Professional Documents
Culture Documents
(The Dagger)
by Garnet Heart
One
Two
Three
Four
Five
―Hoy, gising!‖
Nabigla si Terra ng may humablot sa kanyang kumot. Ng buksan niya
ang kanyang mga mata ay nasilaw siya sa sinag ng araw. Umaga na pala.
Halos buong araw siyang nakatulog. Naroon naman si Mariana at inaayos ang
higaan niya.
―Gutom na ako.‖
―Kaya nga kita ginising, eh. Hinihintay ka ni Sir Edgar. Sabay raw
kayong mag-almusal.‖
―Ha?‖ Biglang nagising ang tulog pa niyang dugo. ―Ba‘t naman kami
magsasabay? Diyos ko! Ayoko! Baka mahalata niyang hindi ako marunong
gumamit ng kutsilyo.‖
Umupo sa tabi niya si Mariana. ―Tinanggap mo ‗tong trabahong ‗to
kaya kailangan mong gawin. Paano mo mapapaibig si Sir Edgar kung ayaw mo
siyang harapin? Sa tingin ko pa naman type ka niya. Dinalaw ka niya dito
kagabi, alam mo ba?‖
―Ganun?‖ Napangiwi si Terra habang iniimagine na pinapanood siya
ng lalaki habang siya‘y natutulog. Marahil ay naglalaway at humihilik pa siya.
―Ba‘t naman hindi mo ako ginising?‖
―Malay ko ba na darating siya.‖
―Tapos, anong nangyari?‖
Biglang ngumiti si Mariana at saka siya umupo ng tuwid. ―Dito siya
umupo sa tabi mo, tapos tinitigan ka niya ng matagal. Hinaplos-haplos pa niya
yung sugat mo sa noo! Halos mahimatay ako sa inggit!‖
Napangiti rin si Terra at lihim na kinilig sa salaysay ni Mariana. Animo‘y
napakagandang panaginip ang pangyayaring ‗yun.
―Sigurado ako, may gusto sa‘yo si Sir. Suwerte mo, considering na
guwapo pa siya.‖
Napatingin siya sa kaibigan. ―Ano bang iniisip mo, eh, madededbol
yun.‖
Naparam ang ngiti ni Mariana at huminga ito ng malalim. ―Ayan kasi. Kung hindi
ka mukhang pera masuwerte ka na sana.‖
―Eh, kung ako kaya ang iligpit ni Vargas? Malay ko ba na wala palang
atrasan sa mga sindikato.‖
―Aminin mo na. Gahaman ka kasi, at bobo pa.‖
Kumulo ang dugo ni Terra. Kulang na lang ay sabunutan niya ang
kaibigan. Totoong mahina nga ang utak niya, subalit naiinsulto siya sa tuwing
binabanggit ito.
Kapwa sila natahimik ng pumasok ang isa pang katulong.
―Gising na pala kayo, ma‘am,‖ nakangiting bati ng katulong at inilapag
sa mesa ang dala nitong damit. ―Pinamimigay po ito sa inyo ni Sir Edgar.
Naghihintay po siya sa dining room.‖
―Ah--.‖ Hindi alam ni Terra ang sasabihin. Ito na ang simula ng
kanyang pagkukunwari. ―Sige, salamat. Susunod na ako.‖
Paglabas ng katulong ay nagkatinginan sila ni Mariana.
―Nakita mo. Napakabait ng amo ko tapos papatayin mo,‖ ani Mariana
at tumayo na para iayos ang mga gamit niya. ―Halika na rito at maligo ka na.‖
Paulit-ulit na tinitigan ni Terra ang sarili sa mahabang salamin.
Napakaganda ng suot niyang blouse at miniskirt at kaaya-aya rin ang
pagkakaayos ng kanyang buhok. Pakiramdam niya‘y isa talaga siyang prinsesa
sa isang palasyo.
―Hoy, bruha! Hinihintay na tayo ni Sir, ano ba?‖ naiinip na wika ni
Mariana na kanina pa naghihintay sa may pintuan.
