Noong Hulyo 14, 1959, siya ay binigyan ng sertipiko ng pagpapahalaga ng tanggapan ng kalihimng Kagawaran ng Agrikultura at Likas na Yaman bilang pagpapahalaga sa kanyang “OutstandingResearch Work on Extraction of Coconut Oil”. Tumanggap din siya ng plake galing sa UPChemical Society bilang katangi-tanging nagtapos sa kemikal; plake ng paglilingkod naipinagkaloob ng samahan noong 1972 sa idinaos na mga seminar ng Chemical Society of thePhilippines tungkol sa niyog at ang gawad PHILSUGIN sa pananaliksik na ipinagkaloob ngCrop Society of the Philippines noong 1976. Noong 1978 ay ipinagkaloob sa kanya ngProfessional Regulation Commission ang gawad bilang “Kemiko ng Taon”. Makalipas angdalawang taon ay ipinagkaloob naman sa kanya ang Distinguished Service Award ng IntegratedChemist of the Philippines, Incorporated at noong 1986 pinarangalan siya ng DistinguishedAlumnus Award ng state university.Si Dr. Banzon ay madalas naiimbitahan sa mga komperensyang pangsiyentipiko sa buongmundo. Noong 1960, sumama siya sa pulong ng lupon ng mga gobernador ng InternationalAtomic Energy Agency at sa panlahatang komperensiya ng kapareho ring ahensiya na ginanap saVienna, Austria. Noong Oktubre nang sumunod na taon dumalo siya sa Ikaapat naKomperensiya ng Japan sa Radioisotopes na ginanap sa Kyoto, Japan. Dumalo din siya saIAEA’s Study Group Meeting tungkol sa Utilization of Research Reactor na ginanap naman saBangkok, Thailand noong Disyembre 17-21, 1962. Naging delegado din siya ng Pilipinas saginanap na ika-11 Kongreso ng Agham Pasipiko sa Tokyo, Japan noong Agosto 1966 ganoondin sa ika-12 Kongreso ng Agham Pasipiko na ginanap sa Canberra, Australia noong Agosto1971.Bukod sa pagtuturo sa UP Los Baños, nagsilbi din si Dr. Banzon sa komite ng unibersidad saagham agricultural at sa iba pang ad hoc committee. Miyembro din siya ng iba’t ibangorganisasyon kasama na ang Society for the Advancement of Research, ang Sigma Xi ng IowaState University, ang Radioisotopes Society of the Philippines, at ang Gamma Sigma DeltaHonor Society of Agriculture (UP Los Baños Chapter) kung saan nanungkulan siya bilang pangulo. Naging tagapangulo din siya ng dibisyon ng kemika at agham parmasyutikal ng National Research Council of the Philippines at bilang miyembro ng lupon ng mga direktor ngChemical Society of the Philippines mula 1972 hanggang 1973. Noong Hulyo 9, 1981, si Dr. Banzon kasama si Dr. Clare Baltazar isang entomolohiya at si Dr.Amando M. Dalisay, isang ekonomista ay naging miyembro ng Pambansang Akademya ngTeknolohiya at Agham. Pagkatapos ay nagsilbi naman siya bilang miyembro ng konsehongtagapagpaganap ng NAST. Noong Hulyo 1986 ay ipinagkaloob sa kanya ni Pangulong Corazon Aquino ang titulongPambansang Siyentipiko dahil sa mahalaga niyang ambag sa larangan ng kemistri sa Pilipinas.Isang pagkilala na karapat-dapat niyang matanggap noon pa man.Ang napangasawa ni Dr. Banzon ay si Vivencia Fernandez kung saan sila ay nagkaanak ngsampu. Namatay siya noong Setyembre 13, 1988 sa edad na 80 taon.