/  23
 
 رصتخمةريسلاوبنلا
تايلاجل ةيعو ةبش فلزلا 
Isinalin ng: Zulfi Foreigners'Guidance OfficeP.O. Box: 182 Zulfi 11932Saudi ArabiaTel.: 06 4225657Fax: 00966 4224234
 Maikling Talambuhay ng Propeta
 
Ang Arabia Bago Dumating ang Islam
Ang Paganismo ang siyang umiiral na relihiyon noon sa mga Arabe. Dahil sapagkakayakap nila sa Paganismo na sumasalungat sa matuwid napananampalataya, binansagan ang kapanahunan nila na al-Jahiliyah: angPanahon ng Kamangmangan. Ang ilan sa pinakabantog sa mga diyos-diyusangsinasamba nila noon bukod pa kay Allah na tunay na Diyos ay sina Al-Lat,Al-'Uzza, Manah at Hubal. Ngunit mayroon din sa mga Arabe na yumakap saJudaismo, o Kristiyanismo, o Zoroasterismo. Mayroon din sa kanila na mga iilangindibiduwal na patuloy na yumayakap sa al-Hanafiyah, ang paniniwala niAbraham.Tungkol naman sa buhay pang-ekonomiya, ang mga Badawi
(1)
ay umaasa nanglubusan sa yamang panghayupan na nakabatay sa pagpapastol. Ang saligannaman ng buhay pang-ekonomiya ng mga Hadir 
(2)
ay ang pagsasaka at angpangangalakal. Bago dumating ang Islam, ang Makkah ang pinakamalakinglunsod pangkalakalan sa Arabia. Mayroon na ring mga pamayanang maykabihasnan sa maraming rehiyon. Tungkol naman sa kalagayang panlipunan,ang kawalang-katarungan ay laganap, walang karapatan ang mahihina, inililibingnang buhay ang mga batang babae, nilalapastangan ang mga karangalan,nilalabag ng malakas ang karapatan ng mahina, nag-aasawa sila nang walangtakda, ang pangangalunya ay laganap, at ang mga digmaan sa pagitan ng mgalipi ay nangyayari sanhi ng napakababaw na mga kadahilanan. Ito, sa maiklingsalita, ay isang dagliang sulyap sa kalagayan ng Arabia bago dumating angIslam.
(1)
Ang mga Arabeng disyerto na walang pirmihang tirahan.
 
(2)
Ang mga Arabeng nakatira sa isang nayon o bayan at may pirmihang tahanan.
 
Ang Handog
Ipinagmamalaki noon ng mga Quraysh kay 'Abdulmuttalib, ang lolo ni PropetaMuhammad (SAS),
(1)
ang pagkakaroon nila ng mga anak at yaman. Kayanaman nagpanata si 'Abdulmuttalib na kung pagkakalooban nga siya ni Allah ngsampung anak na lalaki, iaalay niya ang isa sa kanila bilang handog sa mgadinidiyos. Natupad ang kanyang ninais; siya ay napagkalooban ng sampunganak na lalaki, na ang isa sa kanila ay si 'Abdullah, ang ama ng Propeta (SAS).Nang nais nang isakatuparan ni 'Abdulmuttalib ang panata niya ay sinalungatsiya ng mga tao upang mapigilan siya nang sa gayon ay hindi iyon maging isangkaugalian sa mga tao. Nagkaisa sila na gumawa ng palabunutan upang pagpiliansi 'Abdullah at ang sampung kamelyo na magiging pantubos sa kanya.Pagkatapos ay magdadagdag pa sila roon ng sampung kamelyo kung si'Abdullah ay mabubunot. Isinagawa nila ang pagbunot. Ngunit sa tuwina ay si'Abdullah ay nabubunot. Sa ikasampung pagbunot ay nabunot na rin ang mgakamelyo na umabot na sa isandaan. At kinatay nila ang mga kamelyo.Si 'Abdullah ang pinakamalapit sa puso ni 'Abdulmuttalib sa lahat ng kanyangmga anak, lalo na nang matapos ang pagtubos dito at nang nagsimula na itonglumaki, nagbinata at nilitawan
 
