You are on page 1of 19

KABANATA 42

ANG MAG-ASAWANG ESPADAÑA 


 
 
 
Nakatapos na ang kapistahan; at muli na namang
naunawaan ng mga taong-bayan, na
kagaya rin ng ibang nakalipas na mga taon,
lalong naging dukha ang kanilang mga
kabang-yaman, nagpagod sila, nagpatulo
ng pawis at nagpuyat nang hindi naman
tunay na nagsaya, hindi-nagkaroon ng mga
bagong kaibigan; sa isang salita, binayaran
nila ng mahal an kanilang kaguluhan at
mga sakit ng ulo.  Subalit walang
kailangan; sa taong darating ay gayon
din ang gagawin, gayon din sa isang
daang taong susunod, sapagkat ito ang
kinaugalian.1
Naghahari ang malaking kalungkutan sa bahay ni Kapitan
Tiyago:  nakasara ang lahat ng bintana, bahagya nang marinig ang
lakad ng mga tao sa sahig, at sa kusina lamang maaring mag-usap
nang malakas. Ang kaluluwa ng pamamahay, si Maria Clara, ay
nakahiga; sa kanyang kalagayan ay nababakas sa mukha ng
lahat, na gaya ng pagkakabakas ng mga damdaming taglay sa
mukha ng isang tao.
            “Ano sa akala mo, Isabel:  maglimos kaya ako sa krus sa
Tunasan o sa Matahong?” ang tanong na marahan nang
naghihinagpis na ama.  “Ang krus sa Tunasan ay lumalaki, ngunit
ang sa Matahong ay nagpapawis:  alin ang inaakala mong lalong
milagroso?”2
           Si Tia Isabel ay nag-isip, iginalaw ang ulo at bumulong:
“Lumalaki… ang paglaki ay nakakahiti kaysa sa pagpapawis: 
lahat tayo ay pinapawisan ngunit hindi lahat tayo ay lumalaki.”
1
MGA PALIWANAG
Ipinapaalam ni Rizal na wala naman talagang natatamo ang bayan sa
pagdaraos ng kapistahan. Kasalatan ang iniiwan nito sa mga
mamamayan ng bayan. Mapansin ang sinabi ni Rizal na “sa sandaang
taon na susunod ay ganito ang gagawin nila, sapagkat ito ang
nakaugalian.”
Sa kaisipan ng mga Italyano ay nakatala na “Nagtatapos ang
Kapistahan, Hindi ang kahangalan.
2
Sa panahong iyon ay laganap ang paniniwala sa pagmimilagro ng mga
santo upang magbigay daan sa paggaling ng isang maysakit.

484
           “Tunay nga, Isabel, ngunit tingnan mo ang …
pagpawisan ang isang kahoy na ginagawa sanang paa
ng bangko ay hindi mumunting kababalaghan…3 Ang
lalong mabuti kaya ay kapwa natin limusan ang
dalawang krus, sa gayon ay hindi magselos ang isa’t isa at
mapapadali ang paggaling ni Maria Clara… Ayos ba ang silid? 
Batid mo nang kasama nina doktor ang isang ginoong tila kamag-
anak ni Padre Damaso; dapat na walang magkulang na anuman.”
           Sa kabilang dulo ng kainan ay naroroon ang magpinsang si
Sinang at si Victoria, na naroon upang samahan ang maysakit. 
Tinutulungan sila ni Andeng sa paglilinis ng mga kasangkapang
pilak na kagamitan sa pag-inom ng tsa.
           “Kilala ba ninyo si Doktor Espadaña?” ang masusing
tanong kay Victoria ng kapatid sa suso ni Maria Clara. “Hindi!”
ang sagot ng tinanong, “ang tanging alam ko tungkol sa kanya ay
mahal kung sumingil,4 ayon sa sabi ni Kapitan Tiyago.”
           “Kung gayon ay dapat maging mabuti!” ang sabi ni Andeng,
“ang nag-opera sa tiyan ni Aling Maria ay mahal kung sumingil,
kaya marunong.”
           “Hangal,” ang bulalas ni Sinang, “hindi ang lahat ng mahal
kung sumingil ay marunong. Tingnan mo si Doktor Guevara;
matapos na hindi makapag-paanak na mabuti, at pinutol pa ang
ulo ng bata, ay siningil nang limampung piso ang balo…ang
nalalaman ay ang sumingil nang mahal.” 5
           “Ano ang malay mo?” ang tanong ng pinsan, na marahang
sumiko sa kanya.
           “Hindi ko malalaman? Ang asawa, na naglalagare ng
kahoy, matapos na mawalan ng asawa ay nawalan pa ng bahay,
dahil pinilit siyang magbayad ng alkalde, na kaibigan ng

