/  28
 
 
ةيوبنلا رسلا - جولت Panimula
1.
1.
Ang Arabia Bago Dumating ang Islam
2.
2.
Ang Handog
3.
3.
Ang Kapanganakan ng Sugo (SAS)
4.
4.
Ang Taon ng Elepante
5.
5.
Ang Pagbiyak ng Dibdib
6.
6.
Ang Pagyao ni Aminah
7.
7.
Ang Pagkapropeta
8.
8.
Ang Paglikas Sa Ethiopia
9.
9.
Ang Pagyakap ni ‘Umar Sa Islam
10.
10.
Taon ng Dalamhati
11.
11.
Ang Pagpunta Sa Ta’if 
12.
12.
Al-Isra’ wa AL-Mi’raj
13.
13.
Ang Labanan Sa Badr 
14.
14.
Ang Pagsakop Sa Makkah
15.
15.
Ang Pagyao ng Sugo (SAS)
16.
16.
Ilan Sa mga Pag-uugali ng Sugo (SAS)
17.
17.
Ilan Sa Kanyang mga Himala
18.
18.
Ilan Sa Kanyang mga Katangian
19.
19.
Ang Pag-aanyaya niya Sa mga hari at mga Pinuno
20.
20.
Ang mga Napatnubayang Khaleefah
21.
21.
Ang mga Umawee at ‘Abbasee
Panimula
Ang papuri ay ukol kay Allah na nagwikang
: “ At hindi ka Namin isinugo (OMuhammad ) kundi bilang habag sa lahat ng nilikha.” 
At
“ Matatagpuan ninyo saSugo ni Allah ang magandang huwaraan.” 
Ang Kapayapaan at pagpapala aymatamo ng Propeta na matapos niya ay wala ng iba pang propeta na darating. 
 
Ang Aklat na ito na pinamagatang “Ang Talambuhay ng Propeta” (SAS)
ayinihahandog namin sa iyo sa layuning bigyan ka ng isang dagliangsulyap sa kanyang talambuhay, mga katangian, at mga himala. Hindinamin hinangad na magbigay ng maraming detalye, sa halip aynagkasya na lamang kaming ilahad ang mga mahahalagangpangyayari sa kanyang buhay. Marami na ang sumulat ng kanyangtalambuhay kaya marahil ay naisulat na ito sa lahat ng pangunahingwila ng daigdig. May isa pa ngang hindi Muslim na nagsabing isangmalaking karangalan ang sumulat ng talambuhay ni Muhammad(SAS). Bilang mga Muslim, ang aming hangad sa pagsulat nito ayhindi lamang para sa karangalang sumulat ng kauna-unahang aklatng talambuhay ni Propeta Muhammad (SAS) sa wikang Tagalogkundi ang makapaglingkod sa sambayanang Muslim. Dalangin naminkay Allah na nawa’y maging kapaki-pakinabang ang aklat na ito.Tunay na siya ang dumidinig at tumutugon sa mga panalangin.
Ang Arabia Bago Dumating ang Islam
Paganismo ang siyang umiiral na relihiyon sa mga Arabiano noon. Angpagkakayakap nila sa Paganismo na salungat sa matuwid na pananampalatayaang dahilan kung kaya binansagan ang kapanahunan nila na
 Al-Jaahiliyah –
ang Panahon ng Kamangmangan. Ang pinakabantog sa mga diyus-diyosan nakanilang sinasamba maliban pa kay Allah na tunay na Diyos ay sina Al-Lat,Al’Uzza , at Hubal. Ngunit mayroon ding mga Arabiano na yumakap saJudaismo, Kristiyanismo at Zoroasterismo. At mayroon din na iilang mgaindibiduwal sa kanila na yumayakap sa Al-Hanafeeyah, ang sistema sapananampalataya batay sa paniniwala ni Abraham(AS).Ang saligan ng buhay pang-ekonomiya ng mga
Badawee -
ang mga Arabianona pagala-gala at walang pirmihang tirahan – ay ang yamang panghayupan nanababatay sa pagpapastol. At ang saligan naman ng buhay pang-ekonomiya ngmga
Hadir –
ang mga Arabiano na nakatira sa isang nayon o bayan at maypirmihang tahanan – ay ang pagsasaka at pangangalakal. Bago dumating angIslam, ang Makkah ang siyang pinakamalaking lunsod pangkalakalan sa Arabia.Mayroon na ring mga mauunlad na mga pamayanan sa iba’t-ibang dako ngArabia noong panahong iyon.
*
SAS: Sallahu alayhi wa Sallam (Sumakanya ang Pagpapala at Kapayapaan niAllah ). Ito ang sinasabi tuwing matapos banggitin ang pangalan o titulo niPropeta Muhammad.
 
 Hinggil naman sa kalagayang panlipunan, ang kawalang-katarungan ay laganap,walang karapatan ang mahihina, kanilang inililibing ng buhay ang mga batangbabae at pinagkakaitan ng karapatan ang isang mahina. Ang mga alipin aykaaba-aba at wala ni katiting na karapatan. Ang pag-aasawa ng higit sa isa aywalang hanggan ang bilang. Ang pangangalunya ay laganap sa lahat maliban saiilan. Ang digmaan ng mga lipi ay laganap na karaniwang nangyayari sanhi ngnapakababaw na mga kadahilanan. 
Ang Handog
 Ipinagmamayabang noon ng mga Quraysh kay ‘Abdulmuttalib na lolo ngPropeta Muhammad (SAS) ang pagkakaroon nila ng maraming supling at ari-arian. Kaya naman gumawa ng panata si Abdulmuttalib na kung siya aypagkakalooban ni Allah ng sampung anak na lalaki, kanyang iaalay sa mgadiyus-diyosan ang isa sa kanila. Natupad ang kanyang ninais, siya aynapagkalooban ng sampung anak na lalaki. Ang bunso sa kanila ay si Abdullahna ama ng Propetaa (SAS). Nang nais nang isakatuparan ni ‘Abdulmuttalib angkanyang pangako ay sinalungat siya ng mga tao at pinigilan upang sa gayonay huwag itong gawin ng mga tao na isang kaugalian. Nagkaisa sila na gumawang palabunutan upang pagbunutan si ‘Abdullah at ang sampung kamelyobilang pantubos a kanya. Magdadagdag sila ng sampung kamelyo sa tuwing si‘Abdullah ang mabubunot. Isinagawa nila ang pagbunot. Ngunit sa tuwina ay si‘Abdullah ang siyang nabubunot. Pagsapit ng ikasampung pagbunot ay saka palamang nabunot ang kamelyo na umabot na sa isandaan. Inialay nila ang mgakamelyo. Si Abdullah ang pinakamamahal ni Abdulmuttalib sa lahat ng kanyang mga anak.Lalo na nang matapos ang pag-aalay at nang nagsimula na itong lumaki atmagbinata ay lumitaw sa noo nito ang mga luningning na hindi nakikita sa ibangtao. Nang sumapit na sa wastong gulang itong si Abdullah ay pumili ang amaniya para sa kanya ng isang dalagang kaanib ng liping Banu Zuhrah. Angpangalan ng dalaga ay Aminah bint Wahb. Ipinakasal ni ‘Abdulmuttalib angkanyang anak na si Abdullah sa dalagang ito. Pagkatapos ng kanilang pag-iisangdibdib ay naglaho ang kislap na noon ay nasa noo ni ‘Abdullah at iyon ay nalipatsa sinapupunan ni Aminah. 

Share & Embed

More from this user

Commenting has been disabled.