Sumimangot si Terra. ―Oo na,‖ aniya at lumabas na sila ng kuwarto.
Napakaluwag ng mansyon. Hindi maaalala ni Terra kung ilang pintuan
ang dinaanan nila bago sila bumaba ng hagdanan, papunta sa dining room.
Pagbukas pa lang ni Mariana sa malaking pinto ay nasilayan na niya ang
matipunong lalaking nakatayo sa tabi ng bintana. Ngumiti ito sa kanya.
Animo‘y natulala si Terra habang nakatitig sa mga mata ng lalaki.
Isang binata pala ang amo ng mansyon, at napakaguwapo nito. Napakaamo
ang nagniningning nitong mga mata at matangos ang ilong. Matangkad rin ito at
malaki ang pangangatawan. Ito na nga ang pinangarap niyang prinsipe na
mapapangasawa niya.
―Sir Edgar, narito na po siya,‖ ani Mariana sa binatang hindi pa rin
maalis ang titig sa kanya. ―Maiwan ko na po kayo.‖
―Salamat, Mariana,‖ sagot ni Edgar. Nang maisara na ni Mariana ang
pinto ay tumingin itong muli sa kanya. ―Kumusta ka na?‖ tanong nito. Mababa at
malumanay ang pananalita nito.
Naramdaman ni Terra ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso, ngunit
pinigil niya ang kanyang damdamin. Hindi si Edgar ang mapapangasawa niya,
dahil ang lalaking ito ay magiging kaawa-awang biktima ng robbery at murder.
Ito ang dahilan kaya‘t narito siya ngayon sa mansyong ito. Upang magtagumpay
siya ay kailangan niyang labanan ang anumang damdaming makakapagpahina
sa kanya. Batid niyang sa oras na umibig siya sa binatang ito ay siya lang ang
masasaktan sa bandang huli.
―Is there something wrong?‖
Bigla siyang naibalik sa kasalukuyan. ―Ha? Ano po?‖
Napangiti si Edgar. ―Mukhang may malalim kang iniisip?‖
Umiling si Terra at bago siya nagsalita ay inihanda muna niya ang
kanyang sarili. Ngayon niya magagamit ang napag-aralan niyang pag-arte at
pag-english. Nagsimula siya sa isang matamis na ngiti. ―I‘m sorry, Sir.‖
Para bang nagningning ang mga mata ni Edgar na animo‘y nabighani
sa tamis ng kanyang ngiti. Mukhang umepekto agad ang kanyang pag-arte.
―…Don‘t call me Sir. My name‘s Edgar.‖
Saglit na hindi iya gumalaw iabot ni Edgar ang palad upang kamayan
siya. Tinanggap niya iyon at para bang nakuryente ang buo niyang katawan ng
maramdaman ang mainit na kamay ng binata. ―Terra—.‖
Napatigil si Terra. Bakit niya nasabi ang tunay niyang pangalan?
―Terra?‖
Tinatanong ang kanyang apeliyedo. Kailangan niyang makapag-isip
agad ng sasabihin. ―I… I really don‘t remember anything except my name.
Pasensiya na po hindi ko kayo masasagot.‖
Napakunot-noo si Edgar. ―Do you mean that?‖
Tumango siya. ―I am a victim of kidnap and ransom. Nakatakas lang
ako at napadpad dito.‖
Sa reaksyon ni Edgar ay parang hindi ito makapaniwala, subalit marahil
ay wala itong nakikitang dahilan, at wala sa kanyang anyo, upang pagdudahan
siya nito. ―If that‘s the case, you are welcome to stay here as long as you want.‖
Ngumiti si Terra. Nagtagumpay na naman siya. Napakadali palang
mauto itong si Edgar. ―Thank you very much for your kindness, at salamat rin
pala sa pagliligtas mo sa akin. You are my brave hero.‖
Natawa si Edgar sa tinanggap na papuri. ―It‘s my pleasure to help a
beautiful lady. Shall we have breakfast now?‖
Para siyang natutunaw sa tuwing nakangiti at nakatitig sa kanya si
Edgar. Mas mahirap palang pigilan ang damdamin kaysa sa inakala niya.
