• Embed Doc
  • Readcast
  • Collections
  • CommentGo Back
Download
Cahangahangang
Buhay
Ni Santa Margarita de Cortona na taga Toscana sa nayon ng Diocesis at limang Virgenes, at apat na puong
Soldados na pauang mga m\u00e1rtires at ibang nadamay.
Hinango sa A\u00f1o Cristiano at sa Librong
HISTORIA SAGRADA
Na tinula ng\u0303isang mauilihin na si
Cleto R. Ignacio
Concepcion, Malabon, Rizal.
SIPI SA TUNAY NA LIBRO
1916
LIMBAGAN AT MGA AKLATAN
ni
P. Sayo Balo ni Soriano

Rosario 225, Plaza del Conde 1008, Binundok
at Azc\u00e1rraga 552, Tundo
Maynila. K. P.

TALAAN NG NILALAMAN
SAMO SA BABASA
\u2022
Puno nang Salita
\u2022
Capitulo 1.\u00ba
\u2022
Capitulo 2.\u00ba
\u2022
Capitulo 3.\u00ba
\u2022
Capitulo 4.\u00ba
\u2022
Capitulo 5.\u00ba
\u2022
Capitulo 6.\u00ba
\u2022
Capitulo 7.\u00ba
\u2022
BUHAY NANG MARTIRES
\u2022
STA. CATALINA MARTIR
\u2022
SANTA POTAMIANA
\u2022
SANTA AGUEDA MARTIR
\u2022
SANTA TEODORA MARTIR
\u2022
Apat na pung sundalong Martir
\u2022
Cahangahangang Buhay
1
SAMO SA BABASA

Icaw na may nasang mag-aliw sa buhay
cung pinipilantic niyong calungcutan,
munting abala mo,i, guguling igamlay
sa handog cong cayang hamac na aliuan.
Sa iyong pagbasa,i, cundi macalasap
nang minimithi mong lasang sadyang sarap,
pasubalian mong isundo ang hanap
upang ding palaring pita mo,i, matuclas.
Bagaman at mura cung sa biglang ting\u0303in
hilaw at mapacla cung pag-uauariin,
ng\ue000uni,t, cung totoong pacananamnamin
ang tamis nang lasa,i, malalang\ue001ap mo rin.
Dito sa mapalad na cay Margarita
na naguing hantung\ue002an sam\u00e2 niyong una,
ng\ue003uni,t, ng\ue004lumaon siya nama,i, isa
na naguing uliran sa gauang maganda.
At ang limang V\u00edrgen na mang\ue005a M\u00e1rtires
at apat na puong soldadong nagtiis,
ng\ue006 madlang pahirap at mg\ue007a pasakit
hangang sa ang tang\ue008ang hining\ue009a,i, napatid.
P\u00e1hin\u00e1 4
Pagca,t, ang binyagan na cay Cristong lingcod
ikinatutuang buhay ay matapos,
huag ang maturang maualay sa Dios
tayo doo,i, dapat na umalinsunod.
Huag mo rin sana namang pagsauaan
ang alay cong dahop na pinaglamayan,
may bahagya ca ring mapapakinabang
di lamang ibayong tubo sa puhunan.
Cung may tulang di mo mahulo ng\ue00alining
guipit \u00f3 masucal cung sa lalacarin,
ang iyang pagbasa,i, pagcasiyasatin
ang tunay na landas ay matutuclas din.

P\u00e1hin\u00e1 5
The Project Gutenberg eBook of Cahangahangang Buhay ni Santa Margarita de Cortona, by Cleto R. Ignacio
TALAAN NG NILALAMAN
2
Puno nang Salita
Capitulo 1.\u00ba

Ta\u00f3ng isang libo at dalauang daan
saca limang pu pa yaong calabisan,
si Margarita ng\ue00ba ay siyang pag-silang
sa bayang Labiano, niyong catauhan.
Sa Nayong Diocesis sa Chiusi ang tauag
sa Toscana yaong unang pagcatanyag,
ang Am\u00e1 at In\u00e1,i, mabuting tumupad
nang pagca-cristianong canilang tinangap.
At may puring tauo na magpapaupa
yaong guinagauang hanap-buhay nila,
silang nagtuturo sa cay Margarita
niyong bagay bagay na gauang maganda.
Na ayon sa mang\ue00ca cabanalang paua
at natututo pa lamang nang bahagya,
yaong An\u00e1c nila nang pag-sasalita
iminumulat na ay cagaling\ue00dan ng\ue00ea.
Tanang malumanay na pananalang\ue00fin
niyong may caling\ue010ang In\u00e1ng nag-a\u00e1ngkin,
sa cay Margaritang puso ay natanim
caylan may di na mangyaring limutin.
At dinadasal niya nang cataiman
caacbay ang puspos na cadakilaan,
hagang huling ta\u00f3n niyang paglalabay
sa cahapishapis at hamac nabayan.
P\u00e1hin\u00e1 6
Ng\ue011uni at sa gayong casamaang palad
ang may pitong ta\u00f3n bilang nang maganap,
si Margarita ay naulilang cagyat
sa mapag-palayaw na In\u00e1ng masicap.
Ang magandang gaua na naguing ca-acbay
sa caniyang puso ay bigl\u00e1ng naualay,
at ang pagcauili niyong pag-sasanay
sa dating ugaling mang\ue012a cabanalan.
Sa mauari niyong abang culang palad
yaong pagmamahal nang In\u00e1ng lumipas,
at ang casamaang hindi malalang\ue013ap
palagay nang aling di carapat-dapat.
Na naguing asauang cauli nang Am\u00e1
lihis na pasunod nang di na mabata,
laguing pinupucaw yaong ala-ala
niyong pagmamahal nang naualang In\u00e1.
Caya ng\ue014a sa ibang bahay ay hinanap
yaong pagmamahal na ibig malasap,
cusang napadala sa maling hicayat
nang catuaan, tubo ay dusang masaclap.

The Project Gutenberg eBook of Cahangahangang Buhay ni Santa Margarita de Cortona, by Cleto R. Ignacio
Puno nang Salita
3
of 00

Leave a Comment

You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...
You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...