Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more ➡
Download
Standard view
Full view
of .
Add note
Save to My Library
Sync to mobile
Look up keyword
Like this
25Activity
×
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Mga Pilipinong Tumulong

Mga Pilipinong Tumulong

Ratings:

2.0

(1)
|Views: 26,674|Likes:
Published by teacherden

More info:

Published by: teacherden on Jan 07, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, DOC, TXT or read online from Scribd
See More
See less

02/01/2013

pdf

text

original

 
M
GA
P
ILIPINONG
T
UMULONG
/T
UMUTULONG
 
SA
P
AG
-
UNLAD
 
NG
B
AYAN
 
Dr. Fe del Mundo (Agham)
]Edukasyong Nakamit
Siya ay likas na matalino at masipag na mag-aral. Nagtapos siya sa Manila SouthHigh School na may honors (1926). Nakapasa siya sa
entrance test 
saUnibersidad ng Pilipinaskung kailan ang mga babae ay binibigyan lamang na 10% na kabuuang populasyon upang makapag-enrol. Sa dalawangdaang estudyanteng kumuha ng Pre-Medicine entrance test, siya ang nanguna sa lahat. Labing-tatlong dalaga lamang angnakapasa at isa si Fe sa mga ito. Natapos niya ang Pre-Med sa loob lamang ng dalawang taon (1928). Sa UPCollege of Medicine, tanging siya ang nakakuha ng markang A, o ang katumbas nitong1.0 sa Pediatrics (Panggagamot sa mga bata). Ito ang kanyang naging inspirasyon upangmagpakadalubhasa sa gawaing ito. Natapos ni Dr. Fe ang kursong Doctor of Medicine(1933) bilang class valedictorian. Naipasa niya ang pambansang Medical boardexamination at nakamit ang Ikatlo (3rd place) sa pinakamataas.Dahil sa kanyang angking talino, biniyayaan siya ng Pangulo Manuel L. Quezonng isang scholarship sa alinmang unibersidad sa Estados Unidos. Limang taon siyangnagpakadalubhasa sa Pediatrics sa Unibersidad ng Harvard. Tinapos niya ang kursongMaster of Arts in Bacteriology sa Unibersidad ng Boston.
Mga Bagay na Nagtulak Upang Tumulong sa Pagpapaunlad ng Bayan
 
Mga Ginawa para sa Pagpapaunlad ng Bayan
Bilang pangunahing manggagamot ng mga bata, ipinagmamalaki ni Dr. Feang kanyang mga pananaliksik sa mga sakit na polio, rubella at varicella. Ang mga itoang nagsilbing basehan sa pag-aaral at paggamit ng mga bakuna sa buong bansa. Angkawalan ng mga kagamitan at laboratoryo sa Pilipinas hindi naging hadlang kay Dr. Feupang patuloy na magsaliksik. Matiyaga niyang ipinadadala sa New York (para sa polio),sa London, (para sa tigdas), sa Switzerland (para sa rubella) at sa bansang Hapon(chicken pox) ang mga specimen. Sa kanyang pag-aaral sa libo-libong mga bata mula saiba't ibang parte ng bansa (1941), napag-alaman niya na ang mga bata pala ay maaaringimmune o higit na mahina ang panlaban (susceptible) sa ilang mga sakit. Ito ang naging panuntunan kung ilang taon ba dapat bigyan ng bakuna ang isang sanggol upang higit namagkabisa ito.May isang kaso na inakalang tipus (typhoid fever) ang kumalat na epidemyanoong taon 1954. Dahil sa pagtitiyaga ni Dr. Fe, ito ay nadiskubre na dengue pala. Ito angunang pagkakataong nakilala ang dengue sa Pilipinas.Pinag-aralan din ni Dr. Fe ang mga bakteryang nagiging sanhi ng pagtatae(bacteriological etiology ofdiarrheas) ng mga batang wala pang 5 taong gulang. Ito angnagbukas ng daan sa paggamit ng microbials para huminto ang pagtatae.Hindi lamang panggagamot sa bata ang pinagdalubhasaan ni Dr. Fe. Pinag-aralandin niya kung paano maaaring mapaayos at lubusang mapakinabangan ang mga hilot sa panganganak at pangangalaga ng mga batang bagong silang. Pinangunahan din niya ang pagkakaroon ng mga botika sa barangay at mga sentrong pangangalaga para sa mga ina at bata (Mother and Child Health Care Centers).Tunay ngang napagyaman ni Dr. Fe del mundo ang gating bayan sa larangan ngsiyensiya at agham. Ang kanyang dedikasyon at galing sa pananaliksik ay nakatulongupang masagip ang maraming buhay at mapanatili ang maayos na kalusugan ng lahat ngmamamayang Pilipino.
 
Vicente Manansala (Sining)
1910-1981
“Parang pagsamba ang pag-aral sa sining, - taimtim at mahigpit. At masikap”
Edukasyong Nakamit
 
 
Isang taon siyang nag-trabaho sa Manila, nagpinta ng mga paskel sa sine (movie posters) noong 1925, bago siya pumasok noong sumunod na taon sa paaralan ng sining atkatha (School of Fine Arts) ng University of the Philippines (UP) hanggang 1930.Pagkatapos, naghanap-buhay siya kung saan-saan at anumang gawain na kanyang nakitaay kanyang pinasukan. Nagpinta siya sa mga karatula (billboards) sa highway at mga lansangan. Nag- peon pa nuong ginagawa ang Ipo Dam. Naging taga-hugas siya ng pinggan sa Silver Palm, isang barkong English, nuong 1934. Lumahok din siya sa mga patimpalak sa paggguhit at noong 1949 , nabigyan siya ng pabuya (grant) ng United Nations(UNESCO) upang makapag-dalubhasa sa Canada nang 6 buwan. Sumunod na taon, 1950,nanalo ng unang gantimpala ang kanyang “Banaklaot(“Fishermen”) sa unang

Activity (25)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 hundred reads
1 thousand reads
Paulo Olinarez liked this
Kim Trinidad liked this
Boyet Talagtag liked this
Aqho C Zaira liked this
ems156 liked this
Jhoy Famii liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->