATANG PANTAO (UDHR)
ni Gregorio V. Bituin Jr.
tulang may 12 pantig bawat taludtod
Ang tulang ito’y ma
tatagpuan sa http://matangapoy.blogspot.com Pahina 2 ng kabuuang 5
Na pinananatili sa kaisipanAng Pahayag na ito ay magsumikapSa pagtuturo't pag-aaral ng ganapUpang itaguyod itong karapatanPati kalayaan sa pamamagitanNg maunlad na hakbang, sa pambansa manMaging ito rin nama'y pandaigdiganAt kilalanin ng kasaping EstadoAt ng tao sa kanilang teritoryoItong lahat ng karapatang pantaoNa dapat tamasahin ng buong mundo.
ARTIKULO 1
Lahat ng tao'y malayang isinilangNa may pantay na dangal at karapatanPinagkalooban ng budhi't katwiranNang makitungo sa diwang kapatiran
ARTIKULO 2
Lahat ng angkop sa Pahayag na itoNg walang kaibhan sa anumang tipoLahi, kasarian, relihiyon, wikaKulay ng balat o ibang pang-unawaPambansa o panlipunang pinagmulanPag-aari o anumang kalagayanWalang pagkakaibang dapat malikhaSa pulitikal, kalagayan ng bansaO sa kinabibilangang teritoryoO ng anumang pagtatakda ng tao.
ARTIKULO 3
Ang lahat ng tao ay may karapatanSa buhay, kalayaan at kaligtasan.
ARTIKULO 4
Walang sinumang dapat ipailalimSa pambubusabos at pang-aalipinAng pang-aalipin at pangangalakalNg alipin ay dapat nang ipagbawalSa lahat ng anupamang anyo nitoPagkat sila'y mga kapwa natin tao
ARTIKULO 5
Sinuma'y di dapat dumanas ng hirapO ng kalupitang di katanggap-tanggapO ng anupamang mapang-aping tratoAt pagpaparusang hindi makatao.
ARTIKULO 6
Sa harap ng batas ay dapat kilanlinLahat bilang taos aanman nanggaling.
ARTIKULO 7
Ang lahat ay pantay sa harap ng batasMerong karapatan at lahat ay patasNg walang anupamang diskriminasyonAt sa batas ay may pantay na proteksyon.
ARTIKULO 8
Karapat-dapat na pambansang hukumanAy dapat tumulong sa pangkabuuanSa batayang karapatang ibinigayNg konstitusyon o ng batas na taglayLaban sa mga kilos na lumalabagSa mga karapatang di dapat hungkag
ARTIKULO 9
Di dapat pailalim ang sinupamanSa mga pagdakip na di makatwiranAt sa pagkakulong o pagkakapiitNa sa makaranas ay sadyang masakit.
ARTIKULO 10
Ang lahat ay may karapatang madinigAng kanyang sasabihin at kanyang panigAt matalakay anumang kanyang tindigSa isang patas at hayagang pagdinigNitong isang independyenteng hukumanNa tinitingnang walang kinikilinganSa pagpapasya sa mga karapatan
Leave a Comment