Professional Documents
Culture Documents
Ng I-11
Marso, 2010
2
DAHON NG PAPAPATIBAY
pasyente sa loob ng psychiatric ward ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa I-
11 na binubuo nina:
Marinel Espiritu
_____________________________________________________________________________________
Propesor ng Departamento
3
PASASALAMAT
Ang mga mananaliksik ng pamanahong papel na ito ay buong puso’t pagpapakumbabang nagpapasalamat
sa mga sumusunod na indibidwal at pangkat na may kontribisyon sa pagiging ganap at tagumpay ng pag-aaral na
ito:
- sa Maykapal na palagi naming kasama sa simula, gitna at pagtatapos ng aming isinasagawang pag-aaral, sa
patuloy Niyang paggabay at pagbibigay ilaw at lakas sa amin sa gitna ng mga problemang aming
- kay Bb. Aissa Abegail Jimenez, ang aming guro sa Filipino, sa pagbibigay ng kaalaman, impormasyon at
- kay Bb. Laarni Lazalita, isang propesor at Neuro-Psychiatrist ng Unibersidad ng Santo Tomas, para sa
mainit niyang pagtanggap at pagpahintulot sa amin na siya ay kapanayamin para sa mga impormasyon at
- sa mga may-akda, editor at mananaliksik ng mga libro, journal at artikulong aming pinaghanguan ng mga
ng kanilang naging pag-aaral at pamanahong papel bilang aming gabay sa tamang paggawa nito.
- sa aming mga naging respondente sa ikatlo at ikaapat na taon, sa paglalaan ng kanilang kaunting oras at
- kay Lance Gabriel Mendoza, para sa kanyang masigasig na pagtulong sa pagbuo ng pamanahong papel na
- sa aming mga pamilya’t kaibigang patuloy na sumusuporta sa amin, sa pag-unawa at pagbibigay sa amin ng
lakas upang harapin at mapagtagumpayan ang aming gawaing pang-akademiko, tulad ng pamanahong
papel na ito.
- Mga Mananaliksik
4
1. Introduksyon 6
2. Layunin ng Pag-aaral 7
3. Kahalagahan ng Pag-aaral 7
1. Disenyo ng Pananaliksik 14
2. Mga Respondente 15
3. Instrumentong Pampananaliksik 15
1. Lagom 25
2. Kongklusyon 27
3. Rekomendasyon 28
Apendiks
32
B. Transkripsyon ng Interbyu 33
D. Sarbey-Kwestyoneyr A 37
E. Sarbey-Kwestyoneyr B 40
6
KABANATA I
1. Introduksyon
Ang Psychiatric nursing ay isang larangan ng narsing kung saan nakatuon ang pangangalaga sa
pasyenteng may kapansanan sa pag-iisip, partikular na yaong mga inilagay sa psychiatric ward. Ito ay isa
sa pinakakritikal na bahagi ng narsing sapagkat kinakailangan ang matinding pagkilala sa sarili, matibay
Ayon sa Philippine Star ng 2007 isyu, unti-unting tumataas ang bilang ng mga Pilipinong
mayroong kapansanan sa pag-iisip o schizophrenic. Sinasabi na kung 88 milyon ang bilang ng ating
populasyon sa Pilipinas ay may 880, 000 Pilipino ang nakararanas nito. Sa kabila nito, mayroon lamang
400 na psychiatrists ang nagtatrabaho sa ating bansa at karamihan sa kanila ay nasa NCR.
Base sa depinisyon ni Videbeck, ang mental health ay isang emosyonal, sikolohikal at sosyal na
coping, positibong pagtingin sa sarili at emosyonal na estabilidad. Ang isang taong nagtataglay ng
maayos na pag-iisip ay maaaring humantong sa mental disorder o kapansanan sa pag-iisip, isang sakit na
gumagamit ng bawal na gamot. Ilan sa mga sintomas nito ay ang pagkakaroon ng mga halusinasyon,
Ayon kay Keltner, Schwecke at Bostrom, ang therapeutic communication ay isa sa mga
pakikitungo ng mga nars sa kanilang mga pasyente. Kasama rito ang mga dapat alalahanin ng nars upang
panterapeutikang relasyon sa pagitan ng nars at pasyente upang mahikayat ang susunod na henerasyon na
tangkilikin ito. Ito rin ay magbibigay ideya sa mga kabataan, lalung lalo na yaong mga interesado sa linya
ng pag-aaral na ito, kung paano umiikot ang mundo sa loob ng Psychiatric ward sa pagitan ng nars at
pasyente. Ang pag-aaral ng Psychiatric Narsing ay malawak ngunit puno ng mensahe para sa aming
2. Layunin ng Pag-aaral
pagitan ng kanyang pasyente na may kapansanan sa pag-iisip. Ito ay naglalayong sagutin ang
3. Kahalagahan ng Pag-aaral
ito man ay pisikal o mental. Maituturing na isa sa mga pinakamalalaking responsibilidad ng mga
nars ay ang mabigyan ng dekalidad na pag-aaruga ang kanilang mga pasyente maging anuman
ang kondisyon nito. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon upang magbigay kaalaman sa kung paano
8
ang tamang pagbibigay ng alaga sa pamamagitan ng pagkalap ng kaalaman ukol sa mga bagay
Isa pang kahalagahan ng nasabing pag-aaral ay ang pagbibigay nito ng pokus sa mga
Ayon na rin sa mga batikang pag-aaral at sa sinabi ng isang sikat na siyentipiko sa ilalaim
ng pag-aaral ng eugenics, “Ang bilang ng mga may sakit at kapansanan na dulot ng palpak o
palsong pagpapalitan ng mpormasyong genetic ay patuloy na tumataas kaya’t gayon na rin ang
halaga ng pagbibigay ng makabagong kaalaman hindi lamang para mapaunlad ang pagbibigay ng
pag-aalaga sa mga pasyente ngunit upang pigilan na rin ang paglaganap nito sa genetic pool ng
mananaliksik.
komunikasyon upang mabuo ang pagkakaunawa sa kanila. Nakakatulong din ang maingat na
pasyenteng ang buhay ay nasa loob ng psychiatric ward. Pumapagitna dito ang kanyang relasyon
sa nars kaya't maaari din itong makakaapekto sa personal na saloobin ng nars na nag-aalaga.
