You are on page 1of 15

Pamamaslang sa Maguindanao

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya



Ang artikulong ito ay isang kasalukuyang pangyayari. Maaring mabilis na
mabago ang mga impormasyon sa pagpapatuloy ng pangyayari.
Pamamaslang sa Maguindanao (Masaker sa
Maguindanao)

Ang Autonomous Region in Muslim Mindanao, kung saan nangyari
ang pamamaslang, makikita ang Maguindanao sa kulay na luntian.
Lokasyon Ampatuan, Maguindanao,Mindanao, Pilipinas
Petsa 23 Nobyembre 2009
alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon
(PST, UTC+8)
Target Pamilya Mangudadatu at ang kanilang mga
tagasuporta
Uri ng
paglusob
Masaker o maramihang pamamaslang
Sandata Mga matataas na kalibre ng baril at isang backhoe
Namatay 58 (kumpirmado)
Nasugatan 4 (nakaligtas)
Hinihinalang
salarin
Pamilya Amputuan at kanilang mga milisya
Kalahok mahigit 100
Ang Pamamaslang sa Maguindanao, na kilala rin sa tawag na Masaker sa
Maguindanao o Pamamaslang sa Ampatuan (hango sa pangalan ng bayan kung saan natagpuan
ang mga bangkay), ay isang insidente ng pamamaslang na naganap sa bayan ngAmpatuan sa
lalawigan ng Maguindanao sa pulo ng Mindanao ng Pilipinas noong 23 Nobyembre 2009. Ang
insidenteng ito ay isa sa mga pinakamalubhang kaharasang pampolitika. May tuwirang kaugnayan
ang insidenteng ito sa halalan sa taong 2010.
Humugit-kumulang 64 na ang mga biktima ng insidente habang 4 ang nakaligtas. Dahil marami sa
mga biktima ay mga mamahayag, kinilala iang insidente bilang "pinakamalagim na araw sa
kasaysayan ng pamamahayag". Matapos ang pangyayari, "ang Pilipinas na ang pinakadelikadong
lugar para sa mga mamahayag, daig pa ang Irak".
Mga nilalaman
[itago]
1 Buod
2 Paunang kaalaman
3 Mga naganap
4 Mga biktima
o 4.1 Mga Mangudadatu
o 4.2 Mga mamamahayag
o 4.3 Iba pang nasawi
5 Mga sumunod na pangyayari
6 Mga reaksiyon
7 Mga sanggunian
Buod[baguhin]
Pawang mga politiko at mga tagasuporta ng Pamilya Mangundadatu ang mga biktima na ninais
kalabanin ang Pamilya Ampatuan na kasalukuyang naghahari sa lalawigan. Kabilang sa mga
biktima ang asawa ni bise-alkalde ng Buluan na si Ismael Mangudadatu, Genalyn Tiamzon-
Mangudadatu, ang isa pang bise-alkalde ng parehong bayan na si Eden Mangundadatu na isa ring
kamag-anak, at 34 mamamahayag. Karamihan sa mga namaslang ay mga kababaihan.
[1]

Inatasan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ilagay sa ilalim ng batas militar ng buong
lalawigan. Inalaan na rin ang araw ng 26 Nobyembre bilang isang "Pambansang Araw ng
Pagluluksa" para na rin sa ikapapayapa ng mga namatay. Nagkaroon na rin ng imbestigasyon
ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas ukol sa pangyayari.
[2]

Hinihinalang ang pamilya Ampatuan, kabilang na ang Gobernador ng Maguindanao, Andal
Ampatuan, Sr., at ang kanyang mga anak na sina, Zaldy Ampatuan, Gobernador ngNagsasariling
Rehiyon ng Muslim na Mindanao (ARMM), at Andal Ampatuan, Jr., ang alkalde ng Datu Unsay,
bilang mga utak sa pagpatay. Kabilang naman ang mga pribadong milisya at CAFGU sa mga
pinagsususpetsahang may kinalaman sa pamamaslang.
[3]

Dahil sa kalubhaan ng mga pangyayari, iba't ibang organisasyon sa loob at labas ng bansa ang
nagkondena sa insidente. Kabilang dito ang Kalihim-Heneral ng Mga Bansang Nagkakaisa na
si Ban Ki-moon, ang Unyong Europeo, mga bansang Australya, Britanya, Hapon, Indonesya,
at Estados Unidos, Reporters Without Borders, Amnesty International, Human Rights Watch,
ang Komisyon sa Karapatang Pantao (CHR), ang Bishops-Ulama Conference in Mindanao, at ng
iba't ibang asosasyon ng mga mamamahayag at mga politiko sa Pilipinas.
Hinuli si Andal Ampatuan, Jr. matapos ang ilang araw na imbestigasyon. Isinumite naman si Ismael
Mangudadatu ang kanyang pagkakandidato bilang gobernador noong 27 Nobyembre 2009.
Paunang kaalaman[baguhin]


Ang bayan ng Ampatuan,Maguindanao kung saan naganap ang malagim na pamamaslang.


Ang bayan ng Buluan, Maguindanaona pinamumunuan ni Ismael Mangudadatu.


Ang bayan ng Shariff Aguak,Maguindanao kung saan sanang maghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ang
grupong napatay.
Hawak ng pamilya Ampatuan ang Maguindanao simula sa taong 2001. Itinuturing na kaalyado ng
Lakas-Kampi-CMD at ni PangulongGloria Macapagal-Arroyo ang pamilya ni Andal Ampatuan, Sr. sa
mga lalawigan ng Nagsasariling Rehiyon ng Muslim na Mindanao(ARMM), gaya ng gobernador ng
ARMM na si Zaldy Ampatuan. Dahil sa lakas ng kanilang impluwensiya sa lugar, halos di sila matalo
sa mga halalan nito. Noong pampanguluhang halalan noong 2004, nanalo si Arroyo ng 69% ng mga
boto ng Maguindanao habang noong pangkahalatang halalan sa 2007, ang koalisyon ng pangulo ay
nanalo ng 120 para sa mga halalan para sa mga senador.
[4][5]

Mga naganap[baguhin]
Hinihinalang may kaugnayan ang pangyayari sa nakaambang halalan sa 10 Mayo 2010. Ang grupo
ng mga biktima ay mga politiko na kabilang sa Pamilya Mangundadatu na nakatakda sanang
magpasa ng mga mga papeles sa pagkandidato. Sinamahan sila ng kanilang mga tagasuporta, mga
abogado, at mga mamamahayag. Nais sana nilang kalabanin sa posisyon ang kasalukuyang
gobernador ng Maguindanao na si Zaldy Ampatuan.
[6]

Habang patungo ang grupo ng mga Mangudadatu noong 23 Nobyembre 2009 sa kanilang
destinasyon ay hinarang sila ng isang armadong grupo. Kinalaunan ay di na sila nakitang muli
hanggang sa nahukay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang 21 na katawan, kasama na ang
asawa ng Bise-alkalde Ismael Mangundadatu, mga kababaihan, at mga mamamahayag.
Hinihinalang isang armadong grupo na konektado sa Pamilya Ampatuan ang may kinalaman sa
insidente.
[7]

Ayon sa Pamilya Mangundadatu, inakala ng grupo na ligtas na sila dahil may isang kasulatan
sa Koran na "bawal saktan ang kababaihan". Alam din nilang may kasama silang mga
mamamahayag kaya't maaaring di sila saktan. Tumungo ang asawa ni Bise-alkalde Ismael
Mangudadatu, kasama ang grupo, ng umaga ng araw ng ika-23 ng Nobyembre para magparehistro
para sa kanyang asawa sa pagka-gobernador. Nang ika-9 ng umaga, nakakuha si Bise-alkalde
Mangudadatu ng isang mensaheng teksto mula sa kanyang asawa na may mga 100 armadong
lalaking humarang sa kanila. Hindi na muling nalaman ang kinaroonan ng grupo. Kinalaunan ay
nakahukay angPambansang Pulisya ng Pilipinas ng 21 na bangkay sa isang liblib na lugar sa
lalawigan. Agad kinondena ng pamahalaan ang pangyayari.
[8]

