/  27
 
Buod
Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de losSantos na higit na popular sa taguring kapitan Tiago. Ang handaan aygagawin sa kanyang bahay na nasa daang Anluwage na karating ng Ilog-Binundok. Ang paayaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila.Bawat isa ay gustong dumalo sapagkat ang mayamang Kapitan ay kilalabilang isang mabuting tao, mapagbigay at laging bukas ang palad sa mganangangailangan. Dahil dito, ang iba ay nababalino kung ano ang isusuot atsasabihin sa mismong araw ng handaan. Nang gabing iyon dagsa ang mgapanauhin na gaya ng dapat asahan. Puno ang bulwagan. Ang nag-iistima samgta bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na pinsan ng may-bahay. Kabilang sa mga bisita sina tinyente ng guardia civil, Pari Sibyla, angkura paroko ng Binundok, si pari Damaso na madaldal at mahahayap angmga salita at dalawang paisano. Ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas.Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng mgakatutubong Pilipino. Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa aysarili niyang gastos. Ang pakay ng kanyang paglalakbay ay upangmagkaroon ng kabatiran tungkol sa lupain ng mga Indiyo. Nagkaroon ngmainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhan ang tungkol sa monopolyong tabako. Nailabas ni Pari Damaso ang kanyang mapanlait na ugali. Nilibakniya ang mga Indiyo. Ang tingin niya sa mga ito ay hamak at mababa.Lumitaw din sa usapan ang panlalait ng mga Espanyol tungkol sa mgaPilipino noong mga nakalipas na araw. Mapanlibak si Pari Damaso. Kungkaya’t iniba ni Pari Sibyla ang usapan. Napadako ang usapan tungkol sapagkakalipat sa ibang bayan ni Padre Damaso pagkatapos ng makapagsilbisa loob ng 20 taon bilang kura paroko ng San Diego. Sinabi niya kahit na anghari ay hindi dapat manghimasok sa pagpaparusa ng simbahan sa mgaerehe. Pero, ito ay tinutulan ng Tinyente ng Guardia Civil sa pagsasabingmay karapatan ang Kapitan Heneral sapagkat ito ang kinatawan ng hari ngbansa. Ipinaliwanag pa ng tinyente ang dahilan ng pagkakalipat ni PariDamaso. Ito, umano ang nag-utos na hukayin at ilipat ang bangkay ng isangmarangal na lalaki na napagbintangang isang erehe ng pari dahil lamang sahindi pangungumpisal. Ang ginawa ay itinuturing sa isang kabuktutan ngKapitan Heneral. Kung kaya inutos nito ang paglilipat sa ibang parokya angparing Pransiskano bilang parusa. Nagpupuyos sa galit ang pari kapagnaaalala niya ang mga kasulatang nawaglit. Iniwanan na ni Tinyente angumpukan, pagkatapos nitong makapagpaliwanag. Sinikap ni Pari Sibyla napakalmahin ang loob ni Pari Damaso. Lumawig muli ang talayan. Dumatingang ilan pang mga bagong panauhin. Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang
 
sina Dr. de Espadaña at Donya Victorina. Dumating si Kapitan Tiyago at siIbarra na luksang-luksa ang kasuotan. Binating lahat ni kapitan ang mgapanauhin at humalik sa kamay ng mga pari na nakalimot na siya aybendisyunan dahil sa pagkabigla. Si Pari Damaso ay namutla ng makilala siIbarra. Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak ngkanyang kaibigang namatay at kararating lamang niya buhat sa pitong taongpag-aaral sa Europa. Malusog ang pangangatawan ni Ibarra, sa kanyangmasayang mukha mababakas ang kagandahan ng ugali. Bagamat siya aykayumanggi, mahahalata rin sa pisikal na kaanyuan nito ang pagigingdugong Espanyol. Tinangkang kamayan ni Ibarra si Pari Damaso sapagkatalam niyang ito ay kaibigang matalik ng kanyang yumaong ama. Ngunit, itoay hindi inamin ng pari. Totoo, siya ang kura sa bayan. Pero, ikinaila niyangkaibigan niya ang ama ni Ibarra. Napahiya si Ibarra at iniatras ang kamay.Dagling tinalikuran niya ang pari at napaharap sa tinyenteng kanina panamamasid sa kanila. Masayang nag-usap sina tinyente at Ibarra.Nagpapasalamat ang tinyente sapagkat dumating ang binata ng walanganumang masamang nangyari. Basag ang tinig ng tinyente ng sabihin niyasa binata na nasa ito ay higit na maging mapalad sa kanyang ama. Ayon satinyente ang ama ni Ibarra ay isang taong mabait. Ang ganitong papuri aypumawi sa masamang hinala ni Ibarra tungkol sa kahabag-habag na sinapitng kanyang ama. Ang pasulyap ni Padre Damaso sa tinyente ay sapat naupang layuan niya ang binata. Naiwang mag-isa si Ibarra sa bulwagan ngwalang kakilala. Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sakanyang pag-aaral sa Europa, ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mgananduruong kamukha niyang panauhin. Ang mga babae ay hindi umimik sakanya. Ang mga lalaki lamang ang nagpapakilala rin sa kanya. Nakilala niyaang isang binata rin na tumigil sa pagsusulat. Malapit ng tawagin ang mgapanauhin para maghapunan, nang lumapit si Kapitan Tinong kay Ibarra parakumbidahin sa isang pananghalian kinabukasan. Tumanggi sa anyaya angbinata sapagkat nakatakda siyang magtungo sa San Diego sa araw nanaturan.Naglakad na si Ibarra na hindi batid ang destinasyon. Nakaratingsiya hanggang sa may Liwasan ng Binundok . Sa maraming taongpagkakawala niya sa bayan,wala pa ring pagbabago sa kanyang dinatnan. Sapaggala-gala ng kanyang paningin, naramdaman niyang may dumantay nakamay sa kanyang balikat. Si Tinyente Guevarra,na sumunod sa kanyaupang paalalahanan na mag-ingat din sapagkat nangangamba siyang bakamatulad siya (Ibarra) sa sinapit ng kanyang ama. Nakiusap si Ibarra naisalaysay ng tinyente ang tungkol sa buhay ng kanyang ama sapagkat tunayna wala siyang nalalaman dito. Sianbi ni Ibarra na sumulat and kanyang amasa kanya mayisnag taon na ang nakakalipas. Nagbilin si Don Rafael(ama ni
 
