Professional Documents
Culture Documents
by Garnet Heart
Overview:
Magawa kaya siyang ibigin o bigyang pansin man lang ni Darian gayong
pinagtatawanan siya't inaalipusta ng karamihan? Makikita kaya nito kung
anuman ang inililihim niya sa kabila ng kanyang pagkatao?
Chapter 1
“Ay!” gulat na tinakpan ni Alicia ang bibig nang umakyat ito ng platform at
tumabi sa kanya. Napakatangkad pala nito na kahit nakatakong siya ay halos
hanggang balikat lang siya nito. Five feet three inches siya, kaya’t siguradong
nasa six feet ang taas nito. Malaki rin ang pangangatawan nito. Kahit nakasuot
ito ng long sleeved shirt ay bakas ang muscles nito sa mga balikat at braso,
ganun din ang makapal nitong dibdib at makitid na baywang. “How old are you?”
ang tanong sa kanya ng lalaki. “Ah, twenty six pa lang po. Kayo po, Sir?” “Let’s
just say… I’m older than you.” Hindi niya pinansin ang pagkasarkastiko nito.
“Grabe! Genius siguro kayo kaya kayo naging manager agad, ano Sir?” Nangiti
si Darian. “Didn’t you just call me boy?” “Ay, joke lang po ‘yun, Sir. Nagulat lang
kasi ako. Pero Sir, ang guwapo niyo ha.” Kinurot siya ni Lorna. “Huwag ka na
namang maglalandi diyan.” “Ma’am naman, bini-build up ko lang confidence ni
Sir. Baka kasi hindi niya alam na guwapo siya.”
“Silence please.” Itinaas ni Darian ang kamay para patahimikin ang lahat.
Nang humupa ang hiyawan ay saka ito nagaptuloy. “Let’s not disturb other
people.” “Sagutin mo muna ang tanong ko, Sir,” ani Gladys. “Oo nga,” sang-ayon
ng iba. Huminga ng malalim si Darian at saka tumango. “To satisfy your
curiosity, I’m still single.” “Hooooooooohhh!” Lalong lumakas ang hiyawan. Hindi
na ito napigilan ni Darian kaya’t nanahimik na lamang ito hanggang sa humina
ang ingay. Si Lorna naman ay nangingiti lang sa isang tabi. Humikab naman si
Alicia na hindi nakisama sa hiyawan, subalit may naisip siyang kapilyahan para
hindi masapawan. “Sir, ako rin, single pa,” malakas niyang hayag sa malanding
tono. Humiyaw ang ilan at tumawa naman ang iba. May bumato pang muli sa
kanya ng papel subalit hindi niya alam kung sino. “Oo nga, Sir. Kailangan ng
mga anak niya ng bagong Daddy,” biro ni Gladys at nagtawanan ang lahat. Kahit
napahiya siya ay inirapan lang niya si Gladys. “Sabunutan kita diyan eh!” asik
niya dito. “Ayaw niyo ‘yun, Sir, ‘di niyo na kailangang gumawa ng baby,” dagdag
pa ng isa at nagpatuloy ang tawanan. “That’s enough.”
Hindi nila pinansin si Darian at may isa uling nagtanong. “Honestly, Sir,
what’s your ideal woman?” “Yes,” interesado ang lahat. Bumuntung-hininga si
Darian. “I will answer that question, but after that, let’s proceed discussing the
rules.” “Sure!” “Honestly, hindi ako pumapatol sa mga empleyado ko.” Gulat na
nanahimik ang lahat. Isa lang ang ibig sabihin nun, wala silang tsansa lahat na
pansinin nito. In other words, basted silang lahat. “Second, I never dreamed of
becoming a father to someone else’s child. I’d like to make a family of my own.”
Nagbago ang lahat nang may nakabasa sa record niya kung saan
nakatala doon na head of the family siya at may tatlong mga anak. Mabilis na
kumalat iyon sa opisina at pagpasok niya kinabukasan ay tinatawanan na siya ng
mga katrabaho niya. Kakaiba na rin ang ngiti sa kanya ng mga kalalakihan at
hindi na siya nilapitan ng mga ito. Nilamon na lamang niya ang lahat ng
kahihiyan, importante ay ma-regular siya sa kompanyang iyon. Mula noon ay
hindi na siya muli pang inirapan ng mga babae at may mga ilan nang
nakipagkaibigan sa kanya. Nawala ang insecurity ng mga ito sa nalamang hindi
na pala siya dalaga. Para pagtakpan ang kahihiyang inaabot niya sa tuwing
naririnig niyang pinagtsitsismisan at tinatawanan siya ay naisip niyang ibahin ang
kanyang personalidad at sakyan na lamang iyon.
Maliban kay Elvira ay wala na ang mga dati niyang katrabaho, subalit
hindi na niya iniba ang nakilala ng mga bago niyang katrabaho na pagkatao
niya. Mas makabubuti na rin sa kanya iyon at nang makaiwas siya sa away.
Pinilit niyang ngumiti habang nakatitig sa salamin at sinuklay ang mahaba niyang
buhok. Hindi siya dapat magpa-apekto sa mga ito. Marami pa siyang mga mas
importanteng bagay na dapat isipin. May tatlong bata siyang pinapakain, grade
one na ang panganay at kinder naman ang pangalawa, at ang pangatlo naman
na tatlong taong gulang pa lamang ay malubha ang sakit sa puso at
kinakailangan nito ng regular na pag-inom ng gamot. Bukod pa doon, nasa
puder din niya ang kanyang ina na sa sobrang kapayatan ay hindi na makalabas
ng bahay. Na-deppress ito nang iwanan ng huli nitong asawa tatlong taon na
ang nakakaraan at mula noon ay naging sakitin na ito.
Nangiti siya. Ubod man ng kulit ang mga ito kapag gising ay nakakapawi
ng pagod na pagmasdan ang mga itong natutulog. Itong mga kapatid niya sa
ina, na inako niyang mga sariling anak. Naalala niya kung papaano tinutukso ang
mga ito ng mga kalaro noon sa pinanggalingan nilang lugar. Iyon ang dahilan
kaya’t pinatigil niya ang panganay na si Jerome na pumapasok noon sa libreng
nursery school sa Barangay. Ilang beses niya itong sinundo na malungkot at
umiiyak. Tinutukso raw kasi nila ito na anak ng matandang aswang.
Awang-awa siya noon kay Jerome, lalo na’t napakabait nitong bata. Wala
pa itong apat na taon noon ay alagang-alaga nito ang nakababatang kapatid na
si Jerwin. Hindi nito kailanman pinagdamutan ang kapatid sa pagkain man o
laruan. Paminsan-minsan lang umuuwi ang kanyang ina noon dahil
namamasukan itong katulong sa isang malaking bahay. Buwan-buwan naman
nitong iniaabot sa kanya ang suweldo nito para panustos niya sa mga bata.
Hanggang sa isang araw ay laking gulat niya nang dumating itong malaki na
naman ang tiyan. Pinalayas raw ito ng amo.
Nangiti siya at hinalikan ang mga bata, saka siya nagtungo sa kanyang
kuwarto. Nang mapatingin siya sa alarm clock ay mag-aala-una na pala.
Kailangan pa niyang gumising ng alas singko para ipagluto ang mga bata at
salukan ng pampaligo ang mga ito, kasama na rin ang kanyang ina. Kapag
nakaalis na ang mga bata ay saka lang niya maaasikaso ang kanyang sarili para
pumasok naman sa trabaho. Sa araw-araw yata ay ganun ang naging buhay
niya. May mga sandaling gusto na niyang sumalampak sa sahig at mamahinga,
subalit hindi maaari dahil napakalaki ng responsibilidad niya.
***********
Pinaikot niya ang mga mata. “Subukan niyo at nang mawalan kayo ng
muse.” “Girls.” Itinaas ni Darian ang dalawang kamay para patahimikan sila.
“Tama na ‘yan. Balik na kayo sa trabaho niyo.” “Narinig niyo ‘yun?” aniyang at
iginala ang tingin sa apat na babae sa loob. “Balik na raw kayo sa office niyo at
inaabala niyo si Sir.” “Kasama ka rin dun, gaga,” ani Cecile. “Hoy, kararating ko
lang ano! Kayo, kanina pa kayo, kaya shooo!” “Ikaw rin, bumalik ka na,” ani
Darian na ikinagulat niya. Tumawa ang apat na babaeng naglalabasan. “Sir
naman, may sasabihin pa ako,” reklamo niya. “Ay, oo nga pala, Sir.” Bumalik si
Gladys at hinaplos ang balikat ni Darian. “Kailan darating yung bago kong PC?”
“Magrerequest muna ako. Baka in one week pa.” Nagsalubong ang kilay ni
Alicia na pinapanood ang paghaplos ni Gladys sa balikat ni Darian na animo’y
boyfriend na nito ang lalaki. “Hoy!” Mabilis siyang lumapit sa dalawa at tinapik
ang kamay ni Gladys. “Huwag mong mahawak-hawakan si Sir, ha! Ang landi
mo.”
Nangulubot ang kanyang mukha at tatayo na sana siya nang makita ang
dinala niyang kape. “Di ba tapos na po kayong magkape?” Pilit ang ngiti niyang
kinuha iyon. “Ako na lang iinom nito. Sayang naman,” aniya at tinalikuran ito.
“Bye, Sir,” kaway niya dito at lumabas ng pinto. Sa dulo ng mata niya ay nahuli
niya itong napangiti.
