Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Look up keyword
Like this
10Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Half Heart

Half Heart

Ratings: (0)|Views: 861 |Likes:
Published by sn02_cjv

More info:

Published by: sn02_cjv on Feb 16, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

07/20/2014

pdf

text

original

 
Half Heart
 
by Kite Iris
 Lungsod ng Baguio. Kilala bilang Summer Capital of the Philippines.Magkakaibang lahi dito ay naninirahan. Mga tiga-ibang lugar dito dumadayoupang magtapos ng kolehiyo sa mga pamantasan. Mapailokano man o Igorot, salungsod na ito ay nagkakatuluyan. At kung sa malamig na lungsod na itonagsimula ang pag-
iibigan, ito‟y magiging mainit at mahabang pagsasamahan.
Limang kalalakihan ang naglalakad pababa ng Session Road. Masayasilang nag-uusap tungkol sa pinanood sa sinehan. Patungo ang grupo sa isangkainan na naghahanda ng letsong manok na malapit sa Burnham Park. Sa daannagpahuli ang matalik na magkaibigan na Leon at Jean. Habang naglalakad aynag-uusap ang dalawa tungkol sa kanilang pinagkakaabalahan at nang malapitna sila sa patutunguhan ay napansin ni Jean ang isang kulay pula na bagay athugis parihaba na nakakalat sa kalsada. May kadiliman ang nilalakaran nila kayanalaman lang nila kung ano ito nang kanila itong lapitan.
Cellphone! 
” sabay napatawa si Jean na siyang pu
mulot nito.
Makakapulot ka na nga lang ng cellphone lumang modelo pa 
,”
humahalakhak na wika ni Leon.Lumingon-lingon ang dalawa sa paligid, nagbabakasakali na may taongnaghahanap ng kanilang napulot. Wala naman silang napansin na naghahanapkaya tumuloy sila sa napagkasunduang lugar kung saan sila maghahapunan.Umorder ng isang buong letsong manok ang isa sa mga kalalakihan at ngmaihanda ito sa kanilang mesa ay sinimulan nilang kumain.
Sinong walang cellphone dyan? Baka kailangan niyo eto maski limandaang piso na lang 
,” ani Jean habang pinapakita sa mga kaibigan ang
napulot na lumang modelo ng cellphone.
Hahaha. Itinda mo sa mga bumibili ng second hand papatulan nila iyan 
,”
mungkahi ng isa sa kanila. Sumanga-ayon naman ang dalawa pa nilang kasamaat
sabay sabi, “
Ayos may pangshot na tayo 
!” Nagtawanan ang mga
magkakaibigan at inubos nila ang lahat ng inorder na pagkain.
Jean tingnan mo nga kung may load yang sim nya. Wala akong load eh 
,”
pabirong utos ni Leon. Ginawa nga ito ng kaibigan at agad nitong binasa angreply sa kanyang balance inquiry.
Uyy! P120.00 ang load 
!” tumatawang banggit ni Jean. Nagkasundo ang
mga magkakaibigan na paghati-hatian ang load sa pamamagitan ng pasaloadservice. Parang mga bata ang limang binata na natutuwa sa ginagawa. Mataposang hatian ay nilisan nila ang lugar at naghintay ng taxi sa Harrison Road na
malapit lang sa kanilang pinanggalingan. Nagpaalam ang mga ito sa isa‟t
-isa atang magkaibigang Jean at Leon ay nagpasyang gumala muna dala ng matagalnilang di pagsasama. Nagkasundo sila na mag-one round muna ng beer saisang bar para makapagkwentuhan sila ng maayos. Umorder si Jean ng apat naRed Horse 500ml sa waiter at mabilis naman itong nadala sa kanilang lamesa.
One round ba ang tig-dalawang beer 
?” ngumingisi na
tanong ni Leon.
Kailan ba kasi may one round sa shot? 
 
