Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more ➡
Download
Standard view
Full view
of .
Add note
Save to My Library
Sync to mobile
Look up keyword
Like this
143Activity
×
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Suring Pelikula (Rizal Sa Dapitan)

Suring Pelikula (Rizal Sa Dapitan)

Ratings: (0)|Views: 58,720|Likes:
Published by yourapple

More info:

Published by: yourapple on Feb 25, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, DOC, TXT or read online from Scribd
See More
See less

10/05/2013

pdf

text

original

 
I. Pamagat
Rizal sa Dapitan ni Amable Aguiluz
II. Mga Tauhan
 
 
bilang 
 Jose Rizal- ang pangunahing tauhan na nakulong sa Dapitan dahil sa paglaban sa relihiyon atgobyernong Kastila 
 
bilang 
Josephine Bracken- ang napangasawa ni Rizal 
 
bilang 
Capt. Carnicero- ang naatasang magbantay kay Rizal habang siya’y nasa Dapitan 
bilang 
Father Obach- paring kaibigan ni Rizal na nabigo sa pagpapabalik loob kay Rizal
Candy Pangilinan
 
bilang 
Maria- kapatid ni Rizal na nagpaalam ng pagtataksil ni Bracken
Tess Dumpit
 
bilang 
Narcisa- isa pang babaeng kapatid ni Rizal
Rustica Carpio
 
bilang 
Doña Teodora Alonzo- ina ni Rizal
III. Buod
Ang pelikulang “Rizal Sa Dapitan” ay tungkol sa buhay ni Jose Rizal (Albert Martinez)habang siya ay nasa loob ng Dapitan.Matandaang siya ay nakulong dahil sa paglaban niya sa mga prayle at gobyernongKastila na naging dahilan ng kanyang pagkakatapon sa Dapitan. Sa mga unang araw ng pamamalagi niya roon, pinilit siyang magbalik–loob sa Diyos ng isang paring kaibiganniya na si Fr. Obach (Chris Michelena). Ngunit naging matibay ang kanyang paninindigan na naging dahilan ng paglisan ng kura.Ginawang makabuluhan ni Rizal ang kanyang pamamalagi sa loob ng piitan kung saanhindi lamang siya naging isang ordinaryong bilanggo dahil siya rin ay naging isangmanggagamot, maestro, at tagapamahala isang kanyang bukirin.Dumating rin ang kanyang ina na si Doña Teodora Alonzo (Rustica Carpio) at mgakapatid na sina Maria (Candy Pangilinan) at Narcisa (Tess Dumpit). Nakilala niya si Josephine Bracken (Amanda Page), ang kanyang mapapangasawa, noongnagsadya ang ama nito kay Rizal upang magpagamot. Nagpaalam si Bracken nangnabigong gamutin ni Rizal ang ama nito ngunit siya ay nangakong magbabalik.Tinupad ni Bracken ang kanyang pangako. Nang tumanggi ang simbahan sa kanilang pagpapakasal, nagpakasal pa rin sila kahit walang presensiya ng pari. Naging maayos ang kanilang relasyon hanggang sa nalaman ni Rizal ang pagtataksil niBracken na naging dahilan ng kanilang away. Ito nagresulta sa pagkakalaglag niFranciso, ang kanila sanang anak, sa sinapupunan ni Bracken. Nagwakas ang pelikula sa pamamaalam ni Rizal sa mga tao dahil sa pagpunta niya ngCuba kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.
 
IV. Pagsusuring Pampelikula1. ISKRIP
Maganda ang tekstong nakapaloob sa iskrip ng pelikula. Ang mga matatalinhaga atmagagandang salita ni Rizal na kakikitaan ng talino ay nakapagbigay kulay sa pelikula.Isama mo pa ang mga mapanlinlang na pahayag ng mga prayle na pawang katotohanan.
Bagaman malaking porsiyento ng iskrip ay nasa Wikang Filipino, mayroon din naming mga piling linya nanakasulat sa Kastila. Maganda sana ang epekto nito dahil nakadagdag ito sa kagandahan ng pelikula ngunitito rin ay nagbigay ng kalabuan dahil wala itong “subtitle”. Isa pang pagkakamali sa iskrip ay ang salitang“mga relihiyon” na tumutukoy lamang sa isang relihiyon, ang Katolisismo, at dapat na nasulat lamang sasalitang “relihiyon”
2. SINEMATOGRAPIYA
Hindi masyadong naging epektibo ang sinematograpiya sa pelikula. Madalas nanakapokus ang kamera sa iisang tao lamang. Napakabilis rin ng pagpapalit ng eksena,wala pang dalawang minuto ay nagpapalit kaagad. Ngunit mayroon din naming mga piling eksena na kakikitaan ng ganda. Isa na rito ay angtransisyon ng eksena noong nanghuhuli si Rizal ng paru – paro nang biglang ilagay ang pokus ng kamera sa mukha ni Bracken.
3. DIREKSYON
 Naging maayos ang direksyon ng pelikula. Ang istilong ginamit ng direktor, bagamatsimple, ay bago at napapanahon. Nagbigay ningning sa pelikula ang pagpapalabas munang katapusan bago ang simula ng istorya. Ngunit naging magulo ang umpisa ng pelikula. Ang parteng ililipat si Rizal sa Dapitan ayhindi masyadong naipahatid ng buong kahusayan dahil sa mabilis na pagpapalit ng pokus.
4. PAGGANAP NG ARTISTA
Maganda at pinong-pino ang pag-arte ng mga artista sa palabas. Natural ang bawat kilosnila na para bang totoong pangyayari ang iyong napapanood. Maayos na inihatid angmensahe dahil sa kagalingan ng mga nagsiganap. Napakahusay ng eksena kung saansinusuyo ni Rizal si Bracken dahil ito ay makatotohanan at binigyan ng magandang na pagkilos. Gusto ko rin ang parte ng pag-aaway ng mga tauhan.Mayroon nga lang ibang mga parte na medyo sumablay. Isa na rito ang ay paraan ng pangangabayo ni Rizal. Halatang hindi siya marunong mangabayo dahil iisang kamaylang ang kanyang inihahawak at parang nag-aalinlanagn siya kung mahuhulog siya. Hindirin nagging maganda ang epekto ng pagsasalita ni Maria dahil ito’y napakabilis kayamahirap intindihin.
5. PRODUKSYON
Mapapahanga ang sino mang makakapanood ng pelikula sa poduksyon nito. Angkop angmga kasuotan, lugar, at gamit at iba pa sa ipinapalabas na mensahe. Lahat ng kasuotan atkagamitan ay pawing antigo na nakatulong ng malaki sa pagsasalarawan ng tunay na pangyayari ng panahong naganap iyon. Ang lugar ay maganda at pinili talaga. Magandarin ang bangkang ginamit sa pag-alis ni Rizal.

Activity (143)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 thousand reads
1 hundred reads
Phobe Bio liked this
Anthony Camacho added this note|
wwerty u
Anthony Camacho added this note|
salamaiko
Claire B. Gallanosa added this note|
thanks for this...:)) malaki ang naitulong nito sa'kin.
Marijan Custodio added this note|
Maaari niyo po bang ipost yung mga sinabi nila Dr. Jose Rizal, lahat po ng characters? Yung pinaka script po. PLEASE naman po. Pakipost na lang po ngayong week. PLEASE? Thanks in advance. :)
Maka Albarn added this note|
Salamat po ngayon magagawa ko na ang suring pelikula ko^^

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->