• Embed Doc
  • Readcast
  • Collections
  • CommentGo Back
Download
AN\u00c1K D\u00c1LITA
(NOBELANG TAGALOG)
SINULAT NI
Patricio Mariano
UNANG PAGKALIMBAG
MAYNILA: 1911
Limbagan at Aklatan ni I.R. Morales
Liwasang Miranda, 11-13, Kiyapo.
\u00cdNDICE
P\u00e1g.
I.
Si Teta
7
II.
Ang mag-in\u00e1
11
III. \u00a1Gumigiliw!
16
IV. Si Pedro

21 V. Paghab\u00e1g ng\u0303puhunan 24 VI. Walang katubusan

27
VII. Is\u00e1ng alam\u00e1t ni Ata
29
VIII. \u00a1Pangarap!
32
IX. Dalaw\u00e1ng puso
35
X. Ang lihim ni Ata

40 XI. Ang yaman at ang puri 47 XII. Ang mg\ue000a manggagawa 53 XIII. Sa har\u00e1p at sa lik\u00f3d

56
XIV. Ang puso ng\ue001 dukha
60
XI. Patawad
65
XVI. \u00a1Paalam!
68
XVII. Katapusan
71
AN\u00c1K D\u00c1LITA
1
Sa ma\u00f1ga binibining manggagawa.

Sa iny\u00f3ng may mura at mahinang bisig
na maghapong araw, sa sipag, ay gamit,
sa iny\u00f3 ko hand\u00f3g yar\u00edng aking awit,
bilang paghang\u0303a ko sa pagmamas\u00e1kit
na iny\u00f3ng itangg\u00f3l, sa tulong ng\ue000pawis,
ang sariling b\u00fahay at tagl\u00e1y na linis.

Pat. MARIANO.
Sa b\u00e1basa.

Kaibigan ka man \u00f3 di kapanalig,
kasuyo \u00f3 hindi, kaaway \u00f3 kabig,
di ko hin\u00edhing\ue002ing huwag mong isulit,
sa akin, ang pula na ibig ikapit.
Di ko mawiwikang ipagpaumanh\u00edn
ang mali \u00f3 lisya na iyong m\u00e1pans\u00edn,
sabihin mong lah\u00e1t ang ibig bangit\u00edn;
may kalayaan ka, di ko sinisi\u00edl.
Di ak\u00f3 gagaya sa ib\u00e1ng katulad
na hihing\ue003ing awa \u00f3 ipahahayag
na kut\u00e1d ang isip at bub\u00f3t ang hagap;
kap\u00f3s pal\u00e1'y \u00bfbakit nang\ue004ah\u00e1s sumulat?
Kaya ng\ue005a't ant\u00e1y ko ang iyong pasiya
yamang ik\u00e1w'y siyang susuri't lalasa;
ng\ue006uni't ang hil\u00edng ko'y pint\u00e1s pant\u00e1s sana
ang iyong gamitin sa mg\ue007a m\u00e1basa.
Di ikas\u00e1sama nit\u00f3ng kalooban,
pintas\u00e1n man it\u00f3, ng\ue008uni't tama lamang;
ang d\u00e1ramdam\u00edn ko'y ik\u00e1w ang wikaang:

mangm\u00e1ng pal\u00e1'y ibig magdun\u00f3ng-dunung\ue001an.

Kaya ng\ue009a't bago ka magsabi ng\ue00a hatol
ay magnilay muna, gamitin ang dunong
(kung matalino ka) at sak\u00e1 ipatong
ang w\u00edwikain mong di na mahahabol.
Dapwa't, kung sakali, nam\u00e1ng, ang mangyari'y
d\u00fadulutan ak\u00f3 ng\ue00biy\u00f3ng papuri,......
\u00a1Maraming salamat! (maraming marami)
ng\ue00cuni't nilayin din na lubhang mabuti.
Pagka't angtawa man, kap\u00e1g n\u00e1bulal\u00e1s
ay hindi natawa kung hindi halakh\u00e1k;
labis na puri'y, karaniwang bans\u00e1g,
kung minsan aytuya't kung minsan aylib\u00e1k.

ANG KUMATHA.
P\u00e1hin\u00e1 7
The Project Gutenberg eBook of Ang mga Anak Dalita, by Patricio Mariano.
Sa ma\u00f1ga binibining manggagawa.
2
Ang ma\u00f1ga an\u00e1k d\u00e1lita.
I.
SI TETA.

Sa is\u00e1ng tahanang lubhang mar\u00e1lita
na \u00e1alang\ue00d\u00e1n pa sa pang\ue00ealang dampa'y
may is\u00e1ng babaing yay\u00e1t at matand\u00e1
na wari'y may sak\u00edt, kaya't nakahiga.
Sa kaniyang siping, na ab\u00f3t ng\ue00fkam\u00e1y,
ay may is\u00e1ng mangk\u00f3k na lugaw ang lam\u00e1n
at sa dakong paa'y mayroong uup\u00e1n
na wari'y gawa pa ng\ue010 am\u00e1ng si Ad\u00e1n.
Ang tang\ue011ing kasama ng\ue012 sangk\u00e1p na it\u00f3
ay is\u00e1ng tampipi't is\u00e1ng baul mundo,
is\u00e1ng panahian, kaputol na kayo
at ilang balumb\u00f3n ng\ue013sutlang nagul\u00f3.
Ang lah\u00e1t ng\ue014iyo'y siy\u00e1ng kayamanan
niy\u00f3ng maralita't babaing may damd\u00e1m
kung di m\u00e1pupun\u00e1 ang is\u00e1ng larawan
ng\ue015himalang gand\u00e1 na nasa batal\u00e1n.
P\u00e1hin\u00e1 8
Is\u00e1ng binibining ang tind\u00edg at anyo,
ay naka\u00e1akay sa gawang sumuyo
at ang kany\u00e1ng titig na lubhang maamo
ay makabibihag sa al\u00edn mang puso.
Ya\u00f3ng mg\ue016a pisng\ue017\u00ed, na nagnakaw mand\u00edn
ng\ue018 kulay sarosa't sa magand\u00e1ngjazmin,
ay nat\u00edtimbang\ue019\u00e1n ng\ue01amat\u00e1ng mait\u00edm
na wari'y hahalay sa mg̃a bitu\u00edn.
Ang is\u00e1ng makap\u00e1l at mahabang buh\u00f3k
na n\u00e1babalumb\u00f3n sa malak\u00edng pus\u00f3d
ay inalong dagat ang n\u00e1kakaayos
dahil\u00e1n sa inam ng̃ pagkakakul\u00f3t.
It\u00f3 ang himalang hindi n\u00e1bibilang
sa mg̃a n\u00e1kita na hiyas sa bahay,
kahit masasabing sa kahalagahan
ay siya ang lalong palamuting mah\u00e1l.
Lalo't kung mabat\u00edd na siya ang an\u00e1k
ng̃ babaing iyong sa sak\u00edt ay lagm\u00e1k,
at siya ang is\u00e1ng tang̃ing naghahanap
at nagmamasakit sa buhay na sal\u00e1t.
Siya ang paroon, siya ang parito,
gawa niya ya\u00f3n, gaw\u00e1 niya it\u00f3,
sa maghapong araw, ang mahinang but\u00f3,

The Project Gutenberg eBook of Ang mga Anak Dalita, by Patricio Mariano.
Sa b\u00e1basa.
3
of 00

Leave a Comment

You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...
You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...