Mga biktima[baguhin]
Kinilala ang mga biktima bilang mga kamag-anak, mga tagasuporta, at mga abogado ng Pamilya
Mangudadatu. Kabilang sa mga ito ang asawa ni Ismael Mangudadatu, na si Genalyn Tiamzon-
Mangudadatu, pati rin ang 34 mamahayag. Higit-kumulang 64 ang kabuuang bilang ng lahat ng
biktima di kasama na ang di pa natatagpuang mga labi. 4 na katao ang nakaligtas sa pagpaslang na
kaslukuyang nagtatago sa pangambang sila'y mamamatay.
[9][10][11][12]
May aabot sa 15 kataong di
kasama sa konboy na nasawi na sakay ng isang pulang Toyota Vios at isang asul na Tamaraw FX.
Kinilala silang mga kawani sa Lungsod ng Tacurong. Himala namang nakaligtas ang 3
mamamahayag na dapat sanay kasama sa konboy.
[13]
Noong, 26 Nobyembre 2009, napabalitang
isang kawani ng UNICEF ang napatay dahil sa insidente.
[14]
Sa araw ng ika-28 ng Nobyembre,
hinihinalang naglalaro sa mga bilang 57 hanggang 64 na katao ang namatay sa pangyayari.
[15][16]

Mga Mangudadatu[baguhin]
Pangalan Paglalarawan
Genalyn Tiamzon-
Mangudadatu
Pamilya Mangudadatu, asawa ni Bise-alkalde ng Buluan Ismael
Mangudadatu
Eden Mangudadatu Pamilya Mangudadatu, kapatid, Bise-alkalde ng Buluan,
Farida Mangudadatu Pamilya Mangudadatu, kapatid, buntis
Farina Mangudadatu Pamilya Mangudadatu, kamag-anak
Manguba Mangudadatu Pamilya Mangudadatu, kamag-anak
Rowena Mangudadatu Pamilya Mangudadatu, kamag-anak
Farida Sabdula Pamilya Mangudadatu, kamag-anak
Concepcion Connie Brizuela Abogado ng Pamilya Mangudadatu
Cynthia Oquendo Abogado ng Pamilya Mangudadatu
Rasul Daud Drayber ng Pamilya Mangudadatu
Mr. Oquendo Ama ni Cynthia Oquendo
Mga mamamahayag[baguhin]
Pangalan Paglalarawan
Bart Maravilla Bombo Radyo Koronadal, mang-uulat
Andy Teodoro Central Mindanao Inquirer & Mindanao Examiner, manunulat
Henry Araneta DZRH, mang-uulat
Nap Salaysay DZRO, manedyer
Ian Subang Didiangas Times
Leah Dalmacio Forum, manunulat
Joy Duhay Goldstar Daily, manunulat
Alejandro "Bong"
Reblando
Manila Bulletin, manunulat
Maritess Cablitas
Mindanao Focus (isang lingguhang pahayagan sa General Santos City) & Today,
manunulat
Gina dela Cruz Mindanao Focus & Today, manunulat
Rey Merisco MindaNews, manunulat
Neneng Montao Saksi (lingguhang pahayagan) & Today, manunulat
Bienvenido "Jun" Lagarte Sierra News, manunulat
Macario "Macmac"
Arriola
UNTV, kameraman
Jimmy Cabillo UNTV, mang-uulat
Victor Nuez UNTV, mang-uulat
Daniel Tiamson UNTV, tsuper
Val Cachuela Mamamahayag mula sa Lungsod ng Koronadal
Humberto Mumay Mamamahayag mula sa Lungsod ng Koronadal
Ronnie Perante Mamamahayag mula sa Lungsod ng Koronadal
Art Belia Malayang mamamahayag
John Caniba Malayang mamamahayag
Noel Decena Malayang mamamahayag
Joel Parcon Malayang mamamahayag
Ranie Razon Malayang mamamahayag
Iba pang nasawi[baguhin]
Pangalan Paglalarawan
Eduardo Lechonsito Kawani sa Lungsod ng Tacurong
Mercy Palabrica Kawani sa Lungsod ng Tacurong
Daryll delos Reyes Kawani sa Lungsod ng Tacurong
Cecille Lechonsito Asawa ni Eduardo Lechonsito
Wilhelm Palabrica Drayber
Mga sumunod na pangyayari[baguhin]
Dahil sa insidente idineklara ang isang "State of Emergency" o Katayuan ng Kagipitan sa mga
lalawigan ng Maguindanao, Sultan Kudarat, at Lungsod ng Cotabato. Nagsagawa ng isang
imbestigasyon ang PNP para matugis na ang mga salarin. Ipinagbawal na rin ang paggamit ng mga
armas sa mga lugar na kalapit doon. Inatasan na rin ng pamahalaan ang Comelec na ilipat sa ibang
lugar ang pagpasa ng pagkandidato.
[17]