Masayang nagkwentuhan ang dalawa habang inuubos ang laman ng mgabote. Personal hanggang sa mga nasasaksihang pangyayari sa kanilang paligidang kanilang napag-usapan. Sa loob din ng bar ay madalas silang makakuha ngatensyon lalo na si Jean na likas na palangiti. Matipuno ang katawan ni Jean atkatamtaman ang kanyang kulay, kulot ang buhok nito at madalas naka-gel ngunitmaayos tingnan. Ang kulang nga lang sa kanya ay ang tamang taas dahil sa siyaa
y 5‟4” lamang. Sa kanyang harapan ay ang may katamtamang laki ng katawan
at tila may napakalakas na aura na nagsasabing lumayo ang sinuman sa kanya,kaya maski may mga kababaihang gustong lumapit ay di nila magawa dahilmukhang hindi madaling lapitan, ito
naman si Leon. 5‟8” ito kaya ayos lang sa
taas at may kaputian ang kutis nito dahil nagmana siya sa kanyang ina namadalas mapagkamalang Koreana. Hindi gaya kay Jean, si Leon ay madalangngumiti at wala ito gaanong interes sa kanyang paligid. Tila magkabaligtad mulabuhok hanggang paa pati na rin sa pananamit ngunit napakalayo ng narating ngkanilang pagkakaibigan mula nang sila ay musmos pa lamang.
Bakit pala di mo dala iyong kotse mo ngayon 
?” nagtatakang tanong ni
Leon.
Code 
,” sagot ni Jean. “
Eh ikaw 
bakit di mo dala „yong motorsiklo mo? 
tanong nito pabalik.
Nakakahiya naman kasi na nakasakay ako tapos isa lang sa inyo pasahero ko 
,” paliwanag ni Leon.
Paubos na ang kanilang iniinom nang may tumawag sa cellphone ni Leon.Dinukot niya ito sa kaliwang bulsa ng kanyang maong na pantalon at nabasa sa
screen na nanay niya ang tumatawag. “
Hello Ma.
Pauwi ka na ba 
?”
May kaingayan ang bar kaya di gaanong marinig ng binata ang mgasumunod na sinabi ng ina. Nagpaalam ito sa kaibigan na lumabas munapansamantala para magkadinigan sila ng kinakausap sa cellphone. Pagkalabasay muli niyang tinanong ang sinabi ng ina para malinawan.
Sabi ko nandito si Kyla. Kanina pa siya naghihintay baka may kailangan siya sa iyo.
Hindi agad sumagot si Leon at nag-isip muna ng sasabihin bago muling
umimik. “
Ma pakisabi na lang po na baka hindi ako makakauwi ngayong gabi.Makikigamit kasi ako ng computer kina Jean para sa thesis ko. Hindi pa po kasi naaayos iyong sarili nating PC 
,” kasinungalingang pagdadahila
n nito sa ina.
O sige sabihin ko na lang sa kanya. Pero gabi na masyado kaya ipapagamit ko na lang sa kanya ang silid mo ha 
.” Hindi tumutol ang binata
yaman rin lang nagsinungaling ito. Natapos din ang usapan at binalikan niya angkanyang kainuman.
Ano sabi 
?” usisa ni Jean sa kababalik na kaibigan.
Tinatanong kung pauwi na raw ako 
,” at muling itinagay nito ang iniinom.
Nagpatuloy ang dalawa sa pag-inom at pagkukwentuhan hanggang satuluyan nila itong maubos.
Tara nang makapagpahinga na tayo.
Oo nga pala Jean, sa inyo ako makikitulog ngayong gabi 
.”
Huh? Bakit anong meron sa bahay niyo? 
 