3
Naipakita ni Rizal ang kaniyang kahusayan sa pagkutya sa panatisismo
– ipinapaalam ni Rizal na ang krus na kahoy ay ginawa sanang upuang
bangko, ngunit ang mapalad na kahoy ay naging krus na niluluhuran at
pinagdadasalan ng tao samantalang ang kaputol nito ay ginagawang
upuan at maaring minamamalas na nakakatanggap ng di kananais na
amoy na ipinagkakaloob ng kaniyang pinagmagandahang loob na
paupuin. Iisang kahoy na pinagmulan, nagkaroon ng ibang pagtingin at
pagpapahalaga ayon sa pagkakagawa sa kanya. Mapalad ang mga
bahagi ng PUNO na nagiging PUON. Dahil meron ng Santa Mesa, maari
na rin sigurong magkaroon ng Santa Silya.
4
Ang katanyagan ni Dr. Espadaña ay hindi sa kahusayan sa
panggagamot (hindi naman ito manggagamot) kundi sa kamahalan ng
kaniyang paniningil.
5
Isang pagkutya at pagkondena sa mga mangaggamot na nakagawa ng
malpratice sa propesyon.

485
manggagamot… hindi ko malalaman?  Si Tatay pa ang nagpautang
sa kanya ng kuwalta upang makaparoon sa Sta. Cruz.6
           Isang sasakyang huminto sa tapat ng bahay ang pumutol
sa mga usapan. Patakbong pumanaog ng hagdanan si Kapitan
Tiyago, kasunod si Tia Isabel upang salubungin ang mga bagong
dating.  Ang mga dumating na ito ay sina Doktor Don Tiburcio de
Espadaña, ang asawa na si Doktora Victorina delos Reyes de de
Espadaña, at isang binatang Kastila na may mainam na tindig at
pagmumukhang may mainam na anyo. Ang suot ng babae ay
isang sutlang balabal na may mga bulaklak at sumbrerong may
isang malaking anyo ng loro na halos pitpit sa mga sintas/lace na
pula at bughaw; tila nakadagdag sa mga kulubot ng kanyang
mukha; ang alikabok sa daan na nahalo sa pulbos sa kanyang
pisngi; gaya nang makita natin siya sa Maynila ay nakakapit din
sa bisig niya ang kanyang pilay na asawa.7
“Ipinakikilala ko sa inyo ang aming pinsang si Don Alfonso
Linares de Espadaña!” ang sinabi ni Donya Victorina, na itinuro
ang binata, “sila ay inanak ng isang kamag-anak ni Padre Damaso;
pribadong kalihim ng lahat ng ministro…”8 Ang binata ay
yumuko: si Kapitan Tiyago naman ay halos napahalik sa kamay ng
binata.   Samantalang iniaakyat ang maraming maleta at mga
sacos de viaje/travelling bag, samantalang inihahatid sila ni
Kapitan Tiyago sa kani-kanilang magiging silid, ay isalaysay natin
ang ilang bagay tungkol sa mag-asawang ito na bahagya na nating
nakilala sa mga unang kabanata.
           Si Donya Victorina ay isang babaeng nagtataglay ng
apatnapung limang Agosto, na katumbas ng tatlumpu’t dalawang

6
Ang kuwento ay hango sa katotohanan dahilan sa may katulad itong
kaganapan sa Calamba. (Poblete)
7

Maaring isipin kung bakit inilarawan ni Rizal ang mag-asawang de


Espadaňa na laging nakakapit/akay ni Donya Victorina si Don Tiburcio.
Isang paglalarawan ng maraming mga mag-asawang Espanyol at
Pilipina. Ang katotohanan ay pasanin ng mga asawang babae (na
mayayaman) ang kanilang asawang Espanyol, na ang ilan ay mga
hampas lupa lamang sa Espanya. Kaya ang mga lalaking Espanyol na ito
ay nagtungo sa Pilipinas ay para maghanap ng mga mayayaman o mga
tagapagmanang mapapangasawa.
8
Pribadong kalihin ng lahat ng ministro – sa paraan pa lang ng
pagpapakilala ni Dna.Victorina ay makikita na ang labis na kayabangan.
Una ang isang ministro sa kagawaran ay marami ng gampanin - tapos
ipakikilalang pribadong kalihim ng lahat ng ministro. Ipinapakita ni
Rizal kung papaano ipinakikila ng mga Espanyol ang kanilang sarili mga
bagong dating na kamag-anak sa Pilipinas. Pinalalaki ang sarili para
hangaan ng mga Pilipinong tubo sa bansa.

