You are on page 1of 1

LAYUNIN:

Ang layunin ng pamanahong papel na ito ay upang


mapukaw ang mga tao tungkol sa isang problemang inaakala ng
mga nakakarami ay nakakatulong sa pagunlad nila sa buhay. Iyon
palay nagiging isang salot sa pamilyang Pilipino. Para mapakita
ang mga epekto ng sugal sa emosyonal, physical, at mentalidad
ng isang pamilyang Pilipino. Para matuldukan na itong gawain na
ito para wala nang pamilyang masisira at wala nang batang
masisira ang kinabukasan sapagkat ang kabataan ang
kinabukasan ng ating bayan. Isa ring layunin ng pamanahong
papel na ito ay para hikayatin and mga Pilipino na huwag nang
magbakasakali sa mga ganitong laro dahil unang- una walang
katiyakan kung silay mananalo o di naman kayay malulugi
lamang. Para hikayatin na magtrabaho nalamang ang mga tao
kung saan sila pwede makakita ng pera na hindi dahil sa
pandaraya. Para bigyang linaw ang mga katanungan tungkol sa
sugal at para maintindihan at maunawaan nila ito. Para magbago
na ang tingin ng mga tao tungkol sa isang bagay na hindi naman
nakakatulong. Para mas maiintindihan and kalagayan ng mga
pamilya ng mga Pilipinong nalululong sa bisyong ito. Para maging
mas disiplinado na ang mga tao sa kanilang pera dahil and pera
ay mahirap pagkakitaan kayat dapat pahalagahan. Para bigyang
pahalaga and isyung ito na siyang sumisira sa economiya ng
Pilipinas at sa mga pamilyang Pilipino. At sa huliy para mapakita
sa mga mambabasa na ang labis na pagkahumalig sa isang
materyal na bagay at pera ay isang paglabag sa mga utos ng
Diyos dahil ang tao ay dapat may iisang hari lamang sa kanilang
buhay at yon ay hindi and mga walang kwentang materyal na
bagay o di kayay pera.

You might also like