Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
4Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Ang Industriyang Turismo Para Sa Kaunlaran at Kapayapaan Ng Mindanao-Talumpati

Ang Industriyang Turismo Para Sa Kaunlaran at Kapayapaan Ng Mindanao-Talumpati

Ratings: (0)|Views: 464|Likes:
Published by glenda
Talumpati (Davao Historical Society Oratorical Contest Piece)
Talumpati (Davao Historical Society Oratorical Contest Piece)

More info:

Published by: glenda on Mar 31, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

11/04/2012

pdf

text

original

 
PABLO LORENZO NATIONAL HIGH SCHOOL , Mandug Davao CityAng Industriyang Turismo Para sa Kaunlaran at kapayapaan ng Mindanao.
Sa tuwing nababanggit ang salitang Mindanao isang awitin ang agad na sumasagi sa aking isipan, angawiting pinasikat ng isang batikang kompositor at mang-aawit na si Freddie Aguilar.
Pinoy kapwa pinoy angnaglalaban doon sa Mindanao, marami pang dugo ang dumanak sa lupa ng Mindanao, Mindanao.Nakakaantig ng puso, nakakagising ng kamalayan, at nakapanglulumo ng damdamin.
Bagamat, di ko mannasasaksihan ang sinasabing digmaan, subalit ang awiting ito ang
naglalarawan sa karanasan
 ng
aking lupang tinubuan,
 na maging sa kasalukuyan ay kaakibat pa rin ang imahe ng 
bagsik ng karahasang
 dulot ng sinasabing
digmaan.
 
Aking mga tagapakinig,
 ito kaya ang imaheng
nagpapatanyag o magpapatanyag
 pa sa ating lupangtinubuan? Hahayaan na lang ba nating habang-buhay tayong magkaroon ng 
diskriminasyon sa ating kultura, saating paniniwala, sa ating kalagayan , at sa ating karapatan?
 
May magagawa kaya tayo bilang karaniwangmamamayan
 sa suliraning ito , upang ganap na 
umunlad at maging mapayapa ang buong Isla ng Mindanao?
Sa
aming mga kagalang-galang na hurado, mga gurot panauhin, sa mga kapwa ko kalahok, at sa lahatng narito, Mabuhay!
 
Isang napakalaking karangalan
 ang akoy mabigyan ng pagkakataong maging 
bahagi
 ngpatimpalak na itoAng maatasang makapagbahagi ng isang usaping 
magbabantayog
 sa imahe ng aking 
lupangtinubuan, ang lupang pangako, ang Mindanao!
Nang aking mabasa ang paanyaya ng patimpalak na ito, ang pinakauna kong binigyang pansin ay angtemang papaksain. 
Ang Industriyang Turismo Para sa Kaunlaran at kapayapaan ng Mindanao.
Ilang sandaliko rin itong
pinagninilay-nilayan
kung paano ko
bibigyang katarungan
sa harap
ninyong lahat
ang usapin ngpaksang ito. At naitanong ko rin sa aking sarili, ano nga ba ang kaugnayan ng
turismo
sa
kaunlaran atkapayapaan
ng isang lugar?
Subalit,
 
laking
pasasalamat ko na sa mga sandaling iyon ay sinagot ng aking
napupukaw na kamalayan
 ang lahat ng
aking
mga katanungan.
Napukaw ng aking kamalayan
kung paanong ang
kagandahan ng Mindanao
 ay maaaring maging daan upang
magbago
ang pagtingin ng karamihan sa
pagiging imahe
nito ng
digmaan
at itoymaari nang palitan ng
imahe ng kaunlaran at kapayapaan
sa tulong ng
industriyang turismo.
 
Mga tagapakinig
,subukan nating lakbayin ang
ganda ng Mindanao . Akyatin natin ang Bundok ng Apo
 na siyang
nagpapatanyag
bilang
pinakamataas na bundok sa Pilipinas! Sisirin natin
ang
dalisay na karagatan
 ngIsla ng Samal.
Damhin natin
ang
halimuyak ng Waling-waling
at saksihan natin ang
paglipad ng Haring IbongAgila, langhapin at tikman
ang
kamanghang-manghang
amoy at sarap ng Durian. At puntahan natin ang
Genereal Santos City,
ang lugar na biniyayaan ng
malahiganting Tuna
na ating
maipagmamalaki
hindi lamangsa Pilipinas kundi
maging sa ibang bansa.
At
higit sa lahat
 , subukan nating
makipagsalamuha
sa
ibat ibangkatutubong nagpapanatili ng ating makukulay
na
kultura
bilang isang
tunay na Pilipino.Napakarami, at mas dadami
pang yamang
maituturing nating turismo
kung lahat tayo ay magkaroon
ngkamalayan
upang
sulyapan , punahin at tuklasin pa
ang
likas na kagandahang ito ng Mindanao!
At tayo
bilang mamamayan,
ay may
malaking tungkulin
upang
isulong a
ng mga
yamang angkin
at
buong pagmamalaking ipakilala sa buong bansa maging sa buong mundo
na ang Mindanao ay hindi larawan ngdigmaan bagkus ay larawan ng lupang nabiyayaan ng
mayamang kultura, at kalikasan. At sa pamamagitan nito,
dadami ang dadayong turista mula sa
ibat ibang sulok ng Pilipinas , at maging mga turista sa ibang bansa.
Atkung magkaganito man,
lalakas ang turismo
sa ating ititunuring na
lupang pangako!
Ito rin ay magiging daan
upang magkaroon ng marangal
na hanapbuhay ang marami nating
kababayan.
 
Ayon nga ng kalihim ng Turismo Ace Durano,  Kung malakas ang Turismo, Maraming trabaho!Ang pagganyak at pag-anyaya sa mga lokal at dayuhang mangangalakal
ay
mabisang paraan
upang silaymagpasyang mamuhunan sa ilang lugar dito sa Mindanao nang
walang pangamabat pag-aalinlangan.
At
kapagitoy ganap na nating mapalaganap at maisakatuparan, tiyak,
ito rin ang
magbubukas ng pinto
 sa marami natingkababayang
nawawalan ng tiwala sa ating lipunan at pamahalaan upang
silay magbalik loob na
punung-punong pag-asa,
at mamuhay
bilang isang marangal na Pilipino!
At gayundin ang mga
nagkakawatak-watak
ang
paniniwalat paninindigan
ay tiyak na
tutugon
sa panawagan ng
pagkakaisa
tungo sa
kaunlaran at kapayapaanng Mindanao! Mabuhay!

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->