Paghahanda sa Pagpapasuso
•
Ginagamit ng mga bata ang kanilang mga labi, gilagid at dila sa kanilang pagsuso (ang pagkuhang gatas mula sa suso).
•
Ang iyong sanggol ay ipinanganak na may likas na abilidad sa pagsuso.
•
Kinakailangan ang sapat na panahon upang ikaw at ang iyong sanggol ay matutunan ang pagpapasuso
•
Kinakailangang pakainin ang mga bagong panganak kada 2 hanggang 3 oras sa araw at gabi.
•
Sa bawa’t pagpapakain, pasusuhin ang iyong sanggol ng 15 hanggang 20 minuto sa bawa’t suso..
Paano magsisimula?
•
Ang una mong gatas ay medyo dilaw at malapot. Prinoprotektahan at binibigyang sustansiya nitoang iyong sanggol hanggang dumating ang iba mong gatas 2-3 araw pagkatapos manganak.
•
Madalas na pasusuhin ang iyong sanggol…nang hindi kukulang bawa’t dalawang oras sa parehong araw at gabi sa mga unang ilang linggo. Gamitin ang magkabilang suso sa bawa’t pagpapasuso.
•
Magpasuso nang matagal para sapat na mabigyang-kasiyahan ang iyong sanggol…habang masmadalas ang pagsuso ng iyong sanggol, maging mas marami ang iyong gatas.
•
Ang mga botelya at mga pacifier ay nakakabawas sa dami ng gatas na magagawa mo.
•
Hindi kailangan ng mga sanggol ang ibang pagkain hanggang sila ay umabot ng 4-6 buwan.
•
Malalaman mo kung sapat ang nakakain ng iyong sanggol kapag:
○
Mayroon siyang hindi kukulang sa 5 basang lampin bawa’t araw.
○
Hindi kukulang sa 2 pagdumi bawa’t araw at ang iyong suso ay lumalambot pagkataposng pagpapasuso.
Paraan upang ilagay ng sanggol ang suso sa bibig o
latching
Pagbibigay ng Iyong Suso
•
Hawakan ang iyong suso sa pamamagitan ng paglalagay ng hinlalaki sa gawing itaas at mga dalirisa ilalim nito.
•
Maingat na ilagay ang iyong utong sa labi ng iyong sanggol.
•
Kapag bumukas na ang bibig ng bata, agad na ilapit ito sa iyong dibdib.
•
Habang naghahanda sa pagsuso ang iyong anak, huminga nang malalim at marahan.
•
Makakatulong ito sa pagdaloy ng gatas.