486
Abril, ayon sa sarili niyang pagtaya sa pagbilang. 9  Ayon sa lagi
niyang sinasabi, siya’y naging maganda noong kanyang kabataan,
nagkaroon ng mainam na pangangatawan, ngunit dahil sa mahilig
sa pagmamalas sa sariling kagandahan ay hindi niya pinansin ang
maraming Pilipinong nangibig sa kanya sapagka’t ang kanyang
nais ay ang makatagpo ng ibang lahi. 10  Ayaw niyang ipagkaloob
kaninuman ang kanyang maliit at maputing kamay, ngunit hindi
dahil sa kakulangan sa pagtitiwala, sapagka’t madalas na
nagkakaloob siya ng mga hiyas at mga pag-aaring mahahalaga
sa ilang nagbabaka-sakaling taga-ibang lupa at tagarito.11
           Anim na buwan muna bago
nangyari ang aming istorya sa kabanatang
ito ay nakita niyang naging katotohanan
ang kanyang pinakamagandang pangarap,
ang pangarap niya sa kaniyang buong
buhay, na siyang sanhi ng pagpapawalang-
kabuluhan sa mga tamis ng kabataan at
maging sa mga pangako sa pag-ibig ni
Kapitan Tiyago, na ibinulong sa kanyang
mga pandinig o inawit sa isang  harana. 
Natagalang lubos bago nangyari  ang
pangarap; ngunit si Donya Victorina, na
kahit na masamang mangastila, ay higit pa sa pagiging-Kastila kay
Agustina de Zaragoza,12 ay nakababatid nang salawikaing: 
“mabuti na ang tumagal kaysa hindi mangyari,” at inaaliw niya ang
sarili sa pagbanggit ng “walang lubos na kaligayahan sa lupa,” na
9

45 anyos si Dna Victorina, ngunit ang pagpapakilala ay 32 pa lang.


10

Ano ang tunay na anyo ni Donya Victorina? Matutulala ka kapag


nabasa mo ang tunay na nais ilarawan ni Rizal ukol sa babaeng ito, at
maaring ito rin ang dahilan kung bakit nais niyang makapag-asawa ng
isang Espanyol.
11

Ang trabaho ni Donya Victorina ay sumososyo o nagpapahiram ng


puhunan sa mga katutubo at dayuhang negosyante sa Pilipinas sa
kaniyang kapanahunan.
12

Agustina de Aragon ang tunay na pangalan – ipinaganak noong Marso


3, 1786 at namatay noong Mayo 29, 1857. Nakilala siya sa kaniyang
ginawang partisipasyon sa pakikibahagi pagtatanggol sa lunsod ng
Zaragosa na noon ay kinukubkob ng mga Pranses. Siya ang kinikilalang
Joan of Arc ng Espanya. Maaring basahin ang Agustina de Aragon sa sa
www.wikipedia.org.
Ang pangalang Agustina ang isa sa mga dahilan upang mapagdugtong
na hinango ni Rizal ang tauhang ito sa isa niyang kamag-anak na si
Agustina Medel.

487
isa sa kanyang mga salawikaing laging nasasabi-sabi sa sarili
sapagkat ang mga salitang ito ay hindi lumalabas sa kanyang mga
labi sa harap ng ibang tao.         
           Si Donya Victorina na dumaan sa una, pangalawa,
pangatlo, at pang-apat niyang kabataan, na hawak ang lambat
upang mabingwit sa lawak ng mundo ang dahilan ng kanyang mga
pagpupuyat, ay napilitang umayon sa ipinagkaloob sa kanya ng
kapalaran.  Kung sa halip ng tatlumpu’t dalawang Abril ay naging
tatlumpu’t isa lamang ang kanyang dalahin (bagay na sa kanyang
aritmetika ay isang malaking agwat), 13 ay isinauli sana niya ang
huli na ipinagkaloob ni Kapalaran, upang mag-antay ng ibang huli
na lalong kapit sa kanyang hangad.  Ngunit sa dahilang nasa tao
ang pagbabalak, ay nasa kagipitan naman ang pagpapasya, 14
siyang nangangailangang lubha ng isang asawa at napilitang
masiyahan sa isang lalake na ibinuga ng Extremadura,15 at
matapos na makalaboy ng anim o pitong taon sa mundo, na
parang bagong Ulises, ay nakatagpo rin sa pulo ng Luzon ng
matutuluyan, salapi at isang tuyot na Calipso,16 ang kanyang
13

Habang tumatanda ay nagpapabata ng edad si Dna. Victorina.


