Welcome to Scribd. Sign in or start your free trial to enjoy unlimited e-books, audiobooks & documents.Find out more
Download
Standard view
Full view
of .
Look up keyword
Like this
66Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Unang Digmaang Pandaigdig

Unang Digmaang Pandaigdig

Ratings: (0)|Views: 18,147|Likes:
Published by oeldnalrag

More info:

Published by: oeldnalrag on Mar 04, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

02/21/2013

pdf

text

original

 
Unang Digmaang Pandaigdig
Ang
Unang Digmaang Pandaigdig
o World War I (ang pinaikling
WWI 
o
WW1
, na kilala rin sa tawagna
First World War 
,
Great War 
o "Dakilang Digmaan",
War of the Nations
o "Digmaan ng mga Nasyon", at
War to End All Wars
o "Digmaan Upang Wakasan ang Lahat ng mga Digmaan") ay isangmalawakang pandaigdigang digmaanna nilahukan ng napakaraming bansa na naganap sa pagitan ng mgataong 1914 hanggang 1918.
Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay kakikitaan ng mga labanang ginaganap sa mga hukay (tinatawagna pakikidigmang pangbambango
trench warfare
saInggles) kung saan ginamit ng malawakan angteknolohiya sa pagpapaunlad at pagpaparami ngarmamento.
Ilan sa mga sandatang ginamit sa digmaanay angmasinggan,eroplano,submarino,tangkeat ang nakamamatay nanakalalasong gas.Nilahukan ng mahigit 60 milyong sundalo ang digmaan kung saan 20 milyon sa mga ito ang naitalang namatay kasamana ang mga sibilyan mula sa 40 milyong tala ng mga nasugatan, nawala at nasawi sa digmaan. Nagdulot ng malawakang pagbagsak ng industriya ang digmaan sa mga bansang pinangyarihan atnapinsala nito na naging dahilan naman sa isang krisis na tinatawag naDakilang Kapanglawan(
 
) noong 1930s. Nagbunsod ito sa pagkawasak ng mga imperyo ngImperyongAleman,Austria-Unggarya,RusyaatOttoman. Nawalan ng ilang teritoryo ang Alemanya gaya ngAlsace- Lorraineat ngPasilyong Polonyan. Nahati naman ang imperyo ngAustro-Unggaryasa ilang maliliit na estado gaya ngTsekoslovakia,Austria,Unggaryaat napunta angTransylvaniasaRumanya,TriestesaItalyaatBukovina,GalisyaatSilesyasaPolonya.Nakamit naman ng huli, ngPinlandiyaat mgaEstadong BaltikongEstonya, LatbiyaatLitwaniyaang kanilang kalayaan nang magwakas angImperyong Rusyana pinalitan ng datingUnyong Sobyet.Pinaghati-hatian naman ngGran BritanyaatPransyaang mga teritoryo ng Imperyong Ottoman gayundin din mga kolonya ng Alemanya saAprikaatPasipiko.Pinag-isa ang mgaestadong BalkanngSerbya, Montenegro,Slovenia,Croatia,MasedonyaatBosnia-Herzegovinana tinaguriangYugoslabyakasabay ng pagkakatatag ng bansangTurkiya.  Nagsimula ang digmaan mula sa isang pagbaril sa Bosnia at kalaunan ay nauwi sa mga alyansa;angPwersang EntenteatSentral. Ang Pwersang Entente ay kinabibilangan ngGran Britanyaat ngimperyo,Pransya,Rusya,Serbya, angHaponna lumahok noong Agosto 1914,Italyana bumaligtad sa Pwersang Sentral noong Abril 1915 atEstados Unidosnoong Abril 1917. Ang Pwersang Sentral sakabilang banda naman ay binubuo ngImperyong Aleman, Austria-Unggarya,ang Italya bago ito sumapi sa Pwersang Entente,Imperyong Ottomannoong Oktubre 1914 atBulgaryasa sumunod na taon. Ang ilan namang estado sa Europa gaya ngOlanda,Suwisa, Espanya,Monakoat mgaestadong Scandinavianay nanatiling nyutral hanggang sa katapus-tapusan ng digmaan.
 
Karamihan sa mga labanan ay naganap saEuropa.Ilan sa mga mahahalagang lugar na pinangyarihan ngdigmaan ay angBunsurang Kanluran(
Western Front 
) na nagsisimula saDagat Hilagahabang bumabaybay sa kahabaan ng Belhikatimog Belhika, hilagang Pransya hanggang sa kanlurang Alemanyana nagtatapos sa hilaga ng Suwisa. Matatagpuan naman sa Rusya at Polonya angBunsurangSilangan(
 Eastern Front 
), sa hilagang Italya angBunsurang Italyano(
 Italian Front 
Macedonian Front 
) sarehiyong Balkan.Sa labas naman ng Europa naganap ilan pang mgalabanan saGitnang Silangan,Aprika,TsinaatKaragatang Pasipiko.
Sanhi ng Digmaan
Ang Paglakas ng Alemanya
 Napag-isa ang dating kalat-kalat at magkakahiwalay na estadong Aleman noong 1871 sa ilalim ng pamumuno ngPrusyaat ng itinalagang emperador nitong siKaiser Wilhelm I. Pinangunahan naman niOtto von Bismarck , ang bagongkansilyer ng Prusya ang pakikidigma saPransyana noong mga  panahong iyon ay kanilang binabaka. Sa kanyang pangunguna ay napasok ng Sandatahang AlemanangParisna nagdulot ng pagkamatay ng libo-libong mamamayan at nahantong sa pagkatalo ng PwersangPranses. Ang kahuli-hulihang emperador, si Napoleon IIIay napilitang bumaba sa trono. Sinakop ngPrusya angAlsace-Lorrainemula sa Pransya at idinagdag ito sa kanilang teritoryo. Samantala, desididonaman ang mga nasyonalistang Pranses na mabawi ang Alsace-Lorraine sa Alemanya. Magmula noo'ynagpalakas na ang Prusya, na lumaon ay tinawag naAlemanyang kanyang ekonomiya at industriya. Nagparami rin itong ng kanyang sandatahang-lakas, armamento at nakipagpaligsahan saGran Britanyaatiba pang bansa sa pagpaparami ng 
, ang tinaguriang pinakamalakas ng barkong-pandigmanoong mga panahong iyon. Sinuportahan din ng Alemanya ang paglaya ngMorokosa pamumunoniKaiser Wilhem IIna noo'y nasa ilalim ng pamamahala ng Pransya, ang kanyang nakatunggali noongnagdaang digmaan. Ang pangyayaring iyon ay nagbuklod sa Pransya at Gran Britanya upang magkaisa sa pakikipagtunggali laban sa Alemanya tungkol sa usapin sa Moroko. Dahil sa nasabing pagkakaisa, lalo pang ipinagpatuloy ng Alemanya ang pagpapalakas ng kanyang pwersa.
Kaguluhan sa Rehiyong Balkan
Masasabing isa sa mga salik na nagbunsod sa Unang Digmaang Pandaigdig ay ang kaguluhansaRehiyong Balkanna matatagpuan sa timog-silangan ngEuropa. Bago sumapit ang digmaan, taong 1912 ay naitaboy na ng mga bansangSerbya,Montenegro,Bulgarya, atGresyaang mgaTurkong Ottomanna dating sumakop sa kanila palabas ng Europa. Dahil dito'y sila-sila mismo ang nag-agawan sa pagkamkam ng mga nalalabing teritoryo sarehiyong Balkan. Sa apat na ito'y mahigpit na magkalabanang Serbya at Bulgarya. Sa sumunod na taon ay natalo ang Bulgarya bunga ng isang namuong alyansa na
 
 pagitan ng Serbya at iba pang mga estadong Balkan kasama na maging angRumanya. Pagkatapos nito'ynakatunggali naman ng Serbya angAustria-Unggaryadahil sa pagsakop nito sa lalawigan ngBosnia at Herzegovinana may malaking populasyon ng mga Slav. Nilayon ng Serbya ang kalayaan at pag-iisa ngiba pang mga Slav na nasa ilalim ng pamamahala ng Austria-Unggarya. Itinuring ito ng huli na banta sakatatagan ng kanyang imperyo.
Mga Alyansa
Dala ng sunod-sunod na tensyon ay nabuo ang dalawang pangunahing alyansa sa pagitan ng mga bansasaEuropa. Ang unang alyansa, ay binubuo ngAlemanya,Austria-UnggaryaatItalya.Ang kasaysayan ng alyansa ay nagsimula ng makipagkasundo ang Alemanya sa Austria-Unggarya at Rusya sapagkatnangamba noon siOtto von Bismarck sa maaaring maging hakbang ng Pransya sa gagawin nitong pagbawi saAlsace-Lorrainena noo'y kanilang sinakop. Tinawag ang alyansa naLiga ng Tatlong Emperador (
Three Emperor's League
) subalit hindi ito nagtagal sapagkat may namumuong alitan noon sa pagitan ng Austria-Unggarya atRusya.Ito ay ang usapin tungkol sa mgaSlavsaRehiyong Balkan. Ang Rusya ay nagbigay ng suporta sa mga mamamayang Slav sa kanilang layunin na magkaisa sa pamumunongSerbya.Naging banta ito sa Austria-Unggarya sapagkat maaaring magsipag-alsa ang mga Slav nanasasakupan nila sa bahaging timog ng imperyo. Bunga nito'y humina ang alyansa at noong 1876 ay bumuo ang Alemanya ng lihim na alyansa sa pagitan ng Austria-Unggarya lamang. Ilang taon mula sa pagkakatag ng liga, pagsapit ng 1882 ay sumapi ang Italya sa nasabing alyansa sapagkat dahil sa kanilang pagkagalit sa pagsakop ng Pransya saTunisya.Dito nabuo angTatluhang Alyansao
Triple Alliance
.Ang ikalawang alyansa ay nabuo ng makipagkasundo angPransyasa Rusya ng makita nito anglumalaking industriya at kapangyarihan ng Alemanya magmula noong humina ng Liga ng TatlongEmperador. Tinagurian ang alyansang ito naDalawahang Alyansao
 Dual Alliance
. Ipinasya namanngGran Britanyana sumama sa alyansa at makipagtulungan sa Pransya matapos makatunggali angAlemanya sa pananakop ng mga kolonya saAprika.Nagpalakas ng ekonomiya at nagpaligsahan angtatlong magkakaalyadong bansa sa pananakop ng mga kolonya. Tinawag na
 Entente Cordiale
angkanilang alyansa at nang lumaon, matapos malagdaan ang isa pang kasunduan noong 1907 ay tinagurianna silangTatluhang Kasunduano
Triple Entente
.
Ang Pagbaril sa Sarajevo
 Noong 28 Hunyo, 1914 ay binaril niGavrilo Princip, isang estudyanteng Bosnian ang tagapagmana ngtrono ngAustria-Unggaryana siArtsiduke Franz Ferdinandat ang kanyang asawang siSophiehabang ang mga ito'y bumibisita saSarajevo,kabisera ngBosnia. Napag-alamang si Princip ay kasapi pala ng kilusang tinatawag na
, isang samahang naglalayon ng kalayaan at pag-iisa ng mgaSlavnanasa ilalim noon ng pamamahala ng Austria na suportado ngSerbya. Nagprisenta ng ultimatum ang

Activity (66)

You've already reviewed this. Edit your review.
Armelia Codod added this note
salamat
1 thousand reads
1 hundred reads
Karen Sequijor added this note
ang galing mo
Karen Sequijor added this note
kahaba naman
Alvin Dilla liked this
Yves StaAna liked this

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->