Tumango na lang siya at sabay silang nagtungo sa mahabang dining table.
Six
Seven
Eight
Halos mapasigaw sila sa tuwa. Mabuti na lang at hindi sila sumuko agad. Si
Terra ang pumasok sa kuwarto. Si Mariana ay nanatiling nakabantay sa labas.
Kinapa ni Terra ang switch sa dingding at ng lumiwanag ang paligid ay
namangha siya sa laki at ganda ng kuwarto. Una niyang nasilayan ang isang
malaking painting na nakasabit sa dingding. Nilapitan niya iyon at pinagmasdan
ang larawan ng isang magandang babae. Sa ibaba ay nakaukit ang pangalang
Flordeliza Montero, ang ina ni Edgar.
―Terra, ano ba? Dalian mo!‖ anas ni Mariana na biglang sumilip sa
pinto. Kumilos naman siya agad at naghanap sa paligid. Napansin niya ang
drawer ng mesa sa harap ng malaking salamin. Hindi malayong doon nakatago
ang hinahanap niyang kuwintas.
Naka-lock ang drawer ng hilain niya kaya‘t lalo pa siyang nakumbinsi
na doon nga nakatago ang kuwintas. Kinapa niya ang panungkit sa kanyang
bulsa. Kung nakaya niya ang pinto ay mas madali ang drawer na ito.
Pagtirik pa lang niya ng alambre sa butas ay nagulantang siya ng
umalingawngaw ang isang malakas na tunog, katulad ng tunog ng ambulansya.
Tumayo siya at tumingin-tingin sa paligid. Hindi niya matunton ang
pinanggagalingan ng tunog.
―Security alarm! Halika na, takbo na tayo!‖
Agad siyang hinila ni Mariana palabas ng kuwarto. Hindi na nila
nagawang ilock pa ang pinto dahil naririnig na nila ang mga nagkakagulong tao
sa ibaba. Nakahinga sila ng maluwag ng makapasok sila sa kuwarto ni Terra at
sinara agad ito ni Mariana. Ilang segundo lang ang lumipas ay may mga yabag
na silang narinig na paakyat ng hagdanan. Hinihingal silang umupo sa sahig at
sumandal sa dingding. Ipinagdasal nilang sana‘y hindi sila kakatukin.
―Pesteng buhay ‗to!‖ anas ni Mariana makaraan ang mahabang
sandali. Bumaba na rin ang tensyon sa labas. ―Sino ba kasing may akalang
may security alarm pala doon?‖
Hindi umimik si Terra na hanggang sa sandaling yun ay kagat-kagat pa
rin ang nanginginig niyang mga daliri.
―Kahit naman pala akitin mo si Sir Edgar wala ring kuwenta… dahil
diyan sa letseng alarm na ‗yan.‖
―Paano ba nag-alarm ‗yun?‖ tanong ni Terra na hindi lubusang
maunawaan ang mga alarm na tinutukoy ni Mariana.
―For secutiry ‗yun. Naactivate yun kapag nagalaw ang pinaglagyan
nila.‖ Matagal na nanahimik si Mariana. ―Puntahan kaya natin si Vargas? Baka
may iba siyang plano.‖
Nine
Ten
Thirteen
Mag-aalas-otso na ng makabalik si Terra sa mansyon. Sa backdoor
siya dumaan para walang makahalata sa pagdating niya. Hinanap niya agad si
Mariana bago pa nito makausap si Edgar.
―Si Mariana, pinuntahan po niya si Sir sa garden. May mahalaga raw
siyang sasabihin,‖ sabi ng nakasalubong niyang katulong.
Tumakbo siya kaagad papuntang garden. Sa malayo palang ay
natanaw na niya ang dalawang nag-uusap. Ipinagdasal niyang sana‘y hindi siya
nahuli ng dating.