Nang nasa labas na siya’y nanlisik ang kanyang mga mata. Napaka-
estrikto pala ng Darian Conrado na ‘yun. Kung bakit kasi pinalitan pa nila si
Lorna. Mabuti na lang at natapos na itong magkape kundi ay nilibre niya ito ng
halagang bente pesos na walang napala. Ibibigay na lang niya iyon kay Elvira at
baka sakaling ibawas nito iyon sa utang niya.
Chapter 3
Natawa ang treasurer at nanlaki ang mga mata niya nang makitang
pinirmahan nito ang kanyang sulat. Kahit man siya ay nabibilib sa kanyang
kakayahan na pangitiin kahit ang naiinis nang tao. “Sige na nga. Pero next
grading hindi namin siya papayagang mag-exam kung ‘di pa siya nakabayad
ha?” “Sure po, ma’am. Sisiguraduhin ko pong may pambayad na siya next
grading.” Bumuntung-hininga ang treasurer at iniabot sa kanya ang sulat. “Pirma
uli kayo sa ibaba.” Halos tumili siyang pinirmahan ang sulat. Kulang na lang ay
yakapin niya ang matandang dalagang ito. “Salamat po talaga, ma’am! Ambait-
bait po ninyo!”
“Asa ka, nag-date kami kahapon.” Gulat siyang nilingon si Darian. “Totoo,
Sir?!” “Tama na nga ‘yan,” ani Darian. “Gawin mo na yung pinapagawa ni Ate
Tess. Baka lalo pang magalit ‘yun.” “Pakialam ko sa kanya. Uunahin ko muna
yung presentation ng mga engineers.” “Mamaya na ‘yun. Di bale’t mas
nakakaintindi ang mga engineers dito.” Hindi na siya nakaimik. “Sige, balik na
ako sa office.”
Nang wala na ito ay nangulubot ang kanyang ilong. “Special ang Tess na
‘yan ah. Naging priority pa.”
***********
“Sir naman,” reklamo ni Alicia na nakaupong muli sa harapan ng desk ni
Darian. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niya itong kinulit sa
overtime. “One month na kayo dito isang beses niyo lang akong pinayagang
mag-overtime.”
Gumulong ang mga mata niya. May nag-suggest na rin nun sa kanya,
subalit tinanggihan niya dahil sa pressure ng trabaho ng mga supervisors. Halos
hindi na nga umuuwi ang mga ito, lalo na kung nagkaroon ng problema ang mga
makina. “Diyos ko naman, Sir. Tatlo ang anak ko, mga bata pa sila. Tapos may
sakit ang nanay ko. Halos apat na oras na nga lang ang tulog ko sa gabi,
magsu-supervisor pa ako.”
“No. Hindi pa rin puwede ‘yun.” “Sir naman!” “I’ll pay you for your help on
Saturday, kahit one thousand. Tulungan mo lang akong magluto at mag-serve
sa mga bisita. Siyempre after lunch, tulungan mo na rin akong maghugas at
maglinis.” Nanlaki ang kanyang mga mata. “Oo naman po, Sir! Pero sigurado
po kayo? One thousand? One day lang?” “Oo naman. Maghapon din ‘yun.”
“Ambait-bait niyo talaga, Sir!” Sa tuwa niya ay hinawakan niya ang kamay nito at
pinisil. “The best po kayong manager, promise!” “Sipsip.” “Ay, ano nga po palang
address niyo Sir para alam ko kung saan ako pupunta?”
Binuksan ni Darian ang drawer sa ibaba ng desk at iniabot sa kanya ang
isang calling card. “Mag-taxi ka na lang. Pagdating mo dun, ako na’ng
magbabayad.” Lalo pang nagningning ang kanyang mga mata. “Salamat po
talaga, Sir! Hindi ko na po kayo kukulitin for one whole week, promise!” “You’re
saying next week, mangungulit ka na naman?” “Ay, ibang usapan na po ‘yan,
Sir,” aniya at tumayo. “Sige po at marami pa akong gagawin. See you
Saturday!”
***********
Tiningala ni Alicia ang mataas na gate nang umalis ang sinakyan niyang
taxi. Iyon nga ang numero ng bahay ni Darian. Napakataas pala ng gate nito na
wala man lang siyang makita sa loob. Nahanapan niya ang doorbell sa gilid at
iyon ang kanyang pinindot. Ilang sandali lang ay nakarinig siya ng papalapit na
mga yabag, at mula sa maliit na pinto ay sumilip si Darian. “Hi, Sir!” Nakangiti
siyang kinawayan ito. Nanibago siya sa itsura nito na nakasuot lamang ng jeans
at t-shirt. Hindi rin nakaayos ang buhok nito kaya’t lumabas ang natural na kulot
nun. Nangiti rin itong makita siya.
“Come in. Mukhang napaaga ka ata ah.” “Siyempre naman, Sir,” aniya at
pumasok ng gate. “Panctual naman po talaga ako eh.” Natahimik siya nang
makita ang tahanan nito. Isang storey lang ang bahay, subalit konkreto at may
basement. Maluwang ang bakuran nito na maaaring paglaruan ng mga bata
kung sakaling magkaroon ito ng pamilya. “Mag-ingat ka diyan,” ani Darian na
nakasunod sa kanya. Hindi niya ito pinansin at tuluy-tuloy pababa ng driveway
hanggang sa main door nito. “Dito na lang po kaya kayo sa labas magpa-lunch.
Mas-enjoy po— Aaayyyyyyy!” Napatili siya ng malakas nang may biglang
kumahol na aso sa tabi niya. Akala niya ay kinagat na siya nito.
Noon lang niya napansing nakayakap pala siya dito. Namula ang
kanyang mga pisngi at agad na bumitiw. “Sorry po, Sir. Nagulat po kasi ako.”
“Dugan, quiet!” anito sa aso na patuloy sa pagtahol. Nang tignan niya iyon ay
halos napangiwi siya sa sindak. Isang naglalaway na pitbull pala ang alaga nito.
Kaya naman pala ganun na lamang siya nagulantang sa kahol nito. Pagpasok
nila ng bahay ay napatingin siya sa paligid. Kung gaano kaganda ang labas ay
ganun din ka-boring sa loob. Wala man lang dekorasyon sa mga dingding.
Tanging ang sofa at TV set lamang ang makikita sa sala. “So ano pong lilinisan
ko dito, Sir?” tanong niya. “Hindi dito. Sa dining room.”
Iniwan niya ang kanyang bag sa sofa at sinundan si Darian sa dining
room. Mas maganda iyong tignan kaysa sa sala dahil may mga cabinets doong
yari sa pine wood, maging ang mga upuan at mesa ay yari din sa parehong
kahoy. “Okay naman po dito ah,” muli niyang puna nang walang makitang
maruming bahagi ng dining room. “Mamaya pa naman tayo maglilinis eh.
Magluluto muna tayo.”
“Ay.” Tinakpan niya ang kanyang bibig na parang napahiya. “Oo nga
pala ano.” Nagtungo sila sa counter at inilabas lahat ni Darian ang mga
gagamitin nila sa pagluluto mula sa malaking refrigerator.Nagtulungan silang
magbalat ng sibuyas, bawang, luya. Hiniwa din nila ang ilang mga gulay at
karne. Hindi siya naging komportable sa katahimkan nito kaya’t wala siyang tigil
na tinanung-tanong ito tungkol sa kung anu-anong mga bagay.
Napag-alaman niyang namatay na pala ang ina nito pitong taon na ang
nakakaraan at pagkalipas ng dalawang taon ay muling nag-asawa ang ama nito
at sa States na nanirahan kasama ang bagong asawa at isang nakababata
nitong kapatid na lalaki na nag-aaral pa lamang. Ang sumunod sa kanyang
babae ay nag-asawa na rin doon ng amerikano at nung nakaraang buwan
lamang ay isinilang nito ang panganay na anak.
Dalawang taon rin daw itong nanirahan sa States pero piniling bumalik ng
Pilipinas dahil hindi raw ito masaya doon. Lihim niya itong kinainggitan. Masakit
man ang nangyari sa pamilya nito, kahit papaano’y naranasan nitong magkaroon
ng buong pamilya, samantalang siya’y halos hindi na niya maalala ang kanyang
ama. Limang taong gulang lamang siya nang magpasiya ang kanyang ama na
balikan ang tunay nitong asawa, at bago siya makapagtapos ng kolehiyo ay
nabalitaan niyang namatay ito sa atake sa puso. Ganunpaman ay hindi siya
nagtanim ng hinanakit dito dahil regular naman ang pagpapadala nito ng pera
noon para sa kanyang pag-aaral. “Eh girlfriend, Sir? Ilan na’ng naging girlfriend
niyo?” lakas loob niyang itinanong dito nang wala na siyang maisip na ibang
mapag-usapan.
Tumawa si Darian. “This past three years?” “Pati na rin noon pa.” “Nung
college, dalawa lang. Pero nung nasa states ako, tinuruan akong mambabae ng
mga kaibigan ko dun eh.” “Hindi niyo na po siguro mabilang ano?” “Hindi naman.
Mga…”
Nag-isip ito sandali. “Wala pa sa sampu. Pero ang sineryoso ko, tatlo
lang.” “Mmm, babaero po pala kayo eh,” biro niya. “Babaero na ba ‘yun?”
tumatawa nitong tugon. “Ikaw? Hindi mo na siguro mabilang ang mga boyfriend
mo ano?”
“Ay, talagang hindi,” mabilis niyang tugon, subalit ang totoo’y wala pa siya
ni isang naka-relasyon. “Kulang pa ang mga daliri ko sa paa para mabilang.”