Sa mga paunang imbestigasyon, hinihinalang may kaugnayan sa halalan sa taong 2010 ang
insidente. Sinasabing may kinalaman ang nagaganap na away-pamilya sa lalawigan. Ang Pamilya
Ampatuan, na kasalukuyang namumuno sa Nagsasariling Rehiyon ng Muslim na Mindanao ang
itinuturong mga utak sa mga pagpaslang. Wala silang binigay na sagot tungkol sa mga
alegasyon.
[18]
Sa araw ng 25 Nobyembre 2009, tinanggalan ng pagka-miyembro mula sa Partido
Lakas-Kampi-CMD ang lahat ng miyembro ng Pamilya Ampatuan, kabilang na si Andal Ampatuan,
Sr., Andal Ampatuan, Jr., at si Zaldy Ampatuan.
[19]
Samantala, napagdesisyunan ng Senado ng
Pilipinas na magsagawa ng sariling imbestigasyon sa Pamilya Ampatuan.
[20]
Binuwag naman ang
samahang CAFGU dahil sa hinalang may kaugnayan sila sa natapos na karahasan habang
nagtatag naman ng isang espesyal na tribunal ang pamahalaan para masusing maimbestigahan
ang insidente.
[21]
Nagpalabas naman ng isang paalala na mag-ingat ang kanilang mga mamamayan
sa pagpunta sa Mindanao at Kapuluan ng Sulu.
[22]

Dahil sa kalubhaan ng pangyayari, idineklara ang araw ng ika-26 ng Nobyembre bilang
"Pambansang Araw ng Pagluluksa". Maraming mga mamamahayag ang nagbigay ng kanilang
pakikiramay sa mga biktima sa pamamagitan ng pagtirik ng mga kandila at pagmartsa para sa
hustisya.
[23]
Nakiramay rin ang din ang mga malalaking estasyon na GMA Network at ABS-
CBN.
[24][25]

Noong ika-26 ng Nobyembre hinuli at kinasuhan ng mga kasong pagdakip, pagpaslang, at
pagnanakaw si Andal Ampatuan, Jr. dahil sa naganap na insidente. Mariin niyang itinanggi ang mga
paratang laban sa kanya at ipinasa ang mga akusasyon sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Maliban sa kanya may halos 20 pang katao ang kinasuhan kabilang na ang ilang opisyal ng pulisya
at militar.
[26]
Itinanggi naman MILF na may kinalaman sila sa insidente at sinang-ayunan ito ng
pamahalaan ng Pilipinas. Sinabi naman ng Pamilya Mangudadatu na imposibleng maging kabilang
ang bandidong grupo sa pamamaslang.
[27]

