• Embed Doc
  • Readcast
  • Collections
  • CommentGo Back
Download
ELISEO AT NI HORTENSIO
NA QUINATHA
NI JOAQUIN TUASON
nang may cunang uliran ang sinomang babasa.
Inihandog sa calinislinisan at lubhang
MAPAGCALI\u00d1GANG PUSO NI MAR\u00cdA
Sa dulo,i, linag-yan nang isang pagpupuri
CAY S. LUIS GONZAGA
TA\u00d1GING PINTACASI NANG CABATAAN
May lubos na capahintulutan
MANILA

Establecimiento Tipogr\u00e1fico de Modesto Reyes y C.a
Salcedo n\u00fam. 190 (Sta Cruz)
1901

\u00bfQuod mimus Reiplublicae majus, meliusve affere possumus, quam si docemus, atque erudimus juventutem?
Cic. II, de Div.
INDICE
P\u00e1gina

3Sa calinis-linisan at lubhang mapagcali\u00f1gang puso ni Maria
5Sa ma\u00f1ga dalagang babasa nito
7Pasimula
10Cap\u00edtulo I. Ang magandang asal na dapat pasimulan mulang cabataan

ELISEO AT NI HORTENSIO
1

15Cap\u00edtulo II. Ang pinagcauta\u00f1gan nang buhay
16Cap\u00edtulo III. Ang hiyas nang isip
21Cap\u00edtulo IV. Cung ano ang buhay siyang camatayan
27Cap\u00edtulo V. Si Hortensio at ang pagcabaligtad nang mundo
34Cap\u00edtulo VI. Ang uliran nang ma\u00f1ga dalaga
38Cap\u00edtulo VII. Ang pagpili nang cacasamahin at ang mabuting paraan nang mangyaring macamtan
44Cap\u00edtulo VIII. Ang pusong garing na di malamuyot
50Cap\u00edtulo IX. May dalahirang banayad at may mahinhing talipandas
53Cap\u00edtulo X. Ang catampalasanan ni Neron, at ang matandang mangagauay
58Cap\u00edtulo XI. Ang pagtatagumpay nang cababaan at pagcaduhagui nang capalaluan
65Cap\u00edtulo XII. Isang cabaitan ang maghunos dili cung may cagalitan
72Cap\u00edtulo XIII. Ang buhay taga la\u00f1git at ang pahimacas

P\u00e1hin\u00e1 3
SA CALINIS-LINISAN
AT LUBHANG
MAPAGCALI\u00d1GANG PUSO NI MAR\u00cdA

OPusong hindi man nalahirang libag
nang sala ni Adang minana nang lahat,
magsaganang bucal na di na-aampat
pagdaloy nang aua
sa balang dumulog na napaliling\u0303ap.
Cutang sadyang tibay na nacababacod
sa canino pa man palaring pacupcop,
mariquit na jarding hindi mapapasoc
nang lalong pang\ue000ahas,
sucab na caauay at may budhing hayop.
Oh daong ni No\u00e9, na pinagpitagan
nang gahasang tubig sa mundo,i, gumunao,

The Project Gutenberg eBook of Talinhagang Buhay ni Eliseo at ni Hortensio, by Joaquin Tuason.
INDICE
2

tantong maliligtas sa capahamacan
ang lumulang tauo,
cahima,t, busabos na macasalanan.
Gayon ma,i, ang lalong iyong quinucupcop
ang napa-aauang malinis na loob,
ipinang\ue001ang\ue002anib ang lubhang marupoc
P\u00e1hin\u00e1 4
na catauang lupa
na sa ati,i, laguing naquiquihamoc.
Caya ang samo co,Pusong lubhang uagas;
aco,t, ang babasa,i, tapunan nang ling\ue003ap,
na houag itulot cami,i mapahamac
habang nabubuhay
sa balat nang lupang lipos nang bagabag.
Mapagpalang Ina,i, iyong caling\ue004ain
aco nang Puso mong lubhang mahabaguin;
houag pabayaang quita ay purihin
sa mundo, at saca
doon sa cabilang buhay caaua-yin.
Cundi ang luhog co,i, yaring pagdiriuang
ng\ue005ayon sa dang\ue006al mo, buti,t, cariquitan,
lubos na lumagui habang aco,i, buhay
at hangang sapitin
yaong bayang puspos nang caligayahan.
JOAQUIN TUASON.

P\u00e1hin\u00e1 5
Sa ma\u00f1ga dalagang babasa nito.

Cung capanahunan nang pamumucadcad
nang balabalaqui na mang\ue007a bulaclac,
sa mata at puso,i, nagsisipag-gauad
nang caligayahang lubhang aliualas.
Di sucat masabi ang pagcacaling\ue008a
nang baua,t, may-ari na nag-aalaga,t,
baca cun malanta ang pananariua
tambing na malagas, lumagpac sa lupa.
Sapagca n\u011fa,t, cayo ang nacacatulad
nang aquing binanguit na mang\ue009a bulaclac,
at capanahunan nang pamumucadcad
nang sigla nang iyong catauang marilag.
Sa arao at gabi pauang caaliuan
sa iyo ay halos ang pumapatnubay,
ang dusang mapait bahag-ya na lamang
ihandog ang caniyang lilong cabang\ue00aisan.
Ang masayang tinig nang mang\ue00ba m\u00fasica
ay iguinagauad sa inyo touina;
sa bayan \u00f3 nayon, cayo ang ligaya
anopa,t, cauang\ue00cis nang mang\ue00da sampaga.
Alin mang ligaya anaqui ay culang

The Project Gutenberg eBook of Talinhagang Buhay ni Eliseo at ni Hortensio, by Joaquin Tuason.
MAPAGCALI\u00d1GANG PUSO NI MAR\u00cdA
3
of 00

Leave a Comment

You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...
You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...