Natawa ito. “Alam mo, nung una kitang nakita, I thought you were very
beautiful.” Gulat siyang napatingin dito. Hindi niya inasahang makakarinig siya
ng papuri mula dito. “Really?” “That’s what I thought, but then…” Natawa ito at
umiling. “Nevermind.”
Nagsalubong ang kanyang mga kilay. Nakakainsulto ang ngisi nito. Alam
niya ang ibig nitong sabihin, na isa pala siyang puta. “Sa in-demand po ang
beauty ko eh,” a na lang niya. Trabaho naman ang isinunod nilang pinag-
usapan. Nabanggit niya si Gladys na lagi niyang nakakabangga. Itinanong niya
kung totoo ang pinagmamalaki ni Gladys na date. Nadaanan lang pala ni Darian
si Gladys na nag-aabang ng taxi sa kalsada. Umuulan noon kaya’t
nagboluntaryo itong ihatid ang babae.
Nangiti si Alicia at binuksan ang ref para ilabas ang pinalamig nilang
inumin. Kahit pala kung minsan ay naiinis sa kanya si Darian ay ipinagmamalaki
pa rin siya nito. Alas tres na nang mag-alisan ang mga bisita. Masyadong
maraming kalat ang iniwan ng mga ito kaya’t muli silang naglinis at naghugas ng
mga kagamitan. Magdidilim na nang matapos sila, at pagod na pagod na rin
siya. Ganunpaman ay naglaho ang lahat ng pagod niya nang abutan siya nito ng
dalawang libo. Bayad daw ng pinang-taxi niya ang iba at dagdag na rin dahil
mabilis at maayos siyang nagtrabaho. Napatili siya sa tuwa at halos yakapin pa
niya ito ngunit nagpigil siya dahil baka muli siyang mapahiya. Para masulit ang
kanyang pagod ay hiningi niya ang mga natirang pagkain. “Aanhin mo naman
ang mga tira-tira?” tanong nito na salubong ang mga kilay. “Papakain ko sa mga
alaga ko.” “Ah, may aso ka?”
Natigilan siya saglit. Hindi naman ang mga buto ang nais niyang iuwi
kundi ang mga natirang laman ng mga kaldero. Kung bakit nito inakalang sa aso
niya iyon ipapakain. “Opo,” sagot na lang niya para wala na itong maraming
tanong. Pumayag din ito at ibinalot niyang lahat ng mga natirang pagkain. “Ihatid
na kita,” alok nito nang lumabas na siya ng pinto. Agad siyang umatras nang
muli siyang kahulan ng aso. Kung bakit siya lang ang tinatahulan nito,
samantalang napakaraming bisita kanina ay wala man lang siyang narinig mula
sa halimaw na asong ito.
Tumaas ang isa niyang kilay. “You mean, hinalikan ka niya?” “No.”
Umiling ito. “Alam mo yung… pahaplus-haplos niya… may motive na eh.”
Exaggerated niyang ibinuka ang bunganga. “Ako rin naman po hinahaplusan ko
kayo ah. Minamasa-masahe ko pa nga kayo eh. Nananantsing lang naman po
kami ng konti, Sir. Paano naman po kasi ang guwapo-guwapo niyo.”
Nangisi ito. “Magtigil ka nga diyan, Alicia. Alam ko namang wala kang
gusto sa akin eh.” Gulat siyang tumingin dito. “Sir naman, napakamanhid naman
po pala ninyo. Alam naman po ninyong isa ako sa best admirers niyo dito sa
company.” “Sinong niloko mo? Basta’t nga pupunta ka dito laging OT ang
sinasabi mo.” “Kunwari lang ‘yun, Sir.” Itinuloy niya ang pambobola. Baka sakali
nga namang umepekto at parati na siyang pagbibigyan na mag-overtime. “Pero
actually, gusto ko lang kayong makita.”
Natawa si Darian na muling pinulot ang ballpen. “Ang landi mo rin ‘no?”
“Slight,” ngisi niya. “Back to Gladys, ano po ba talagang kasalanan niya?”
“Gusto mo i-demo ko?” “Sure.” nagtaka siya nang tumayo ito at nagtungo sa
harapan niya. “Tayo ka. Ipakita mo nga kung papaano ka makakapit sa braso
ko.” Tumayo siya at marahang lumapit sa kanan nito, saka siya kumapit sa braso
nito. Ginagawa niya iyon kapag nagmamakaawa siyang bigyan siya nito ng
overtime. “Ayan, Sir.” “Ganyan lang ba? Yung mas malandi pa.” Naalala niyang
may kasama pa pala iyong haplos. “Ay, ganito po,” aniya at hinaplos ito mula
balikat hanggang siko. “Ganyan pong ginawa sa inyo ni Gladys Sir?”
“Okay lang sa akin ang ganyan,” sagot nito. “Kaso, nagmalabis siya eh.”
“Ano nga?” “Gusto mo talagang malaman? Hindi ka magugulat?” “Hindi!” Pero
nagulat nga siya nang hawakan nito ang isa niyang kamay at inilapat iyon sa
matigas nitong dibdib. Namula siya, at hindi nakagalaw. Kaya naman pala
nagalit si Darian kay Gladys at umabot sa puntong ganun ang ginawa nito. “Hindi
lang ‘yan,” ani Darian na ‘di alintana ang kanyang pagka-shock. “Ganito pa,”
pagpapatuloy nito at pinadulas ang kanyang palad pababa sa tiyan nito.
Lalo siyang natulala na halos napatid ang kanyang hininga. Hindi lang
alam ni Darian ang epekto ng ginagawa nito sa kanya. Tumatagos sa suot
nitong polo ang init ng katawan nito at nararamdaman ng palad niya ang bawat
contour ng matitigas nitong muscles. “A-ang landi nga po niya.” Sa wakas ay
nakapagsalita na rin siya subalit hindi niya nagawang gumalaw. Nginitian siya ni
Darian at noon lang niya napansing nakatitig na pala ito sa kanya. Nag-umpisa
na rin siyang ma-conscious sa magkadikit nilang katawan. “Hindi lang ‘yan.”
Tumalim ang kanyang mga mata. “Sir naman. Nakita niyo naman na ang
itsura ng anak ko. Di na kayo naawa sa kanya. Kapag hindi ako nag-OT wala
akong sasahurin sa katapusan.” “Ang laki ng suweldo mo, saan mo naman
ginagastos ‘yun?” “Nagbabayad pa po ako ng loan eh. Na-ospital noon yang
bunso ko, eh wala akong pambayad kaya nag-loan ako.” Nagtaas ito ng kilay na
parang ayaw pa ring maniwala. “Dina-dramahan mo na naman ako eh.” “Hindi
talaga, Sir. Promise!”
Sandali siyang nag-isip. Malapit nang muli ang exam nina Jerome at
hindi na tatanggapin ng paaralan ang promisory note. Wala na ring gamot at
gatas si Jessie at malapit na ang bayaran ng kuryente. Kahit may kalakihan ay
kinapalan na niya ang kanyang mukha. “Puwede pong five K?”
Para bang wala lang iyon kay Darian at naglabas ng limang tig-iisang libo
mula sa wallet, saka nito ibinigay sa kanya. “Aaay!” Hindi niya napigilang
mapahiyaw sa tuwa. “Thank you talaga, Sir! You’re an angel! How should I
thank you?” Nanunukso ang tingin ni Darian sa kanya. “How about a kiss?”
“Sure!” Nagmamadali siyang niyakap ito at hinalikan sa magkabilaang pisngi.
“Sarap!” Tumaas ang kilay ni Darian. “Nasasarapan ka dun?” “Siyempre naman
po! Puwedeng isa pa?” Nangiti si Darian. “Sige… pero ako’ng hahalik sa’yo.”
“Ay, sure!” Kunwari ay kinikilig siyang pumikit at hinintay na dumapo ang mga
labi nito sa kanyang pisngi. Nang bigla nitong siniil ng halik ang kanyang mga
labi. Napamulagat siya subalit hindi siya nakagalaw. Kahit nang lumayo na ito
ay nakatunganga pa rin siya doon na parang huminto ang oras.
“Ganyan ang kiss,” ani Darian at bumalik sa desk. Noon lang siya
nakapag-react at nahiyang ngumiti. “Ang galing niyo palang humalik, Sir.”
“Gusto mo isa pa?” Namula siya. “Next time ulit, Sir, baka may makakita.”
Ngumiti si Darian at bago pa may mangyaring muli ay lumabas na siya ng
opisina. Sa comfort room siya dumiretso, at habang tinititigan niya ang kanyang
reflection ay nanginginig ang mga daliri niyang napahawak sa kanyang labi.
Nararamdaman pa rin niya ang init ng mga halik ni Darian.
Nangiti siya at napapikit. Mukhang umeepekto na nga ang panlalandi niya
dito. Mukhang hindi magtatagal ay lalamunin nito ang prinsipyo na hindi ito
pumapatol sa mga tauhan nito.
***********
Sinundan niya ng tingin ang dalawa hanggang sa lumiko ang mga ito.
Hindi niya inakalang may girlfriend pala si Darian, at parang masayang-masaya
itong kasama ang kasintahan kaya’t hindi man lang siya nito napansin. Bigla
siyang nakaramdam ng paninikip ng dibdib at sa unang pagkakataon ay
natagpuan niya ang sariling naluluhang nakatayo sa gitna ng maraming tao.
Hindi siya makapaniwalang nasasaktan siya. Akala pa man din niya ay
nagusustuhan na siya ni Darian. Kabaliktaran pala ang nangyari.