Matapos ang apat na araw mula sa insidente, naghain ng kanyang pagkakandidato si Ismael
Mangudadatu. Sinabi niyang para ito sa namayapa niyang asawa at nangangako siyang ibabalik
niya ang "kalayaan at katarungan" sa lalawigan. Nagpahayag naman ang iba't ibang mga pulitko na
nararapat imbestigahan ng Mga Bansang Nagkakaisa ang insidente.
[28][29]
Tinaas na ang seguridad
sa Maynila dahil sa insidente, lalo na't ninanais ng marami na doon na ganapin ang paglilitis tungkol
sa kaso.
[30]
Sa araw naman ng Eid Al-Adha, binatikos ng mga kapwa Muslim ang pangyayari.
Matapos ang ilang araw na imbestigasyon, nakasuhan si Andal Ampatuan, Jr. ng patung-patong na
kaso ng pamamaslang, pagnanakaw, at iba't iba pang mga krimen. Ipinagbawalan naman sa pag-
alis ng bansa ang kanyang kamag-anak habang hindi pa tapos ang imbestigasyon sa kaso.
[31]
Sa
unang araw ng buwan ng Disyembre, sinimulan nang kasuhan at hulihin ang iba pang miyembro ng
Pamilya Ampatuan.
[32]
Noong ika-5 ng Disyembre, ipinatingin sa isang duktor sa Lungsod ng
Davao si Andal Ampatuan, Sr. para matiyak ang kundisyon ng kanyang kalusugan.
[33]

Sinimulang idismantelya ng pamahalaan ang mga armadong grupo sa lalawigan matapos maganap
ang pangyayari habang ang lahat ng tauhan ng pulisya sa lalawigan ay sinibak at pinalitan ng
panibagong mga tauhan.
[34]
Nakakuha naman iba't ibang klase ng kalibre ng armas (na aabot sa
daan-daan) ang mga autoridad na nag-iimbestiga sa mga tahanan ng mga Ampatuan. Noong ika-
5 ng Disyembre, idineklara ang Batas Militar sa buong lalawigan na binatikos naman ng iba't ibang
sektor ng lipunan.
[35][36]
Dahil sa mga pagdedeklara ng Batas Militar, hinikayat ng Commision on
Human Rights na respetuhin ng lahat ng sangkot sa imbestigasyon na respetuhin ang mga
karapatang pantao ng mga mamamayan ng Maguindanao.
[37]
Nagkaroong naman ng pagdududa
kung may naganap ngang panggagahasa sa insidente.
[38]

Matapos isailalim sa Batas Militar ang lalawigan ng Maguindanao mailban sa mga lugar na saklaw
at sakop ng MILF, kinontra ito ng ilang mga politiko dahil sa mahina daw ang mga dahilan para
dito.
[39]
Nagpalabas naman ang pamahalaan ng mga alituntunin na nararapat sundin ng militar at
pulisya sa kalagayang ito.
[40]

Mga reaksiyon[baguhin]
Kaagad nagbigay ng reaksiyon ang Malacaang tungkol sa insidente. Ayon sa kanila, nagulat at
nabigla ang Palasyo dahil dito. Inatasan ni Pangulong Arroyo na ilagay sa "State of Emergency" ang
buong lalawigan. Bantay-sarado ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sakaling may mahanap pang
mga bagong bangkay. Nagbigay naman ng pahayag ang National Union of Journalists of the
Philippines na ikinalulungkot nila ang mga pangyayari at kinokondena nila ang insidente. Inaasahan
nilang malulutas ng pamahalaan ng Pilipinas at ng Autonomous Region in Muslim Mindanao ang
nangyaring ito. Ipinaalala din nilang isa itong malaking pagsubok sa demokrasya ng bansa at sana'y
mabigyan pa ng mas mahusay na proteksiyon ang lahat ng mamamayan sa bansa, lalo na ang mga
mamamahayag.
[41]

Kinondena din ng Reporters Without Borders ang mga pamamaslang at sinabing isang "malagim na
araw ito para sa mga mamamahayag". Nakisimpatiya din sila sa lahat ng mga mamamahayag sa
buong Pilipinas lalo na't may patunay nang mapanganib ang kanilang larangang pinili.
[42]
Naglabas
din ng pahayag ang Amnesty International na kinokondena nila ang pangyayari at hinikayat nila ang
pamahalaan na magsagawa ng isang imbestigasyon ukol sa insidente.
[43]
Sinabi naman ng Human
Rights Watch na agaran at mabilisan dapat mapaimbestiga at malutas no Pangulong Arroyo ang
insidente.
[44]
Kinilala naman ng Committee to Protect Journalists ang pangyayari bilang
pinakamadugong pangyayari sa kasaysayan" ng kanilang talaan.
[45]