14

Binago ni Rizal ang talata ng Biblia na “Datapwa’t sa dahilang nasa tao


ang pagbabalak, ay nasa Diyos naman ang pagpapasya” at pinalitan
ng isang kaayusan na “ang tao ay nagpaplano sa mga maayos na
panahon, ngunit nagpapasiya sa panahon ng biglaang kagipitan.”
15

Extramadura - isang rehiyon sa Timog-kanluran ng Espanya na nasa


hangganan ng bansang Espanya at Portugal. Matatagpuan sa rehiyong
ito ang mga probinsiya ng Badajoz at Caceres. Dito nagmula si Don
Tiburcio de Espadaña.

Bakit pinili ni Rizal na ang pagmulan ni Don Tiburcio ay ang rehiyon


ng Extramadura sa Espanya?
Bagay na bagay ang lugar na ito para kay Don Tiburcio, dahilan sa ang
rehiyon ng Extramadura ang pinakamahirap sa buong Espanya. Subalit
sa rehiyon na ito sumilang ang maraming mga mananakop na Espanyol
katulad ni Hernando Cortez, Francisco Pizarro, Pedro de Alvarado, Pedro
de Valdivia at marami pang iba. Ang paggamit ni Rizal sa Extramadura
bilang pinagmulan ni Don Tiburcio ay isang pagpapakita na ang huling
Espanyol na ibubuga ng Extramadura ay isang inutil. Isang patagong
panlilibak ni Rizal sa Espanya, upang ipakita ang patuloy na paghina
nito sa bawat paglakad ng panahon.
16

Si Donya Victorina ay isang tuyot na Calypso – isang insulto ni Rizal sa


kaniyang tauhan, dahilan sa ang tunay na Calypso ay isang batang
nimpa ng dagat sa mitolohiyang Griyego, naninirahan na mag-isa sa sa
mitikal na pulo ng Ogygia sa Dagat Ionian. Nang ang bayaning Griyego
na si Ulyses ay mapadpad sa Ogygia, ang nimpa ay umibig sa kanya at

488
kabiyak na dalandan… ay! at ang dalandang ito ay maasim.  Ang
pangalan ng kahabag-habag na ito ay Tiburcio Espadaña at kahit
may tatlumpu’t limang taon at mukhang matanda ay bata kay
Donya Victorina na may tatlumpu’t  dalawa. Ang sanhi nito ay
madaling mahinala, ngunit mapanganib sabihin.17
Siya ay nagtungo sa Pilipinas na oficial quinto18 sa Aduana
nguni’t sa sama ng
palad, bukod sa
nahilo at nabalian
ng isang paa sa
paglalayag.
Makaraan ang
labinlimang araw
ng pagtatrabaho at
nang wala na ni
isang kuwalta, ay
inalis sa
katungkulan at
inuutos na
pauwiin sakay ng
bapor Salvadora.19
Dahilan sa masamang karanasan sa dagat ay ayaw ng
bumalik sa Espanya nang hindi nakakakita ng kapalaran, at
binalak niya ang maghanap.  Ang karangalan niya sa pagka-
Kastila ay hindi magpahintulot na siya ay magbatak ng buto; 20

ginawang halos isang bilanggo sa loob ng pitong taon. Ipinangako ni


Calypso ang kawalan ng kamatayan at panghabang panahong kabataan
kung mananatili ang lalaki sa kaniya, subalit hindi ito naging sapat
upang hindi hanapin ni Ulyses ang umuwi sa kaniyang tahanan. Sa
panghihimasok ni Zeus ay nakaalis si Ulyses sa pulo at si Calypso ay
namatay sa labis na kalungkutan pagkatapos na umalis ng lalaki.