“Jerwin oh, yung parang nasa TV!” sigaw ni Jerome at hinila nito ang
kapatid papunta sa mga laruang battery operated na robot. Kinuha nila ang
isang nakakahon pa at pinagmasdan iyon. Lalo siyang naawa nang makita ang
mga mata ng mga itong nangingislap sa tuwa na makahawak ng ganoong
laruan, subalit nalulungkot sa kaalamang hindi nila iyon maaaring angkinin at
paglaruan. Nilapitan niya ang mga ito at tinignan ang mga mas maliliit na robot
doon. Kahit ang pinakamaliit ay nagkakahalaga raw ng halos apat na raan.
Napansin niyang nagbubulungan ang dalawa. Yumukod siya at naulinigan niya
ang sinabi ni Jerome. “Wala raw pera si mama.”
“Hello!” Kinawayan nito ang mga bata na hindi man lang nag-react.
“Gusto niyo ‘yan?” Tumingin si Jerwin sa laruan at pabalik kay Darian. “Opo.”
Napakamot siya sa leeg. Mukhang mapapasubo siya nito. Nakakahiya kay
Darian wala talaga siyang dalang pera. “Kunin mo na,” ani Darian kay Jerwin na
labis niyang ikinakaba. “Ikaw Jerome, anong gusto mo?” Sandaling nanahimik si
Jerome. “Laruan na lang po namin ‘yan ni Jerwin. Kay Jessie na lang po kasi
wala pa siyang barbie doll.”
“Hoy, kayo.” Pinagalitan niya ang mga bata. “Di ba sabi ko walang
magpapabili?” Tumingin sa kanya ang mga bata. Naluluha ang mga mata ni
Jerwin na niyakap ang laruan. Naawa siya ng husto sa mga ito. Nang tignan
niya si Darian ay nakataas ang isa nitong kilay. “Miss Valdez, ubod ka nga talaga
ng kuripot. Hindi ka ba natutuwa na masayang-masaya itong mga anak mo?”
“Sir,” nagbalik ang malanding Alicia. “Wala nga po akong cash. Dollars
lang ang dala ko.” Nangiti si Darian na mukhang naintindihan ang ibig niyang
sabihin, subalit nagulat na lang siya nang muli nitong pinulot ang manika at hinila
palayo ang mga bata. “Tara, hayaan niyo yang kuripot na mama niyong ‘yan. Si
tito na lang magbabayad.”
“O ayan, Sir, nakita mo na kung bakit malnourish ‘yung bunso ko,” biro
niya para pagtakpan ang kahihiyan. Nangiti lang si Darian at hindi na umimik.
Inihatid sila pauwi pagkatapos nilang kumain. Sa harapan umupo si Jackie,
katabi ni Darian, at sila namang tatlo sa likuran ng kotse. Tinulungan ni Darian
na bumaba ang mga bata, at nang makita nito ang kanilang tinutuluyan ay
nagsalubong ang mga kilay nito. “Akala ko ba mansyon ang bahay mo?” tanong
nito. Napasulyap si Alicia sa narurupok na dingding ng bahay. “Charing lang
‘yun, Sir! You know, para sosyal pakinggan.”
“Ayun, laging kayakap yung mga binili mong laruan. Thank you nga pala,
Sir ha.” “Don’t mention it. Basta’t huwag ka lang mangungulit ng OT.” Tinikom
niya ang kanyang bibig. Talagang kabisado na siya nito. “Sige, wala akong
pagkukunan ng pambayad sa utang ko sa’yo kung ganun.” “Hayaan mo na ‘yun.
Ano lang naman ‘yung five thousand?” Napamulagat siya’t hindi makapaniwala.
“Sir, huwag niyo akong bibiruin at talagang papaniwalaan ko kayo.” “I’m not
kidding,” natatawang sagot nito. “Kalimutan mo na. Huwag mo lang akong
kukulitin dahil marami pa akong gagawin.” “Ganun? Hindi mo na kailangan ang
beauty ko dito?” Nakangiting umiling si Darian. “Bumalik ka na nga sa office mo.
Tapusin mo na lang ang trabaho mo para ‘di ka na mag-oovertime.” “Sir talaga,
kahit kailan, andamot,” aniya at lumabas ng office. Ganunpaman ay tuwang-
tuwa pa rin siya at hindi na pala niya kailangang bayaran ang inutang niya dito.
Ang iisipin na lang niya ay ang kakainin nilang pamilya sa loob ng dalawang
linggo, dahil ang nasuweldo niya ay kasya lamang na pang-allowance niya.
“Nginingiti-ngiti mo dyan?”
Bumilog ang kanyang mga mata sa biyaya. “Of course! Kailan naman
ako tumanggi sa grasya? Damihan mo ah.” “Ay naku, limang sako.” “Ayan!” Sa
halip na magulat sa dami ay ikinatuwa pa niya. Kung mas marami ang ipapalaba
nito ay mas malaki ang bayad. “Baka may kapitbahay ka pang gustong
magpalaba?” “Sira, andami na nga nun eh. Malalaspag ‘yang beauty mo pag
dadagdagan mo pa. Pakisampay mo na rin sa inyo. Alam mo naman sa amin,
masikip.” “’Yun lang pala. Baka gusto mo pang ipa-plantsa? Pero huwag sa
amin ha, wala akong pambayad ng kuryente.” “Hindi na, laba lang. Ipapadala ko
sa kapatid ko sa bahay niyo ah.” “Agahan niya. Dapat alas sais andun na siya.
Marami-rami din ‘yun.”
***********
Isinunod niyang kusutin ang isang jogging pants. Nanuyo na ang putik sa
laylayan nun. Pinahiran niya iyon ng sabong bareta at kinusot-kusot. Sa kapal
ng tela nun ay halos mabalatan ang kanyang mga daliri. “Hoy.” Napatingala siya
at laking gulat niya nang makita si Darian na nakasilip mula sa kanang dingding
ng bahay. Hindi niya napansin ang pagdating nito. “Ay, Sir!” Mabilis siyang
tumayo para hugasan ang bula sa mga kamay. “Napadaan kayo.”
“Kukumustahin ko lang ang mga bata,” sagot nito. “Tinatanong nga po kayo ni
Jerwin,” sagot niya habang nagpapakahirap na umigib ng tubig mula sa poso.
“Tulungan na kita.” Lumapit si Darian at hinawakan ang poso. Habang
nagpapalabas ito ng tubig ay hinugasan naman niya ang mga kamay niya’t paa.
“Hanggang dito sa bahay naka-display pa rin ang legs mo ah,” puna nito.
Nangiti siya nang makitang tinamaan ang konsensya nito. Siguro naman
sa susunod ay pagbibigyan na siya nitong mag-overtime. “Si Jackie po pala?”
“Hindi siya nakasama. Busy yata.” Nagtaka siya nang makita ang pinulot nitong
isang malaking kahon mula sa ibabaw ng may takip na drum. “Ano po ‘yan, Sir?”
“Favorite ng mga anak mo.” Muli siyang nahiya na hinawakan ang pisngi. Niyaya
niya ito sa loob at nagulat siya nang makitang alas dose na pala. Sakto pala ang
pagdating ni Darian, kung hindi ay gugutumin ang mga bata. Nakapagsaing na
rin ng kanin ang kanyang ina. Habang inihahanda niya ang mesa ay napangiti
siyang pinagmamasdan si Darian na nakikipaglaro sa mga bata. Binuhat pa nito
si Jessie na noon lamang nito nakita. Naroon din ang kanyang ina na nahihiya
sa kalat ng bahay.
Paglabas niya ay muling nagsalita ang kanyang ina. “Para kasing iba
siyang makatingin sa’yo eh.” “Ma, ganun lang ‘yun.” Nagtungo siya ng kusina
para magsaing. Mula roon ay maaari pa rin silang makapag-usap dahil divider
lamang ang pagitan nila. “Naawa lang siguro sa mga bata kaya dinalaw niya.”
“Parang ikaw naman ang dinalaw eh, hindi ‘yung mga bata.” Natawa siya. Kung
anu-anong sinasabi ng kanyang ina. Pero kung tutuusin nga ay ilang minuto
lang itong nakipaglaro sa mga bata at siya na ang pinagtuunan nito ng atensyon.
Ipinagkibit-balikat niya iyon. Napahiya na siya nang minsang isipin niyang
nagkakagusto ito sa kanya. Hindi na ‘yun mauulit pa. “Kung ako sa’yo anak,
papatusin ko na ‘yun.”
***********
“Ano pong lagay ng kapatid ko, dok?” agad niyang tanong pag-upo niya
sa harapan ng desk nito. Maliban sa mga dati nilang mga kapitbahay na
nakasaksi sa pagbubuntis ng kanyang ina, si Doctor Fernandez lamang ang
nakakaalam na kapatid niya si Jessie. Huminga ng malalim ang doktor at
kinayod ang buhok palikod. Mukhang pagod na ito sa maghapong trabaho. Sa
ospital na iyon ay ito raw ang isa sa mga pinakamabait na doktor. Thirty-eight
years old na raw ito at galing sa mayamang pamilya, kaya’t nililibre nito ang
professional fee ni Jessie. “Miss Valdez, hindi na tinatablan ng gamot ang
kapatid mo. Kailangan na natin siyang operahan.” Napanganga sa narinig.
“’Yun na lang po ba talaga ang solusyon?” Tumango ang doktor. “…Magkano
naman po ang kakailanganin?” “About… Two hundred thousand siguro.”