9
pasyente ng psychiatric ward ng USTH. Saklaw nito ang sampung estudyante ng Unibersidad ng Santo
Tomas mula sa kolehiyo ng narsing, partikular na yaong mga nasa ikatlo at ikaapat na taon. Kabilang din
dito ang isang alumni at dating propesor ng Unibersidad ng Santo Tomas sa kolehiyo ng narsing na
mga pasyente ng psychiatric ward, sa mga nars at pasyente ng ibang ospital at sa labas ng psychiatric
ward at sa mga espisipikong sanhi at bunga sa pagkakaroon ng kapansanan sa pag-iisip. Ito ay hindi
nagpapaliwanag ng iba pang mga sakit na nakapaloob sa mental illness, at sa iba’t ibang klase ng therapy
Para sa kapakanan, kaalaman at pag-unawa ng mga mambabasa, binigyang depinisyon ang mga
sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ito ginamit sa pamanahong papel na ito:
Ang Psychiatric Nursing ay isang larangan ng narsing na kung saan ang pangangalaga nito ay
nakatuon sa pasyenteng may kapansanan sa pag-iisip partikular na yaong mga inilagay sa psychiatric
ward.
Ang Psychiatric ward ay isang dibisyon ng ospital na itinalaga para sa pamamalagi at paggamot
pinaglalaanan nito. Ito rin ang panulukang bato na batayan ng psychiatric na pagsasanay sa larangan ng
narsing.
pasyente kung saan ang nars ay nakatutok sa mga partikular na pangangailangan ng mga pasyente para
maipalaganap ang isang mabisang pagpapalitan ng impormasyon at damdamin. Ito ay isang patuluy tuloy
berbal na komunikasyon.
prosesong ito, ang pasyente ay ang nagiging tagapaghatid at ang nars ang tagatanggap.
pagkatao at katangian. Ang nars ay maaaring magsimula sa paggamit ng aspeto ng kanyang pagkatao,
karanasan, mga magagandang pag-uugali, mga damdamin, mga kaalaman, mga pangangailangan,
paniniwala, saloobin, damdamin, pag-uugali, motibasyon, hindi matuwid na palagay, lakas at mga
ng nars ng kanyang sarili sa pwesto nito. Ito ay bumabatay hindi lang sa paraang nakikita ng pasyente
ngunit sa kung ano ang tapat at tunay na pagkatao ng nars. Ito ay hindi lamang isang katangiang taglay ng
sa pagpapadala o pangungumusta. Ito ang isa sa mga katangiang nararapat na taglay ng isang nars sa
pakikihalubilo sa kanyang pasyente sapagkat nakakatulong ito sa pagbubuo ng isang maayos na relasyon
sa pagitan nila.
KABANATA II
Hindi maikakailang ang Psychiatric Nursing ay nakatuon sa isang malawakang pag-aaral ng mga
taong may kapansanan sa pag-iisip. Dahil dito, marami ang nagsagawa ng kani-kanilang pananaliksik
upang palalimin at gawing partikular ang depinisyon at tunay na hangarin ng pag-aaral ng kursong ito.
Ayon kay Antalfi M., ang Psychiatric nursing ay gumagamit ng terapi. Ang terapi ay gumagamit
kliyente. Ang tao raw ay isang sosyal na nilalang. Dahil dito, may nailikhang larangan na sikososyal sa
narsing. Sang ayon naman kay Rex Cowdry, MD, Medical Director, NAMI, ang Psychosocial
pakikipagsalamuha sa paligid na kinaroroonan nito. Ang paligid niya'y maaaring nasa ospital, kalimitan, o
12
‘di kaya’y sa bahay, para sa pribadong pagsusuri. Sa pangkalahatang konsepto, ang ganap na pag-aaral ay
ginagawa lamang sa mga prosesong nangyayari sa kaloob looban ng pagkatao ng isang indibidwal. Dito
pumapasok ang 'unconscious', isang aspekto ng konsensya at pagkataong hindi nalalaman ng indibidwal
Mayroong ilang paraan ang magagamit upang maisagawa ang koneksyon at pag-aanalisa ng
nakaraan at ang kasalukuyang pag-uugali ng pasyente (halimbawa na ang Art Therapy o sining-
panterapeutika) na eksklusibo lamang sa mga larangang ganito. Maaari rin itong makaapekto sa
kalusugan ng kliyente depende sa kung paano niya ito nais patakbuhin at kung paano ito pumuproseso sa
utak ng pasyente. Sa direkta o ‘di direktang pakikipagsalamuha, apektado rin ang kapaligiran. Isa na rito
ang nars o ang tagapangalaga sa kanya na itinuturing na sikososyal na suporta ng kliyente. Nababagay
lamang ang porsyento ng mga pasyenteng may kapansanan sa pag-iisip ang maaaring hindi daraan sa
ganitong uri ng pagsusuri. Humihigit kasi ang kakulangan sa pakikipag-ugnayan sa bahagi ng pasyente at
pati na rin sa tagapangalaga. Importanteng malaman ng nars ang estado o kondisyon ng pasyenteng
idadaan sa pag-aanalisa na isang basehan ng pag-aaral namin para sa pamanahong papel na ito.