Nagbigay na ng reaksiyon ang Commision on Human Rights tungkol sa pangyayari. Ayon sa kanila,
"malahalimaw" ang mga gumawa ng karumaldumal na pangyayari. "Walang kapantay sa
kasaysayan ng Pilipinas" ang naganap na pamamaslang. Mariin daw nilang" kinokondena ang
pangyayari lalo na ang napabalitang pagpugot, pagkatay, at paggahasa sa mga
biktima.
[46]
Nagpahayag naman ang Bishops-Ulama Conference in Mindanao na mariin nilang
tinututulan ang pagdakip at pagpatay sa mga biktima at nakikisimpatya sila sa mga pamilyang ng
mga namatay sa pamamagitan ng pag-alay ng mga dasal.
Dahil sa kalagiman ng mga pangyayari, nagbigay na ng iba't ibang pahayag ang mga internasyunal
na organisasyon. Ayon sa Unyong Europeo, kinokondena nila ang mga pangyayari at inaatasan nila
ang pamahalaan ng Pilipinas na imbestigahan kaagad ito.
[47]
Nakisimpatiya na rin ang Mga Bansang
Nagkakaisa sa pamamagitan ni Ban Ki-moon sa mga biktima ng insidente. Sinabi naman ng
International Federation of Journalists na ikinalulungkot nila ang mga nangyari at isinaad na
"ang Pilipinas na ang pinakadelikadong lugar para sa mga mamamahayag, daig pa
ang Irak".
[48]
Ipinaalala naman ng Human Rights Watch na sana'y maging patas ang Pangulong
Arroyo sa imbestigasyon.
[49]
Nagbigay na rin ng mensahe si Kristie Kenney ng Embahada
ng Estados Unidos at sinabi niyang isang "brutal at di-makataong paglabag sa karapatang
pantao at demokrasya ang pangyayari". Inaasahan nilang magiging mabilis at patas ang padala
ng hustisya.
[50]
Nabigay na rin ng pakikiramay ang mga bansang Awstralya, Britanya, Hapon,
atIndonesya.
[51]

Mga sanggunian[baguhin]
1. Jump up "Arroyo vows justice as massacre toll hits 57".
Inquirer.net. 25 Nobyembre 2009. Nakuha noong 25 Nobyembre
2009.
2. Jump up "Death toll rises to 57 in Philippines". CNN. 25
Nobyembre 2009. Nakuha noong 24 Nobyembre 2009.
3. Jump up "Philippines: Arrests likely soon in killings". CNN. 25
Nobyembre 2009. Nakuha noong 25 Nobyembre 2009.
4. Jump up "Maguindanao governor modern-day Godfather".
INQUIRER.net. 2007-03-14. Nakuha noong 2009-11-27.
5. Jump up "21 killed in Maguindanao". INQUIRER.net. 2009-11-24.
Nakuha noong 2009-11-27.
6. Jump up 21 Filipinos Are Reported Dead in Election Violence.
Conde, Carlos H. 23 Nobyembre 2009. New York Times. 23
Nobyembre 2009.
7. Jump up Philippines political violence leaves 21 dead. 15:42
GMT, Monday, 23 Nobyembre 2009. BBC News. nakuha noong 23
Nobyembre 2009.
8. Jump up Maguindanao massacre claims at least 36 lives. 23
Nobyembre 2009. GMA News. 23 Nobyembre 2009.
9. Jump up Philippines Declares Emergency After Violence. Conde,
Carlos H. 24 Nobyembre 2009. New York Times. 24 Nobyembre
2009.
10. Jump up "Slain lawyers among most ardent peace advocates in
Mindanao". 24 Nobyembre 2009. Philippine Daily Inquirer. 24
Nobyembre 2009.
11. Jump up Emergency rule in 2 provinces, 1 city. Dalumpines , Jose
G. 25 Nobyembre 2009. Mindanao Examiner. Nakuha noong 25
Nobyembre 2009.
12. Jump up Philippines massacre: journalists' death toll rises to 21.
Greens, Roy. 25 Nobyembre 2009. the Guardian. Nakuha noong
25 Nobyembre 2009.
13. Jump up "Innocent motorists among massacre victims in
Ampatuan". GMANews.tv. 25 Nobyembre 2009. Nakuha noong 25
Nobyembre 2009.
14. Jump up UN man shot dead near Philippine massacre: police. 24
Nobyembre 2009. Agence France Pressse. 24 Nobyembre 2009.
15. Jump up Massacre death toll reaches 64. 28 Nobyembre 2009.
Philippine Daily Inquirer. 28 Nobyembre 2009.
16. Jump up "List of victims in Maguindanao massacre".
17. Jump up 4 survivors tag Ampatuans in Maguindanao massacre.
24 Nobyembre 2009. GMA News. 24 Nobyembre 2009.
18. Jump up Maguindanao massacre toll rises to 39. 24 Nobyembre
2009. ABS-CBN News. 24 Nobyembre 2009.
19. Jump up Ampatuans kicked out of Lakas-Kampi over massacre.
25 Nobyembre 2009. GMA News. 25 Nobyembre 2009.
20. Jump up Senate probe on Maguindanao massacre sought. 25
Nobyembre 2009. Philippine Daily Inquirer. 25 Nobyembre 2009.
21. Jump up "DOJ creates panel on Maguindanao massacre". ABS-
CBN News. 24 Nobyembre 2009. Nakuha noong 24 Nobyembre
2009.
22. Jump up "Travel Alert: Philippines". United States Department of
State. 24 Nobyembre 2009. Nakuha noong 24 Nobyembre 2009.
23. Jump up Day of mourning declared for massacre victims. 25
Nobyembre 2009. GMA News. 25 Nobyembre 2009.
24. Jump up Statement of GMA Network on the Maguindanao
massacre. 25 Nobyembre 2009.GMA News. 25 Nobyembre 2009.
25. Jump up ABS-CBN statement on the Maguindanao massacre. 25
Nobyembre 2009. ABS-CBN News. 25 Nobyembre 2009.
26. Jump up 9 Ampatuans suspects in Maguindanao massacre. 26
Nobyembre 2009. ABS-CBNNews. 26 Nobyembre 2009.
27. Jump up MILF Denies Ampatuans Claims. 27 Nobyembre
2009. ABS-CBN News. 27 Nobyembre 2009.
28. Jump up Sexual Mutilation Alleged in Philippines Massacre. 27
Nobyembre 2009. New York Times. 27 Nobyembre 2009.
29. Jump up Leftwing solons hit Arroyos kid-gloves treatment for
Ampatuans. 27 Nobyembre 2009. Philippine Daily Inquirer. 27
Nobyembre 2009.
30. Jump up in MManila on heightened alert over Ampatuan
detention. 27 Nobyembre 2009. GMA News. 27 Nobyembre 2009.
31. Jump up Philippines massacre suspects placed on watch list. 3
Disyembre 2009. BBC News. 3 Disyembre 2009.
32. Jump up Main suspect in Philippines massacre charged. 1
Disyembre 2009. BBC News. 1 Disyembre 2009.
33. Jump up Ampatuan Sr. admitted for medical check up in Davao. 4
Disyembre 2009. Manila Bulletin. 5 Disyembre 2009.
34. Jump up Over 1,000 cops sacked, 400 militiamen disarmed in
Maguindanao. 5 Disyembre 2009. GMA News. 5 Disyembre 2009.
35. Jump up Martial law in Philippines province after massacre. 5
Disyembre 2009. BBC News. 5 Disyembre 2009.
36. Jump up Ampatuan armory found. 4 Disyembre 2009. Manila
Bulletin. 5 Disyembre 2009.
37. Jump up Human rights chief urges 'extra vigilance'. 5 Disyembre
2009. ABS-CBN News. 5 Disyembre 2009.
38. Jump up DOJ: Rape charges can be filed vs perpetrators of
massacre. 4 Disyembre 2009.GMA News. 5 Disyembre 2009.
39. Jump up FVR: Arroyo repeating Marcos mistakes in martial law
declaration. ika-7 ng Disyembre. ABS-CBN News. Nakuha noong
ika-7 ng Disyembre.
40. Jump up Armed services issue rules of conduct for troops
implementing martial law. ika-6 ng Disyembre. Manila Bulletin.
Nakuha noong ika-7 ng Disyembre.
41. Jump up Maguindanao massacre. Mananghaya, James. 23
Nobyembre 2009. Philippine Star. nakuha noong 23 Nobyembre
2009.
42. Jump up Twelve journalists killed on Mindanao island in "dark day
for press freedom". 23 Nobyembre 2009. Reporter Sans Frontiers.
nakuha noong 23 Nobyembre 2009.
43. Jump up Abduction and killings of journalists and politicians in the
Philippines must be investigated. 23 Nobyembre 2009. Amnesty
International. nakuha noong 23 Nobyembre 2009.
44. Jump up Philippines: Massacre Shows Arroyos Failure to
Address Impunity. 24 Nobyembre 2009. Human Rights Watch.
nakuha noong 24 Nobyembre 2009.
45. Jump up Philippines: Maguindanao death toll worst for press in
recent history. 25 Nobyembre 2009. Committee to Protect
Journalists. nakuha noong 25 Nobyembre 2009.
46. Jump up Mrs. Arroyo declares state of emergency in 2 provinces
and 1 city. 24 Nobyembre 2009. Manila Bulletin. nakuha noong 24
Nobyembre 2009.
47. Jump up "EU condemns 'barbaric' Philippines massacre".
Canwest News Service. 24 Nobyembre 2009. Nakuha noong 24
Nobyembre 2009.
48. Jump up "UN chief condemns massacre; body count now at 52".
Manila Bulletin. 24 Nobyembre 2009. Nakuha noong 24
Nobyembre 2009.
49. Jump up "Philippines 'poll-related' deaths reach 57". BBC News.
24 Nobyembre 2009. Nakuha noong 25 Nobyembre 2009.
50. Jump up "Death toll in Philippines massacre rises". the Guardian.
25 Nobyembre 2009. Nakuha noong 24 Nobyembre 2009.
51. Jump up "World condemns Maguindanao massacre". GMA News.
25 Nobyembre 2009. Nakuha noong 25 Nobyembre 2009.
Mga kategorya:
Halalan sa Pilipinas
Kasaysayan ng Pilipinas
Korupsiyon sa Pilipinas
Mga pinaslang na mamamahayag sa Pilipinas
Krimen sa Pilipinas
Mga kalamidad noong 2009
2009 sa Pilipinas
Menu ng paglilibot
Lumikha ng account
Mag-login
Burador ko
Artikulo
Usapan
Basahin
Baguhin
Kasaysayan
Punta

Unang Pahina
Mga nilalaman
Napiling nilalaman
Mga kaganapan
Alinmang artikulo
Pakikihalubilo
Patungkol
Pamayanan
Kapihan
Mga huling binago
Magkaloob
Makipag-ugnayan
Tulong
Mga kagamitan
Mga nakaturo rito
Kaugnay na mga pagbabago
Mga natatanging pahina
Bersyong maililimbag
Palagiang kawing
Page information
Wikidata item
Sumangguni
Sa ibang wika
Azrbaycanca
Deutsch
English
Espaol
Suomi
Franais

Norsk bokml
Ting Vit


Baguhin ang mga kawing
Huling pagbabago: 06:53, 1 Pebrero 2014.
Magagamit ang teksto sa ilalim ng Lisensyang Creative Commons Attribution/Share-
Alike; maaaring mailapat ang karagdagang termino. Tingnan ang Takdang Gamit para sa
mga detalye.
Patakaran sa paglilihim
Tungkol sa Wikipedia
Mga pagtatanggi
Developers
Bersiyong pantelepono

You might also like