You are on page 1of 3

Ang Talinghaga ng May-ari ng Ubasan

Ang Mateo 20:1-16a ay isa sa mga talinghaga ng kaharian (12:1). Ito ay isang interpretasyon na
tinalinghaga (midrash na mashal). Ipinapaliwanag nito ang kasabihan sa Mateo 19:30 tungkol sa
mga naunang nahuli at nahuling nauna (19:30). Ang talinghaga ay bahagi ng kwentong nag-
umpisa sa Mateo 19:16. Pagkatapos pag-aralan ang talinghaga ng may-ari ng ubasan, unawain
ito sa loob ng kontekstong binubuo ng Mateo 19:16 hanggang 20:16a.
1

Ang Teksto
Ihambing ang sumusunod na teksto ng Mateo 20:1-16a sa teksto ng iyong Bibliya at subukang
gawan ng Daloy ng Parirala ang iyong teksto. Pansining mabuti ang mga salitang inuulit.
1
Ito ay sapagkat
ang paghahari ng langit
ay katulad sa isang may-ari ng sambahayan
na lumabas nang maagang-maaga
upang umupa ng mga manggagawa
sa kaniyang ubasan.
2
Nang nakipagkasundo na siya sa mga manggagawa
sa isang denaryo sa bawat araw,
sinugo na niya sila sa kaniyang ubasan.
3
Lumabas siya nang mag-iikatlong oras na
at nakita niya ang iba
na nakatayo sa pamilihang dako na walang ginagawa.
4
Sinabi niya sa kanila:
Pumunta rin naman kayo
sa ubasan
at kung ano ang nararapat,
ibibigay ko sa inyo.
Pumunta nga sila.
5
Lumabas siyang muli
nang mag-iikaanim
at mag-iikasiyam na ang oras
at gayundin ang ginawa.
6
Nang mag-ikalabing-isang oras na,
lumabas siya
at natagpuan ang iba
na nakatayo at walang ginagawa.
Sinabi niya sa kanila:
Bakit nakatayo kayo rito
sa buong maghapon
na walang ginagawa?
7
Sinabi nila sa kaniya:
Ito ay sapagkat walang sinumang umupa sa amin.
Sinabi niya sa kanila:
Pumunta rin naman kayo
sa aking ubasan.
Anuman ang nararapat,
iyon ang tatanggapin ninyo.
8
Nang magtatakip-silim na,
sinabi ng panginoon ng ubasan
sa kaniyang katiwala:
Tawagin mo ang mga manggagawa.
Ibigay mo sa kanila
ang kanilang mga upa,
mula sa mga huli hanggang sa mga una.
9
Paglapit ng mga dumating
ng mag-iikalabing-isang oras,
tumanggap ng isang denaryo ang bawat isa.
10
Nang lumapit
ang mga nauna,
inakala nilang
sila ay tatanggap ng higit pa.
Ngunit sila ay tumanggap din
ng tig-iisang denaryo.
11
Nang matanggap na nila ito,
nagbulung-bulungan sila
laban sa may-ari ng sambahayan.
12
Sinabi nila:
Ang mga huling ito ay isang oras lamang gumawa
at ipinantay mo sa amin
na nagbata ng hirap
at init sa maghapon.
13
Sumagot siya sa isa sa kanila:
Kaibigan,
wala akong ginawang kamalian sa iyo.
Hindi ba nakipagkasundo ka sa akin
sa isang denaryo?
14
Kunin mo ang ganang sa iyo
at lumakad ka na.
Ibig kong bigyan itong huli nang gaya ng ibinigay ko sa iyo.
15
Hindi ba nararapat lamang
na gawin ko ang ibig kong gawin
sa aking ari-arian?
Tinitingnan ba ninyo ako nang masama
dahil ako ay mabuti?
16
Kaya nga,
ang mga huli ay mauuna
at ang mga una ay mahuhuli
- See more at: http://bws.biblista.net/mag-aral-tayo/ang-talinghaga-ng-may-ari-ng-
ubasan/#sthash.v8KL4str.dpuf

You might also like