Pawis at DugoPara sa Kinabukasan Ko
Unibersidad ng Santo Tomas, Kolehiyo ng Narsing,Unang taon pangkat 8, ikalawang semestre, TA 2009-2010Sa patnubay ni Gng Zendel Taruc M.Ed
___________________________________________________________________________________
ROBLES, Angelina Grace*, BRIZUELA, Ida Rae Valene, BUELA, Ma. Leanza Louise, CENIDOZA, Ma. Emilla Junescka, ENRILE, MariaEliza, MANLAPIG, Eleen Nicole, MARCELO, Jean Anne Camille, YUSON, Xyra Ianne.
Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay may layuning maglahad ng mga batayang kaalaman tungkol
sa mga
working students:
ang kanilang buhay, mga dahilan sa pagtatrabaho, mga suliraning kinakaharap, atmga paraan ng pagharap sa mga problemang ito. Nilalayon din ng pag-aaral na ito na makapagbigaypayo sa mga
working students
tungkol sa kanilang mga pinagdaraanan. Panghuli, ang pag-aaral na itoay may layuning ipaunawa sa mga kabataang Pilipino ang mahalagang gampanin ng edukasyon sa buhayng isang tao.Mahalagang mabasa ang pag-aaral na ito sapagkat sa pamamagitan nito ay maliliwanagan angmga kabataan sa kahalagahan ng edukasyon bilang susi sa isang magandang kinabukasan. Sa mganailapat na salaysay ng mga respondente ay makikita at higit na mauunawaan ng mga kabataang hindikinakailangang magtrabaho na hindi dapat binabalewala ang pagkakaroon ng pagkakataong makapag-aaral sapagkat hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong oportunidad. Na hindi tulad ng mga
workingstudents,
hindi nila kailangang magtrabaho para lamang makapag-aral. At panghuli, sa pamamagitanng pag-aaral na ito ay mauunawaan ng mga administrador ang kalagayan ng mga
working students
atsa gayon ay mabibigyan nila ng karagdagang konsiderasyon ang mga ito.
Panimula
´
Ang edukasyon ang susi sa magandang kinabukasanµ ² ang kadalasang maririnig mula sa isangmagulang o nakatatanda para ma-engganyong mag-aral nang mabuti ang isang bata. Ngunit paanomangyayaring maging susi ito sa isang magandang bukas kung hindi lahat ng kabataan ay nabibigyan ngpagkakataong makapag-aral? Higit pa dito, paano sila matatawag na mga
´
pag-asa ng bayan?µ Sa takbong mundo ngayon, maraming tao ang lubos na naghihirap at hindi nila malaman kung ano ang kanilanggagawin sa kanilang buhay. Maraming kabataan ang nagkalat sa lansangan, walang makain,namamalimos, at hindi nag-aaral. Pero tama bang hayaan na lamang nilang maging balakid angkahirapan sa pag-abot nila sa kanilang mga pangarap? Para sa mga batang hindi tumitigil mangarap atnagsusumikap kasabay nito, kahit ano ay kanilang gagawin maabot lamang ito, kahit pa angmagtrabaho.
I.
M
ga Kaugnay na Babasahin at Literatura
Ang mga tinaguriang pag-asa ng bayan ay unti-unti nang gumagawa ng paraan upang i-ahon angkanilang mga sarili sa kahirapang dulot ng mga nag-haharian sa bayan ni Juan. Laganap na ang mga
´j
ob fairsµ saan mang dako ng bansa na may layuning tugunan ang paghihirap ng marami sa ating mgakababayan. Iba·t ibang uri ng mga mamamayan ang dumadayo dito sa pag-asang magkaroon ng bagongsimulain sa buhay at marami sa kanila ay mga estudyante pa lamang sa kolehiyo na nagnanais namatugunan ang kanilang mga suliranin sa buhay. Ang mga estudyante na ito na dapat ay pinag-iigihanang kanilang pag-aaral ay pinipili nang magtrabaho sa murang edad para sa maraming dahilan.
A
.
T
ala ng bilang ng mga manggagawang estudyante sa loob at labas ng bansa