Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword or section
Like this
20Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
One Million Reasons Dagger Heart

One Million Reasons Dagger Heart

Ratings: (0)|Views: 1,151 |Likes:
Published by sn02_cjv

More info:

Published by: sn02_cjv on Feb 16, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

06/10/2014

pdf

text

original

 
One Million Reasons
 
(The Dagger)
 
by Garnet Heart
 
One 
Umaga na naman, at gaya ng kinaugalian ay nakadungaw na namanang bente-kuwatro anyos na si Terra Olivares sa bintana ng maliit niyang bahayna yari sa papag at marupok na kawayan. Sa anim na buwan ng kanyang pag-iisa ay hindi na niya pinaniniwalaan ang mga katagang
may bagong umagang darating 
dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay walang nabago sa kanyangumaga.Dito sa probinsiyang kinalakhan niya ay wala ng pinagkaabalahan angmga tao kundi ang pagmasdan ang nakakabagot na kalangitan atmakipagtsismisan sa mga kapitbahay. Galit siya sa mga tsismosang mga ito,dahil batid niyang siya ang parating pinag-uusapan ng mga ito.Paano siya hindi pag-uusapan? Sa liblib nilang nayon at sa kabila ngkahirapan ng buhay ay naroon siyang namumuhay senorita. Kumbaga ay siyalamang ang kaisa-isang rosas na nabubuhay sa disyerto dahil lahat ng pag-aalaga ay natuon sa kanya.Hindi dahil sa mayaman siya kundi dahil sa ubod siya ng tamad.Kabataan pa lang niya ay sadyang inispoiled siya ng kanyang mga magulang atinalagaan siyang parang isang prinsesa. Bakit? Dahil pangarap ng ina niyangmakapasok siya bilang artista. Inasahan nilang iyon ang mag-aangat sa kanilasa kahirapan.Kakaiba ang ganda ni Terra. Kahit taga-probinsiya siya ay kapansin-pansin ang kagandahan niya sa syudad sa tuwing sumasali siya sa mgaaudition. Hindi man siya gaanong matangkad sa taas na five three ay taglay niyaang mala-anghel na mukha, porselanang kutis at seksing pangangatawan.Kinaiinggitan din ang tuwid at mahaba niyang buhok na umabot hanggangbaywang. Kung hindi nga lang dahil sa mga mumurahin niyang damit aymapagkakamalan siyang isang anak mayaman.
―Hoy, Terra!
 
Yung sinaing mo, nasusunog!‖
Biglang naibalik si Terra sa kasalukuyan.
―Ay, Aling Rosing!
Andyan
ka pala.‖―Yung sinaing mo kako, nasusunog.‖―Aay!
 
Yung niluluto ko!!!‖
Dali-dali siyang tumakbo sa kusina, ngunithuli na ang lahat dahil malambot na uling na ang nadatnan niya.
―Haay!
 
Ano ba naman ‗tong buhay na ‗to?
Wala na nga akong peranasunog pa ang kahuli-
hulihang kanin!‖―Ayan kasi,
 
tumunganga ka pa.‖
Nagulat si Terra. Nasa pintuan na pala si Aling Rosing.
―Mabuti‘t hindi nasunog ‗tong bahay mo.
Kung ano ba kasing
tinutunganga mo, e may niluluto ka pala?‖
 
Sumimangot si Terra.
―Aling
Rosing naman, may iniisip lang ako
kanina.‖―Nangangarap ka na naman na makapag
-asawa ng prinsipe? Ikawtalaga, bata ka, ganyan na nga ang buhay mo kung anu-ano pang iniisip mo.Ang isipin mo, kung saan ka kukuha ng pambayad mo kay Viring dahil naniningil
na siya.‖
Napaupo siya sa silya.
―Sabi ko naman sa kanya sa susunod nabuwan na at naghahanap pa ako ng trabaho.‖―Ilang buwan mo ng sinasabi ‗yan pero hanggang ngayon wala ka pa
ring nahahanapan. E kung nagtanim ka sana ng palay, di malapit mo na sanang
anihin.‖―Ay, diyos ko!‖
 
Animo‘y kinilabutan siya sa narinig.
 