Piniin niya ang mga labi. Kailan lang siya nag-loan ng one hundred
thousand. Siguradong hindi na siya papayagan pang mag-loan ulit hangga’t
hindi niya nababayaran iyon. Wala naman siyang alam na mauutangan. Nanlaki
ang mga mata niya at nabigyang pag-asa nang may maisip siya. Mayroon
siyang maaaring utangan, ngunit hindi niya alam kung kakayanin niya.
Chapter 6
“Ay, ‘di naman po.” Ikinubli niya ang kanyang suliranin at umastang gaya
ng dati. “Na-miss ko po kasi kayo kaya napadaan ako.” “Talaga lang ha.”
Tumatawa itong isinabit sa likuran ng upuan ang blazer bago lumapit sa kanya.
“Ayan, pagsawaan mong mukha ko.” Nangiti siya nang pinagkrus nito ang mga
braso para bigyan siya ng layang panoorin ang mukha nito. Hindi niya
napigilang ma-conscious, pero hindi siya nagpahalata. Makikipag-bolahan na
muna siya bago niya babanggitin ang kanyang pakay. “Sir, ang guwapo niyo
talaga. Lalo na ‘yang mga mata ninyo, nakakain-love.”
Nagulat siya. Hindi niya inasahang iyon pala ang itatanong nito sa kanya.
Akala niya’y tatanungin nito kung may boyfriend siya. “Siyempre, natikman na
nila ako, kaya ano pa bang hahabulin nila sa akin?” Nangiti itong umiling.
“Ganyan ka talaga? Eversince?” “Na ano po?” “The way you are now. The way
you talk, the way… you act…” Naunawaan niya ang ibig nitong sabihin. Marahil
ay nagtataka ito sa labis niyang kalandian. “Mula pa po bata ganito na talaga
ako. Kaya nga po maraming naiinis sa akin eh.”
“Wala kang balak na baguhin ‘yang style mo, kahit maraming naiinis
sa’yo?” Nagkibit-balikat lang siya. “Mahirap pong baguhin ang nakasanayan na
eh.” Tumango-tango ito. “So you mean… one night stand mo nakuha ang mga
anak mo?” Namula siya, pero hindi nagpahalata at malandi pa ring ngumiti.
Hindi niya alam kung papaano ito nakapag-conclude ng ganun. “Psst, huwag po
kayong maingay, Sir.” Napangiti itong tumitig sa kanya. “Alicia, the truth is…
naiintriga ako sa pagkatao mo.”
Minalas siya’t ang asawa nito ang nadatnan niya doon. Pagbukas pa lang
nito ng pinto ay minulagatan na siya at halos ipinagtutulak palabas ng bakuran.
“Ano? Inutusan ka ba ng malandi mong nanay?” galit itong pumamaywang. “Ay,
hindi po!” Pinanatili niya ang kanyang kahinahunan kahit gusto na niyang
sabunutan ang malditang babaeng kaharap niya. “Naparito lang ako para
sabihin dyan sa asawa mo, na ‘yung anak niya, agaw-buhay na ngayon sa
ospital. Baka may konsensya siya—aayyy!” Halos matumba siya nang muli siya
nitong itinulak.
“Alicia, get into the car,” utos nito. Noon lang siya nag-react at nagulat.
Tinignan niya ang kanyang suot na sa basa ay nakabakat na sa kanyang
katawan, tumutulo na rin ang kanyang buhok. Napakaganda pa man din ng loob
ng kotse nito. “Ay, di bale na po, Sir. Baka mabasa ‘yang kotse niyo.” “I said get
into the car.” Para itong commander na nag-utos, at parang galit pa. “Sigurado
po kayo, Sir?” “Please!” “Okay,” aniya at pumasok sa kotse. Inabutan siya nito
ng tuwalya at ginamit niya iyon para punasan ang kanyang mukha at buhok.
“Saan ka ba galing? Ba’t ka nagpapaulan?” tanong nito at muling pinaandar ang
sasakyan.
“Asan yung mga bata?” tanong nito habang sinususihan niya ang
doorknob. Napansin siguro nitong sarado ang lahat ng ilaw sa labas at loob ng
bahay. “Dumalaw po sila sa kamag-anak namin,” sagot niya at binuksan ang
pinto, sumunod ang ilaw. “Pasok po kayo. Gusto niyo pong magkape?” Itinaas
ni Darian ang kamay. “Okay na ako. Mabuti pa siguro maligo ka na lang muna.
Baka magkasakit ka.” Bahagya niyang ikinagulat ang nakitang concern nito sa
kanya. Unang beses na may nag-alala sa kanya ng ganun. “S-sige. Sasalok
lang po ako ng tubig.”
Umupo siya sa tapat nito at inabot ang kape. Nabawasan ang panginginig
ng kanyang katawan. Nang ibaba niya ang tasa ay napansin niya ang kakaibang
ngiti nito habang nakatitig sa kanyang mukha. “Nagagandahan po kayo sa akin,
Sir?” Nangiti si Darian. “Napansin ko lang… Mas maganda ka pala ‘pag wala
kang make-up.” Halos mabilaukan siya kaya’t agad niyang tinakpan ang kanyang
bibig. Itinuring uli niyang biro iyon. “Alam ko ‘yan, Sir. Kaya nga ako
nagpapapangit kasi andaming napapraning na mga lalaki sa akin.”
Ngumisi ito at umiling. “Ang hirap nga namang kausapin ang isang tulad
mo. ‘Di ko alam kung paano ka diniskartehan ng mga naging boyfriend mo eh.”
“Naku, Sir. Isang kalabit lang nila, na-sense ko na.” “Sige nga.” Nagulat siya
nang bigla itong tumabi sa kanya at kinalabit ang kanyang braso. “Ayan. Sense
mo na? Ayan pa.”
Nakiliti siyang tumawa nang paulit-ulit nitong kinalabit ang kanyang
braso, at nang bumaba iyon sa kanyang baywang ay napahiyaw siya at tinangka
itong itulak. Nasalo nito ang kanyang mga kamay at sa isang iglap ay dumampi
ang mga labi nito sa kanya. Nagulat siya at akmang papalag sana siya nang lalo
nitong idiniin ang bibig. Naramdaman niya ang kakaibang init ng mga labi nito na
nagpahinto sa kanyang panginginig. Para itong lumilikha ng apoy at ikinakalat
iyon sa buo niyang katawan, hanggang sa pinakadulo ng kanyang mga daliri.
Alas diyes na ng gabi nang makarating sila sa bahay nito. Dahil gulung-
gulo ang isip niya ay nakalimutan niyang may alaga itong pitbull at muli siyang
napahiyaw nang bigla ulit siya nitong kahulan. “Sobra na ‘yang aso niyong ‘yan,
Sir ha. Nakakasira siya ng poise,” aniya pagpasok nila ng bahay. Tumawa si
Darian at pinaupo siya sa sofa. “Ganyan talaga ang pitbull, seloso.” “Ba’t naman
po niya ako pagseselosan, Sir?” Umupo ito sa tabi niya. “Alam mo, sa tinagal-
tagal nating nag-uusap, at sa lahat ng namagitan sa atin, puwede ba huwag mo
na akong tawaging Sir?” “Di Darian,” mabilis niyang sagot na ikinangiti nito.
“So?” Makahulugan ang titig nito. “Shall we?”
“Honestly, you’re the first woman I’ve brought in this room,” anito sa
kanya. Napatingin siya sa mukha nito. “Ows?” Ngumiti ito. “Promise.” Nang
hindi siya umimik ay nagpatuloy ito. “Shower na muna ako. Nakakahiya naman
sa’yo.” Nakahinga siya ng malalim nang pumasok ito sa bathroom. Umupo siya
sa gilid ng kama at iniwan ang kanyang bag sa katabing mesa. Nagkaroon siya
ng pagkakataon na pag-isipan pa ito nang mabuti habang wala pang nangyayari,
subalit hanggang lumabas si Darian ay hindi pa rin siya makapagdesisyon. Ang
totoo’y parang ayaw umalis ng mga paa niya doon. Kinakabahan siyang tumayo
nang lumapit ito sa kanya. Tuyo na ang buhok nito na mukhang blinower nito sa
loob at nakasuot lamang ng asul na bathrobe. Nginitian siya nito at marahang
hinawakan ang kanyang pisngi.
“Do you know how deeply attracted I was to you when I first set eyes on
you?” Gulat siyang tiningala ito. Bakas sa ningning ng mga mata nito ang
katotohanan, subalit hindi pa rin siya makapaniwala. Lalo na’t hanggang sa
kasalukuyan ay naaalala pa rin niya kung paano siya nito pinahiya noon. “I know
I said I’ll never fall for someone like you,” pabulong itong nagpatuloy. “But no
matter how I try, there’s a lot about you that keeps me thinking of.” Hindi siya
nakapagsalita kahit nang humakbang pa ito palapit sa kanya, na halos magdikit
na ang kanilang mga katawan, at hinaplos-haplos ng buong pagsuyo ang
kanyang pisngi. “Make love to me, Alicia… not just sex.”
Tinanggal nito ang suot niyang blouse at saka siya nito niyakap. Kapwa
sila napaungol nang magdikit ang hubad nilang katawan. Mabilis ang mga daliri
nitong tinanggal ang fastener ng kanyang bra sa likuran at hinila rin pababa
iyon. Maya-maya lang ay naramdaman niyang marahan na siyang ipinapahiga
sa kama. Dahan-dahan siyang dumilat at nakita niya itong nakapatong na sa
ibabaw niya. Wala na pala ang suot nitong robe kaya’t pakiramdam niya’y nag-
aalab sa init ang katawan nito sa kanyang kutis. Ilang sandali siya nitong
tinitigan, mula sa mukha at pababa, at pabalik sa kanyang mga mata. “You are
very beautiful, Alicia.”