Mula sa isinagawang pag-aaral nina Wai Tong Chien at Isabella YM Lee, sinasabing ang
Psychiatric Nursing o mental health nursing ay isang katangian ng pag-aalaga na nagmamalasakit para sa
mga tao ng lahat ng edad na may sakit sa kaisipan o ligalig, tulad ng schizophrenia, bipolar disorder,
psychosis, depression o demensya. Ang mga nars sa lugar na ito ay may mga karagdagang pagsasanay sa
ang pamamahala ng sikayatrikong gamot. Ang mga kataga sa kalusugan ng kaisipan ay hindi lamang
makikita sa pampisikal na kaanyuan kundi sa kabuuan ng isang tao, kabilang ang kung paano tayo
kumilos, magisip, makaramdam, at kung gaano kahusay ang ating pagkaganap. Ang mga inaaral sa
ginagawa ng tao. Bunga nito, kinakailangan ang pag-iisip, pag-aanalisa, tiyaga, at pagsusuri sa mga bagay
bagay.
Sang ayon sa pananaliksik ni Beth Phoenix, ang Psychiatric Nursing ay may malawakang gamit.
Sinasabi sa pananaliksik na ito ay hindi lamang magagamit sa pangangalaga ng taong may sakit sa
kaisipan kundi pati na rin sa mga taong may pisikal na karamdaman, sa pag-aanalisa ng krimen,
problema. Sinasabing dahil nga ang psychiatry isang uri ng pag-aaral na nangangalaga ng taong may sakit
sa kaisipan, ang sapat na kaalaman at kakayahan patungkol dito ay makatutulong upang sagutin ang
nagpapanatili ng pag-uugali upang maisatupad ito ang proseso. Ang isang indibidwal, pamilya, grupo,
organisasyon o komunidad ay maaring maging pasyente. Ito ay isang paraan ng pag-aalaga sa praktis –
isang hango sa mga teorya ng mga tao sa pag-uugali ng isang tao bilang agham at ang panterapeutika
paggamit ng sarili bilang sining. Ang relasyon sa pagitan ng nars at pasyente ay isang pakikipagtulungan
damdamin para sa mga pasyente. Taglay ng mga nars ang mga magaganda nilang katangiang ayon sa
relationship. Ito ay nagsisilbing susi sa psychiatric nursing. Ang komunikasyon ang nakakatulong upang
magpadala at makatanggap ng mga mensaheng nais iparating. Madarama rito ang nais ipaunawa tungkol
14
sa mundong ginagalawan. Dito pinag-uusapan kung saan paglalaanan ang oras, lugar, layunin ng
pagkikita sa pagitan ng mga nars at mga kliyente pati na rin ang mga kondisyon para sa pagtatapos.
Nagbigay tuon din ito sa mga nars. Ang nars ay isang propesyonal na nakapagbibigay ng
pasyente upang mabigyang kalutasan ang problema nito. Ang klinikal na bahaging ibinibigay sa mga
mula sa mga propesyonal na tao. Ang oras na magugugol sa klinikal na parte ay magkakaiba at maaaring
makumpleto ang mga layunin. Ito ay kailangan paglaanan ng oras upang matugunan ang mabilisang
Kolehiyo ay kailangan bago magpahayag ng kahilingan upang matanggap sa programa ng mga papel na
KABANATA III
1. Disenyo ng Pananaliksik
impormatib na pananaliksik. Sinubukang ilarawan, ipaliwanag at suriin sa pag-aaral na ito ang mga
2. Mga Respondente
Ang mga piniling respondete sa pag-aaral na ito ay ang mga estudyante at nars na may karanasan
nangagaling sa nasabing ospital ang napili upang kuhanan ng ilang impormasyon. Siya ay kasalukuyang
Pinili ng mga mananaliksik si Bb. Lazalita upang makapanayam ukol sa pangangailangan ng pag-aaral na
ito sapagkat siya ay hindi lamang nagtataglay ng sapat na kaalaman at karanasan sa kursong ito, ngunit,
Para naman sa sarbey, ang mga mananaliksik ay kumuha ng tiglilimang respondente sa ikatlo at
ikaapat na taon ng Unibersidad ng Santo Tomas mula sa kolehiyo ng narsing sa pamamagitan ng random
3. Instrumentong Pampananaliksik
makapangalap ng mga datos upang malaman at masuri ang mga kontribusyon ng direktang
hanguan sa aklatan katulad ng aklat, dyornal, proposal at artikulo. Kumuha rin ang mga mananaliksik ng
Bukod sa mga nabanggit na, isa sa mga respondente ang napiling pagtuunan ng pansin ng mga
panterapeutikang relasyon na namamagitan sa kanila at ang mga pasyente sa loob ng psychiatric ward,
pati na rin ang mga pamamaraan at kakayahang kinakailangan upang mapaganda ang nasabing relasyon.
Ang pamanahong papel ay hindi lamang isang paraan upang makakuha ng mataas na grado sa
asignaturang Filipino. Ito ay isang panimulang pag-aaral na maaaring makatulong sa lipunan, partikular
na sa mga ospital, at upang mapalawak ang kaalaman ukol sa mga bagay na may kaugnayan sa pinag-
aaralan. Ang mga katanungang isinagawa ay pinaghandaan ng maayos upang mas epektibong makuha
ang impormasyong kailangan. Kaunti lamang ang mga respondenteng kabilang sa pag-aaral na ito sa
kabila ng paggamit nito sa parehong pamamaraan ng pakikipanayam at pagsasarbey. Ito ay upang mas
mabigyang pansin ang mga mahahalagang detalye ng mga impormasyong ibinahagi na nagmula sa bawat
indibidwal.
