192
Sa Ngalan ng Allâh – ang Mapagpala, ang Mahabagin.
Ang lahat ng pasasalamat at papuri ay sa Allâh lamang – angPanginoon ng mga daigdig. Nawa'y ang kapayapaan at pagpapalang Allâh ay mapasa kay Propeta Muhammad, ang pinakamabuting huwaran sa lahat ng mga nilikha, sa kanyangPamilya, sa kanyang mga Kasamahan at sa lahat ng tumatahak samatuwid na landas hanggang sa Araw ng Paghuhukom.
Paunang Salita
Kinikilala ng Allâh na ang Islam ang siyang tunay na relihiyon athindi ang Kristiyanismo ni hindi ang Hudaismo – mga pangalangkathang-isip lamang ng mga tagasunod nina Moises at Hesus.Kumatha sila ng ganitong mga katawagan pagkaraang mamatayni Moises at matapos iangat ng Allâh si Hesus (sumakanila nawaang kapayapaan) sa kalangitan. Wala isa man sa kanila angtumanggap ng mga ganitong katawagan sa panahon ng kanilang pananatili rito sa mundo. Tinawag ng Allâh (Kaluwalhatian saKanya) ang mga pamayanang ito na mga "Hudyo at Kristiyano"at Siya ay nagsabi sa Banal na Qur'an:
Ang mga Hudyo ay nagsabing ang mga Kristiyano ay walang sinusunod na tamang relihiyon; at ang mga Kristiyano aynagsabing ang mga Hudyo ay walang sinusunod na tamang relihiyon; gayong kapwa nila binibigkas ang Kasulatan.
(Al-Baqarah–2:113)
Ang Allâh ang Siyang humirang sa Islam bilang tunay narelihiyon mula pa nang Kanyang ipadala si Adan sa lupa atnagpatuloy ito sa mga sumunod pang mga Propeta hanggangdumating ang huling Propeta na si Muhammad. Ang kanilangrelihiyon ay Islam katulad ng ipinahayag ng Allâh sa Banal naQur'an: