Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more ➡
Download
Standard view
Full view
of .
Add note
Save to My Library
Sync to mobile
Look up keyword or section
Like this
8Activity
×
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
A Time For Us

A Time For Us

Ratings: (0)|Views: 1,839|Likes:
Published by sn02_cjv

More info:

Published by: sn02_cjv on Feb 16, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, TXT or read online from Scribd
See More
See less

12/26/2012

pdf

text

original

 
A Time For Us
 
by Rebecca Rosal
 
Chapter 1
Napanganga si Lenneth na tinitingala ang gusali na pinapatayo malapitsa kanilang lugar. Kasalukuyan pa lang silang naglalagay ng mga malalakingbakal para sa sahig at poste ng pangalawang pal
apag, at sa tantiya niya‟y nasa
three thousand square meters ang luwang ng gusaling iyon.Tatlong buwan na mula ng umpisahan ang gusaling iyon, ngunit nungnakaraang araw lang nag-umpisang magtrabaho ang kanyang ama doon dahilnagkasakit da
w ang isa sa mga trabahador kaya‟t naghahanap sila ng kapalit.
 Ayaw sana niyang payagan ito dahil kagagaling lang nito sa trangkaso, ngunit
malubha kasi ang sakit ng kanyang ina kaya‟t kailangang
-kailangan nila ng pera.
“Lenlen?”
Napalingon si Lenneth sa isang mamang tumawag sa kanyangpangalan.
Palayaw niya iyon nung bata siya kaya‟t sigurado siyang kakilala niya
iyon.
“Ay, tito Lambert, kayo pala.”
Kapitbahay niya iyon at malapit na kaibiganng kanyang ama. Ito ang nagrekomenda sa kanyang ama na mamasukan doon.
“Babaunan mong papa mo?” tanong ni Lambert sa kanya.“Opo,” sagot ni Lenneth na lumapit sa mama.
Nakatayo ito sa harapanng gate ng binakurang construction site.
“Breaktime na po
 
ba ninyo?”“Hindi pa.
 
Maaga lang akong lumabas at may kukunin ako sa bahay.”“Eh si papa?”“Nasa loob.
Puntahan mo lang siya doon. Mag-ingat ka lang at baka
mabagsakan ka.”
Ngumiti si Lenneth.
“Opo.”
Pumasok na siya sa construction area at umalis naman na si Lambert.
Pagpanhik pa lang niya‟y naglingunan na sa kanya ang mga trabahador.
Hindinaman siya nahiya dahil kakilala niya halos lahat ng mga nandoon.
“Mang Larry!” sigaw ng lalaking unang nakakita sa kanya.
Si Johnsoniyon, ang kilalang lasinggero sa kanilang barangay, pero mabait naman ito athindi nakikipag-away.
“Andito ng dalaga mo!”
Mula sa kung saan ay nakita niyang lumabas ang kanyang ama nanasa ikalawang palapag ng gusali. Bumaba ito gamit ang ladder at lumapit sakanya.
“Ba‟t andami yata niyang dala mo?” tanong ng kanyang ama na.“Sa akin po „tong isa.
Sabay na po tayong kumain. Wala akongka
sama eh.”“Ba‟t si mama mo?”“Nakatulog.
 
Ayaw raw niyang kumain.”
Bumuntung-hininga si Larry.
“Talaga yang nanay mo.
Kaya hindigumagaling eh.
Antigas ng ulo.”“Mang Larry!” sigaw ng isang
lalaking na abalang nagpuputol ng bakal.Iyon naman si Renato. Kilala rin sa barangay nila ito dahil sa madalas na mala-
 
armalite na bunganga ng asawa nito.
“Buti ka pa may nagdadala ng pagkain
mo.
Samantalang ako yung misis ko madjong ang inaatupag.”“Aba, siyempre naman,” pagmamalaki ng kanyang ama.
 
“Palibhasakasi yung mga anak mo puro mga barako.”
May mga ilang kalalakihang nagtawanan. May mga nakikiususero palasa kanilang usapan. Nang biglang tumunog ang bell na hudyat ng kanilanglunch break.Nagsitayuan ang mga trabahador at nagsibabaan ang mga nasa itaas.Halos sabay-sabay ang mga itong nagtanggal ng mga helmet at nagpunas ngpawis, saka nagsipuntahan sa kinaroroonan ng faucet para maghugas.
“Doon ka na muna at maghuhugas din ako,” anang kanyang ama.
 Nang nakaalis ang na ito ay nagtungo siya sa isang tabi kung saan may isangmahabang bench na yari sa kahoy.Umupo siya doon at naghintay. Mula sa kinaroroonan niya ay nakitaniya ang bulletin kung saan nakaguhit doon kung ano ang magiging itsura ngbuilding kapag natapos na. Nagulat siya. Limang palapag pala ang taas ngbuilding. Hindi niya maiwasang matakot na baka mahulog ang kanyang amakapag umakyat ito sa it
aas, lalo na‟t may edad na ito.
Tinitigan niya ang larawan ng ilang sandali. Mukhang isang malakingkompanya nga talaga ang tatayo doon. Kung sabagay ay kilala naman siSeverino Fajardo na milyonaryo. Hindi malayong makakapagpatayo ito ngganoon kalaking gusali.Habang naghihintay ay binasa niya ang mga nakasulat sa design.Naroon ang pangalan ni Severino bilang may-ari. Andun rin ang engineer, ngunitang nakakuha ng pansin niya ay ang architect nito.
“Architect Darian Fajardo,” pabulong niyang binasa ang pangalan.
 Anak siguro iyon ni Severino.Naagaw ang atensyon ni Lenneth ng isang lalaking nakayuko pa rin saikalawang palapag at pinapahigpitan ang turnilyo ng mga malalaking bakal.Naka
suot ito ng helmet kaya‟t hindi niya masyadong makita ang mukha nito.
 Napakatahimik nito at para bang iisa lang ang focus ng mga mata nito.
Kaiba sa karaniwang mga karpintero na payat o kaya‟y malaki ang
tiyan, maganda ang pangangatawan ng lalaking ito. Kahit naka-tshirt ito ayhalata ang muscles nito sa mga braso. Parang hindi pa niya ito nakita.Malamang ay taga-ibang lugar ito.
“Anong tinitignan mo dyan?”“Ay!”
Nagulat si Lenneth ng napansing nasa tabi na niya pala angkanyang ama. Nang sundan nito ang kanyang tingin at ngumiti ng makahulugansa kanya ay batid niyang nabuko nito ang kanyang tinititigan.
“Oy, iho!” sigaw ni Larry sa lalaki.
 