KABANATA IV
Base sa Sarbey A, na naglalayong matukoy ang mga saloobin ng mga nars ito ang mga natipon na datos:
Para sa unang tanong, ito ang tatlong paraang kalimitang sinagot ng mga sagot:
1. Gumagamit ng komunikasyon
2. Maayos na pakikitungo
1. PAGGAMIT NG KOMUNIKASYON
komunikasyon. Isang lalaki at isang babae ang pumili ng berbal na komunikasyon lamang ang ginagamit
nila sa tuwing nakikisalamuha sa pasyente. Nanggaling ang dalawa sa edad na mahigit pa sa 20 taong
gulang.
2. MAAYOS NA PAKIKITUNGO
A–2 B- 7 C- 3 D– 3 E- 3
* Isang lalaki lamang sa loob ng edad na mahigit sa 20 taong gulang ang hindi gumamit ng
maayos na pakikitungo.
3. PAGGAMIT NG PUSO/PAGMAMALASAKIT
* Walang lalaking respondente ang sumagot na gumagamit sila ng empatiya o simpatiya. Puro
Interpretasyon:
sa pasyente, makikita natin pagdating sa komunikasyon, ang karaniwang napipili ng mga nakatatandang
Para sa bilang 2:
Interpretasyon:
Siyam sa sinarbey ang nagsabing mas mahirap ang berbal na komunikasyon. Isa lang ang nagsagot ng ‘di-
verbal.
Para sa Bilang 3:
Interpretasyon:
19
Para sa mga lalaking nars at kahit sa babaeng nars – mababa at higit pa sa 20 taong gulang, mas
maraming nagsasabing mas mahirap alagaan ang babae. Ito’y nangangahuluga na ang mga babaeng
pasyente ay mas inaalagaan sa mas metikulosong paraan. Kalimitan kasi ay hindi naiintindihan ang mga
nararamdaman nila. Isa pa’y mahirap ding kunin ang tiwala nila.
Interpretasyon:
Para sa lahat, matanda ang mas mahirap alagaan. Sa totoo lang ay napakabihira makahanap ng bata sa
loob ng psychiatric ward. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit mas pinili ng nars na mag-alaga ng
matanda, dahil lahat ng respondente na sumagot sa sarbey ay wala pang karanasan sa batang napapaloob
sa psychiatric ward. Gayunpaman, may nagsasabi rin na sa palagay nila, kung ipagsasama man ang bata
at matanda sa loob ng psychiatric ward, maaaring ang tugon ng mga respondente na mas mahirap alagaan
ang matanda dahil kadalasan, ito iyong mga tipong ayaw gumalaw/umalis sa kama hangga’t walang
Para sa bilang 4:
pasyente. Karamihan ay nagsasabing mas mainam na intindihin ang pasyente at dapat hindi mangibabaw
Para sa bilang 5:
20
RESPONDENTE I II III
A 3 3 2
B 7 6 4
C 3 2 2
D 3 3 1
E 4 4 3
Interpretasyon:
Sa unang hanay, lahat ng respondente ay nagkaroon na ng karanasan kung saan ayaw sumunod sa kanila
ang pasyente. Sa pangalawa, isang babae lamang ang hindi nakaranas na makaingkwentro ng ayaw
gumalaw/umalis ng pasyente sa kama. Sa pangatlong hanay, nanatiling pareho ang bilang ng mga
kumpara sa iba.
Para sa bilang 6:
Para sa bilang 7:
Para sa bilang 8:
21
Karamihan sa mga respondente ay sumagot na dapat isaalang-alang ang pagtiwala sa isa’t isa.
PANGKABUUANG INTERPRETASYON:
Pagdating sa pakikipagsalamuha sa pasyente, may mga karaniwang teknik na ginagawa ang nars.
Gayunpaman, magkakaiba pa rin ang kanilang pananaw sa paggamit ng mga kakayahan na ito. Base sa
mga datos, mas mapagmalasakit sa pasyente ang babaeng nars kumpara sa lalaki. Nakikitang mas
epektibo ang mga nakakatandang nars pagdating sa pagtatrabaho. Sa bahagi naman ng mga problema, ang
pangunahing suliranin ay ang hindi pagkakaunawaan ng nars at ng pasyente. Madalas din nagkakaroon ng
transference at countertransference. Pagdating naman sa pasyente, mas mahirap ang mga babaeng alagaan
dahil sila iyong madalas na hindi maunawaan ang damdamin at mas sensitibo. Gayun din sa mga
matatanda.
SARBEY 2:
Panig ng Pasyente:
Base sa Sarbey B, na naglalayon alamin kung gaano kadalas nagagamit ng isang nars ang kanyang
kaalaman at talino sa pagbubuo ng isang magandang panterapeutikang relasyon, ito ang mga tinipong
datos.
KATEGORYA - A
23
KATEGORYA – B
Interpretasyon
KATEGORYA A:
Pangalawa ang BIHIRA/MADALANG. Kaunti lamang ang pumili dito, ito ay isa pang
kahulugan na kayang kontrolin ng nars ang kanyang sarili sa pag-aalaga ng psychiatric patient.
25
Pangatlo, apat lang ang pumili ng MADALAS. Ibig sabihin ay kaunti lamang ang
nagkakaroon ng problema sa pasyente.
Pang-apat, ang LAGING NANGYAYARI. Walang pumili dito, kung kaya’t masasabi
natin na hindi nangyayari lagi ang mga negatibong sitwasyon.