***********
Pinulot niya ang kanyang mga damit at tinungo ang banyo para maligo.
Paglabas niya ay hindi niya inakalang gising na pala si Darian. Suot nito ang
roba na nakaupo sa gilid ng kama habang hinihintay siya. “Aalis ka na?” tanong
nito. “…Ah, Sir, may pasok pa po tayo eh.”
Tinitigan siya nito at marahang tumayo, saka ito lumapit sa kanya. “Tell
me the truth, Alicia. Kaninong anak yung mga bata?” Gulat siyang tiningala ito.
“S-syempre ako! Para naman pong ‘di ninyo alam.” “Really?” Sarkastiko itong
ngumiti at may sinulyapan sa likuran. “How about that?” Sinundan niya ang
pinanggalingan ng mga mata nito, at laking gulat niya nang makita ang bahid ng
dugo sa gitna mismo ng kama. Puti pa man din ang bedsheet. “May
pinapatunayan ‘yan, ‘di ba?” Nanginig ang kanyang mga labi, pero sanay na
siyang gumawa ng kuwento kaya’t agad siyang nakaisip ng rason. “Matagal na
po kasi akong walang lalaki. Kaya po siguro sumikip.”
“Alicia, I’ve had more than enough experience with women to distinguish a
virgin... Aminim mo na. Why did you do this? At kaninong anak yung mga
bata?” Tinikom niya ang bibig nang wala nang maisip na sasabihin. Nais na
sana niyang umalis subalit nakaharang ang katawan nito sa daanan niya. “Wala
ba akong karapatang malaman?” Huminahon ang tono nito at nang tumingala
siya ay nakita niya ang naluluha nitong mga mata. Para bang may humaplos sa
kanyang puso. “Mga kapatid mo sila, hindi ba?” Yumuko siya at hindi sumagot.
Hinawakan nito ang kanyang baba para muli niya itong tignan.
“Please tell me,” pagsusumamo nito. Hindi niya ito natiis at nagdesisyong
magtapat. “Malandi kasi ang nanay ko. Kahit matanda na siya, kung sinu-
sinong lalaki ang pinapatulan. Naawa ako sa mga bata na tinutukso sa school,
kaya lumipat kami ng tirahan at inako ko silang mga anak ko.” Naluluha ang mga
mata ni Darian na hinaplos ang kanyang mukha. “So that is why… it seems that
there’s something about you that attracts me so much… On the other side of
you… is a person that I could cherish forever… Kaya pala mahal na mahal kita.”
Iyon lang ay biglang naputol ang linya. “Hello?” aniya ulit pero wala nang
sumagot. Ibinaba niya ang celphone at tumingin kay Darian na naghihintay sa
isang tabi. “Alis na po ako.” “Alicia?” Huminto siya sa tapat ng pinto para hintayin
ang sasabihin nito. “Wala ka bang sasabihin?” Hindi niya alam kung bakit ang
unang bagay na sumagi sa isip niya ay ang bayad nito sa kanya. Hinarap niya
ito na naghihintay ng kanyang isasagot. “Oo nga po pala, Sir. Yung… usapan
po pala natin.” Hiyang-hiya siya, subalit garapalan na kung kinakailangan.
Tulalang nakatitig sa kanya si Darian. Parang hindi iyon ang nais nitong
marinig mula sa kanya. “Is that all?” “Pasensya na po. Kailangang ko po kasi.”
Nagtaka siya nang nanatili itong nakatitig sa kanya. Naluluha ang mga mata nito
na para ba itong nasaktan.
Makaraan ang ilang sandali ay inilihis nito ang tingin at huminga ng
malalim. Tinungo nito ang drawer at naglabas ng tseke. Sinulatan nito iyon at
pinirmahan, saka nito iniabot sa kanya. “Is that all this is all about?”
Tumango siya na lalong humiwa sa puso nito. Sa mga mata nito’y parang
hindi pa ito makapaniwala. “Sige po,” aniya at lumabas ng pinto. Hindi na niya
narinig kung tinahulan siyang muli ng aso dahil hindi maalis sa isip niya ang sakit
na nakita niya sa mga mata ni Darian. Hindi siya makapaniwalang totoong
mahal nga siya nito, lalo na nang malaman nito ang katotohanan sa kanyang
pagbabalatkayo.
“Mama!” nagtatakbo siyang nilapitan ito, ngunit bago niya ito mahawakan
ay binuhat na ito ng lalaking nurse. “Emergency room!” sigaw ng isa pang
nakasunod na nurse. “Mama?” Wala man lang pumansin sa kanya at naiwanan
siyang mag-isa doon. Nakita niya sina Jerwin at Jerome na nakangangang
nakaupo sa bench. Hindi na muna niya binigyang pansin ang mga ito at
pumasok ng operating room. Naroon pa ang dalawang nurse.
Biglang tumulo ang kanyang luha, at nang tinapik ng nurse ang kanyang
likuran ay nabuksan ang daanan ng hangin sa kanyang lalamunan at halos
mapasigaw siya sa iyak. “Masyado pang mahina ang katawan ng bata,”
paliwanag ng nurse sa harap niya na minamasahe ang kanyang kamay. “Hindi
niya nakayanan ang operasyon.”
Bigla niyang naalala ang kanyang ina. Hindi siya dapat sumuko sa
ngayon dahil mayroon pa siyang isang problema. Tinakpan niya ang kanyang
bibig para huminto sa pag-iyak. “Si mama,” aniya at nagtatakbo papuntang
emergency room, nang mapansin niyang sinusundan pala siya ng dalawang
bata.
“Puntahan muna natin si mommy niyo,” aniya at hinila ang dalawang bata
sa magkabilaang kamay. Papalapit pa lang sila sa emergency room ay
sinalubong na sila ng doktor. “Dok, ano pong nangyari sa mama ko?” Tulala ang
doktor na halos hindi makapagsalita. “She had a heart attack.” Siya naman ang
tulalang tumingala dito. “Ano na’ng lagay niya?” Hindi makasagot ang
manggagamot. “Dok?” Nakaramdam siya ng takot. “Miss… we jut lost her.”
Napanganga si Alicia. Kahit lumuha ay hindi na niya nagawa. Hindi siya
makapaniwala. Imposible ang lahat ng mga ito. Si Jessie at ang kanyang ina.
Sa isang iglap ay nawala sa buhay niya. Siguro ay binibiro lang siya ng tadhana.
***********
Saglit silang nagtitigan bago niya ito nilapitan. Wala ito ni anumang
sinabi, subalit naluluha ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Pinilit niyang
ngumiti para tapusin ang katahimikan. “S-sir, salamat po sa pagdalo niyo.”
Animo’y palasong tumama sa puso nito ang kanyang sinabi. Umiling ito at
maingat na inabot ang kaliwa niyang kamay. Hindi siya gumalaw kahit nang
pisilin nito iyon. “I’m sorry,” pabulong nitong tugon.
Saglit siyang pumikit at pilit pinigilan ang mga luha. “It isn’t your fault…
It’s nobody’s fault.” Hindi ito nakapagpigil at bigla siya nitong niyakap.
Napakahigpit ng mga braso nito sa kanyang likuran. Maya-maya’y naramdaman
niya ang isang kamay nitong hinahaplos ang kanyang buhok. “Let me share your
burden, Alicia,” ibinulong nito sa kanya. “Please let me be a part of your life.
Piniin niya ang kanyang mga labi at biglaan ang pagpatak ng kanyang luha.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at sa unang pagkakataon ay nagpakita siya
ng kahinaan. Halos humihikbi siyang umiyak sa dibdib nito. Ni hindi niya
alintana kung may mga tao mang nakatingin sa kanila, at marami pa sa mga
naroon ay mga katrabaho nila sa kompanya. Nang sandaling iyon ay kailangang-
kailangan niya ng karamay at dumating itong si Darian para masandalan niya.
Kung anuman ang sasabihin ng mga nakakasaksi ay saka na lang niya iisipin.
Sa kasalukuyan ay kailangan niya ito sa tabi niya.
Chapter 8
Naluluha siyang tumitig sa mga mata nito. “Sigurado ka? Baka masira
ang reputation mo?” “Mas gusto ko nang malaman ng lahat, kaysa ipagkaila
kita.” Sa labis na tuwa ay nangiti siya at dinampian ito ng maiksing halik sa labi.
“Kain tayo sa labas?” “Sure,” sagot ni Darian at tinulungan siyang tumayo. “And
please lang, Alicia, stop calling me Sir kahit andito tayo sa loob ng company.
Para kang gumagawa ng wall sa pagitan natin eh.”
Natawa siya. “Sure, sweetheart,” biro niya. Nangisi ito at kiniliti siya sa
baywang. Napahiyaw siya, ngunit agad din niyang tinakpan ang kanyang bibig
bago siya maka-agaw ng atensyon. Labis niyang ipinagpapasalamat na parating
naroroon si Darian, lalung-lalo na sa panahong kailangan niya ito ng higit. Ito
lamang ang nakakapagpagaan at nakakapag-palakas ng loob niya.
Mabilis pa sa kidlat ang pagkalat ng tsismis sa kompanya. Kung gaano
siya kasikat noon ay nadaig pa niya ang pinakasikat na artista mula nang araw
na iyon. Maraming nakakita sa kanila ni Darian na magkasamang lumabas, at
nang bumalik siya sa opisina ay nagbubulungan na ang mga kasamahan niya.
