Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more ➡
Download
Standard view
Full view
of .
Add note
Save to My Library
Sync to mobile
Look up keyword or section
Like this
29Activity
×
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
epektong sikolohikal ng stress sa mga magaaral

epektong sikolohikal ng stress sa mga magaaral

Ratings:

2.0

(2)
|Views: 17,247|Likes:
Published by nelica294ever

More info:

Published by: nelica294ever on Dec 12, 2009
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, DOCX, TXT or read online from Scribd
See More
See less

01/01/2013

pdf

text

original

 
 
KABANATA IANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO 1.Introduksyon
Sa lalong bumibilis na mundo na ating ginagalawan ngayon, ang pagkahapo aylalo ring naging kapansin-pansin. Ang pagkahapo o
stress
ay isang bagay na hindimahihiwalay sa buhay ng tao. Karamihan ay dumaranas ng pagkahapo halos araw-araw. Nararanasan ito kahit saan man tayo magtungo. Madalas itong nararamdamanng mga taong nagtatrabaho at ng mga taong nag-aaral. Nararanasan din ito ng mgataong mayroong problema sa pamilya at iba pang mga personal na suliranin.May mga iba’t ibang dahilan sa pagkaranas ng pagkahapo. Maaaring hindekomportable ang isang sitwasyon para sa isa ngunit ito ay maaaring masaya namanpara sa iba. Hindi dapat nating isipin na iisa lang ang uri at sanhi ng pagkahapo nanararanasan ng lahat. Dapat tayong maging mapanuri at dapat nating tuklasin ang mgasanhi at kung ano nga ba talaga ang pagkahapo.Sa pag-aaral na may pamagat na “Iba’t Ibang Pamamaraan ng Pagkontrol ngPagkahapo ng mga mag-aaral sa Unang Taon ng Unibersidad ng Santo Tomas saKolehiyo ng Nursing”, masusing tatalakayin ang pagkahapo sa buhay ng mga mag-aaral. Aalamin ng pag-aaral na ito ang mga naidudulot ng pagkahapo sa kani-kanilangkalusugan at pamumuhay. Ang pag-aaral na ito ay tatalakayin rin ang mga iba’t-ibangpamamaraan ng mga mag-aaral upang mabawasan ang pagkahapo at kung ano angepekto ng mga pamamaraang ito sa kanila.
 2. Layunin ng Pag-aaral
 Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito layunin ng mga mananaliksik na:1.Tukuyin kung ano ang karaniwang nakakapagdulot ng pagkahapo sa mga mag-aaral.2.Alamin kung ano ang epekto ng pagkahapo sa isang mag-aaral.3.Tukuyin ang iba’t ibang pamamaraan ng pagkontrol ng pagkahapo
 
4.Alamin kung gaano kaepektibo ang mga pamamaraan sa pagkontrol ngpagkahapo. 
3. Kahalagahan ng Pag-aaral
 Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang alamin kung aling mga bagay angnakakadulot sa pagiging hapo ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas saKolehiyo ng Narsing at kung aling mga diskarte o paraan ang kanilang ginagawa upangmaibsan ito. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, maaaring makahanap ng mgamabisang paraan ang mga mag-aaral kung paano nila mababawasan ang pakiramdamng pagiging hapo na siyang nagsisilbing balakid sa kanila upang magawa nila angkanilang mga gawain na puno ng kalidad. Makakapagbigay kaalaman din ang pamanahong papel na ito sa mga guro,propesor o mga magulang na gustong malaman kung paano nilang matutulungan angkanilang mga estudyante’t mga anak upang mabawasan ang pakiramdam ngpagkahapo na siyang maaaring dahilan ng kanilang pagiging iritable, malungkutan okaya’y paghina ng kanilang kalusugan. Bagamat limitado ang mga datos na nakalap sa mga mag-aaral sa unang taonng Unibersidad ng Santo Tomas, Kolehiyo ng Narsing maaaring sabihin na naaangkoppa rin ito sa iba’t ibang uri ng mga mag-aaral sapagkat halos pareho lamang angdinaranas na pagkahapo ng mga mag-aaral na ito na maaaring hatiin sa tatlong aspeto:sa personal na buhay, sa pag-aaral at sa kalusugan. 
4. Saklaw at Limitasyon 
 
Ang sakop ng pag-aaral ay ang iba’t ibang pamamaraan ng pagkontrol ngpagkahapo ng mag-aaral sa unang taon ng Unibersidad ng Santo Tomas sa Kolehiyong Narsing. Gumamit ang mga mananaliksik ng isang talatanungan upangmakapangalap ng datos. Animnapung mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas sa Kolehiyo ng Narsingang sumagot ng talatanungan. Inabot ng isang lingo ang pamimigay at pangongolektang datos. Nakapokus ang pag-aaral sa mga nakuhang sagot mula sa mga respondante. Sapagkat kulang sa panahon ang mga mananaliksik, maaring makaapekto ito salawak ng pag-aaral.
5. Depinisyon ng mga Terminolohiya
 Upang mas maunawaan ng mga mamababasa ang pag-aaral na ito, narito angilan sa mga terminilohiyang ginamit at ang mga angkop na kahulugan para rito: -
 
Bawal na gamot
– mga uri ng gamot na hindi legal na ibinebenta samerkado. Halimbawa nito ay ecstasy; kemikal na nakakaapekto sa utak nanagdudulot ng ng pagbabago sa ugali at kilos ng tao na kadlasa'yhumahantong sa pagkalulong -
 
Bisyo
– kaugaliang imoral, tiwali, o nakakapagpababa ng pagkatao -
 
Disposisyon
– estado ng utak ukol sa mga bagay-bagay. 
-
 
Emosyon
– ang damdamin ng pagkatuwa, pagkalungkoy, pagkatakot, pagmamahal,atbp.

Activity (29)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 hundred reads
1 thousand reads
May I know who conducted this research? I would like to personally acknowledge you on our work. YOurs did really help us a lot. THANKYOU!
Dervz Catorce added this note|
good day po .. .estudyante po kami ng essu-guiuan, gusto po naming kumuha ng ilang impormasyon sa inyong survey questionnaire dahil konektado po ito sa aming kasalukuyang pananaliksik. sana po ay pahintulutan niyo po kami. Maraming Salamat po. God Bless!
Gina Damiles liked this
Charmaine Divino added this note|
wow, thanks for posting this. we made this as one of the related studies for our thesis...may question lng po aku, sinu-sino po ang mga author ng naisagawang thesis? kinakailangan po ksi nmin ung mga names for our source, khit ung last names lng po. thank you so much!
Glenn Belisario liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->