ang noo nito ng mga liwanag na hindi nakikita saibang tao. Nang sumapit na sa wastong gulang si 'Abdullah ay pumili angkanyang ama para sa kanya ng isang dalagang kabilang sa liping Banu Zuhrah,na ang pangalan ay ءminah Bint Wahb. Ipinakasal siya ni 'Abdulmuttalib sadalagang ito. Pagkatapos ng pag-iisang dibdib na ito ay naglaho ang kislap nanoon ay nagniningning sa kanyang noo at nalipat ito sa sinapupunan ni ءminah.Ginampanan ni 'Abdullah ang papel niya sa larangan ng buhay at paghahanap-buhay. Matapos ang tatlong buwan pagdadalang-tao ni Aminah sa Sugo ni Allah(SAS) ay lumisan si 'Abdullah kasama ng karaban ng mga kalakal patungongSham.
(2)
Habang nasa daan pauwi ay dinapuan siya ng karamdaman. Kayatumigil siya sa Madinah sa piling ng kanyang mga tiyuhin sa ina na kabilang saliping Banu an-Najjar. Doon na siya binawian ng buhay at inilibing.
(1)
(SAS): Sallallahu 'Alayhi wa Sallam: Sumakanya ang pagpapala at kapayapaan ni Allah.Binabanggit ito sa tuwing tinutukoy si Propeta Muhammad (SAS).
(2)
Ang rehiyon na binubuo sa kasalukuyan ng Syria, Palestine, Lebanon, at Jordan.
Ang Kapanganakan ng Sugo (SAS)
Nabuo na ang mga buwan ng pagdadalang-tao ni Aminah at palapit na ang arawng pagsilang. Nagsimula na ang pananakit ng kanyang tiyan ngunit hindi siyanakadama ng sakit at hirap na nakagawian na ng mga babae sa pagsisilang.
 
Madaling-araw ng Lunes ng ika-12 ng buwan ng Rabi'ul'awwal taong 571 A.D.nang isinilang ni Aminah ang kanyang sanggol. Ang taong iyon ay ang Taon ngElepante.
 
Ang Taon ng Elepante
Ito ang buod ng kasaysayan ng elepante. Noong nalaman ni Abrahah na taga-Ethiopia, ang kinatawan ng Hari ng Ethiopia sa Yemen, na ang mga Arabe aydumadalaw sa Ka'bah ay nagpatayo siya ng isang malaking simbahan sa San'a'.Ninais niyang ibaling sa simbahang ito ang pagdalaw ng mga Arabe. Narinig iyonng isang lalaking kabilang sa liping Banu Kinanah (isa sa mga liping Arabe).Kaya't pinasok niyon ang simbahan isang gabi at pinahiran ang mga dingdingnito ng dumi ng tao. Noong nalaman iyon ni Abrahah iyon ay sumambulat siya sagalit. Lumisan siya na may dalang malaking hukbo—na ang bilang ay 60,000kawal—papunta sa Ka'bah upang wasakin ito. Pumili siya para sa kanyang sariling pinakamalaking elepante. Ang hukbo ay may siyam na elepante.Nagpatuloy ang kanyang paglalakbay hanggang sa makarating sa isang pook namalapit sa Makkah. Doon niya inihanda ang hukbo. Nakahanda na siya sapagpasok sa Makkah ngunit ang elepante ay lumuhod at hindi sumulongpatungong Ka'bah. Tuwing ihinaharap nila ang elepante sa ibang mga dako aytumatayo ito at mabilis na lumalakad. Ngunit kapag ibinabaling naman nila ito sapapunta sa Ka'bah ay lumuluhod ito. Habang sila ay nasa gayong kalagayan,nagpadala si Allah sa kanila ng mga kawan ng ibon na nagbabato sa kanila ngbatong mula sa natuyong putik, kaya ginawa Niya (Allah) silang gaya ng uhay nakinainan. Ang bawat ibon ay nagdadala ng tatlong bato: isang bato sa tuka nito attig-iisang bato sa bawat paa, mga batong kasinlaki ng garbansos. Walang isaman sa kanila na tinatamaan na hindi nagkakaputol-putol ang mga bahagi ngkatawan at saka namamatay. Nagsialisan sila upang tumakas at nagkandabuwalsila sa daan. Si Abrahah naman ay pinadalhan ng karamdamang sanhi nito aynagkandalagas ang mga dulo ng daliri niya. Dumating siya sa San'a' na parabaga siyang sisiw na lamang. Namatay siya roon.Ang mga Quraysh naman ay nagkahiwa-hiwalay sa mga landas sa pagitan ngmga bundok at nagtago sa mga bundok dahil sa takot sa hukbo. Noong naganapsa hukbo ang di-inaasahang mangyari, panatag silang nagbalik sa mga tahanannila. Ang pangyayaring ito ay naganap limampung araw bago isinilang ang Sugo(SAS).
 
Si Halimah (RA) (1)
Isa sa kaugalian noon ng mga Arabe na ang kanilang mga anak ay ipinapasusonila sa mga sisiwa
(2)
na nakatira sa disyerto sapagkat ang disyerto ay

Share & Embed

More from this user

Recent Readcasters

Commenting has been disabled.