Naintriga siya kaya’t kay Elvira siya nagtanong. Magkakaiba ang bersyon
ng bawat isa. May mga nagsasabing naawa raw sa kanya si Darian kaya siya
nito nagustuhan. May mga ilan namang nagsasabing matagal na raw niya itong
inaakit kaya parati siyang pumupunta sa office nito. Ayon naman daw kay
Gladys, pinakain daw niya ng kung anumang gayuma si Darian kaya nabulag
niya ito. Kung noon siguro ay masasabunutan niya ang babaeng iyon, subalit
nang sandaling iyon ay masyadong mabigat ang loob niya para bigyang halaga
ang mga intriga.
Isang buwan ang lumipas ay hindi humupa ang tsismis tungkol sa kanila.
Unti-unti na rin siyang naka-recover sa nangyaring trahedya sa buhay niya kaya’t
kung minsan ay pinapatulan na niya ang mga ito. Nagtataka siya kung bakit
mahinahon pa rin si Darian na umaawat sa kanya kahit nasisira na ang
reputasyon nito.
“W-wait!” Hinila nito ang kanyang kamay saka isinara ang pinto. “Sorry.
Hindi na ako tatawa, promise.” Bahagya siyang nakalma, pero galit pa rin siyang
pinagsalubong ang mga kilay, lalo na’t pinipilit lang nitong pigilin ang tawa. “Isa
pa iiwanan na talaga kita.” “Sorry na.” Pinisil nito ang kanyang pisngi at ngumiti.
Matalim na tingin ang ibinalik niya dito. “Ba’t ka ba kasi tumatawa? Hindi ka ba
naiinsulto sa mga naririnig mo?”
“Honey.” Pinalibot nito ang isang braso sa kanyang balikat para hilain
siya palapit. “Mas bibigyan mo ba ng halaga ang sinasabi nila kaysa sa
relationship natin?” Nakanganga siyang tiningala ito. Unti-unti nang lumalamig
ang kanyang ulo. “Kaya hindi ko sila pinapansin… dahil ayaw kong masira ang
relationship natin dahil lang sa mga sinasabi nila. Don’t you feel the same?”
Ilang sandali siyang hindi nakaimik. May katwiran nga naman ito. “Oo naman.”
“O, ba’t masyado kang nagpapaapekto sa kanila? Noon nga mas malala
pa ang mga tsismis tungkol sa’yo pero hindi mo pinapansin. Ba’t ngayon
nakikipag-away ka na?” Huminga siya ng malalim. “Paano, dinadamay ka nila.
Expert daw ako sa kama at may pinapakain daw ako sa’yo.” Ngumiti ito at
hinaplos ang kanyang pisngi. Lumapit pa ito sa kanya na halos maidikit ang labi
nito sa kanyang noo. “Hon, alam mo namang hindi totoo ‘yan, di ba?”
“Ikaw nga diyan ang magaling sa kama eh. Ikaw pa ang unang nagpakain
sa akin. Hindi naman ako ang naghabol sa’yo eh.” Natawa si Darian. “Yes,
that’s true, and we both know that, right?”
Nagulat si Darian nang bigla siyang kumawala. “Yung mga bata! Gutom
na sila!” “Malapit na tayo. One minute lang.” Itinulak niya ito sa dibdib. “Ikaw
kaya ang gutumin ko.” Nakasimangot si Darian na bumitiw at ibinalik ang mga
kamay sa manibela. “Ito naman. One minute lang, andamot.”
“Eh alam mo namang may mga palamunin ako. Kasalanan mo. Ba’t kasi
ako ang nagustuhan mo.” Nagtaka siya nang inabot nito ang headset at isinuot.
“Ba’t ‘yan?” Sinulyapan lang siya saglit. “Tatalakan mo na naman ako eh.”
Namula ang mukha niyang itinikom ang bibig. “Okay, tatahimik na ako,” aniya at
umupo ng tuwid.
“Malditang matanda ‘yan ah!” halos naisigaw niya. Tinakpan ni Darian ang
kanyang bibig. “Nasa harapan ka ng mga bata. Pasok na muna tayo.” Habang
nasa kusina silang inaayos ang hapagkainan ay walang humpay ang kanyang
pagtatalak. “Hindi nila alam kung anong hirap ang pinagdaanan ko, mapalaki ko
lang sila,” aniya kay Darian. “Tapos ngayong malalaki na sila saka nila kukunin
‘yang kapatid ko?” “Sweetheart,” Napakalumanay ng pananalita ni Darian na
inaayos ang mga plato sa mesa. “I know how it feels. Pero kapag nag-claim ang
biological father niya, wala tayong magagawa. Unless he is seven years old,
maaari siyang mamili. Wala tayong laban sa korte kapag nagdemandahan.” “But
there might be a way!”
“I don’t know,” sagot nito. “Hindi naman ako abogado. Pero hindi mo
naman masasabing abandonment dahil dati naman pala siyang pinapadalhan ng
tatay niya noon.” “Buwan-buwan ngang nagpapadala ng tigli-limang daan! Hindi
naman ‘yun sapat na pang-suporta sa bata!” “Whatever, the fact was… hindi niya
totally inabandona ang bata. Nahinto lang naman ang suporta niya nung lumipat
kayo ng tirahan at hindi man lang ninyo siya sinabihan.”
“Alicia, naiintindihan kita. Masama rin ang loob ko dahil napamahal na rin
ako sa mga bata. Pero may mga bagay na wala tayong magagawa.” Halos
maluha si Alicia. Parang sumusuko na ito. “Sinasabi mo lang ‘yan dahil
pakiramdam mo siguro sagabal sila sa relationship natin! Kahit hiwalayan mo
ako, hindi ko ibibigay ang mga bata!” Gulat na tumingin sa kanya si Darian.
Maging siya ay hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. “What did you say?”
Hindi siya nakaimik at napalunok. Unang beses niyang nakita ang poot sa
mga mata nito. “Kailan ba ako nagreklamo tungkol sa mga kapatid mo? Kahit
halos wala ka nang oras sa akin iniintindi ko parati dahil nauunawaan ko ang
lagay nila. Ano’ng akala mo sa akin, manhid? Makasarili?” Tumalikod siya.
Ayaw niyang ipakita ang takot niya dito. “Kung ayaw mo akong tulungan, huwag
lang. Hindi mo ako makukumbinsing isuko si Jerwin.” “Damn it, Alicia!” anas nito
at halos banggain siya nitong kinuha ang susi sa ibabaw ng refrigerator. “I’d
better go bago pa tayo mag-away. Saka na tayo mag-usap.”
Tumulo ang kanyang luha na agad niyang pinahid. Galit na galit siya kay
Darian dahil hindi man lang nito sinubukang paginhawain siya o kahit nag-isip
man lang sana ng solusyon sa problema niya, bagkus ay pinipilit siya nitong
tanggapin na mawawala na si Jerwin sa kanya. Masakit man na nawala na si
Darian sa buhay niya, subalit mas masakit kapag ang kapatid niya ang nawala.
“Mama?” Nagulat siya nang marinig ang boses ni Jerwin. Nasa pintuan na pala
ang mga ito. “Kukunin na po ba ako ni tatay?” tanong ng musmos. Naluluha
siyang umupo at hinawakan ang mga braso nito. “Mas gusto mo ba kay tatay?”
Umiling ang bata. “Ayaw ko po. Gusto ko po sa inyo.” Ngumiti siyang niyakap
ito. “Mama,” ani Jerome na nasa likuran ng kapatid. “Huwag niyo pong ibibigay
si Jerwin. Wala na po akong makakalaro.” Inabot niya ang ulo ni Jerome para
haplusin. “Huwag kayong mag-alala. Hindi tayo maghihiwa-hiwalay.”
Chapter 9
Mula nung araw na iyon ay hindi na sila muling nag-usap ni Darian. Hindi
na siya nito muling sinundo sa umaga at hindi na rin siya nito dinalaw sa
kanyang opisina. Kumalat ang usapin na hiwalay na sila ni Darian. Nagsawa na
raw ito sa kanya at hindi na tumatalab ang pinapakain niya dito. Kahit gusto
niyang makipagsabunutan ay nagtimpi na lamang siya.
Makaraan ang isang linggo ay nakatanggap siya ng tawag nito. Alas dose
na ng gabi noon at hindi niya alam kung ano ang nais nitong sabihin. Dahil
problemado siya sa paratihang pagdalaw doon ni Aling Berta ay kinansel niya
ang tawag nito. Hindi na iyon naulit. Minsa’y nasalubong niya ito sa corridor.
Kapwa sila nagulat at huminto. Saglit silang nagtitigan na para bang hinihintay
nitong lumapit siya, subalit yumuko siya at mabilis na iniwanan ito. Baka may
makakita na naman sa kanila at masisimulan na naman ang bagong intriga.
Nang makalayo na siya’y nilingon niya ito. Naroon pa rin itong nakatayo
at pinapanood siya. Kahit malayo ay para ba niyang naaninag ang hapdi sa mga
mata nito. Hanggang sa ito naman ang tumalikod at hindi na muling lumingon.
Lumipas pa ang isang linggo ay parang tuluyan nang naglaho si Darian sa buhay
niya. Nakaramdam na rin siya ng pangungulila kaya’t minsan ay sinubukan niya
itong puntahan sa opisina nito, ngunit bago pa niya mabuksan ang pintuan ay
may biglang nagsalita sa likuran niya. “Oy, mamayang gabi na ‘yan!”
