Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword or section
Like this
6Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
The Other Side of You

The Other Side of You

Ratings: (0)|Views: 235 |Likes:
Published by Tefanie_Deang_3555

More info:

Published by: Tefanie_Deang_3555 on Feb 14, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

07/17/2013

pdf

text

original

 
The Other Side of Youby Garnet HeartOverview:
 
Sa kompanyang pinapasukan ni
Alicia Valdez
ay siya na ang maituturingna pinakasikat... pinakasikat sa kanyang kalandian, kamanhidan, at kasosyalan,subalit mas kilala siya bilang isang disgrasyada na may tatlong anak samagkakaibang mga lalaki.Dahil sa nangyaring merging ng kompanya ay kinailangang lumipat ang kanyangmanager, at si
Darian Conrado
ang dumating bilang pamalit. Inakala niyangeepekto ang pagkasipsip niya dito, ngunit lalo lang nitong pinahirap angdesperada na niyang kalagayan. Labis niya itong kinaiinisan, subalit nangmakita niya itong may kasamang ibang babae ay nakadama siya ng selos.Magawa kaya siyang ibigin o bigyang pansin man lang ni Darian gayongpinagtatawanan siya't inaalipusta ng karamihan? Makikita kaya nito kunganuman ang inililihim niya sa kabila ng kanyang pagkatao? 
The Other Side of Youby Garnet HeartChapter 1
“Oy, Alicia! Overbreak ka na naman. Pagagalitan ka na naman ng bosingmo.”“So?” sagot ni Alicia at pinagpatuloy ang paglalagay ng lipstick sa harapanng salamin. Si
Elvira
iyon na katrabaho niya. Pareho silang tatlong taon na saelectronics company na pinapasukan nila.“Lipstick ka ng lipstick. Pudpod na ‘yang lipstick mo pero hindi mo pa rinbinabayaran ‘yan.” Napatingin siya kay Elvira na nakatayo sa tabi niya. “Itonaman. Promise, sa katapusan babayaran ko na. Ano lang ba naman ‘yang onehundred fifty?” “’Yun nga eh. One hundred fifty lang, dalawang buwan na hindimo pa rin binabayaran.” “Fine, babayaran na kita! Pero…” Ngumiti siya’tpinalambing ang boses. “Pa-order uli ng isa ha.” “Wala pang sale ngayon,”mabilis pa sa alas kuwatro nitong tugon. Naglaho bigla ang kanyang ngiti.“Ganun?“Diyan ka na lang sa tiangge bumili. May ten pesos pa.” “Gush!Masisira naman ang beauty ko sa mga chipipay products na mga ‘yun. Sige na.Baka naman may natira ka pang stocks?” Hindi umimik si Elvira na parang nag-iisip. Alam niya na nag-aalangan na itong pautangan siya dahil sa tagal niyangmagbayad, pero alam din niya ang kiliti nito. “Sige na,” paglalambing niyang
 
muli. “Akong maglalaba ng in-plant shoes mo this weekend.” Hindi napigilan niElvira ang ngiti. “Sige. Promise ‘yan ha?” “Of course!” halos patili niyang sagot.“Oy, nai-transfer daw sa kabilang building ‘yung best friend mo.”Napamulagat siya. Si
Lorna
ang tinutukoy nito, ang kanilang manager na laginiyang kinukulit sa overtime. “You mean it?” “Yes!” Nag-iinarte din si Elvira naginaya ang kanyang kilos. “Kaya mag-goodbye OT ka na, at wala na ‘yunginuuto-uto mo.” Napahawak siya sa pisngi. “Sino raw ang kapalit?” “Galing rawsa ka-merge nating company. Lalaki raw.” “Aaah!” Napahawak siya samagkabilaang bahagi ng ulo. “Buti kung mabait ‘yun. Kapag matandangmasungit ‘yun, Diyos ko! Hindi ‘yun uubrahan ng beauty ko!” “Malay mo. Lalaki‘yun. Baka mas uubra ang beauty mo,” tukso ni Elvira. “Gaga! Madagdagan pa‘yung tatlong palamunin ko.”Tumawa si Elvira at itinulak siya palabas ng comfort room. “Tara na nga.Diyos ko, ‘yang miniskirt mo, ang iksi.” “Siyempre, display ang legs,” kekendeng-kendeng niyang sagot habang sila’y naglalakad pabalik sa opisina. “Kaya ka nilapinagtsitsismisan eh. May tatlo ka na ngang anak, malandi ka pa rin.” “Ay! Careko sa kanila. Hayaan mo silang mamatay sa tsismis.” “Lokaret ka talaga.”“Alangan naman na porke may anak na ako eh magpapakalosyang na ako? Eh‘di lalong walang magkagustong fafa sa akin. Kaya kailangan ko pa ringmagpaka-sosyal para malay mo, may mabingwit pa, di ba?”Napakamot si Elvira. “Ambisyosa ka rin. Ako nga na dalaga ‘dimakabingwit.” “Ay, mahina ka.” “Hoy, kayong dalawa!” Kapwa sila nagulat nangmay biglang tumapik sa kanilang mga likuran. Paglingon nila ay nakita nila angisa pa nilang kasamahan na si
Lenny
. “Office staffs daw, sa conference roommuna. Ipapakilala ‘yung bagong manager.” “So?” mataray niyang sagot. “Gaga!‘Wag kang magpa-importante dyan,” ani Elvira at hinila siya papuntangconference room. Pagpasok nila ay halos puno na ang silid at parang sila nalamang ang hinihintay. Si Lorna na nakatayo sa harapan ang agad niyangnilapitan.“Ma’am Lorna!” Kunwari ay naiiyak siyang niyakap ang manager. “Is ittrue na ililipat ka raw?” “Oo,” sagot ni Lorna na tinatapik ang kanyang balikat.“Marami kasing changes dahil sa nangyaring merging. Siyang papalit sa akin, siDarian Conrado.” Noon lang napansin ni Alicia na may lalaki palang nakatayo salikuran nito at nakatingin sa kanila. Napataas ang isa niyang kilay nangmapansin niyang parang isang binata lang iyon. Sa tantya niya’y wala pa satrenta ang taon nun. “You mean that boy?!” “Psst!” asik ni Lorna. “Siya angbago mong manager.” Muling tinignan ni Alicia ang lalaki na noo’y nakangitingpapalapit. Siguradong narinig nito ang kanyang sinabi.Sa unang tingin pa lang ay talagang nakaka-agaw pansin ang itsura nito,kaya pala kaninang pagpasok niya ay naghahagikgikan ang mga kasamahanniyang kababaihan. Medyo mahaba ang bangs nito na naka-brushup palikod.May kakaibang ningning at buhay ang mga malalalim nitong mga mata na may
 
