Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
85Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Pamanahong Papel Ukol sa Pisikal at Sikolohikal na Epekto ng Paninigarilyo

Pamanahong Papel Ukol sa Pisikal at Sikolohikal na Epekto ng Paninigarilyo

Ratings: (0)|Views: 23,311 |Likes:
Published by beapatricia1928

More info:

Published by: beapatricia1928 on Mar 20, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

03/11/2013

pdf

text

original

 
1
KABANATA I
 
ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITOA. Introduksyon
 Noong unang panahon pa lamang, laganap na sa maraming parte ng mundo ang paninigarilyo. Ang gawaing ito, ayon sa Wikipedia, ay isinasagawa sa mga ritwal ng mgatribo upang kumawala sa ulirat o makihalubilo sa mundo ng mga espiritu. Ang ilan samga gawaing ito ay ang pagpapaalis ng masasamang espiritu, pagsamo sa mga ito, atbp. Ngunit, sa paglipas ng panahon, naging isa na ito sa mga kinagigiliwang ³uso´. Nagsimula ito sa rehiyon ng Central America noong 6000 BC. Nang lumipas ang5000 taon, 1000 BC, nagsimula ang sibilisasyon ng mga Mayan na magpausok, humithitat ngumuya ng mga dahon ng tabako. Ginamit din nila ito, kasama ng iba pang mgahalamang medicinal, upang ipanggamot sa mga may sakit at may sugat. Nang sila aynaglayag sa iba pang parte ng mundo, nagdala sila ng mga dahon ng tabako kaya namannang lumipas ang mga taon ang mga manlalakbay, tulad nila Columbus at Francis Drake,ay naisipang gumawa ng planta ng mga tobako at gawing daan upang magkapera. Naging popyular ang paninigarilyo ng tabako sa Espanya.Ang paninigarilyo ay isang gawain na kung saan sinusunog ang sangkap,karaniwang tobako, na maaaring nirolyo sa papel sabay sa paghithit ng usok na inilalabasnito. Ayon sa MedIndia Online, ang isang
 stick 
ng sigarilyo ay binubuo ng halos 4,000kemikal na maraming epekto sa katawan at pag-iisip ng tao. Ang ilan sa mga ito ay ang
nicotine, tar, acetone, chloroform, atbp.
Dahil nga naman ang mundo ay mabilismagbago nakaisip ang ibang mga tao ng mga modipikasyon ng paggamit o paggawa ng
 
2
 sigarilyo. Ngayon, maaari nang bumili ng maraming uri ng alternatibo. Ito ay nasa hugisng isang
chewing gum (nicorette), inhaler transdermal systems (patches)
o kaya namanay
nicotine nasal spray
. Iba-iba man ang kanilang anyo at hugis, pareho pa rin ang mgakemikal at mga epektong nakapaloob dito.Totoo nga naman na ang paninigarilyo ay sadyang laganap na. Kung dati-rati aynagagamit ito sa mabuting at hindi-palagiang paraan, ngayon ay abusado na ang paggamit nito. Sa kadahilanang iyan, ito ay unti-unting naging malalang bisyo. Dito nalamang sa ating bansa, marami talaga ang naninigarilyo. Ayon sa estadistika ng CureResearch, 19,
23
1, 897 ang naninigarilyo rito at 40% rito ay mga kabataang lalaki. Sa buong mundo, 5.4 milyong katao ang namamatay sa isang taon dahil sa paghithit sasigarilyo.Atin namang bigyang pansin ang kabalintunaan ng sitwasyong, ³kung sino pa angnagbibigay buhay sa iba, siya rin ang unti-unting pumapatay sa kaniyang sarili´. Ito aymaaaring masabi sa mga kabataang kumukuha ng kursong narsing na sangkot sa bisyo ng paninigarilyo. Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral na ito.
 
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagtuklas ng mga epekto ng paninigarilyo sa pag-iisip at pangangatawan ng mga mag-aaral sa Unang Taon ng Kolehiyo ng Narsing saUnibersidad ng Santo Tomas. Aalamin din nito ang mga dahilan ng paninigarilyo ng mganasabing mag-aaral.Ang mga resulta ng pananaliksik na ito ay nagnanais na makapagdagdag ngimpormasyon tungkol sa isyung pansosyal na itinatalakay at magbukas ng isipan ng mgatao, lalo na ng mga kabataang naiigaya sa bisyong ito.
 
3
 
B. Layunin ng Pag-aaral
Ang pamanahong-papel na ito ay nais magbahagi ng mga kaalaman tungkol sa mgaepekto ng paninigarilyo sa mga mag-aaral ng unang taon na kumukuha ng kursong
 N 
ursing 
. Bukod pa riyan, nais din nitong:
y
 
malaman ang iba¶t ibang pisikal na epekto ng paninigarilyo sa mga mag-aaral nananinigarilyo at doon sa mga estudyanteng sec
ond-hand smokers
 
y
 
matukoy ang mga sikolohikal na manipestasyon ng paninigarilyo sa mgaestudyante at sa mga mag-aaral na
 second-hand smokers
 
y
 
 bigyang-pansin ang mga dahilan at ugat ng paninigarilyo ng mga mag-aaral
y
 
malaman kung anong kasarian, kung babae o lalake, ang may pinakamataas na bilang ng mga naninigarilyo
y
 
matuklasan ang karaniwang edad ng mga kabataang naninigarilyo
y
 
mapausbong ang kaalaman ng mga estudyante sa paksa ng paninigarilyo at sa pagkilala sa kanilang mga sarili
C
. Kahalagahan ng Pag-aaral
 Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sapagkat maaaring mapagkuhanan ngimpormasyon ukol sa mga epekto ng paninigarilyo sa ating kalusugan. Sa pamamagitanng mga bago at karagdagang kaalaman, mabibigyan ng pagkakataon ang mga estudyantena magamit ito sa kanilang napiling propesyon. Isa pang maituturing na importansya nitoay ang pagdinig sa opinyon at pananaw ng mga kabataang
 second hand smokers
nang saganoon ay malaman ng mga mag-aaral na naninigarilyo ang epekto nito sa mga taongnasa kanilang paligid.

Activity (85)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 hundred reads
1 thousand reads
Jeffy Diaz liked this
Allyana Apepe liked this
Jobel P. Mindac liked this
Daben Tianzon Carino added this note
....wew my google ako aheheh
Hanna Rose Jayco liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->