www.islamhouse.com
3
PASIMULAAng lahat ng Papuri at Pasasalamat ay tanging sa Allah lamang, ang Panginoonng mga Daigdig. Nawa’y ang Kanyang pagpapala ay mapasa Kanyang Huling Sugo atPropeta na si Muhammad, sa lahat ng kanyang mga kasamahan, at sa lahat ngtumatahak sa tamang landas hanggang sa Huling Araw.Noon pa mang Kristiyano ako, naging inspirasyon ko na ang maglingkod atmagbigay tulong sa kaninuman sa pamamagitan ng pagtatanghal ng mga charityaffairs. Nang yumakap ako sa Islam, higit kong natagpuan at nadama ang tunay nadiwa ng kawanggawa. Higit palang makabuluhan ang lahat ng gawain kung ito aytuwirang nakalaan bilang paglilingkod sa Diyos (Allah)---ang ating PanginoongTagapaglikha. Isang pag-lilingkod na hindi naghihintay ng anumang materyal nakabayaran mula sa kaninumang tao. Bilang isang Muslim, hangad ko lamangmakamtan ang pagpapala ng Allah (Subhanahu wa Ta’ala) at maging karagdagangkabutihan nawa sa akin sa Araw ng Paghuhukom. Sa kasalukuyan, naglilingkod akobilang President of Philippine Association for Muslimah, Dar Al Eeeman, Inc.(PAMDAE, Inc.).Ang paglathala ng isang maikling babasahing tumatalakay sa mga kasaysayanng ilang kababaihang yumakap sa Islam ang siyang unang proyekto ng nasabingkapisanan. Nais kong ibahagi sa mga mambabasa kung ano ang damdamin ng isangbabaing yumakap sa Islam.Sa kabila ng labis na kalantaran ng lipunan at masalimuot na kalakaran ngbuhay, mayroon pa ring kababaihang may pagpapahalaga sa kanilang dangal atnaghahangad ng ganap na katiwasayan ng buhay. Mga babaing handang lisanin attalikdan ang nakagisnang tradisyon at kaugalian makamtan lamang ang tunay nakahulugan ng buhay. Hindi nasusukat ang kapayapaan sa kinang ng salapi, kislap ngyaman at makabagong pamumuhay. Higit na matatagpuan ang ningning ng buhay nahandog ng Islam sa mga kaninumang naghahanap ng tunay na kapanatagan ngbuhay.Sa kabila ng maraming paninira at panunuligsa ng mga kaaway ng Islam,nananatili itong isang wagas na relihiyon sa gitna ng masalimuot na agos ng mundo.Ang Islam ay patuloy na niyayakap ng iba’t ibang lahi sapagka’t nababatay ito sa likasna katuwiran at kaisipan ng tao. Hindi magtatagumpay ang anumang kasiraanginiuukol dito sapagka’t ang Diyos na Tagapaglikha ang Siyang nagtangi nito para sasangkatauhan.Maraming relihiyon ang nagsulputan sa buong mundo, masigla sa simula nguni’tnang lumaon isa-isang naglalaho--- sapagka’t itinatag lamang ng tao ang mga ito.Walang karapatan ang sinumang tao na magtatag ng relihiyon sapagka’t ang tunay nakahulugan ng relihiyon ay pamamaraan ng buhay tungo sa kapayapaan at kaligtasan.Sino ba namang tao ang maaaring gumawa ng mga panuntunan para sa kapwa niyanilikha rin? Ang Dakilang Lumikha (Allah) lamang ang may Ganap na Karunungan salahat ng bagay at tanging nakababatid sa pangangailangan ng Kanyang mga nilikhamaging materyal man o espirituwal. Siya lamang ang makapagbibigay ng ganap napamamaraan ng buhay sa kanila. Kaya’t sinumang nagnanais ng kapayapaan atkaligtasan, ang tanging kailangan ay malinis na hangarin, at pagkilala sa Diyos (Allah)kaalinsabay ng matapat na paglilingkod sa Kanya. Ang Islam lamang ang nagtataglayng mga alituntunin upang magampanan ito.
Leave a Comment