mahahabang pilik, matangos at walang bako ang ilong nito, at may kapulaan atkanipisan ang mga labi na nakakaakit halikan.“Ay!” gulat na tinakpan ni Alicia ang bibig nang umakyat ito ng platform attumabi sa kanya. Napakatangkad pala nito na kahit nakatakong siya ay haloshanggang balikat lang siya nito. Five feet three inches siya, kaya’t siguradongnasa six feet ang taas nito. Malaki rin ang pangangatawan nito. Kahit nakasuotito ng long sleeved shirt ay bakas ang muscles nito sa mga balikat at braso,ganun din ang makapal nitong dibdib at makitid na baywang. “How old are you?”ang tanong sa kanya ng lalaki. “Ah, twenty six pa lang po. Kayo po, Sir?” “Let’s just say… I’m older than you.” Hindi niya pinansin ang pagkasarkastiko nito.“Grabe! Genius siguro kayo kaya kayo naging manager agad, ano Sir?” Nangitisi Darian. “Didn’t you just call me boy?” “Ay, joke lang po ‘yun, Sir. Nagulat langkasi ako. Pero Sir, ang guwapo niyo ha.” Kinurot siya ni Lorna. “Huwag ka nanamang maglalandi diyan.” “Ma’am naman, bini-build up ko lang confidence niSir. Baka kasi hindi niya alam na guwapo siya.”“Boooh,sigaw ng isa sa mga katrabaho niya na nakikinig. “Huwagkayong maniwala diyan, Sir. May tatlong anak na ‘yan!” “Magkakaiba pa angtatay,” dagdag pa ng isa. “Pssst!Sinitsitan niya ang mga ito. “Huwag niyonaman akong ibuking.” Salubong ang mga kilay ni Darian na tumingin sa kanyapababa. “Wala sa itsura mong kaya mong magpalaki ng tatlong bata.“Sir naman! Kahit naman papaano, napapalaki ko ang mga anak ko.”“Pagpasensyahan mo na ‘yan, Darian.” Sumingit si Lorna sa usapan. “Sa lahatng empleyado dito, yang si Alicia ang makulit sa overtime.”“Oy, Alicia!May sumigaw mula sa mga nakaupo. Si
Gladys
, angkagaya din niyang sosyal sa opisina na sumikat sa kulay pula nitong buhok. Angpagkakaiba, dalaga pa lang ito at walang ginagastusang pamilya. “Alam ko kungmagkano ‘yang blouse mo. Two for one hundred eighty.” Tumawa ang lahat,pero hindi siya apektado. “Correction, tinawaran ko ng eighty pesos.” Lalo panglumakas ang tawanan. “Eh ‘yang skirt mo? Mukhang imported,” tanong pa ngisa. “UK ‘yan, ano ba?” malandi niyang sagot at napansing maging sina Lorna atDarian ay napapangiti na rin.“Alicia, alis ka nga diyan. Nakakasira ka ng view.” “I know.” Pinagulongniya ang mga mata. “Naiinggit kayo kasi katabi ko si Sir.” “Landi!” “Fine!” aniyaat tumingin kay Darian. “Sige po, Sir. Doon muna ako at baka mamatay sainggit itong mga ‘to. Huwag niyo pong kakalimutan ang pangalan ko ha, AliciaValdez… at your service.” Biglang may bumato ng nilukot na papel sa kanya.Tumama iyon sa kanyang ulo. Agad niya iyong pinulot at bumaba ng platformpara batuhin din si Gladys. “Ikaw ah, akala mo hindi kita papatulan!” “Alicia,tama na ‘yan.”Napatingin siya kay Lorna na nakamulagat sa kanya. “Ay, sorry po,ma’am,” aniya at pasimpleng binato si Gladys sa noo, saka siya umupo sa tabi ni

Activity (6)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 hundred reads
1 thousand reads
Daisy Mallari liked this
flomina_03gensci liked this
heartfixer10 liked this
Em-Em Aquino liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->