KATEGORYA B:
KABANATA V
1. Lagom
Ayon sa mga impormasyong aming nakuha, ang Psychiatric Nursing ay isang uri ng
pangangalaga na nagmamalasakit para sa mga tao ng lahat na edad na may sakit sa kaisipan. Ang mga
nars sa lugar na ito ay may mga karagdagang pagsasanay sa pagbuo ng isang panterapeutikang
kaisipan ay hindi lamang makikita sa pangpisikal na kaanyuan kundi pati sa kabuuan ng isang tao,
kabilang na ang kung paano tayo kumilos, magisip, at makaramdam. Ayon sa aming pag-aaral, mayroong
iba’t ibang klase nang paggagamot sa pasyente. Isa na rito ang terapi. Ang terapi ay gumagamit ng
kliyente. Dahil dito, nabuo ang tinatawag nating psycho-social nursing/sikososyal na narsing. Dito,
26
makikita natin ang pag-unlad sa pag-iisip at mentalidad ng isang pasyente at kung paano ito
makisalamuha sa paligid na kanyang kinaroroonan. Mayroon din tayong tinatawag na Art Therapy o
pag-uugali ng pasyente. Ito’y isang aspekto ng kunsensya at pagkatao na hindi nalalaman ng indibidwal
tuwing gising ang pag-iisip nito. Maari itong makaapekto sa pasyente depende sa kung paano niya ito
prinoproseso sa kanyang isipan. Sa direkta o di direktang pakikipagsalamuha naman, apektado dito ang
nars na nangangalaga sa pasyente, kung kaya nababagay gamitin dito ang epektibong
magagamit sa taong may kapansanan sa pagiisip kundi magagamit din ito sa ibang sitwasyon gaya nang
problema. Nabangit din sa aming pag-aaral na ang isang indibidwal, pamilya, grupo, organisasyon o
nakikibahagi sa pag-aaral at nakikipagtulungan upang mabigyan linaw ang mga karanasang nakakaapekto
magpagdala at makatanggap ng mga mensaheng nais iparating. Madarama dito ang nais ipaunawa
tungkol sa mundong ginagalawan. Dito pinaglalaanan ang oras, lugar, layunin ng pagkikita sa pagitan ng
mga nars at mga kliyente pati na rin ang mga kondisyon para sa pagtatapos. Ang nars ay isang
sa ilang mga pangangailangan ng pasyente upang mabigyang kalutasan ang problema nito. Ang klinikal
kinakailangang karanasan. . Taglay ng mga nars ang mga magaganda nilang katangian na ayon sa
1. Kongklusyon
Ang panterepeutikang relasyon sa pagitan ng nars at pasyente ay mahalaga. Ang totoong pag-
pakay at may adhikain na nais makamtan ng pasyente at nars. Maraming mahahalagang aspeto ang dapat
sa mga mahahalagang sangkap upang matugunan ang mga pangangailangan ng bawat isa. May mga
pagkakataon kung saan ang relasyon ay dumadaan sa matinding pagsubok. Ang psychiatric nursing ay isa
ng panahon upang maipakita ang totoong interes at pag-aalala at ang pagbibigay pansin sa mga sinasabi
ng pasyente, verbal at di-verbal, kung saan gumagamit ng eye contact upang mas lalong mapadala ang
mensahe sa komunikasyon. Ang layunin ng nars ay itaguyod ang kalusugan ng mentalidad ng mga
pasyente. May mga pagkakataong kung saan ang mga pasyente ay hindi kuntento sa ginawa ng nars at
nagbubunga sa pagkalungkot at pagwawala. Gayunpaman, ang mga nars ay gumagamit ng mga paraan
upang kalmahin at bigyang pansin ang mga pangangailangan ng mga pasyente. Ang pasyente at nars ay
nagpaplano upang mapabuti ang kalagayan ng mga pasyente. Tinuturuan ang mga pasyente ng mga
alternatibo upang marunong silang tumayo sa sarili nilang mga paa. Marunong dapat silang pagalingin
ang mga kanilang sarili upang kapag lubusan na sila magaling sa kapansanan ay maaalala nila lahat ng
2. Rekomendasyon
Mula sa buong pangkat na masusing pinag-aralan ang Psychiatric Narsing, ay buong galak at
a. Para sa mga nars sa loob ng Psychiatric ward, mas paigtingin ang therapeutic relationship at
ang ganitong uri ng pag-uugnayan, hindi lamang sa loob ng psychiatric ward, ngunit pati na rin
impormasyon at kaalaman ukol sa linya ng pag-aaral na ito, ay bigyan pa nila ng pansin ang
c. Para sa pamilya ng mga may kapansanan sa pag-iisip, maging bukas sila sa anuman ang
kondisyon ng kanilang mahal sa buhay na nasa loob ng ward. Matindi ang pangangailangan sa
pang-unawa, tiyaga at pagtitiwala. Mahalagang matutunan din nila mismo kung paano sila
d. Para sa mga mambabasa, lawakan ang pang-unawa at tangkilikin ang therapeutic communication.
Mga Libro:
Larson, K. H. (1968). Direct care nursing: a teaching program for psychiatric nurses. New York :
Macmillan
Cushnie, J. M. (1987). Practical psychiatry for health workers and nurses. Edinburgh: Churchill
Livingstone
Saxton, D. F. (1975). Care of patients with emotional problems: a textbook for practical nurses. Saint
Louis : Mosby
Cushnie, J. M. (1987). Practical psychiatry for health workers and nurses. Edinburgh : Churchill
Livingstone
Walker, J., Payne, S., Smith, P., & Jarrett, N. (2005). Psychology for nurses and the caring professions.
2nd ed. UK: McGraw-Hill.
Videbeck, S. (2006). Psychiatric mental health nursing. 3rd ed. New York: Lippincott Williams and
Wilkins.
Bostrom, C. E., Schwecke, L. H., & Keltner, N. L. (2007). Psychiatric nursing. 5th ed. Singapore:
Elsevier.