―Mamatay na lang
ako sa gutom kaysa magtanim. Paano ako magugustuhan ng prince charming
ko kung puro peklat na ako.‖―Hoy, Terra.
Alalahanin mong patay na ang mga magulang mong
kumukunsinti sa‘yo.
Kaya kung gusto mong mabuhay, magtrabaho ka. Kungayaw mo, mag-
asawa ka na lang para may magpakain sa‘yo.‖
Sumimangot uli si Terra. Napakasungit talaga nitong si Aling Rosing,ngunit hindi rin niya ito masisi dahil halos ito na ang nagpapakain sa kanya mulang mamatay ang mga magulang niya.
― Ala, sige iayos mo na ‗yan at doon ka na sa bahay kumain.‖
Nang lumabas na ang matanda ay hindi niya maiwasang bumuntung-hininga. Limang buwan na nga ang utang niya kay Viring, at hanggang ngayonay hindi pa rin niya nababayaran. Bukod pa roon ay humigit isang libo na rin angutang niya sa tindahan.Kung minsan ay gusto niyang sisihin ang kanyang mga magulang sanaging kapalaran niya. Walang itinuro ang mga ito sa kanya ni anumanggawaing bahay maliban sa paghugas ng pinggan at pagsaing ng kanin. Hindi rinsiya pinag-aral sa kolehiyo dahil hindi raw niya iyon kakailanganin sa pag-aartista. Sa halip ay kinuhanan siya ng tutor na magtuturo sa kanya ng pag-arteat pananalita ng english.Hindi niya inakalang maglalahong parang bula ang pangarap na iyon.Hindi pala niya kailanman mapapakinabangan ang natutunan niyang pag-arte atpag-english. Anim na buwan na ang nakaraan ay nahulog sa bangin ang bus nasinasakyan ng kanyang mga magulang. Sariwa pa rin sa isip niya ang kahabag-habag na itsura ng mga ito ng iuwing nakabalot lamang sa isang itim na plastic.Halos madurog ang puso niya ng mga panahong iyon. Galit na galitsiya sa kanyang sarili kung bakit hindi man lang niya nabigyan ng matinongkabaong ang mga magulang niya bago inilibing. Malayo rin ang mga kamag-
anak niya kaya‘t si Al
ing Rosing lamang ang tanging tumulong sa kanya.Dalawang araw lamang ang burol at tinabunan na ng lupa ang mga bangkay attinirikan ng krus na yari sa sanga ng bayabas.Hindi siya papayag na manatiling ganoon na lamang ang puntod ngkanyang mga magulang, at hindi rin siya papayag na mamamatay din siya saganoong lagay. Sinabi niya sa sarili niyang gagawin niya ang lahat makaahonlamang siya sa impiyernong buhay niya, subalit hindi pala niya kayang mag-isa.
 
Dahil hindi siya marunong magtrabaho ay hindi niya alam kung paano niyabubuhayin ang kanyang sarili. Wala ring iniwan ang mga magulang niya sakanya maliban sa isang magandang dagger na ibinigay ng kanyang ama bilangpangproteksyon sa kanyang sarili. Kaya naman nabuo sa isip niya ang isangpangarap na makatagpo siya ng isang guwapo at mayamang prinsipe na mag-aahon sa kanya sa hirap.
―Terra.‖
Naunsuming muli ang pag-iilusyon niya ng may marinig siyangtumatawag sa pangalan niya. Sumilip siya sa pinto at napakunot-noo ng makitaang isang sosyal na babaeng nakangiti sa kanya.
―Hoy, Tiring.
 
Si Mariana ‗to, ano ba?‖
Napakunot-noo siya, at namukhaan nga niya ang matalik niyangkaibigan.
―Oy, ikaw pala!
 
Pasok.‖
 
―Kumusta ka na?‖ bati ni Mariana at umupo sila sa silyang yari sa
kawayan.
―Mukhang pumayat ka.‖―Paano, wala akong makain.
Ikaw, sosyal ka na ngayon, ha. Haloshindi kita namukhaan.
Ba‘t ka nagpakulot?‖
Nangiti si Mariana at iwinagayway ang buhok.
―Siyempre, nakapasokakong katulong sa isang mayaman.‖―Talaga?
 
Puwede mo ba akong ipasok?‖―Hindi, dahil ibang trabaho ang iaalok ko sa‘yo.‖―Sure.
 
Ano ba ‗yun?‖
Saglit na nanahimik si Mariana.
―Di ba gusto mong magkapera?‖―Sino bang may ayaw?
 
Ano bang trabaho ‗yan?‖
Lumapit sa kanya si Mariana at saka bumulong.
―One hundredthousand ang bayad mo rito kapag tinanggap mo.‖
Tumindig si Terra.
―Huwag mo nga akong biruin.
Ipasok mo na lang
akong katulong sa pinapasukan mo.‖―Hindi ako nagbibiro.
May nakilala akong Harold ang pangalan at
ipinagtapat niya sa aking kasapi siya sa sindikato.‖―Sindikato?‖
Napamulagat siya.
―Di ba masamang tao ang mga ‗yan?‖―Makinig ka nga muna.‖
Hinila siya ni Mariana paupo bago nagpatuloy.
―May mahalagang pag
-aari ang mga Montero na gusto nilang makuha, peromahigpit ang guwardiya ng mansyon kaya kailangan nila ng inside job.Tagabigay lang tayo ng impormasyon at one hundred thousand na ang bayad
natin.‖
Kahit nakakunut-noo pa rin si Terra ay natutukso na siyang maniwalakay Mariana. Wala siyang nakikitang halong biro sa pananalita nito.
―Anonggagawin ko?‖
Muling bumulong si Mariana.
―Pinapahanap nila ako ng babaengmaaaring bumihag sa puso ni Sir, at ikaw ang naisip ko.‖―Ay, diyos ko!‖ napahiyaw si Terra.
 
―Hindi ako pumapatol sa matanda!
 Ba
‘t di na lang ikaw?‖―Psst!
 
Magtigil ka nga.‖
Nawawalan na ng pasensiya si Mariana.
―Hindi matanda si Sir Edgar.
 
Pangalawa, paano siya iibig sa isang katulong?‖

Activity (20)

You've already reviewed this. Edit your review.
yuugimiyaka added this note
maganda talga sya
yuugimiyaka liked this
1 thousand reads
1 hundred reads
meileen16 liked this
iban27 liked this
Amy Villapando liked this
Amy Villapando liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->