Professional Documents
Culture Documents
1.Introduksyon
2. Layunin ng Pag-aaral
3. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang alamin kung aling mga bagay ang
nakakadulot sa pagiging hapo ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas sa
Kolehiyo ng Narsing at kung aling mga diskarte o paraan ang kanilang ginagawa upang
maibsan ito. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, maaaring makahanap ng mga
mabisang paraan ang mga mag-aaral kung paano nila mababawasan ang pakiramdam
ng pagiging hapo na siyang nagsisilbing balakid sa kanila upang magawa nila ang
kanilang mga gawain na puno ng kalidad.
Bagamat limitado ang mga datos na nakalap sa mga mag-aaral sa unang taon
ng Unibersidad ng Santo Tomas, Kolehiyo ng Narsing maaaring sabihin na naaangkop
pa rin ito sa iba’t ibang uri ng mga mag-aaral sapagkat halos pareho lamang ang
dinaranas na pagkahapo ng mga mag-aaral na ito na maaaring hatiin sa tatlong aspeto:
sa personal na buhay, sa pag-aaral at sa kalusugan.
4. Saklaw at Limitasyon
Ang sakop ng pag-aaral ay ang iba’t ibang pamamaraan ng pagkontrol ng
pagkahapo ng mag-aaral sa unang taon ng Unibersidad ng Santo Tomas sa Kolehiyo
ng Narsing. Gumamit ang mga mananaliksik ng isang talatanungan upang
makapangalap ng datos.
Upang mas maunawaan ng mga mamababasa ang pag-aaral na ito, narito ang
ilan sa mga terminilohiyang ginamit at ang mga angkop na kahulugan para rito:
- Tahanan – isang lugar kung saan nakatira ang isang pamilya. Dito maaring
magkaroon ng interasyon ang mga myembro ng pamilya.
- Trabaho – anumang bagay na obligadong gawin ng isang tao; obligasyon;
responsibilidad
KABANATA II
Pagkahapo
Ayon sa Holmes-Rahe Life Stress Inventory, ito ang mga Unang Sampung
nakahahapong pangyayari:
1. Pagkamatay ng Asawa
2. Diborsyo
3. Paghihiwalay ng mag-asawa
4. Pagkakulong
6. Karamdaman
7. Pag-aasawa
8. Pagkawala ng Trabaho
Transisyon. Bawat taon ay isang transisyon sa iyong anak. Mga bagong guro,
bagong silid-aralan, at mga bagong inaasahan ay nakadaragdag sa pagkabalisa ng
isang mag-aaral. Ang pagkabalisa ng isang mag-aaral ay nagsisimula sa unang araw
ng pasukan, ngunit hindi iyon nagtatapos doon. Ang pinakamatinding transisyon ay ang
simula ng hayskul. Ang mga mag-aaral ay pumupunta sa mga mas malalaking gusali at
nakahaharap ng bagong kurikulum. Higit pa dito, palipat lipat sila ng silid-aralan at
nakatatagpo ng mga bagong guro at sistema ng pagbigay ng grado. Ang mga mag-
aaral na ito ay dumaranas ng masidhing hormonal at pisikal na pagbabago.
• pagkabalisa
• kalungkutan
• problema sa pagkain, at
• pag-aabuso ng substansiya
(sanggunian: http://adam.about.com/reports/000031_2.htm)
May mga epekto rin ang pagkahapo sa pag-uugali at kilos ng isang tao. Kasama
dito ang pagiging palautos at palapintas, ang sobrang paggamit ng alkohol o tabako,
pagkain ng marami, at ang pagkawala ng kakayahang makapagtrabaho ng mahusay.
(Martiquet, n.d.)
(Sanggunian: http://adam.about.com/reports/000031_2.htm)
Ang pagkahapo ay may iba’t ibang epekto sa problema ng pagkain at timbang.
Pagtaas ng timbang
Pagbaba ng timbang
(sanggunian: http://adam.about.com/reports/000031_2.htm)
Ayon kay Gng. Christine Vicencio, guidance counselor, isa pang paraan sa pag
bawas ng pagkahapo ay ang paggawa ng mga bagay na hindi ordinaryo. Kasi kapag
paulit-ulit na ginagawa ang isang bagay, nakakabigay-hapo din ‘yon. Halimbawa,
umuuwi ka gamit ang daan na nakasanayan mo na, bakit di mo subuking humanap ng
ibang daan?” Kailangan hindi masyadong mekanikal ang mga estudyante para hindi
paulit ulit ang mga gawain sa buhay. (Guevara 2008)
Ayon kay Johnny Rocha, isang propesor sa paglilinis ng isipan o mental hygiene,
ang time budgeting ay isa ring paraan ng paglaban sa pagkahapo. “Turuan mo sila ng
tamang pangangasiwa ng oras at magkaroon ng mga kanais-nais na mga kaibigan,”
sabi niya. Kasali sa time management ang tamang pagpili ng mga gawain o prioritize,
pagsunod at pag-ebalwa sa sarili. (Guevara 2008)
B. Mga bisyo
1. Disenyo ng Pananaliksik
2. Metodolohiya
CHEM at ZOO
NURSING
Problema sa buhay
Talahanayan 1. Mga iba’t ibang kahulugan ng pagkahapo para sa mga mag-aaral sa unang taon ng
Unibersidad ng Santo Tomas, Kolehiyo ng Narsing.