Ibarra) na huwag nitong ikagugulat kung sakali mang hindi siya makasulatsapagkat lubha siyang abala sa kanyang mga gawain. Ganito ang salaysayng tinyente: Si Don Rafael ay siyang pinakamayaman sa buong lalawigan.Bagamat siya ay iginagalang, may ilan din namang naiinggit. Ang mga nunonila ay mga kastila.Ang mga kastila dahil sa kasawian ay hindi gumagawa ngmga nararapat. Ang masasama sa Espanya ay nakakarating sa Pilipinas. SiDon
 
Rafael ay maraming mga kagalit na mga kastila at pari. Ilang buwan palamang nakakaalis sa Pilpinas si Ibarra,si Don Rafael at Pari Damaso aynagkasira. Diumano, di nangungumpisal si Don Rafael. Nabilanggo si DonRafael dahil sa pagkakaroon ng mga lihim na kaaway. Pinagbintangan pasiya ang pumatay sa isang mangmang at malupit na artilyerong naniningilng buwis ng mga sasakyan. Pero hindi naman totoo. Isang araw may isanggrupo ng mga bata na sinigawan ang artilyero ng ba be bi bo bu na labis naikinagalit nito.Pinukol ng kanyang tungkod ng artilyero ang mga bata. Isaang sinampald na tinamaan at nabuwal. Pinagsisipa niya ito. Napatiyemponamang nagdaraan si don Rafael. Kinagalitan niya ang artilyero. Pero, ito aylalong nagpuyos sa galit at si DonRafel ang kanyang hinarap. Walangnagawa si Don Rafael kung hindi ipagtanggol ang sarili. Sa hindi malamangdahilan, bigla na lamang sumuray-suray ang artilyero at dahan-dahangnabuwal. Terible ang kanyang pagkakabuwal sapagkat ang kanyang ulo aytumama sa isang tipak na bato. Nagduduwal ito at hindi nagkamalayhanggang sa tuluyang mapugto ang hininga. Dahil dito, nabilanggo di DonRafael. Pinagbintangan siyang erehe at pilibustero. Masakit sa kanya angganito sapagkat iyon ang itinuturing na pinakamabigatna parusa.Pero, lalongnadagdagan ang dagan sa kanyang dibdib. Pinaratngan din siyangnagbabasa ng mga ipinagbabawal na aklat (El Correo de Ultramar) atdiyaryo, nagtatago ng larawan ng paring binitay, isinakdal sa salangpangangamkam ng lupain at nagbibigay ng tulong sa mga tulisan.Gumawa siya (tinyente) ng paraan para tulungan si Don Rafael atsumumpang ito ay marangal na tao. Katunayan, siya ay kumuha ng isangabugadong Pilipino na si G.A at G.M. Ito ay pagkaraang lumitaw sa pagsusurina ang ikinamatay ng artilyero ay nag pamumuo ng dugo sa ulo nito. Nanglumaon, ang katwiran ay nagtagumpay din. Nang si don Rafael ay malapit nglumaya dahil sa tapos nglahat ang mga kasong ibinintang sa kanya. Angsapin-saping kahirapan ng kalooban na kanyang dinanas ay hindi nakayananng kanyang pisikal na katawan.Hindi na niya natamasa ang malayang buhay. Sa mismong loob ngbilangguan, nalagutan ng hininga si Don Rafael. Huminto sa pagsasalaysayna g tinyente. Inabot nito ang kanyang kamay kay Ibarra at sinabing siKapitan Tiyago na lamang ang bahalang magsalaysay ng iba pang

Share & Embed

More from this user

Add a Comment

Characters: ...