“Tama na yan.
 
Kumain ka na muna.”
Lumingon sa kanilang direksyon ang lalaki, at para bang nagulat siLenneth ng makita ang mukha nito. Bata pa pala ang lalaking, at parang kaedadlang niya. Hindi niya sigurado ngunit parang napatingin ito sa kanya at tinitigansiya ng ilang sandali. Maya-
maya‟y wala itong imik na ipinagpatuloy ang trabaho
na para bang walang narinig.
 
 
“Papa, ba‟t di ka niya pinansin?” tanong niya sa ama.
 
“Mukhangmasama ang ugali niyan.”
Umupo si Larry sa tabi niya at binuksan ang baunan.
“Hindi naman.
 Bago lang kasi siya dito gaya ko kaya siguro nahihiya pa, pero masipag namangmagtrabaho. Masyado nga lang tahimik. Balita ko kasi naulila na raw yan eh.Kailan lang daw namatay nanay niyan eh. Kaya dinala ni boss Fajardo dito para
tumulong.”
Nakangangang tinitigan ni Lenneth ang lalaki.
“Ay ganun?
Kawawanaman pala siya.
Nalulungkot siguro siya kaya hindi nagsasalita.”“Siguro,” sagot ng kanyang ama.
 
“Hala, kumain na tayo at balikan mo
na ang mama mo. Baka magising yun walang kasama sa bahay magtatampo na
naman.”
Pagkatapos nilang mananghaliang mag-ama ay noon lang napansin niLenneth na wala na pala ang lalaki doon. Malamang ay tahimik itong bumabapara kumain sa labas.
***
“Mama, sige na kumain ka na,” halos nagmamakaawa na si Lenneth na
sinusubukang subuan ang ina na nakaupo sa kama, pero ayaw man lang nitongbuksan ang bunganga.
“Sabi ng ayaw eh.”
Kahit galit na ang kanyang ina ay mahina angboses nito dahil halos wala na itong lakas sa sobrang kapayatan. Mula ngnabangga ito ng jeep kung saan natanggalan ito ng isang paa ay na-depress na
ito ng husto kaya‟t kailangan pa itong suyu
-suyuin bago kumain at kung minsanay hinahampas pa nito ang pagkain. Ilang beses na rin itong nagtangkang
magpakamatay kaya‟t ikinukulong nila ito sa loob ng kuwarto.
At nungnakaraang buwan ay isinugod nila ito sa hospital dahil sa biglaang pagbaba ngtimbang nito, at ng suriin ay malubha na pala ang leukemia nito dahil sa kawalanng sustansya.Dahil sa kawalan ng pera ay isang beses lang nila itong naipa-chemotherapy. Pansamantala muna nila itong iniuwi dahil wala na rin dawmagagawa ang mga doctor sa lagay nito.
Kaya‟t kahit na nanghihina na a
ngkanyang ama ay pinilit pa rin nitong mamasukan sa construction baka sakalingmailigtas nila ang buhay ng kanyang ina.Napalingon si Lenneth sa wallclock na nasa dingding at napamulagatsiya ng napansing alas dose na pala.
“Ay!
Yung bao
n ni papa!” aniya at mabilis
na tumayo.
“Balikan ko kayo mama.
 
Dalhan ko lang ng makakain si papa.”
Hindi na niya narinig kung sumagot man ang kanyang ina dahil mabilissiyang lumabas ng kuwarto at inihanda ang baon ng ama. Halos nagtatakbosiyang nagtungo sa construction site, at ng nakarating siya doon aynagsisilabasan na ang ilang mga manggagawa.
“Kuya Johnson!,” hinihingal niyang wika sa nakasalubong na lalaki.“O, ba‟t nagmamadali ka?” tanong ni Johns
on.
“Eh akala ko late na ako eh,” aniya.
 
“Si papa?”“Hinihintay ka niya sa loob.”

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->