Kabanata XXVIICapista:
Isagani, nais po kayong kausapin ni Padre Fernandez
Isagani:
Ano kaya ang kailangan niya?
*Nagkibit balikat ang capista at sinundan si Isagani ito*
Tagasalaysay:
Si Padre Fernandez ay isa sa mga prayle na kasama sa mga usapan sa Los Banos. Nung pumasok si Isagani sa silid ay nakitang naghihintay ito.
*pumasok si Isagani sa silid ni Padre Fernandez. Si Padre Fernandez ay malungkot, kunot ang noo, at malalimang iniisip. Tumayo nang nakita si Isagani. Kinamayan ito at binati. Ipininid ang pinto at naglakad. Nanatiling nakatayo si Isagani*
Padre Fernandez:
Ginoong Isagani, mula sa aking bintana ay narinig ko kayong nagtatalumpati. Marami naakong kabataan na naturuan ngunit wala pa akong nakitang naglalakas-loob sa kanyang paninindigan tulad mo.May mga naninira sa amin nang talikuran ngunit sa harapan ay humahalik sa kamay. Ano ang ibig mong gawinnamin sa mga taong ganoon?
Isagani:
Hindi n’yo po sila masisi, Padre. Naturuan sila ng maging mapagkunwari at pigilin ang kalayaannamagsalita. Sapagkat, kapag ang kanilang sinasabi ay hindi ninyo sinasang-ayunan, ito’y itinatak bilang isang pag-aalsa.
Padre Fernandez
(nagbubuntong-hininga): Hay. Ngayon matanong kita, ano ang gusto ng mga mag-aaral naPilipino na gawin namin?
*Nagulat si Isagani at sumagot nang mabilisan*
Isagani:
Tuparin ninyo ang inyong tungkulin
Padre Fernandez:
Bakit? Hindi ba namin yun ginagawa?
Isagani
: Padre Fernandez, kayong mga prayle, bilang mga guro, ay may tungkulin na hubugin sa lalongmabuting paraan ang pangangatawan at pag-uugali ng mga kabataan.. Ngayon, ako naman ay may tanong,natupad ba ng mga prayle ang kanilang mga pinananagutan?
Padre Fernandez:
Oo, tumutupad kami.
Isagani:
Ngunit bakit hinahadlangan ang pagtuturo! Kahit ang mga bilanggo ay tinutulungan at pinakikingganng pamahalaan ngunit kaming mga mag-aaral ay napapabayaan!
Padre Fernandez
: Lumalagpas ka sa ating pinagkasunduan, Isagani.
Isagani
: Hindi, Padre. Tinatalakay ko pa rin ang mga suliranin ng mga mag-aaral. Ang paghadlang ng mga prayle sa aming pagkatuto ang sanhi ng aming kawalang kasiyahan.
Padre Fernandez
: Ang karunungan ay ipinagkakaloob lamang sa sadyang karapat-dapat pagkalooban. Angipagkaloob iyon sa mga taong walang malinis na kalooban at mabuting asal ay kahalay-halay lamang.
Isagani:
Bakit may mga taong walang malinis na kalooban at mabuting asal?
Padre Fernandez
: Iyan ang mga kasiraang nasanay mula pagkabata, na nagmula sa kapaligiran ng pamilya.
Isagani
: Hindi po, Padre Fernandez. Ayaw ninyong suriing mabuti ang ugat ng suliranin. Kung ano man kami,ay kayo ang may gawa. Sumasang-ayon ako sa inyo na kami’y mayroong mga kahinaan. Sino ang dapat sisihinsa mga ito? Kayo ba na nagturo sa amin o kami na sumunod sa inyo?
Padre Fernandez
: Nauunawaan ko. kayo at kami’y nagsasayaw sa himig ng isang tugtugin. Naniniwala ka bana kaming mga prayle ay walang budhi at hindi nagnanasa ng kabutihan? Ngunit gaya rin ninyo,kinakailangang sumunod kami sa himig ng tugtugin. Kung hindi kayo ang magpapalayas sa amin, ang pamahalaan ang gagawa niyan.
Isagani:
Kung gayo’y, hinahangad ng pamahalaan ang aming kasamaan.
Padre Fernandez:
Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Ang ibig kong sabihin ay may mga paniniwala, mga batasna mabubuti ang layunin, ngunit nagbubunga ng di magandang pangyayari. “Corruptissima in republica plurimaeleges” ang sabi ni Tacito. Ang bayan ay lalong sumasama kung napakaraming mga batas. Ang pagkawala ng pagtitiwala sa kabaitan ng bayan ang mag-uudyok sa kanila ng gumawa ng kasamaan.
*huminto si Padre Fernandez*
Padre Fernandez:
Lumalayo na tayo sa paksa. Ngunit aking masasabi na hindi nasa pamahalaan o sa amin angkasalanan, kundi sa aming lipunan mismo. Ang lipunan, na puno ng mga kapinsanan, ay nagiging dahilan ngkanyang sariling pagkasira.