You are on page 1of 2

1. Ano ang Humanismo? Anu-ano ang katangian ng humanismo batay sa mga prinsipyo nito?

Saan galing ang


salitang humanitas? Anu-ano ang mga katangian ng mga humanists?
2. Paano nito itinuturing ang katauhan ng isang tao?
3. Paano dapat kumilos ang isang ganap na tao? Anu-ano ang mga katangian ng isang ganap na tao?
4. Ano ang birtud? Magbigay ng halimbawa at kung paano ito maipapakita o isasagawa.
5. Anu-anong mga bagay ang pinapahalagahan ng humanists? Ano ang kanilang pangmalas sa relihiyon?
HUMANISMO
Inilalapat sa ibat ibang paniniwala, pamamaraan at pilosopiya na nakasentro sa tao. Kadalasan, ang
salitang ito ay ginagamit sa sistema ng edukasyon at sa paraan ng pagsisiyasat na nagsimula sa
Hilagang Italya noong ika-14 na siglo at kinalaunan ay kumalat sa Europa at England. Kilala rin ito sa
tawag na Renaissance Humanism, isang programang malawak at malalim ang impluwensya na isa ito sa
mga dahilan kung bakit mahalaga ang panahon ng Renaissance sa kasaysayan.
Pilosopiyang nakabatay sa paniniwala sa kahalagahan ng tao at pagpapakatao.
Nauugnay sa repormang panlipunan
kilusang kultural para sa muling panunumbalik ng kaalamang Griyego at Romano
Etymolohiya
Nagmula sa salitang humanitas na nangangahulugang pagkabuo ng birtud ng tao.
Unang ginamit ng mga iskolar na German noong ika-19 na siglo upang bigyang diin ang pagtatalaga ng
Renaissance sa mga pag aaral na klasikal sa edukasyon.
Nakasentro ang Renaissance sa ideya ng humanitas.
Ang Renaissance humanism ay nangangahulugan din pagbabalik sa mga klasiko.

BATAYANG PRINSIPYO AT PAGGAWI
Classicism. Pagbabalik sa mga lumang kinagawian.
Si Petrarch ang kinikilala bilang unang tagapagtaguyod ng kilusang humanismo ay nagpakita ng kanyang mga
damdamin sa kanyang mga akda para kay Cicero at Livy.
Realism. Itinatakwil ang mga tradisyonal na paniniwala at itinaguyod ang pagsusuri ng tuwiran at kung ano
ang aktwal na naranasan.
Pagsusuri sa mga detalye. Ang mga humanists ay mahilig sa detalye at punain ang sari-saring bagay. Sa
katunayan, nabigyang pansin ang Matematika sa Renaissance dahil na rin sa mabusising mga proseso at
operasyon nito.
Ang indibidwal at ang dignidad ng tao. Ang mga humanista ay naniniwala na lahat ng tao ay natatangi, at
walang pare-parehong indibidwal. Ayon kay Giovanni Pico della Mirandola, sa kanyang akda na Oration on
the Dignity of Man, Ang katauhan ay walang nakatakdang katangian, o limitasyon ng Diyos, bagkus, siya ay
malaya upang hanapin ang kanyang sarili at gumawa ng sarili niyang kapalaran.
Aktibong birtud. Ayon sa mga humanista, ang mga tao ay dapat sundin ang kanilang mga birtud. Ayon kay
Alberti, sa kanyang akdang On the Family, Sabi ko nga, ang kaligayahan ay hindi makakamit ng walang
makatuwiran at matuwid na gawa. Ang pinakamagaling na mga kilos ay yaong madami ang nakikinabang.
Ayon naman kay Matteo Palmieri, Ang totoong kapakinabangan sa birtud ay nakasalalay sa kilos na may bisa,
at hindi ito maaring mangyayari kung walang sapat na kakayahan ang isang tao. Kung sino ang wala ay hindi
maaring magbigay. Si Palmieri ay isang humanista na naniniwala na ang mundo ay nakatalaga upang subukin
ang birtud ng isang tao.
1. Ano ang Humanismo? Anu-ano ang katangian ng humanismo batay sa mga prinsipyo nito? Saan galing ang
salitang humanitas? Anu-ano ang mga katangian ng mga humanists?
2. Paano nito itinuturing ang katauhan ng isang tao?
3. Paano dapat kumilos ang isang ganap na tao? Anu-ano ang mga katangian ng isang ganap na tao?
4. Ano ang birtud? Magbigay ng halimbawa at kung paano ito maipapakita o isasagawa.
5. Anu-anong mga bagay ang pinapahalagahan ng humanists? Ano ang kanilang pangmalas sa relihiyon?
Sa akda naman ni Franco Rabelais na Gargantua, isinalaysay nya ang kuwento ng Prayle Juan na iniligtas ang
isang monastery mula sa mga manananalakay, habang ang kanyang mga kasamahang monghe ay nagsisisiawit
at sumasambit ng mga Latin na dasal. Isa itong pagpuna sa kawalan ng aksyon ng mga taong relihiyoso.

Sanggunian:
Encyclopedia Britannica
World History nina Zaide & Zaide
Oxford Encyclopedia

You might also like