Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
9Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
24011380 Epektong Sikolohikal Ng Stress Sa Mga Magaaral

24011380 Epektong Sikolohikal Ng Stress Sa Mga Magaaral

Ratings: (0)|Views: 4,331 |Likes:
Published by eph_poyboy29

More info:

Published by: eph_poyboy29 on Mar 07, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as TXT, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

12/16/2012

pdf

text

original

 
KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO1.Introduksyon Sa lalong bumibilis na mundo na ating ginagalawan ngayon, ang pagkahapo ay lalo ring naging kapansin-pansin. Ang pagkahapo o stress ay isang bagay na hindi mahihiwalay sa buhay ng tao. Karamihan ay dumaranas ng pagkahapo halos arawaraw. Nararanasan ito kahit saan man tayo magtungo. Madalas itong nararamdaman ng mga taong nagtatrabaho at ng mga taong nag-aaral. Nararanasan din ito ngmga taong mayroong problema sa pamilya at iba pang mga personal na suliranin. May mga iba’t ibang dahilan sa pagkaranas ng pagkahapo. Maaaring hinde komportable ang isang sitwasyon para sa isa ngunit ito ay maaaring masaya naman para sa iba. Hindi dapat nating isipin na iisa lang ang uri at sanhi ng pagkahapo na nararanasan ng lahat. Dapat tayong maging mapanuri at dapat nating tuklasin ang mga sanhi at kung ano nga ba talaga ang pagkahapo. Sa pag-aaral na may pamagat na “Iba’t Ibang Pamamaraan ng Pagkontrol ng Pagkahapo ng mga mag-aaral sa Unang Taon ng Unibersidad ng Santo Tomas sa Kolehiyo ng Nursing”, masusing tatalakayin ang pagkahapo sa buhay ng mga magaaral. Aalamin ng pag-aaral na ito ang mga naidudulot ng pagkahapo sa kani-kanilang kalusugan at pamumuhay. Ang pag-aaral na ito aytatalakayin rin ang mga iba’t-ibang pamamaraan ng mga mag-aaral upang mabawasanang pagkahapo at kung ano ang epekto ng mga pamamaraang ito sa kanila. 2. Layunin ng Pag-aaral Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito layunin ng mga mananaliksik na: 1. Tukuyin kung ano ang karaniwang nakakapagdulot ng pagkahapo sa mga magaaral. 2. Alamin kung ano ang epekto ng pagkahapo sa isang mag-aaral. 3. Tukuyin angiba’t ibang pamamaraan ng pagkontrol ng pagkahapo
 
4. Alamin kung gaano kaepektibo ang mga pamamaraan sa pagkontrol ng pagkahapo.3. Kahalagahan ng Pag-aaralAng pag-aaral na ito ay isinagawa upang alamin kung aling mga bagay ang nakakadulot sa pagiging hapo ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Kolehiyong Narsing at kung aling mga diskarte o paraan ang kanilang ginagawa upang maibsan ito. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, maaaring makahanap ng mga mabisang paraan ang mga mag-aaral kung paano nila mababawasan ang pakiramdam ng pagiging hapo na siyang nagsisilbing balakid sa kanila upang magawa nila ang kanilang mgagawain na puno ng kalidad.Makakapagbigay kaalaman din ang pamanahong papel na ito sa mga guro, propesor omga magulang na gustong malaman kung paano nilang matutulungan ang kanilang mgaestudyante’t mga anak upang mabawasan ang pakiramdam ng pagkahapo na siyang maaaring dahilan ng kanilang pagiging iritable, malungkutan o kaya’y paghina ng kanilang kalusugan.Bagamat limitado ang mga datos na nakalap sa mga mag-aaral sa unang taon ng Unibersidad ng Santo Tomas, Kolehiyo ng Narsing maaaring sabihin na naaangkop pa rinito sa iba’t ibang uri ng mga mag-aaral sapagkat halos pareho lamang ang dinaranas na pagkahapo ng mga mag-aaral na ito na maaaring hatiin sa tatlong aspeto: sa personal na buhay, sa pag-aaral at sa kalusugan.4. Saklaw at Limitasyon
 
Ang sakop ng pag-aaral ay ang iba’t ibang pamamaraan ng pagkontrol ng pagkahapong mag-aaral sa unang taon ng Unibersidad ng Santo Tomas sa Kolehiyo ng Narsing.Gumamit ang mga mananaliksik ng isang talatanungan upang makapangalap ng datos.Animnapung mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas sa Kolehiyo ng Narsing ang sumagot ng talatanungan. Inabot ng isang lingo ang pamimigay at pangongolekta ng datos. Nakapokus ang pag-aaral sa mga nakuhang sagot mula sa mga respondante.Sapagkat kulang sa panahon ang mga mananaliksik, maaring makaapekto ito sa lawakng pag-aaral.5. Depinisyon ng mga TerminolohiyaUpang mas maunawaan ng mga mamababasa ang pag-aaral na ito, narito ang ilan sa mga terminilohiyang ginamit at ang mga angkop na kahulugan para rito:-Bawal na gamot – mga uri ng gamot na hindi legal na ibinebenta sa merkado. Halimbawa nito ay ecstasy; kemikal na nakakaapekto sa utak na nagdudulot ng ng pagbabago sa ugali at kilos ng tao na kadlasa
 
y humahantong sa pagkalulong-Bisyo – kaugaliang imoral, tiwali, o nakakapagpababa ng pagkatao-Disposisyon – estado ng utak ukol sa mga bagay-bagay.-Emosyon – ang damdamin ng pagkatuwa, pagkalungkoy, pagkatakot, pagmamahal, atbp.

Activity (9)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 hundred reads
1 thousand reads
Wins Ton liked this
Jhaquie Uriarte liked this
Nino Laynesa liked this
pres_mayor liked this
ggagaga liked this
Tin Tomale liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->