Isang pagbibiro ni Rizal na kaya madaling tumanda si Don Tiburcio ay


17

dahilan sa pagmamaltrato ni Donya Victorina. Subalit ang hanay na ito


ng pananalita ay kaniya ring iniuukol sa isang lipunan na walang
pagpaparaya sa malayang pamamahayag. Madaling hinalain,
mapanganib na sabihin.
18

Mababang opisyal sa kawanihan ng pamahalaan.


19

Ang bapor na ito ay siyang sinakyan ni Rizal noong una siyang umalis
ng Pilipinas noong Mayo 1882.
20
Ikinahihiya ng mga Espanyol na nagtutungo sa Pilipinas ang gawaing
kamay. Ang mga Pilipino ay mahawa sa kanilang kahangalan – ito ay
nagbunga ng ating pagtuturing na ang gawaing kamay ay isang
“mababang uri ng trabaho.”

489
inibig nga sana niya ang gumawa upang mabuhay nang mabuti,
nguni’t hindi siya pahintulutan ng kadakilaan ng mga Kastila, at
ang kadakilaang ito ay hindi naman makapagligtas sa kanya sa
mga pangangailangan.
            Sa pasimula ay nabuhay siya sa gastos ng ilang
kababayang Kastila, subalit si Tiburcio ay taong may kahihiyan,
nagiging mapait sa kanya ang kinakain, kaya hindi tumataba
kundi lalo pa ngang namayat.  Sa dahilang wala siyang
nalalamang karunungan, ni salapi, ni rekomendasyon maiharap
kahit kanino upang mapasok sa isang kawanihan ay
pinagpayuhan siya ng ilang kababayan, upang siya’y mapalayo
sa kanila, na tumungo sa lalawigan at doon ay magpakilalang
parang doktor.21  Ayaw sanang pumayag sa gayon ang ating lalake
sapagkat kahit na siya naging utusan sa pagamutan ng San
Carlos ay hindi naman siya nakapag-aral ng anuman tungkol sa
panggagamot:  ang kanyang tungkulin ay ang magpalis ng
alikabok ng mga upuan, lagyan ng apoy ang mga darangan,22 at
ito ay sa sandaling panahon lamang.
            Datapwat sa dahilang lalong nauuwi sa kagipitan ay
pinakinggan din niya ang payo, nagtungo siya sa lalawigan at
sinimulan ang pagdalaw sa ilang maysakit na sinisingil niya nang
mura, alinsunod sa idinidikta ng kanyang konsensiya.  Nguni’t
gaya noong binatang pilosopo na sinasabi ni Samaniego23 ay
nagtapos sa pagsingil nang malaki at tinaasan ang sinisingil sa
kanyang pagdalaw sa mga maysakit; dahil dito ay ipinalagay na
siya ay mabuting manggagamot at marahil ay yumaman sana siya

21
Isa sa personal na karanasan ni Jose Rizal ay nang siya ay nag-aaral
sa Unibersidad Central de Madrid ay nakatagpo niya ang dati niyang
propesor sa Medisina sa UST na ang pangalan ay Dr. Franco. Sa
panahon na si Rizal ay nag-aaral sa UST, ang nasabing propesor ay
walang ginawa kundi takutin ang kaniyang mga estudyante na
ibabagsak sa kaniyang itinuturong aralin. Laking pagtataka ni Rizal,
dahilan sa ang kaniyang propesor ay naging kamag-aral niya sa isang
aralin sa Medisina sa Unibersidad Central, at ang kaniyang dating
propesor na naging kamag-aral ay bumagsak sa aralin na kapwa nila
kinukuha.
22
Isang metal na kagamitan na ginagamit sa labas ng bahay kung saan
sinusunog ang karbon o uling para magamit sa paluluto o pampainit ng
mga tao sa panahon ng taglamig.
23

Samaniego – may-akda ng isang aklat ng pabula na nakasulat sa


Espanyol at ginagamit noon sa mga paaralan.