Journals
Shea, C. A. (Ed.). (1999). American psychiatric nurses association. Advanced practice nursing in
psychiatric and mental health care. St. Louis : Mosby
Meyer, L. A. (1962). The american journal of nursing. Toward therapeutic care. (p. 124). New York:
Springer
Payne, S. M. (2009). The evolution of therapeutic care and clinical specialization in psychiatric nursing.
Perspectives in psychiatric care. (Vol. 4 pp.12-20). New York: Wiley Periodicals Press
Dziopa, F. & Ahern, K. (2009). What Makes a Quality Therapeutic Relationship in Psychiatric/Mental
Health Nursing: A Review of the Research Literature. The Internet Journal of Advanced Nursing
Practice (Vol. 10). Singapore: Elsevier B. V.
O’Donovan, A. & Gijbels, H. Understanding Psychiatric Nursing Care with Nonsuicidal Self-Harming
Patients in Acute Psychiatric Admission Units: The Views of Psychiatric Nurses. Archives of Psychiatric
Nursing (Vol. 20 pp. 186-192) Singapore: Elsevier B. V.
Internet
30
Registration and Policy Department. (2009). Nurses and midwives board of western australia. Retrieved
January 2009 from http://www.nmbwa.org.au/cproot/759/2/Boundaries%20for%20Therapeutic
%20Relationships.pdf.
Jones, E. (2008). Rosenhan Research on Psychiatric Hospital Workers. Retrieved February 4, 2008 from
Associated Content Inc.
Farlex. (2010). The Free Dictionary. Retrieved December 28, 2008 from http://medical-
dictionary.thefreedictionary.com/Psychiatric+ward
Lanza, M. L. (1997). Perspectives in Psychiatric Care. Power and Leadership in Psychiatric Nursing:
Directions for the Next Century. Vol. 33. Retrieved September 23, 1997 from
http://www.questia.com/read/5000416872?title=Power%20and%20Leadership%20in%20Psychiatric
%20Nursing%3a%20Directions%20for%20the%20Next%20Century%2c%20in%20Perspectives%20in
%20Psychiatric%20Care#
Zauszniewski, J. A., Suresky, M. J., Bekhet, A. K., & Kidd, L. (2007). Review of Psychiatric Intervention
Studies. Moving from tradition to evidence: A review of psychiatric intervention studies. Vol. 12.
Retrieved May 2, 2007 from The American Nurses Association Inc.
http://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/18167423?
ordinalpos=1&itool=EntrezSystem2.PEntrez.Pubmed.Pubmed_ResultsPanel.Pubmed_SingleIte
mSupl.Pubmed_Discovery_RA&linkpos=2&log$=relatedarticles&logdbfrom=pubmed
http://en.wikipedia.org/wiki/Psychosocial
http://www.nami.org/Content/ContentGroups/Helpline1/Psychosocial_Treatments.htm
http://en.wikipedia.org/wiki/Psychiatric_and_mental_health_nursing
http://mra.e-contentmanagement.com/archives/vol/1/issue/1/article/553/psychiatric-nurses
%E2%80%99-knowledge-and-attitudes
http://www.crpnbc.ca/physical_restraint.pdf
http://nurseweb.ucsf.edu/www/spec-psy.htm
http://www.psych.org/Departments/EDU/Library/APAOfficialDocumentsandRelated/PositionStat
ements/199109.aspx
31
http://www.nursedirectory.net/nursing-reviewer/psychiatric_nursing/
http://www.nursedirectory.net/nursing-reviewer/therapeutic-nurse-patient-relationship/
http://www.nursedirectory.net/nursing-reviewer/the-role-of-communication-in-psychiatric-
nursing/
32
APENDIKS A
Marso 9, 2010
Dalangin po naming ang inyong pagtanggap at pahintulot sa aming pakiusap. Maraming salamat
po.
Lubos na gumagalang,
MARIJILLE ELIZES
Representatib ng pangkat
Binigyang pansin:
Propesor
33
APENDIKS B
Mga Interbyuwer:
Marinell Espiritu
Ms.Lazalita: Ako ay nagsimula bilang pych nurse pagkagraduate ko sa nursing course mula 2002
hangang 2005. Nagtrabaho ako doon ng tatlong taon ngunit ngayon nagfofollow up padin
ako ng mga estudyante sa loob ng psych unit kung saan ito ay ang aking pang-walong
taon sa loob ng psych unit.
Marijille: Ano po ang naghikayat sainyo upang kunin ang inyong propesyon kung saan
makikipagsalamuha po kayo sa mga taong may kapansanan sa pagiisip?
Ms. Lazalita: Nung ako’y nagtrabaho sa UST Hospital ang unang naassign sakin na area ay ang
Neurology ward. Ngunit, ang aming supervisor ay nangangala sa dalawang unit,
neurology at psychiatric ward, kung kaya’t ako’y nabigyan ng pagkakataon upang
makipagsalamuha narin sa mga psychiatric patients.
Marinell: Maari niyo po bang mailahad ang mga naging suliranin ninyo pagdating sa trabaho?
Paano niyo ito binibigyang solusyon?
