Si Dr. José Protasio Rizal (Ika-19 ng Hunyo1861–Ika-30 ng Disyembre1896) ay angpampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado yAlejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos.Ipinanganak si José Rizal saCalamba,Laguna. Sina Saturnina, Paciano, Narcissa,Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad ang mga anaknina Francisco at Teodora.Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakadanoong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam nataon, pinadala siya saBiñan, Lagunaupang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang niRizal na pag-aralin siya saMaynila.AngAteneo Municipal de Manilaang unang paaralan sa Maynila na kaniyangpinasukan noong ikadalawa ngEnero1872.Sa kaniyang pananatili sa paaralang ito,natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente salahat ngaklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer saSiningna may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan.Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ngPilosopiyaatPanitikansaPamantasan ngSanto Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha angaghamngPagsasaka.Pagkaraan, kinuha niya ang kursongpanggagamotsa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noongika-5 ng1882,nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuringpakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya saEspanya. Doo'y pumasok siya saUniversidad Central deMadrid, kung saan, saikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente"(napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik.Naglakbay siya saPransyaat nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata saisang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya saHeidelberg,Alemanya,kung saannatamo pa ang isang titulo.Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ngwikang Ingles,bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ngPranses. Isangdalubwika si Rizal na nakaaalam ngArabe,Katalan, Tsino,Inggles,Pranses,Aleman,Griyego,Ebreo,Italyano,Hapon,Latin,Portuges,Ruso,Sanskrit,Espanyol,Tagalog,at iba pang mga katutubongwika ng Pilipinas.
Tungkol sa pangalan ni Rizal
José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang nakatalang buong pangalan niRizal sa kanyang katibayan ng kapanganakan at José Rizal Mercado y Alonso osimpleng José Rizal Mercado (ayon sa mga panutongEspanyol) ang kanyang ginamitsa kanyang buong kabataan. Gayumpaman, sa payo ng kanyang kapatid na siPaciano Rizal Mercado,pinalitan ni Rizal ang kanyang legal na pangalan upang hindisiya maiugnay sa mga aktibidad ng kanyang kapatid na kilala noon bilang aktibista attagasuporta ng binitay naparingsi José Burgos. Mula sa kanyang orihinal napangalang legal ito'y naging José Protasio Rizal (rizal = “luntian”), pinaikling JoséRizal. Sa isang liham, isinulat ni Rizal: "My family never paid much attention [to oursecond surname Rizal], but now I had to use it, thus giving me the appearance of anillegitimate child!" ("Hindi pinapansin ng aking pamilya [ang aming ikalwangapelyidong Rizal], ngunit ngayon'y kailangang kong gamitin ito, kaya't lumalabas naako'y parang isang anak sa labas!)
Si Rizal ay nakilala sa dalawang nobelang kaniyang isinulat, angNoli me tangere(Huwag Mo Akong Salingin) na nilimbag saBerlin,Alemanya(1886), sa tulong ni Dr.Maximo Viola. At nilathala angEl Filibusterismo(Mga Pagbalakid o Pangungulimbat)sa Gante,Belgica(1891); pinahiram siya ni Dr. Maximo Viola ng 300 piso sapagpapalimbag ng Noli Me Tangere. Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawanat pagpuna sa mga nagaganap na pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahongiyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at hango saDon QuixoteniMiguel Cervantes,manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging daan upang magising angpagkakaisang-diwa at katauhan ng mga Pilipino, na nauwi saRebolusyon ng 1896.Noong siya'y walong taong gulang pa, naisulat niya angtulangSa aking mga Kabatana naging Sa Aking mga Kababata. Tumutukoy ang tulang ito sa pagmamahal sabayan dahil bata pa lang siya ay nakitaan na siya ng pagigingnasyonalismo. Nangmalapit na siyang bitayin, sinulat niya Mi Ultimo Adios (Huling Pamamaalam).Kabilang sa iba niyang naisulat ay ang Awit ni Maria Clara, Pinatutula Ako, Ang LigpitKong Tahanan atbp.Dagdag dito, si Rizal din ang masugid na taga-ambag ng mga sulatin saLaSolidaridad,isang pahayagang inilunsad ng mga Pilipinong repormista sa Espanya.Sumulat siya sa ilalim ng pangalang Dimasalang at Laong-laan, habang lumagdanaman siMarcelo Del Pilarbilang Plaridel.
Mga pamanang-lahi
Si Jose Rizal ay isang repormista para sa isang lipunang malaya at hindi isangrebolusyonaryong naghahangad ngkasarinlan.Bilang puno ng Kilusan ng Pagbabagong Pilipinas na itinatag ng mga Pilipino saBarcelona, Espanya, nagbigay siya ngambag-sulatin sa La Solidaridad.Ang kanilang mga mithiin:1.na ang Pilipinas ay maging bahaging-lalawigan ng Espanya;2.na magkaroon ng mga kinatawan sa Batasan ng Espanya (Parlamento);3.na magkaroon ng mga namumunong paring Pilipino o magkaroon ngsekularisasyon;4.kalayaan sa pagtitipon-tipon at pamamahayag;5.pantay na karapatan sa harap ng batas, maging Pilipino man o Kastila.Hindi matanggap ng mga maykapangyarihang opisyal ang mga pagbabagong iyon,sapagkat nangangahulugan ng pagkawala ng pangingibabaw ng Kastila. Kaya sapagbabalik ni Rizal sa Maynila mula sa Espanya, pinaratangan siya ng paghahasik nggulo dahil sa pagtatatag ngLa Liga Filipina, nilitis at ipinatapon saDapitan,Zamboanganoong 1892. Doon, nagtayo siya ng isang paaralang pambata, at isangpagamutan. Bukod dito, nagsagawa rin siya ng isang pambayang sistema ngpadaloy-tubig.
Leave a Comment