490
kundi nabalitaan ng protomedicato24 sa Maynila ang kanyang
malaking pagsingil at pakikiagaw sa panggagamot sa iba.
            Namagitan at ipinagtanggol siya ng ilang katao at mga
guro, “Kayo naman!” sabi nila sa naiinggit na si Dr. C., “bayaan na
ninyong kumita nang kaunti, at kumita iyan ng mga anim o pitong
libong piso ay makababalik na iyan sa kanyang bayan at
mamumuhay doon nang payapa.25  Ano na lamang ang mawawala
sa inyo?  Dahil sa inulol niya ang mga walang muwang na Indio? 
Sila ang mag-ingat.  Iyan ay isang kaawa-awa; huwag ninyong
alisan ng tinapay sa bibig; kahabagan ang kapwa Kastila!” 26
            Ang doktor ay may paglingap sa pagka-Kastila at pumayag
na sumang-ayon sa ganitong pananaw; ngunit ang balita ay
nakarating sa mga taong-bayan, ay unti-unting nawalan sa kanya
ng tiwala, at sa kaunting panahon lamang ay naubos na ang
nagpagamot kay Don Tiburcio Espadaña, at muli na namang halos
siya ay magpalimos ng kakainin para sa araw-araw.  Nang
panahong iyon nabalitaan mula sa isang kaibigan, na naging
matalik na kaibigan naman ni Donya Victorina, ang kagipitang
kinalalagyan ng babaeng ito, pati na ang kanyang pag-ibig sa
Espanya at kagandahang-puso ng babae.  Doon ay nakabakas si
Don Tiburcio ng munting bahagi ng langit at hiniling siya ay
ipakilala.
            Si Donya Victorina at si Don Tiburcio ay nagkita.  buto na
lamang ang natitira sa mga taong nahuhuli sa handaan ang
naibulalas niya marahil kung siya’y marunong ng Latin!  Ang
babae ay hindi na labis lamang sa pagkahinog, laos na; ang
kanyang makapal na buhok ay naging isang munting pusod na
lamang, na ayon sa sabi ng alilang babae ay kasinlaki ng isang ulo
ng bawang;27 ang mga mata niya’y nagdamdam na rin nang
malaki; kailangan niyang madalas na ipikit nang kaunti upang
24
Lupon ng mga manggagamot na nagtatakda ng alituntunin sa
paggagamot at sa pagsingil.
25

Pansinin na ipinagtatanggol ng mga Espanyol ang kanilang mga kapwa


Espanyol – ang katulad nito sa ating panahon ay ipinagtatanggol ng mga
kakampi sa pulitika ang pagkakasala ng kanilang mga kasama sa
partido.
26
Walang pagmamalasakit ang lupon ng mga manggagamot sa mga
Pilipino. Pinalusot ang katiwalian o iregularidad ni Tiburcio dahilan sa
ito ay Espanyol o kakampi nila. Nakakahabag ang mga walang muwang
na Pilipino na nagiging guinea pig ng mga walang pakundangang
manggagamot.

Nauubos ang buhok, ito ang dahilan kung bakit gumamit ng peluka na
27

pula ng kulay ng buhok.

491
makakita nang malayu-layo:  ang ugali na lamang niya ang
tanging nalalabi.
            Nang makaraan ang kalahating oras na pag-uusap ay
pakiramdaman sila at nagkamabutihan.  Ang gusto sana ng
babae ay isang Kastilang hindi pilay, hindi utal, hindi panot,
hindi pingot, hindi natalsik ang laway kung nagsasalita at 
mayroong ng kaunti pang isip at mataas na katungkulan, na
gaya nang sinasabi-sabi;28 ngunit ang mga Kastilang ganito ay
hindi nakitungo sa kanya kailanman upang hingin ang kanyang
kamay.  Hindi miminsan niyang nadinig ang sabing:  ang
pagkakataon ay panot kung ilarawan at inakala niyang buung-buo
na si Don Tiburcio ay siya nang tunay na pagkakataon sapagkat
dahil sa mga malulungkot na gabing dinanas ay nagtaglay na ng
maagang pagkapanot.29  Sinong babaeng may tatlumput dalawang
taon ang hindi maingat?
            Sa lugar naman ni Don Tiburcio ay nakaramdam ito ng
isang munting kalungkutan nang maisip ang kanilang
honeymoon. Ngumiti nang ngiting pagtitiis at inalaala ang
larawan ng gutom.30  Hindi siya nagtaglay ng malaking hangad na
magkasalapi at matangi:  ang kanyang mga hangarin ay maliliit,
ang kanyang isipan ay maikli, nguni’t ang kanyang puso, na hindi
pa nakakaramdam ng pag-ibig ay nangarap ng iba kaysa gayong
diwata.  Noong kanyang kabataan, kapag siya’y mahihigang pagod
sa isang masamang higaan, matapos makain ang munting
hapunan at upang maparaan ang pagkatunaw ng gazpacho ay
natutulog siyang binubuo sa isip ang isang nakangiti at mapang-
akit na larawan ng isang kadalagahan.  Makaraan ang panahong
iyon, nang ang mga sama ng loob at mga paghihirap ay
nadagdagan, ay dumaan ang mga taon at ang kagiliw-giliw na
larawan ay hindi dumating. Ang inisip na lamang niya’y isang
mabuting babaeng  masipag, masikhay sa buhay, na
makapagdadala sa kanya ng isang munting bigay-kaya, makaaaliw
sa kanyang kapagalan sa paggawa at aaway sa kanya maminsan-