“You really surprised me,” anito na inaayos ang mga nagulong unan sa
sofa. “Akala ko talagang iniwanan mo na ako.” Nangiti siyang ibinaba ang bag
sa upuan. “Ang alam ko nga ikaw ang nang-iwan eh.” Ngumiti rin ito at lumapit
sa kanya, saka hinawakan ang dalawa niyang kamay. “Nasaktan lang ako sa
mga sinabi mo kaya nagpalipas muna ako ng ilang araw, but I tried to make up
with you after that, but you didn’t seem interested anymore.” “I’m sorry,” muli
niyang naibulong.
“Ang mga bata? Sinong kasama nila?” tanong nito. Tinanggal muna niya
ang huling butones bago siya sumagot. “Pinabantay ko muna sa pinsan ko.”
Kumunot ang noo nito. “May pinsan ka?” tanong nito at inabot ang dulo ng
kanyang blouse para tanggalin iyon. Nang malaglag iyon sa sahig ay saka siya
sumagot. “Galing province. Nagbakasyon lang.” “Really?” anito na hinawakan
ang magkabilaan niyang baywang. Napadaing siya sa init ng mga kamay nitong
tumatagos sa kanyang kaibuturan.
“Puntahan natin sila mamaya. Right after this,” anito at hinalikan siya sa
leeg. Napapikit siyang hinaplos ito sa dibdib hanggang sa marahan siya nitong
pinahiga sa kama at dumagan ang malaki nitong katawan sa kanya. “I love you!”
daing nito at binalikan ang kanyang mga labi. Gumalaw ang mga kamay niya’t
marahang tinanggal ang polo nito, saka niya hinaplus-haplos ang likuran at tiyan
nito. Naramdaman niya ang anim na matitigas na muscles doon.
3 months later
“Eh hindi bagay sa suot ko ang flat eh. Di bale na, one inch lang naman
at saka hindi naman ako gaanong maglalakad.” Tinignan siya ni Danica pababa
at pataas. “Sigurado ka? Tignan mo nga ‘yang damit mo, ang iksi. Wala ka
bang formal?” “Ano ka ba? Pang-charing ko ‘yan. Malay mo lalaki ang mag-
interview sa akin matipuhan ang legs ko.” “Sira!”
Hindi niya ito pinansin at inabot ang naka-folder niyang resume sa ibabaw
ng mesa. “Halata na nga ‘yang tiyan mo, sa tingin mo pag-iinteresan ka pa?”
pagpapatuloy ng kanyang pinsan. Bumuntung-hininga siyang hinarap ito.
“Promise. Pagbalik ko may trabaho na ako,” aniya at nagmamadaling lumabas
ng pinto. Nakita niya sina Jerome at Jerwin na nilalaro ang robot na binili noon ni
Darian at ang bagong remote control na kotse na binili naman ni Danica.
“Jerome! Jerwin!” Nilapitan niya ang mga ito ngunit nilingon lang siya
sandali at nagpatuloy sa paglalaro. “Iwanan ko muna kayo ha? Maghahanap
lang ng work si mama, okay?” “Opo,” halos sabay na sagot ng mga bata na
hindi man lang tumingin sa kanya. Ngumiti siya at nagpaalam sa mga ito. Mga
dalawang daang metro ang lalakarin niya bago siya makarating sa hintayan ng
jeep. Kalahati pa lang ng daan ay huminto siya sandali para magpahinga.
Masakit na nga ang mga paa niya at nararamdaman na niya ang bigat ng
kanyang puson.
“Eh ang sabi lang naman sa qualification niyo female, single, with pleasing
personality and not more than thirty years old. Wala namang sinabing not
pregnant ah.” “Ma’am naman, common sense na ‘yun.” Napamulagat siya. Alam
niyang walang katuturan ang mga sinasabi niya, subalit sa inis niya’y gusto
talaga niyang mang-away. “Sa tingin mo ba sa akin wala akong common
sense? Ba’t niyo pa kasi ako pinabalik dito kung hindi niyo naman pala ako
kukunin? Sana kanina niyo pa sinabi para umuwi na lang ako. Sana naka-relax
na ako ngayon sa bahay—”
“O, ma’am, may asawa pala kayo eh,” biro nito. Sinulyapan niya ang
guwardya at dahan-dahang bumaba ng hagdanan. Hindi kailanman lumihis ang
mga mata ni Darian na nakatitig sa kanya. Habang papalapit siya’y nakita niya
ang magkahalong sakit at tuwa sa mga mata nito.
“Alicia, I’ve finally found you,” halos pabulong nitong wika. Kung mas
malakas siguro ang pananalita nito ay baka naluha ito. Huminto siya mga tatlong
hakbang mula sa kinatatayuan nito. Hindi niya alam kung yayakapin niya ito o
magtatakbo. Noon niya naramdaman kung gaano pa rin niya ito kamahal, subalit
natatakot siyang baka ipagsabi nito kay Aling Berta ang kinaroroonan niya at
kunin sa kanya si Jerwin.
“Darian.” Pinilit niyang ngumiti. “What are you doing here?” Nanatili itong
nakatitig sa kanya, nagbabadya ang luha sa mga mata. “Tatlong buwan kitang
hinanap, ‘yan lang bang sasabihin mo sa akin?” Namayani ang kanyang
ikinatatakot. “Huwag mong kukunin ang kapatid ko. Hindi ko siya ibibigay kahit
patayin nila ako!” Sinubukan nitong lapitan siya, subalit huminto ito nang
humakbang siya palayo. “Alicia, hindi ‘yan ang dahilan kaya kita hinanap.
Parang awa mo na! Pag-usapan natin ito!”
Para bang naantig ng husto ang kanyang puso at biglaan ang pagpatak
ng kanyang luha. Hindi niya napigilan ang sarili at halos lumipad na yumakap
dito. Agad siyang pinalibutan ng mga braso nito. “Don’t ever leave me again,
Alicia!” pakiusap nito na ubod ng higpit ang pagkakayakap sa kanya. “Promise
me.” “I promise!” umiiyak niyang tango na nakasubsob ang mukha sa dibdib
nito. “Basta’t huwag niyo lang kukunin ang kapatid ko, kung hindi maglalayas uli
kami.”
“Alicia!!!”
Napalingon siya sa humiyaw na babae sa kanyang kanan. Nang
makilala niya si Elvira ay halos magtatalon siya sa tuwang nilapitan ito at
niyakap. “Oy, kumusta ka na! Balita ko nag-apply ka raw for promotion?”
Natawa si Elvira. “Sana nga suwertehin eh. Baka puwede mo akong isipsip kay
Sir, okay lang.” “Oo naman!” Natawa siya. “Basta’t ninang ka nito ah,” aniya na
hinahaplos ang tiyan. “Aay!” napatili si Elvira. “Sinabi mo ‘yan ha?” “Siyempre na
—” Napahinto siya’t napalingon sila sa mga taong naghagikgikang dumaan.
Napansin niyang panay ang sulyap ng mga ito sa kanya. Salubong ang mga
kilay niyang tumingin kay Elvira. “Ano’ng bago?” “Ay naku! As usual ikaw pa rin
ang topic.” “Ganun?” Hindi siya makapaniwala. Habang nag-uusap sila’y
ipinagpatuloy nila ang paglalakad sa corridor papunta sa opisina ni Darian.
“Hanggang ngayon pala ako pa rin ang superstar dito.”
“Hindi lang superstar, hall of fame na.” Natawa siyang bubuksan na sana
ang pinto ng opisina nang may tumawag sa kanyang pangalan. Paglingon niya’y
nakilala niya si Gladys na nagpakulay ulit ng buhok. Kung dati ay red, blonde
naman na ang bago. “Oy, new hairdo.” Iwinagayway pa ni Gladys ang buhok
bago nagsalita. “Siyempre, naghahanap din ako ng manager na gaya ng
nadekwat mo.” May biglang humiyaw sa isang tabi. May mga grupo pala ng mga
kababaihan na nakikinig sa kanila. “Itanong mo na lang kay Alicia kung ano ang
pinang-gayuma niya,” biro ng isa.
Naluha siyang kumapit sa mga balikat nito. “Same here!” Hinalikan nito
ang kanyang buhok, at saka ito bahagyang lumayo para makita ang kanyang
mukha. Natawa itong pinagmamasdan siya. “Funny. Kanina nakita lang kitang
nakikipag-away, ngayon umiiyak ka na. But that scene a while ago reminds me
of the first time I met you. “Nagbabago na nga kasi ako eh, ibinabalik ako sa dati
ng mga bruhang mga ‘yan.” Lalo itong natawa. “I don’t mind. I actually find you
so amusing that way.”
Hinawakan nito ang kanyang kamay at pinisil iyon. “If it’s a girl, I want
her to be as beautiful as you.” Sasagot na sana siya subalit napansin niya ang
papalapit nitong mga labi. Pumikit siya at sinalubong ang halik nito.
Makaraan ang ilang sandali ay iniligpit nito ang mga gamit at lumabas na sila ng
opisina. Habang naglalakad sila palabas ng gusali ay marami silang mga
nakasalubong na mga tao – ang ilan ay nagbubulungan, ang ilan naman ay
bumabati at ngumingiti. Magkakaiba man ang reaksyon, hindi inalis ni Darian
ang kamay nitong nakapalibot sa kanyang balikat at buong pagmamalaki nitong
ipinakita sa lahat na siya ang asawa nito. Kailanman ay hindi na niya ito
pagdududahan. Naniniwala na siya, na sa kabila ng kanyang pagkatao, ay tunay
ang pagmamahal nito sa kanya.