―Mariana!‖ napasigaw siya ng makalapit siya sa kanila. Bumilog
ang mga mata ni Mariana na nakakita sa kanya, samantalang si Edgar naman ay
nagsalubong ang mga kilay.
―Ma‘am Terra!‖ Halatang nabunutan ito ng tinik sa dibdib. ―May
kailangan po kayo?‖
Nagkukunwari pa lang si Mariana. Naunawaan niyang hindi pa nito
nasasabi ang lahat kay Edgar.
―Good morning,‖ nakangiting bati ni Edgar na lumapit sa kanila.
―Feeling better than last night?‖
Binalikan niya ito ng ngiti. ―Yes,‖ nahihiya niyang sagot. ―And I‘m sorry
about what happened. I was paranoid.‖
Natawa si Edgar. ―So as I thought.‖ Muling nagsalubong ang mga kilay
nito na parang may napansin sa kanyang mukha. ―Magdamag ka bang umiyak?‖
tanong nito.
Hindi siya at yumuko. Hindi niya ito maipagkakaila.
―Ay, Sir Edgar,‖ mahinahong sabad ni Mariana. ―Marami pa po akong
gagawin. Maiwan ko na muna kayo.‖
―Sure, Mariana. Thanks for the information.‖
Nagulat si Terra sa tinuring ni Edgar. May sinabi nga dito si Mariana.
Sumenyas sa kanya si Mariana bago umalis. Naintindihan niyang
hihintayin siya nito sa kanyang kuwarto.
―May sinabi sa akin si Mariana kanina.‖
Kinabahan si Terra. Ayaw niyang tumingin kay Edgar dahil marahil ay
alam na nito ngayon ang tunay niyang pagkatao.
―May mga nakita raw siyang mga taong umaali-aligid,‖ pagpapatuloy ni
Edgar, ―at pinalagay niyang may balak silang pasukin ang mansyon.‖
Napalunok si Terra, ngunit pinagpatuloy pa rin niya ang pagkukunwari.
―Mga magnanakaw ba sila?‖
―Mabuti kung magnanakaw lang,‖ sagot ni Edgar. ―Paano kung
mamamatay tao sila?‖
Parang pasaring ang pagkakaintindi niya sa sinabi nito. Hindi niya
mawari kung wala pa talaga itong alam o pinaiikot na siya nito.
―Huwag kang mag-alala,‖ anito na marahil ay nabasa ang takot sa
kanyang mga mukha. ―Nothing will harm you as long as I‘m around. I promised
you that last night, didn‘t I?‖
Pinilit niyang ngumiti. ―I know that.‖
―I‘ll be hiring more guards para masigurado ang safety niyo dito sa
loob.‖ Saglit na huminto si Edgar at naningkit ang mga matang tumingin sa
kanya. ―Especially you.‖
Bumilis ang pulso ni Terra. ―You‘re a very caring person. Thank you.‖
―Just being responsible.‖
Na-conscious siya sa malagkit na tingin nito sa kanya. ―Pasok na muna
ako sa loob. I need a shower.‖
Hindi na niya hinintay ang sagot ni Edgar at tumalikod na siya. Naka-
ilang hakbang palang siya palayo ng tawagin siya nito. Huminto siya, subalit
hindi siya lumingon.
Naramdaman niya itong lumapit sa kanya at banayad siyang
hinawakan sa magkabilang braso. ―I will not forget about last night,‖ ibinulong
nito sa kanyang buhok. Biglaan ang panginginig niya ng maramdaman ang init
ng katawan nito mula sa kanyang likuran.
―I love you, Terra.‖
Biglang lumingon si Terra at nagkasalubong ang kanilang mga mata.
Napakaseryoso ng mukha nitong nakatitig sa kanya, ngunit para sa kanya‘y
isang bangungot ang kanyang narinig. Kahit naroon na mismo sa mga mata nito
ang katibayan.
―Edgar, don‘t…‖ Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin.
―Huwag mo sana akong biruin.‖
Inabot nito ang kanyang kamay at hinila siyang muli palapit. ―I do love
you,‖ muli nitong ibinulong habang nakatitig sa kanyang mga mata. ―From the
day I rescued you, while you were lying unconscious in my arms… I felt this
feeling that I haven‘t felt for so long.‖
Nanginig ang mga labi ni Terra. Noon pa niya naramdaman na may
pagtingin sa kanya si Edgar, ngunit ngayong narinig na niya mismo sa bibig nito
ay kung bakit ikinatakot niya ito. Para sa kanya‘y wala sila sa tamang
pagkakataon para magmahalan. Lalo lang magiging komplikado ang lahat.
―You don‘t mean that.‖
―Terra.‖
Bumitiw siya sa kamay nito at nagmamadali siyang tumakbo papalayo.
Hindi na siya nito hinabol. Naramdaman niyang tahimik lang siya nitong
pinagmamasdan habang siya‘y papalayo.
Huminga siya ng ilang beses bago siya pumasok ng kuwarto. Hindi
dapat malaman ni Mariana ang sinabi sa kanya ni Edgar, baka magdulot lang ito
ng mas matindi pang gulo.
Pagbukas pa lang niya ng pinto ay sinalubong siya agad ng kaibigan.
―Terra!‖ naluluhang wika ni Mariana at niyakap siya ng mahigpit. ―Akala
ko hindi ka na babalik! Takot na takot ako kanina!‖
―May nasabi ka na ba kay Edgar?‖ agad niya itong tinanong.
―Muntikan ko ng nasabi. Mabuti‘t dumating ka.‖
―Anong sinabi mo sa kanya?‖
―Sinabi ko lang na may mga nagtatangkang pasukin ang mansyon,
pero hindi ko pa sinabing kasamahan nila tayo.‖
―Ba‘t naman ganun ang sinabi mo?‖
―Gusto ko kasing dagdagan niya ang guwardiya dito. Natatakot kasi
akong baka pasukin tayo nina Vargas. Muntikan ko na ngang sabihin kaninang
dinukot ka para ipahanap ka niya eh. Sakto namang dumating ka.‖
―Mabuti naman kung ganon, pero…‖ Umupo si Terra sa kama at nag-
isip. ―Dahil doon magdadagdag daw siya ng guwardiya. Mahihirapan na tayo
ngayon na--.‖
―Ha?‖ Nagulat si Mariana at umupo rin sa tabi niya. ―Ibig mong sabihin
tuloy pa rin ang trabaho natin? Akala ko ba kinausap mo si bosing?‖
―Mariana!‖ Lumabas na ang matinding takot na kanina pa niya
ikinukubli. ―Kamuntikan na akong patayin ni bosing kanina! Tinutukan niya ako
ng baril! Takot na takot ako! Akala ko talaga mamamatay na ako! Mariana,
ayoko pang mamatay!‖
Kinilabutan si Mariana sa kanyang sinabi, at para ba itong naawa sa
kanya. ―A-ano ng gagawin natin?‖
Tinakpan niya ang kanyang bibig para hindi mapahagulgol. ―Mariana,
pasensya ka na pero kailangan natin siyang patayin! Tatlong araw pa ang
binigay sa akin ni bosing at huling chance na rin natin ito.‖
Matagal na nanahimik si Mariana. Nang nakapag-isip ito ay tumayo ito
at humarap sa salamin. ―Naiintindihan kita. Kung ano‘ng desisyon mo, hindi na
ako makikialam pa. Kung may maitutulong ako gagawin ko, huwag lang ako ang
kikitil sa buhay ni Sir Edgar.‖
Napatingin si Terra kaibigan. May kakaibang aura na nakita niya sa
mga mata nito. Buo ang pasya nitong hindi madungisan ng dugo ang mga
kamay.
Mula pagkabata pa sila‘y kinainggitan na niya ang talino ni Mariana.
