Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
7Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
MATALINO VS mayaman

MATALINO VS mayaman

Ratings: (0)|Views: 2,491|Likes:
Published by fam16bad

More info:

Categories:Types, Speeches
Published by: fam16bad on Mar 05, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

10/25/2012

pdf

text

original

 
MATALINO VS. MAYAMAN
LAKANDIWA
(Pagbubukas)Muli ang Balagtasan ay sumasahimpapawidKababayang minamahal, ilakas ang radyo't makinigDalawang magaling na makata, Balagtasa'y ihahatidMagandang gabi po muna sa lahat ang bati naming matamis.Kami po'y muling maghahandog sa inyo ng kasiyahanUpang ang pagod ninyo sa trabaho ay maibsanGinaganap natin ito bawat unang Lunes ng buwanAng tagisan ng katuwiran na kung tawagi'y balagtasan.Para kay Ginoong Robert Generao ng FT ConstructionTugon sa katanungan niya'y igagawad namin ngayonMarami pong salamat sa panawagang kanyang tinugonAng paksang iminungkahi niya'y idadako sa kuwestyon.Si Ka Domeng po ito, ang inatasang maging Lakandiwa Na siyang papagitna at hahatol sa dalawang maghihidwaPara naman inspirado, ang kaba ko ay mawalaMaaari bang makahiling ng palakpakang masagana!Sa matunog nyong palakpak, ang sukli ko ay salamatDalawang angkan ni Balagtas ang siya ngayong maghaharapAng tagisan ng talino ngayong gabi'y magaganapPakinggan nating mabuti nang maunawaan nyong tiyak.Akin na pong ihahayag ang paksa ng balagtasan Na ang tema'y sino nga ba ang mas sikat at higit na hahangaan?Ang may angking likas na talino o ang isang mayaman?Ating sasagutin ngayon nang malutas ang katanungan.Matapos na maihayag ang katanungang tutuguninAng dalawang maghihidwaan ay atin nang palitawinSi Juliet Asenita ang siyang unang tatawaginSa matunog na palakpak siya'y ating suubin! 
MATALINO
(Pagpupugay)Ang likas na kakayahang taglay ay walang katumbasKaya sa matalino ang mariin kong sagot na ihahayag
 
Pero bago muna, hayaan nyo bati ko'y maigawadMaligayang pakikinig, magandang gabi po sa lahat. 
LAKANDIWA
Taga-Dupax, Nueva Vizcaya po ang black byuting paralumanLikas sa dugo't lahi niya ang walang takot kung lumabanPakinggan naman natin ang makatang makakapingkianIniwan niya ang mag-iina upang tayo'y matugunan.Taga-Binan, Laguna po ang haharap na makata Nakilalang magaling din sa larangan ng pagtulaSi Ralph Pulmano po, guwapo na may itsura paSalubungin natin siya ng palakpakang masagana! 
MAYAMAN
(Pagpupugay)Salamat po, Lakandiwa at sa bayang nakikinigAko po ay bumabating buong galak, kinikilig!Sa kalaban ko po namang madilim din yaong kutisKung sya po'y sa matalino, sa mayaman ako'y bilib. 
LAKANDIWA
Sa pagpapakilala pa lang sa dalawang magpipingkianAy tila ba mainit na ang kanilang labananPara naman ang pananabik nyo ay hindi mabitinSila pong dalawa ay atin nang pagitnain. 
MATALINO
(Unang tindig)Musmos pa man tayong bata'y pangaral na ng magulangAng talino'y kabahagi sa magandang pamumuhayIto'y isang katangiang tataglayin habang buhayKarunungan ay hagdanan sa pag-abot ng tagumpay.Ang bansa ay umuunlad kung dito'y nanunungkulanMalawak ang nababatid, di kapos ang kaalaman Ngunit kung ang namumuno'y masalapi ngunit mangmangMagagapi ang pag-asa ng kanyang sinasakupan.Sa karandamang mapanganib, lalapitan ba ay sino?
 
Di ba dalubhasang duktor sa lunas ay sigurado?At sa mga paaralan, nagsisilbi'y mga guroDunong nila ang sandata nang tayo ay mapanuto.Sariwain naman natin sa gunita ang lumipasSa dayuhang mananakop lumaya ang PilipinasIto'y dahil sa utak ng isang henyo at pantasKay Gatpuno Jose Rizal na dunong ang itinumbas.Maliwanag ang sagot ko sa tanong na tinutugonAng marapat na hangaan ay yung mga marurunongKahit ikaw ay mayaman, kung ulo mo ay mapurolKasikatan ay mailap, salapi man ay igugol. 
LAKANDIWA
Ang panig po ni Juliet ay narinig ninyoHigit na sisikat at hahangaan ay itong matalinoPakinggan naman po natin ang makatang si Ralph PulmanoIhatid po natin siya ng palakpakang masigabo! 
MAYAMAN
(Unang tindig)Kalaban kong paraluman ay masyado pong seryosoBaka labis pong magdamdam kapag dito ay nataloYamang paksa nami'y tungkol sa mayama't matalinoHayaan nyong sa inyo po ako muna ay magkwento.Ang pulubing matalino at mayamang di marunongIsang araw ay nagtagpo sa labas ng MandaluyongMayaman ay walang kaya sa diskurso at diskusyonPagsapit ng tanghalian, matalino ang syang gutom.Sa byahe ng Continental Airlines, minsan, nagkatabiMatalinong contract worker at mayamang negosyanteAng bitbit ng matalino'y diploma at pasaporte,Ang mayaman, pasalubong na pinakyaw sa Duty Free.Matalino'y nag-aabroad, tinitiis yaong hirapMayaman din, nag-aabroad, para naman magpasarapSino nga ba sa dalawa ang mas lamang at mas sikat?Kahit sa tulad kong mangmang, ang sagot po'y maliwanag.May oras pa, katalo ko, upang ikaw'y makaatras

Activity (7)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 hundred reads
1 thousand reads
Wendillo Cadizal liked this
gemma_lacambra liked this
gemma_lacambra liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->