Ms. Lazalita: Bilang isang psychiatric nurse ay napakahirap, dahil ikaw ay makikipagsalamuha o
makikipagusap sa mga taong may problema sakanilang coping o tinatawag natin na
pakikisalamuha nila sa araw-araw na pamumuhay at kung anu ang reaksyon nila sa
sitwasyon na nararanasan nila. Minsan nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan ang
nurse at ang pasyente lalo na kung ito ang tinatawag nating negative feelings o
transference, counter transference kung saan yung nurse ay maaring makaranas ng
negatibong pakiramdam tulad ng galit o takot or pagkaawa o sobrang pagiging malapit
sa pasyente. Eto ang mga karaniwan naming nararamdaman sa psych unit. Pangalaw, ang
mga pasyente ay unpredictable or hindi mo alam kung anu ang magiging mood nila, kaya
kailangan ikaw aydapat na maging pasensyosa at magiging sensitib sa mga
nararamdaman ng mga pasyente. Pngatlo, ito ay mga pasyenteng may iba-ibang
sitwasyon, kaya ikaw ay makikipagsalamuha sa iba’t ibang behavior o reaction ng mga
pasyente. Ito ay mahirap dahil kailangan kotrolado mo ang iyong emosyon. Kung paano
ito nasosolusyunan, meron kaming ginagawa para maihandle o maisakatuparan yung
ginagawa namin bilang psych nurse. Una, nagkakaroon kami ng self-awareness. Ang
self-awareness ay isang pagkakataon kung saan inaalysa namin ang pakiramdam namin
34
tuwing makikipagusap sa ganitong pasyente. Iniintindi rin namin ang aming mga sarili
para sa ganon, mapadali ang aming pagintindi sa ugali o response nila sa sitwasyon.
HInahanda din namin ang aming sariling emosyon, para pagnakaharap na kami sa
pasyente, handang handa na kami makipagisap.
Sittie: Bukod sa inyong mga nabangit,anu-ano pa ang ibang katangian na dapat mayroon ang
isang psych nurse?
Ms. Lazalita: Bukod sa pagiging paasensyosa at pagkakaroon ng empathy. Ang Empathy ay isang
abilidad ng nurse na maramdaman ang emosyon ng pasyente at nang ibang taong nasa
paligid. Kakaiba ang sipatya sa empatya, ang empatya ay ang abilidad ng nars na makita
pa nang mas malalim o mas maintindihan pa ang nararamdaman ng pasyente, at hindi ito
maging kaawa-awa sa tingin niya. Pangatlo, ang katangian ng nars na maging flexible, o
makapagadjust sa mga sitwasyon sa ward gaya nang iba-ibang pasyente at mga doctor.
Pangapat, ay ang abilidad ng nars na makipagusap sa pasyente, hindi maaari na ang nars
ay tahimik, insensitib o wlang pakialam sa pasyente. Importante din ang respeto sa
pasyente, dahil nakikita sila ng ibang tao bilang iba, pero samin nakikita namin sila kung
sino sila. Importante din ang nonjudgemental na attitude. Kung saan hindi namin sila
tinitignan bilang isang taong nagkaroon nang problema sa pagiisip, kundi tinitignan
namin sila bilang isang tao na nangangailangan nang tulong.
Ms. Lazalita: Dalawang tipo o types ng komunikasyon ang gingamit ng nars ditto sa psych unit. Una ay
yung komunikasyong verbal. Kung saan napakaimportante nito upang matanung ang
pasyente sa nararamdaman niya, ngunit minsan may mga pasyente na nahihirapan
magsabi nang tunay nilang nararamdaman kung kaya ang nars ay kinakailangan gumamit
nang hindi verbal kung saan kailangan maging sensitibo siya sa mga ekspresyon ng
mukha, mga galaw ng katawan, sa pagkilos ng pasyente na magsasabing mayroon pa
siyang ibang nararamdam. So sa dalawang iyon, importante ang nars ay dapat maging
sensitibo di lamang sa pananalita ng pasyente kung hindi pati narin sa kanyang pagkilos.
Minsan nagkakaroon kami ng problema dahil may mga pasyente kaming hindi
nagsasalita dahil narin sa epekto ng trauma sakanilang buhay, meron naming natutulala.
Kaya dapat talagang maghintay ang nars kung kalian magiging handa na ang pasyente sa
pakikipagusap sakanya. At ang nars naman ay dapat laging nandyan sa tabi nang
pasyente para maipakita sakanaya na kmaing mga nars ay interesadong malaman kung
anung nangyari sakanya.
Jayne: Sa loob po nang psychiatric ward, mga ilan po ang hawak niyo na pasyente?
Ms. Lazalita: Noong ako’y nagtrabaho, ang pinakatotal sensus namin ay 42 kung saan hahatiin ito para
sa tatlong nars. Kaya higit sa sampong pasyente ang aming hawak. Kinakailangan namin
makipagusap sa higit na sampong pasyente, pero hindi ibig sabihin na hindi na namin
kakausapin ang iba pa, kung kaya kaming lahat ay laging available, laging nandyan para
sa lahat nang pasyente. So Hindi rin kami maaring pumili kung sino ang pasyente namin,
lahat sila ay kakausapin namin. So yun ang maximum number na pwede naming hawakan
na pasyente mga 10 to 15.
Ms. Lazalita: Pagnagkaroon ng pasyenteng nagwawala, unang-una tatanungin mo ang pasyente kung
bakit siya ay nagwawala, ineexplore, O ang tinatwag naming exploring the cause kung
35
anu kaya ang dahilan bakit siya nagkakaganito. Pangalawa, kung hindi siya titigil kami
ay magbibigay ng warning sa pasyente at sasabihin natin na hindi niya kailangan
sumigaw o magwala, at makipagusap lang nang mahumanay at ang nars ay lagging
nandyan. Kung hindi na siya magiging kontrolado, maari na natin siyang gamitan ng
mechanical na pamamaraan. Yun ay ang paglagay nang restrains o tale ngunit ito ay
kailangan ipaalam sa physician o doktor dahil hindi ito basta-bsata. Kailangan sabihin
natin ito sa doctor na ang pasyente ay hindi na kontrolado, nasasaktan na niya ang sarili
niya, yun lang ang pagkakataon para ilagay siya sa isolation room. At also mayroon din
kaming mga gamot na pangpakalma na binibigay ng nars kapag ito’y inutus nang doctor.
