dakilang Makata.Kailangan ngang kung ano ang akda ng dakilang Makata ay siyang papanatilihing buhay magpakailan man,walang munti mang pagbabago, sa maging labis man o kulang, kahi't mali mang nakikita. Ni isang titik, niisang kuwitmaliban na nga lamang kung hindi maiwasan dahil sa makapangyarihang atas ng panibagongalituntunin sa pagsulat.Sinasabing ni saan man ay wala na ngayong matatagpuang isa mang salin ng "Floranteng" limbag noongbuhay pa si Balagtas, at may paniwalang ang iniingatan ni Dr. Pardo de Tavera ay siyang matanda sa lahatnang nakatago ngayon; nguni't sa kagandahang palad ay sumakamay namin ang isang salin ng lumabas noong1861, linimbag sa papel Tsina ng "Imprenta de Ramirez y Giraudier", at sa kanyang takip na papelkatalantakip na ilinagay lamang ng maingat na may-ariay nakatitik ito: "Es propiedad de Don JoseDioniso de Mendoza". Si Balagtas ay namatay noong ika 20 ng Pebrero ng 1862, sa gulang namagpipitongpu't apat na taón. Kaya, maliwanag, na buhay pa si Balagtas ng limbagin nina Ramirez ang"Floranteng" sumakamay namin, at matanda pang di hamak sa iniingatan ni Dr. Tavera, sapagka't ang kanyaay limbag lamang noong 1870 ng "Imprenta de B. Gonzales Mora" sa Binundok. Siyam na taón nga angkatandaan dito. At kung aalagataing buháy pa nga si Balagtas noong 1861 ay walang alinlangang dahil sapagpipitagan man lamang sa noon pa ma'y itinuturing nang "Hari ng mga Manunula", ang sumakamay naminay di pa "napanghihimasukan ng kamay ni Sigesmundo",Ang saling iyan ay wala na sa amin, pagka't hindi amin. Naipagparanya lamang sa amindahil sa paglabasnoong 1906 ng "kun sino ang kumatha ng Florante"ng noo'y nag-aaral pa sa "Escuela de Derecho" atngayo'y abogado Alfonso Mendoza, masugid na demokrata; at sa likod ng ilang buwang pag-iingat at pagsipinamin ay pinagpilitang bawiin ng nagpahiram, dahil sa minamahal daw mabutí ng kanyang ama, palibhasa'ysa mga nuno pa nila minana. Isinauli rin nga namin, sa likod ng kung makailang pagwawalawalaan.At kamakailang maitanong namin uli sa abogado Mendoza ay ganito ang isinagot:Aywan bagá kung saan na naroon. Tila sira na ang mga unang mukha.Kaya, nang paroonan ni Epifanio ay aywan kung nakuha niya o hindi....Si G. Epifanio de los Santosang dalubhasang istoriograpo, ang guro, ang akademiko, ang sumakastila ng"Florante"ay siyang tinutukoy. Kami ang sa kanya ay nakapagpahiwatig, upang mapawi ang malingpaniwala, na "wala na ngayong Floranteng limbag nang buháy pa si Baltazar." At dahil diyan ay walangsalang nagdumaling paroon, upang makuhasa paano manang mahalagang hiyas ng Literaturang Tagalogna pinakamamahal niya. Sakaling nakuha niya, kahi't na nga sira-sira, ay dapat ipagpasalamat, sapagka'tparang napalagay sa "kabang may pitong susi"; nguni't kung hindi, at kung natuluyan na ngang nasira, aytunay na kahinahinayang.Kahinahinayang! Tunay na kahinahinayang!...Sakaling nasira na nga.Nguni't gayon man ay may sukat na rin tayong dapat ikaaliw; ang siping naingatan namin. Pagkakapag-ingat,na maituturing nating isa na ring tunay na kapalaran, at siping walang munti mang pagbabago, palibhasa'ypinag-ingatan naming ilagay pati ng kanyang maliliwanag na kamalian sa limbagan at di dinagdagan, nikinulangan, ng kahi't na ano.At ang siping iyang sa huli'y linagyan namin ng mga paliwanag ay siyang ngayo'y inihahandog namin satanang magiliwin at mapagmahal sa walang kamatayang "Florante at Laura".The Project Gutenberg eBook of FLORANTE AT LAURA, by FRANCISCO BALTAZAR.PAUNANG SALITA3
Add a Comment