May nakatulog kasi sa kuwarto ko ngayon 
,” paliwanag ni Leon.
Hahaha. Transient ba iyong kuwarto mo? 
Huwag ka na maraming tanong. Hindi ako pwede ngayon sa silid ko at iyon na iyon 
.”
Baka naman chicks iyong nakatulog sa silid mo ngayon, sayang naman kung hindi mo tabihan 
,” muling biro ni Jean.
Oo chicks nga kung gusto mo palit na lang muna tayo ng silid ngayong gabi 
.”
Napaisip si Jean sa nawika ng kaibigan at may ideya na ito kung sino angnasa kuwarto ngayon ni Leon. Sigurado niya na ang dating nobya ng kaibiganang nasa silid ni Leon ngayong gabi. Sa tuwing naaalala ni Jean na hindi namagkasintahan ang dalawa ay parang siya pa ang nasasayangan. Wala nghahanapin pa ang isang binata kung pangangatawan at pagmumukha lang angbasehan pagdating kay Kyla at maliban pa sa taglay nitong makinis at maputingkutis na nagdadagdag sa kanyang kagandahan ay walang nakita si Jean napangit na ugali nito. Kulang na lang ay siya na ang manligaw kay Kyla ngunit angmasama nito ay mas matangkad ito ng kalahating pulgada sa kanya.Sa huli ay nakituloy din ang binata sa bahay ng mapagbirong kaibigan.Sampung kilometro ang layo mula sa kanilang kinaroroonan ang bahay nila Jeansa may Wangal, Benguet. Mabuti na lang at 24 oras ang jeep patungo doon kaya
„di na kinailangan ng dalawa na umarkela ng taxi. Pagkauwi ay naabutan nila
ang halos kahawig na mas nakababatang kapatid ni Jean na naglalaro ng PlayStation 2.
O Kuya Leon kumusta? 
” bati nito pagkapanhik nila ng bahay.
Ayos lang. May kape ba tayo diyan? 
Meron kuya, tinext sa akin ni kuya Jean na makikitulog ka raw ngayon kaya ipinikuluan na kita ng tubig gaya ng dati 
.”
Nagpasalamat ang bisita at dumiretso ito sa kinalalagyan ng thermos at
nagtimpla ng kanyang kape. Animo‟y magkakapatid ang turingan ng tatlong
kalalakihan na mga ito. Matalik na magkaibigan ang kanilang mga ama at
madalas na nagbibisitahan ang mga ito sa bahay ng isa‟t
-isa kaya nagsimula angkanilang samahan noong sila ay maliliit pa lamang. Sa kasalukuyan ay silangmagkapatid lang ang naninirahan sa bahay na kanilang kinaroroonan sapagkatlumuwas patungong New York, U.S.A. ang kanilang ama at ilang taon lang anglumipas ay sumunod ang kanilang ina at doon na rin ipinagpatuloy ang kanilangcareer. Ang ama ni Leon at ama ni Jean at June ay may isang partnershipbusiness sa nasabing lungsod sa Amerika. Limang taon na rin silang nabubuhayna malayo sa mga magulang at nasanay na ang mga ito.Habang iniinom ni Leon ang kanyang kape ay abala naman si June sapaglalaro ng PS 2. Si Jean ay dumiretso sa silid at matapos magpalit ng damit ay
lumabas ito at nagtimpla din ng sariling kape “
Saan na pala iyong cellpone na napulot mo kanina? 
” ani Leon.
Cellphone? 
s
ambit ng interesadong naglalaro ng PS 2 na kani-kaninalang ay tila nasa ibang mundo. Ipinaliwanag ni Leon ang nangyari at naging masinterasado ang nagtatanong na binata. Ngunit nang kinuha ng kuya ang pinag-uusapang cellphone ay halata ang pagkadismaya nito. Halos wala na kasi

Activity (10)

You've already reviewed this. Edit your review.
kynna_cye liked this
1 thousand reads
1 hundred reads
flomina_03gensci liked this
flomina_03gensci liked this
flomina_03gensci liked this
Abigail Mendoza liked this
heartfixer10 liked this

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->