Kung hindi lang sana ito mahirap ay nakapagtapos sana ito ng kolehiyo at hindi
sana katulong ang binagsakan. Ngayo‘y muli na naman niya itong kinainggitan.
Hindi lang pala ito matalino kundi maprinsipyo din. Hindi kagaya niyang isang
mahina‘t duwag na ang hangarin lamang ay makapagkamal ng salapi kahit
kapalit pa‘y buhay ng pinakamabait na lalaking nakilala niya sa buong buhay
niya.
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Twenty
―Terra!‖
Nagulat si Terra ng biglang bumukas ang pinto at humihingal na
pumasok si Mariana. Mukhang may nakalap itong masamang balita. Nakaupo
siya noon sa harapan ng salamin at sinusuklay ang kanyang buhok.
―Si Carlos, nadakip nina Vargas!‖
―Ha!‖ Napatayo siya. Bago sila magpatuloy sa pag-uusap ay naisipan
niyang isara muna an g pinto. Para ma sigurado pang walang makakarinig sa
kanila ay hinila niya si Mariana sa loob ng bathroom. ―Anong nangyari?‖
Hindi pa rin kumakalma si Mariana. ―Inutusan siya kanina ni Sir Edgar
na ihatid si Sir Ignancio sa Airport. Pabalik na sana siya dito ng harangin siya sa
daanan. Ito yung sulat nila.‖
Nanginginig ang mga kamay ni Terra na binasa ang sulat. Sulat kamay
nga iyon ni Vargas. Dumating na nga ang kinatatakutan niya, na balang araw ay
maiisahan din sila ni Vargas. ―Papasukin nila tayo mamayang gabi!‖
Napamulagat siyang tumingin a kaibigan. ―Mariana?‖
―Huwag mo akong tanungin. Hindi ko rin alam kung anong gagawin
natin.‖
―Mas lalo namang hindi ko alam. Ikaw ang may utak sa ating dalawa.
Parang awa mo na gumawa ka ng paraan!‖
Napahawak si Mariana sa noo. ―Kailangan nating tumakas. Yayain mo
si Edgar na lumabas.‖
―Paano si Carlos? Baka patayin nila.
Natahimik si Mariana. Mukhang nakaligtaan nitong bihag nga pala nina
Vargas si Carlos. Hindi naman maaaring pabayaan na lang nila ito.
―Ireport kaya natin sa pulis?‖
―Huwag!‖ Bayolente ang reaksyon ni Mariana. ―Mapapahamak tayo
niyan. Ilang beses ko ng sinabi sa‘yo na ayokong makulong.‖
―Sarili mo lang kasing iniisip mo, eh!‖
―Gaga! Kami pa ngayon ang makasarili gayong hindi mo man lang
inisip na mapapahamak kami nung nagdesisyon kang huwag mo na lang patayin
si Sir Edgar! Kung hindi ka sana sumang-ayon kay Vargas noon hindi sana
umabot sa ganito ang lahat!‖
Nagkaharapan ang dalawa, mata sa mata. Kulang na lang ay
magsabunutan na sila, ngunit si Mariana rin ang unang lumayo. ―Masuwerte ka‘t
mahal ka ni Sir Edgar. Maaaring mapatawad ka niya, pero kami ni Carlos…‖
Bumuntung-hininga si Terra. ―Ang pendant lang naman ang kailangan
nila, di ba? Kung ibibigay natin yun baka pakawalan nila si Carlos.‖
―Nasa‘yo ba ang kuwintas?‖
―Wala pa, pero kukunin ko sa kanya mamaya.‖
Nanahimik si Mariana, naghihintay na siya‘y magpatuloy.
