You are on page 1of 1

Kahit tapos na ang Buwan ng Wika

Tuluyan mang dumating na ang ber months at nagismula na rin ang mga kaliwat kanang Christmas
countdown,hindi naman ito nangangahulugang tapos na ang usapin ukol sa wikang pambansa. Magpahanggang
ngayon,wala pa ring konkretong solusyon para sa ika-uunlad ng wikang Filipino kahit samut sari nang reaksyon
ang naibahagit pinagdiskusyonan.
Mistulang tinadhana ang pagsulpot ng mga kontorobersiyat maiinit na usapin hinggil sa wikang Filipino nitong
buwan ng Agosto. Ngunit,alin nga ba ang problema? Ang mismong wika ba ang o mga taong gumagamit nito? Saan
nga ba nag-ugat ang mga sala-salabat na suliranin tungkol dito? Dahil nga ba sa sistema ng edukasyon o dahil sa uri
ng kulturang panlipunan na mayroon tayo?
Paniwala ng nakararami na kung may malaking reporma sa sistema ng edukasyon ukol sa medium of instruction ,ay
mas mapapataas ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Halimbawa na nga lang ng mayayamang bansa tulad
ng Japan at Germany,pawang ginagamit ang mga kanilang wikang pambansa sa edukasyon.
Ngunit kung susuriin,hindi bat nakadepende lang din ang sistema ng edukasyon sa sistemang panlipunang
umiiral? Matatandaang noong naging in-demand ang mga Pinoy nurses sa abroad,nagsisulputan ang mga nursing
schools. Kumbaga,tumutugon lang ang mga paaralat unibersidad sa mga pangangailangan ng lipunan. Sa bansa
nating may mataas na pagpapahalaga sa kakayahang makapag-Ingles,hindi nakapagtataka kung bakit ganoon na lang
ang pagpapaigting ng mga programang makapaghahasa sa kakayahang ito mapa- anumang antas ng akademya.
Hindi na rin surpresa kung paano nabuo ang ideyang mas mataas ang kalidad ng pag-aaral sa mga pamantasang
pamoso sa pagtuturo ng Ingles.
Kahit kasi anong industriya satin,pangunahing hinahanap pa rin ang kakayahang makapag-Ingles. Nobenta
porsyento marahil ng mga job interview ay isinasagawa sa wikang ito. Ganun na lang din ang pagsusumikap ng mga
kumpanya na mapaunlad ang kakayahang makapag-Ingles ang kanilang mga empleyado. Anila,nakikiayon lang sila
sa takbo ng globalisasyon at komersyo. Ultimo nga sa larangan ng showbiz,mas angat pa rin ang mga artistang
matatas sa wikang ito. Mas marami nga namang proyekto ang maaring matanggap at mas kapani-paniwala rin kung
sakaling karakter ng mayamang alta-sosyal ang gagampanan.
Kung kulturang panlipunan lang din naman ang pag-uusapan,kadalasan nating inuugat ang isyu ng wika sa
kolonyalismong mentalidad na minana pa natin sating mga ninuno. Ilang beses na ring naisulat at nasabi na dito
satin ang pag-i-Ingles ay simbolo ng pagiging superiyora. Ngunit sa taong 2011, sa tingin koy higit pa sa kaisipang
kolonyal ang tunay na problema,kundi isang nakagagambalang manipestasyon ng kawalan ng pag-asa sa sistemang
umiiral sa bansa.
Mapa-mahirap man,ordinaryo o maski mga mayayamang Pilipino,hindi na ganap ang tiwala sa gobyerno.
Karamihan,kung mabibigyan daw ng pagkakataon ay susubukan ang buhay sa ibang bansa,malayo sa pang-araw-
araw na realidad ng korupsyon at katiwalian sa loob man o labas ng pamahalaan. Ngayon,ang turing sa wikang
Ingles ay isang pasaporte sa isang mas maunlad na buhay. Sa Pilipinas,ito kasi ang wikang ginagamit ng mga
pinaka-mayayaman,pinaka-sikat at mga pinaka-tinitingala sa lipunan. Unti-unti ring nabubuo ang ideya sa mga
magulang na kung mas maagang matuto ang mga anak nila ng Ingles,matitiyak ang maganda nilang kinabukasan
hindi lang dito sa bansa,lalot higit sa ibang bayan. Karaniwan na nga atang maririnig sa mga kabataan ngayon ang
pangarap na makapangibang-bansa balang araw. Kaya naman ganun na lang ang pagyakap sa kulturang kanluranin
nang lalong mahasa ang dila na makapag-Ingles.
Samakatuwid,ang debate hingil sa tunay na estado ng wikang pambansa ay tulad rin ng mismong wikang
Filipino,may mabilis na ebolusyon at patuloy na nagbabago. Sa pagdaan ng mga taon at sa lalong pagka-baon natin
sa bulok na sistema,maging ang wika na sanang makapagbubuklod sating mga Pilipinoy nabiktima na rin ng
kanser ng lipunan. Malawak pa ang usapin,malalim na rin ang mga impluwnesyang nagmarka. Naway hindi lang
tuwing buwan ng Agosto o di naman kayay kung may pag-didiskuyonang artikulo lamang mapag-uusapan ang
pambansang isyu hingil sa ating wika. Naway hindi lang din matapos sa pagkukumentot pagtatalakay ang lahat ng
ito.
(Source: janyx-mcmxci)
- See more at: http://janyx-mcmxci.tumblr.com/post/9659744018/kahit-tapos-na-ang-buwan-ng-
wika#sthash.v1roZ1JP.dpuf

You might also like