Ayon sa listahang ito, ang karaniwang kahulugan ng pagkahapo para sa mga mag-aaral
sa unang taon sa Unibersidad ng Santo Tomas, Kolehiyo ng Narsing ay ang “pag-aaral
at pagtatrabaho ng walang pahinga”, “kakulangan ng pahinga at tulog”, “sobrang
daming ginagawa at kakulangang sa oras” na siya namang alinsunod sa mga
kahulugang ibinigay ng iba’t ibang mga mananaliksik gaya ni McGrath (1970) na
nagsasabing ang pagkahapo ay “tumutukoy sa kawalan ng balanse sa pagitan ng isang
pinanghihinalaang pangangailangan at ang abilidad ng indibidwal na umaksyon dito.”
Grap 1. Bahagdan ng mga respondenteng mag-aaral na nagsasabing sila ay
nakakaranas ng pagkahapo.
Batay dito, masasabi nating ang pag-aaral ay isang dahilan kung bakit nahahapo
ang isang mag-aaral sapagkat ‘di lamang ang mga pangangailangan ng pag-aaral ang
nakakabit dito kundi pati na rin ang iba’t ibang mga bagay na nagdudulot ng pagkahapo
gaya ng pagkakasabay-sabay ng mga proyekto’t takdang-aralin, ang pagpapasaya ng
mga magulang, mga marka at report kard (Britt 1992, Holmes 1992, at Egan 1992)
• Inaantok sa klase
• Cut-off
• Walang tulog
• Bumabagsak
• Dagdag sa aalahanin
Personal na • Pagkapagod
Buhay • Hindi alam kung ano ang gagawin
(prayoridad)
• Sobrang pag-iisip
Talahanayan 2. Iba’t ibang gawain ng mga mag-aaral at ang mga dahilan kung bakit ito
nakakadulot ng pagkahapo.
lamang.
Grap 3. Mga aspetong naaapektuhan sa buhay ng isang mag-aaral na hapo.
Ayon kay Martiquet (n.d.), ang isang epekto ng pagiging hapo ay ang kahirapan
sa pag-iisip ng mabuti, pagiging makalimutin, kawalan ng pagiging malikhain at
paggawa ng mga desisyon na maaring isang dahilan kung bakit bumababa ang kalidad
ng gawa ng mga mag-aaral lalo na kung sila’y pagod.
Epekto ng Pagkahapo
• Palaging pagod
• Nawawalan ng oras para sa pamilya
• Hindi nakakakilos ng maayos
• Nakakasama sa kalusugan
• Walang pokus
• Kakulagan sa pagkain at pagtulog
• Hindi tamang pag-kain
• Maraming iniisip
• Mababa ang marka
• Pag-aaway
• Hirap sa akademiks
• Nawawalan ng gana
Talahanayan 3. Listahan ng iba’t ibang dahilan ng pagkahapo sa buhay ng isang mag-aaral.
Ang pagkahapo ay nakakaapekto sa maraming aspeto ng buhay. Naapektuhan
nito hind lamang ang sarili pati ang pakikitungo sa ibang tao.
Minsan, nagiging mainitin ang ulo ng estudyante kaya lagi ito napapaaway. Para
makatapos ng gawain, nilalaan na lamang ang oras sa pag-aaral kaysa sa pamilya.
Resulta nito ang pagkawala ng gana sa paggawa ng mga importanteng bagay.
Grap 4. Ilan sa mga gawaing ginagawa ng mga mag-aaral upang mabawasan ang kanilang
pagiging hapo
Pagpahinga
Pang-agaw pansin
Nagiging masaya
Talahanayan 4. Iba’t ibang dahilan ng mga mag-aaral kung bakit nakakabawas ng pagkahapo
ang kanilang mga napiling gawain.
Grap 5. Ipinapakita nito ang pagkadalas ng paggawa ng mga gawaing ito.
Oo • Pang-agaw pansin
• Nagiging masaya
• Nagkakaron ng motibasyon
• Nawawala ang stress
• Nakakapagpahinga
• Nagagawa ang gusto
• Nawawala ang pagkaba
Talahanayan 5. Iba’t ibang kadahilanan kung bakit nasabing epektibo o hindi ang
napiling gawaing nakakabawas ng pagkahapo.
KABANATA IV
1. Lagom
2. Kongklusyon
Lahat ng tao ay makararanas ng pagkahapo. Maaring iba’t iba ang sanhi nito.
Ngunit dapat tayong matuto kung ano ang mga bagay na dapat bigyang pansin at
magkaron ng mabisang pamamahala ng oras. Huwag natin hayaan na tayo ay laging
nakakaranas ng pagkahapo sapagkat kapag ito ay lumala maaring maapektuhan ang
ating kalusugan.
3. Rekomendasyon
Binigyang puna ng aming pamanahunang papel ang mga epektibong
pamamaraan ng pagbawas sa pagkahapo. Para sa mga mag-aaral na kasulukuyang
hinaharap ang mga karanasang nakakahapo, isaisip ang mga pamamaraang ito, gaya
ng mga pinagkakaabalahan o hobbies at mga gawaing pangkalakasan. Alalahanin din
na ang pamamaraan tulad ng bisyo ay nagdudulot ng negatibong epekto sa katawan.
Babao-Guballa , C.S. (2008). Roots and wings : Protecting your kids’ health.
Available: http://services.inquirer.net/print/print.php?article_id=112027
Bairds, R. (n.d.). Health effects of stress: Anxiety. Available:
http://ezinearticles.com/?Health-Effects-of-Stress---Anxiety&id=965748
Challem, J. (2007). The food-mood situation. New Jersey: John Wiley & Sons
Inc.
Funk and Wagnalls New Encyclopedia. (1986). Stress, v. 24, p. 383. USA: Rand
McNally & Company.
Jaffe-Gill, L., et. al. (2007, March). Understanding stress: Signs, symptoms, and
effects. Help Guide. Available: http://www.helpguide.org/mental/stress_signs.htm
Kaplan, S. and C. Wicox. (2004). Majority of students stressed, shows poll. The
Dickinsonian. Available: https://www.dickinson.edu/dickinsonian/detail.cfm?316
Nyholm, C. (2007, August). Stress reduction techniques: How people cope with
stressful life situations. Suite 101. Available: http://health-
psychology.suite101.com/article.cfm/stress_reduction_techniques
Rein, D. (2006). Ways to relieve stress: Working out, playing sports, doing a craft
and more. Associated Content, The People’s Media Company. Available:
http://www.associatedcontent.com/article/71384/ways_to_relieve_stress_working_out.ht
ml
Stress relief. (2008). Nutrition Health Center. Available: http://www.add-
adhd-help-center.com/stress/relieve_stress.htm
APENDIKS A
I. Pagkahapo
A. Makaagham na depinisyon
1. Sikolohikal
2. Pangangatawan
1. Pinagkakaabalahan
2. Gawaing pangkalakasan
3. Bisyo
a. Paninigarilyo
b. Pag-inom ng alak
c. Bawal na gamut
A. Sa paaralan
B. Sa pamilya at kaibigan
C. Sa pangangatawan
APENDIKS B
HALIMBAWA NG TALATANUNGANG GINAMIT UPANG MAKAPANGALAP NG
DATOS
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
TAON AT PANGKAT:
KASARIAN:
EDAD:
[ ] Oo
[ ] Hindi
3. Anu-ano ang mga dahilan? Pumili sa mga ss. (Markahan lahat ng naangkop sa iyo)
[ ] Akademiks
[ ] Extracurricular activities
[ ] Personal na buhay
5. Sa tingin mo, sa aling aspeto nakakaapekto ang iyong pagiging hapo (stressed)?
[ ] Sa paaralan
[ ] Sa pangagatawan o kalusugan
6. Bakit mo nasabing naapektuhan ang aspetong ito ng iyong pagiging hapo (stressed)?
______________________________________________________________________
________________________________________________
7. Alin sa mga sumusunod ang iyong mga ginagawa upang mabawasan ang iyong
pagkahapo (stress)? (Markahan lahat ng naangakop sa iyo)
[ ] Bisyo
[ ] Pagkain
______________________________________________________________________
________________________________________________
[ ] Palagi (Always)
[ ] Madalas (Often)
[ ] Paminsan-minsan (Sometimes)
[ ] Bihira (Rarely)
10. Sa iyong palagay, epektibo ba ang iyong mga ginagawa upang mabawasan ang iyong
pagkahapo (stress)?
[ ] Oo
[ ] Hindi
11. Bakit mo nasabing epektibo o hindi epektibo ang mga gawaing ito?