―Hihintayin ko sila dito. Kailangan niyong umalis ni Edgar.‖
Nagulat si Mariana. ―Hindi ka puwedeng maiwang mag-isa dito!‖
―Sige na, Mariana. Huwag kang mag-alala.‖ Hinila niya si Mariana at
lumabas na sila ng bathroom. ―Pagkatapos nito, maglalayas na tayo. Kapag
nakatakas na tayo magpapadala tayo ng sulat kay Edgar. Sasabihin natin sa
kanya ang totoo. Lalo lang natin siyang nilalapit sa kapahamakan habang narito
tayo.‖
Sumang-ayon si Mariana. Kailangan na talaga nilang lubayan si Edgar
sa lalong madaling panahon.
***
Twenty-One
Twenty-Two
Twenty-Three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Epilogue
―Do you, Terra, take this man as your lawfully wedded husband, in
sickness and in health…‖
Tumingin si Terra sa mala-anghel na mukhang nakangiti sa kanya.
Hindi maipaliwanag ang kagalakang nararamdaman niya ng sandaling iyon.
Binalik niya ang ngiti bago sumagot. ―I do.‖
Animo‘y nakaraos si Edgar sa nerbiyos ng marinig ang sagot niya.
Pinulot na nito ang singsing na hawak ng isang maliit na bata, at laking gulat ni
Terra ng makitang may kapares palang singsing ang suot-suot niyang kuwintas.
Dahan-dahang isinuot ni Edgar sa kanyang daliri ang singsing.
Nanginig pa ang kanyang daliri na malamang ay napansin nito kaya ito ngumiti
sa kanya. Ngayo‘y nasa kanya na lahat ng mga alahas ng ina nito. Maliban sa
ito‘y napakamahal, kayamanan din ito ng pamilya Montero. Bilang asawa ni
Edgar ay responsibilidad na niyang pangalagaan ang kayamang ito.
―I now pronounce you, man and wife.‖
Masayang nagpalakpakan ang mga tao habang iniaangat ni Edgar ang
veil na nakatakip sa kanyang mukha at marahan siya nitong hinalikan sa labi.
Ng sandaling iyon ay walang pagsisising naramdaman si Terra.
Sigurado siyang si Edgar nga talaga ang pinakahihintay niyang lalaking
makakapagpabago sa buhay niya. Hindi dahil sa mayaman at guwapo ito, kundi
dahil sa tapat na pagmamahalan nila sa isa‘t-isa.
―So how does it feel to be my wife?‖ tanong ni Edgar ng matapos ang
halik.
Ngumiti si Terra. ―You‘ve just made me the happiest woman in the
world. Thank you!‖
―Psst, don‘t cry,‖ agad na hinawakan ni Edgar ang kanyang mukha ng
mapansing naluluha na naman siya. ―You‘ll ruin your make-up.‖
Sabay silang tumawa at tumingin sa mga nagpapalakpakang mga tao.
Punung-puno ang simbahan ng oras na yun, at lahat ay nagagalak sa pag-iisang
dibdib nila. Hindi makapaniwala si Terra na ganoon kainit ang pagtanggap sa
kanya ng mga kaibigan at mga relatives ni Edgar. Maging sina Ignacio at Aling
Rosing ay naluluha pang yumakap sa kanilang dalawa.
Nang naglalakad na sila palabas ng simbahan ay halos walang
katapusan ang pagbati ng mga taong sumasalubong sa kanila. Bawat isa ay
masaya nilang pinasalamatan, at inulanan sila ng napakaraming rosas.
Hindi maipinta ang kasiyahan nila sa isa‘t-isa ng nakatayo na sila sa
tabi ng kotse at handa ng magpaalam sa mga tao. Marahang hinawakan ni
Edgar ang magkabilaan niyang braso upang harapin niya ito. ―For one million
reasons, I love you.‖
Ngumiti si Terra. Parang gusto niyang tumawa. Naalala niya ang
tungkol sa isang milyong naging dahilan ng kanyang pagkukunwari. ―…I didn‘t
love you for a million pesos.‖
Napangiti si Edgar. ―I know,‖ sagot nito, at sa gitna ng mga palakpakan
at mga camera na nakatutok sa kanila ay hinalikan nito ang asawa…
-WAKAS-