Sittie: Huling katanungan, para po sainyo na isang nars sa isang komplikado at pinakamatinding
larangan ng panggagagamot, ano po ang pinakamahirap na parte ng inyong propesyon?
Ms. Lazalita: Para sakin, ang pinakamahirap na parte ay ang magkaroon ka nang negatibong
pakiramdam sa iyong pasyente. Karaniwan, tayo ay normal na indibidwal kung saan tayo
rin ay nakakaranas ng mga pagsubok o stress, minsan tayo ay may sariling pakiramdam
kung saan ito ay nakakaapekto sa ating pakikipagsalamuha sa pasyente. Napakahirap na
ihiwalay o iiwas yung nararamdaman mo sa nararamdaman ng pasyente. Kung baga ang
nars sa psychiatric unit ay kailangan maging stable, ito ang tinatawag nating emotional
stability, pagiging handa sa sariling emosyon at hindi siya magiging apektado sa kahit
anu mang sabihin ng sakanya. Yun ang pinakamahirap kung saan ang pasyente ay hindi
nagiging kooperatibo sa mga efforts na gingawa ng nars. Minsan nagkakaroon ng
frustration o pagkalungkot kapag ang pasyente ay hindi sumasali sa activities at
nagkakaroon din nang kalungkutan kapag ang pasyente ay hindi makarecover o hindi
nagiging maganda ang dulot nang kanilang pagkakastay or pagkaiwan niya sa isang
psych unit. Eto ang mga mahirap na parte para sakin, ngunit hindi natin ito makokontrol,
dapat padin ang nars ay maging pasensyosa, naghihintay, at laging nandyan sa pasyente,
ito’y tinayawag nating opening-self. At bilang psych nars, importante ang teraputik use of
self kung saan ito ay nakakatulong sa pasyente. Ikaw na mismo ay isang gamut kung saan
nakakatulong ka sa pasyente. Ang iyong pasensya, komunikasyon, at pagintindi sa
pasyente ay napakaimportante. Lahat ito ay mahalaga para maging isang mabuting
psychiatric nars. Hindi ka din dapat maging apektado sa mga sitwasyon nang paligid. So,
napakastressful talaga maging psych nars, ngunit mahalaga na nailalabas mo din ang
stress sa iyong katawan. Gaya nang relaxation techniques dahil pagkatapos nang trabaho
ay talagang nakakapagod and then pagtiwala sa sarili, at patuloy na pakkipagusap. Kami
ay natututo na makipagusap nang teraputik sa pasyente para din sakanila.
36
APENDIKS C
Marso 8, 2010
Madam,
Kaugnay po nito, nais po sana naming hingin ang pahintulot ng inyong tanggapan upang kami
po’y makapamahagi ng mga kwestyoneyr sa ilang mga mag-aaral na kumukuha ng Nursing, para po sa
aming sarbey.
Lubos pong makatutulong ang mga datos na aming makakalap mula sa sarbey na ito para po
ikatatagumpay ng aming pag-aaral.
Lubos na gumagalang,
Representatib ng Pangkat
Binigyang pansin:
Propesor
37
APENDIKS D
Ang sarbey na ito ay para sa mga nars na kasalukuyang nagtatrabaho o nagkaroon ng karanasan sa pag-
aalaga ng pasyente sa loob ng psychiatric ward.
Magandang araw! Kami po ay mga mananaliksik sa unang antas, section I-11, na nagsasagawa ng sarbey
ukol sa paksang Ang mga kontribusyon ng direktang pangangalaga, komunikasyon, pamamalakad at
pagtuturo sa pagkakaroon ng panterapeutikang relasyon sa pagitan ng nars at pasyente sa loob ng
psychiatric ward para sa asignaturang Filipino 2. Nais po namin makuha ang inyong mga saloobin ukol sa
aming pananaliksik. Salamat po.
~ Mga Mananaliksik
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Nararapat lamang na magpakatotoo sa inyong mga sagot:
2. Alin ang mas mahirap para sa inyo, verbal o di-verbal na komunikasyon sa pasyente? Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________.
Babae o Lalaki
Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________.
Bata o Matanda
38
Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________.
5. Paano ninyo nalulutasan ang mga ganitong problema? (Iugnay sa mga napiling sagot sa bilang 4)
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
__________________________________.
6. Sa kabuuan ng inyong karanasan sa ganitong trabaho, ano sa tingin ninyo ang pinakamahirap na
parte o gawain ng isang psychiatric nurse. Ipaliwanag ang sagot.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
__________________________________.
7. Alin sa mga sumusunod ang pinakaepektibong paraan upang mapaganda ang nasabing
relasyon?
39
8. Kung bibigyan ka ng pagkakataong maibago ang kalagayan ng relasyon ng mga nars at pasyente
sa loob ng psychiatric ward, ano ang gagawin mo?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
__________________________________.
40
APENDIKS E
Ang sarbey na ito ay para sa mga nars na kasalukuyang nagtatrabaho o nagkaroon ng karanasan sa pag-
aalaga ng pasyente sa loob ng psychiatric ward.
Magandang araw! Kami po ay mga mananaliksik sa unang antas, section I-11, na nagsasagawa ng sarbey
ukol sa paksang Ang mga kontribusyon ng direktang pangangalaga, komunikasyon, pamamalakad at
pagtuturo sa pagkakaroon ng panterapeutikang relasyon sa pagitan ng nars at pasyente sa loob ng
psychiatric ward para sa asignaturang Filipino 2. Nais po namin makuha ang inyong mga saloobin ukol sa
aming pananaliksik. Salamat po.
~ Mga Mananaliksik
Kasarian: F Edad: 20
Panuto: Ilagay ang numerong kaugnay ng sagot mo bago ang mga bilang ng mga sumusunod na tanong.
1 2 3 4
Panig ng Nars:
Panig ng Pasyente: