LOVER’S MURDER SA CHRISTMAS PARTY
(Christy Masas)Kamatayan ang ibinunga ng panibughong lumason sa pagmamahal ng isang dalaga makaraangsakyurin sa leeg hanggang sa matodas ang nobyo mataposna magtalo habang nasa kalagitnaan ng dapat sana’ymasaya subalit nauwi sa malagim na Christmas party saTaguig kamakalawa ng madaling-araw.Dahil sa tinamong saksak sa leeg, hindi na umabot ng buhaysa Medical City Hospital ang biktimang si Harold Gomez,26-anyos, binata, empleyado ng Taguig City Hall atresidente ng naturang lungsod sanhi ng tinamong saksak saleeg.Samantala, nakadetine naman sa detention cell ng TaguigCity Police ang suspek na kinilalang si Catherine Latayan,29, dalaga, empleyado din ng Taguig City Hall, nobya ng biktima at nakatira sa No. 03A Purok 6B, Lower Bicutan,Taguig City.Base sa imbestigasyon ni PO3 Razel Gaspar ng Station Investigation and Detective ManagementSection (SIDMS) ng Taguig City Police, alas-12:10 ng madaling-araw ng maganap ang insidentesa loob ng City Hall ng naturang lungsod na matatagpuan sa Gen. Luna St., Tuktukan.Magkasama pa umanong dumalo sa Christmas party ang magnobyo subalit sa gitna ng kasiyahanay nagkaroon umano ng mainitang argumento ang dalawa na nauwi sa hindi pagkakaunawaan.Dahil dito ay naitulak umano ni Gomez si Latayan na ikinairita ng huli kaya’t nang makapulot ng patalim ay mabilis na inundayan ng saksak ng suspek ang biktima.Kaagad namang isinugod sa naturang pagamutan ng mga naksaksing empleyado ang duguang biktima subalit minalas itong masawi sanhi ng tinamo nitong isang malalim na tama ng saksak saleeg habang sumuko naman sa mga awtoridad si Latayan.“Mahal na mahal ko po ang nobyo ko kaya hindi ko akalain na magagawa ko iyon sa kanya, bakit ako pa, bakit ako pa?” buong pagsisising pahayag ng suspek.Malaki naman ang hinala ng mga awtoridad na selos ang pinag-ugatan ng away ng magnobyo nanagresulta sa kamatayan ng biktima.Kaugnay nito ay nakatakda nang sampahan ng kaukulang kaso ang suspek.
Bilyones ng Ampatuan `wag kalimutan!Nina Bernard Taguinod at BoyetJadulco
Kabado ang isang miyembro ngMababang Kapulungan ng Kongreso namakakalimutan na ang paghahanap sa bilyones umano ng mga Ampatuan.
Leave a Comment