You are on page 1of 3

Alin ba ang mas mahalaga, Wikang Filipino o Lingua Franca

Lakandiwa: Akoy isang lakandiwang nagbuhat pa sa Buhang


Sa paaralang Buhang NHS na aking tinatangi
At ngayoy buong galing na sa inyoy bumabati
At umaasang nawa paksay mapaglimi
Upang programay maging katangi-tangi.

Paksang aking ilalatag pakiwariy mahalaga
Dahil pagtatalunan ng ating mga makata
Kung anong wika ba ang magiging Wikang Panlahat
Filipino ba na Wikang Pambansa at kilala pa
O Lingua Franca na sa pagkabatay nasa labi na.

Kayat itong lakandiwa sa inyo nag-aanyaya
Ng dalawang mambibigkas
Na mahusay at kilala
Upang pagtalunan paksang aking itinalaga
Ang hiling ko lamang ay palakpakan silang dalawa
Panig na ihaharap ay suriin at magpasya.

Wikang Filipino: Akoy isang batang kay Mauel Quezon nagpupuri
Naniniwalng Wikang Filipino ang minimithi
Lahat ng hangarin ng mga damdaming sumisidhi

Lingua Franca: Ang inyong lingkod ngayon
Ay nag mula pa sa malayo
Sa Balagtasang ito, magiliw akong sumasamo
Gamit na wikang nagmula sa kinagisnang ninuno
Aking iopaglalaban, upang isasapuso

Lakandiwa: Atin ng natunghayan ang dalawang maglalaban
Na nanggaling pa sa bayang kanilang kinabibilangan
Ang isay nanggaling pa sa pulo ng kabisayaan
Ang magandang dalagay sa katagalugan naman.

Wikang Filipino: Sa atin Wikang Filipino ako ay nagpupugay
Wikang ginagamit sa Luzon, Visayas at Mindanao
Kayat kilalang lahat ginagamit araw-araw
Kahit saan ka magpunta siyay magsisilbing tanglaw

Wikang Filipinoy marapat na maging Wikang Panglahat
Itoy pamana ni Pngulong Quezon para sa lahat
Samantalang Lingua Franca sa pagkakaisay salat
Sa malalayong probinsya lamang itoy nararapat


Lingua Franca: Dahan-dahan sa pagsasalita katunggaling ganda
Sapagkat nasasaktan mo ang mga taong maralita
Sariling wikay di tumutukoy sa Wikang Pambansa
Kundi sa wikang nakagisnan at laging nasa baba

Lingua Franca ay nararapat na di kalimutan
Itoy salamin ng bawat lalawigan
Sa likod nitoy mga paniniwala ng ting kababayan
Sa Lingua Franca tuwid na landas ang magiging daan

Wikang Filipino: Nagkamali ka sa iyong paniniwala katunggali ko
Ang sariling wika natin ay Wikang Filipino
Suriin ng Wikang Pambansa pa ang nagbuo nito
Upang magkaintindihan lahat ng Filipino

Lingua Franca ay hindi ko naman minamaliit
Itot atin na mula nang tayoy isa pang paslit
Ngunit iilang tao ang ditoy gumagamit
Di tulad ng Wikang Filipino gamit kahit nakapikit

Filipino ay marapat na maging wikang panlahat
Sa kalakalan, sa paaralan at maging sa simbahan
Kahit sa pagbabalita hindi moba nakikita?
Kapag Wikang Filipino ang gamit hindi ka matutunganga

Tuwid na landas handog ng Wikang Filipinp
Gamit ng guro ang kanilang wikang panturo
Sa simbahan upang wastong aral ay matuto
Sa pamahalaan upang batas ay mabuo

Lingua Franca: Paano magiging panlahat ang Wikang Filipino?
Kung ang mga tao ay, gumagamit ng mga dayalekto
Lumibot ka sa ting pitong libot isang daang pulo
Mapapatunayan mong sinasabi koy totoo

Sa paaralan, guro ngay nagturo ng Wikang Filipino
Ngunit sinasalin pa rin sa mga dayalekto
Sa paggawa ng batas, di ba ingles katuto ko?
Di mo masasalin ang konstitusyon sa Filipino

Sa simbahan gamit ng pari ay mga dayalekto
Dahil kung hindi, ang mga taoy tutunganga rito
Kaya Lingua Franca wikang panlahat ng mga tao
Daan sa matuwid na landas ng mga Pilipino.



Lakandiwa: Sadyang ating bayay puno ng salin lahi
Saan mang sulok may nagkakaisat may
Gamit na unang natutuhan sa labi namutawi
Itoy pinahahalagahan at hindi iwinawaksi

Ang Lingua Francay sumusimbolo sa mayaman nating lahi
Lahing Filipinoy laging angat sa anumang Lipi
Kaya mga dayalektoy hayaang mamutawi sa labi
Ating salinlahi dapat ay ating ipagbubunyi

Bagamat ganun man ating bayay nangangailangan
Isang wikang pambansa ng magiging ating sandigan
Wika tungo sa pagkakaintindihan
At pambansang pagkakakilanlan kahit saan ka man

Wikang Filipino ay siyang ating wikang pambansa
Nararapat tangkilikin at dapat ay idambana
Itoy nagbubuklod sa mga dayalekto sa bansa
Upang tayoy magkaisa sa pusot diwa

Ngayong inyong napakinggan ang dalawang makata
Malalaman niyo na ang hatol ng lingkod niyong aba
Ang kanilang piniling wika kapwa ay mahalaga
Maging Filipino man ang gamit o lingua franca
Itoy gamit sa kaunlaran ng ating bayang sinisinta.

You might also like