28
Dito ay makikita ang istilo ni Rizal sa panunudyo – hindi niya
direktang sinabi kung ano ang hitsura ni Don Tiburcio, ngunit ipinakita
niya ito sa pagsasabi ng mga kapangitan na malayo sa tunay na gusto ni
Dna. Victorina.
29
Si Don Tiburcio ay panot at ito na ang pagkakataon ni Dna. Victorina.
30
Ano kaya ang hitsura ng isang babae na ang asawang lalaki ay
natatakot o nandidiri na makasama sa gabi ng honeymoon? Ito na ang
kasukdulan ng pagkutya ni Rizal sa pangit na anyo ng kaniyang tauhan
na si Dna. Victorina. Para kay Tiburcio, kung pangit si Dna. Victorina ay
higit na pangit kaharapin at makapiling ang gutom.

492
minsan; kung isip-isipin niya ang mga away ay waring isang
kaligayahan!  Datapwa’t nang mapilitan siyang magpalabuy-laboy
sa mga bayan-bayan, hindi na upang humanap ng isang
kayamanan kundi ng isang mabuti-buting kalagayan na lamang
upang maparaan ang kaunti niyang buhay na nalalabi; nang
magpangarap siya dahil sa mga salaysay ng kanyang mga
kababayang nanggagaling sa kabila ng dagat ay tumungo sa
Pilipinas at ang kanyang mga isipan ay natungo sa isang mistisang
makiyas, sa isang magandang India na may malalaki at maiitim na
mata, nababalot sa mga sutla at madadalang na kayo, puno ng
brilyante at ginto, naghahandog sa kanya ng pag-ibig, mga
sasakyan, atbp.  Dumating sa Pilipinas at inakalang mangyayari
na ang kanyang mga pangarap sa dahilang ang mga dalagang
nagtutungo sa Luneta at Malecon, na sakay ng mga sasakyang
pinilakan, ay tumingin sa kanya nang tinging may
pagsisiyasat.31  Subalit nang siya ay maalis sa tungkulin, ang
mistisa o India ay nawala, at kahit mahirap ay napilitan siyang
ibaba ang balak sa larawan ng isang balo, ngunit balong
makalulugod.  Kaya nang makitang bahagi lamang ng kanyang
pangarap ang naging totoo ay nalungkot siya, ngunit sa dahilang
mayroon siyang kaunting pagmumuni-muni, nasabi sa sa sarili
na:  “Iyon ay isang pangarap, at sa mundo ay hindi nabubuhay sa
pangangarap!”  Sa ganitong paraan niya nilulutas ang kanyang
mga pag-aalinlangan:  ang babae ay gumagamit ng polvos de arroz,
pwe! pag sila’y nakasal ay saka na niya ipaaalis:  totoo na
maraming kulubot ang mukha ng babae, nguni’t higit na
marami ang sira at sulsi ng kanyang amerikana;32 ang babae ay
isang matandang mapagmalaki, mapagmataas at dominante,
ngunit ang gutom ay lalong dominante, mapagmalaki at
mapagmataas, at saka ang isa pa ay ipinanganak naman siyang
may matamis na ugali.  At sino ang nakaaalam?  Nababago ng
pag-ibig ang mga ugali; napakasama magsalita ng Kastila, ngunit
maging siya man ay hindi rin tumpak alinsunod sa sabi ng pinuno
ng Kagawaran nang ipaalam sa kanya ang pagkakaalis niya sa
katungkulan, at saka ano ang kailangan kung ang babae ay
matanda, pangit at kakutya-kutya?  Siya naman ay pilay, walang
ngipin at panot!  Ibig pa ni Don Tiburcio na siya na ang mag-alaga
kaysa siya ay alagaan dahil sa sakit at gutom.  Kapag siya ay

31
Naismiran si Tiburcio ng mga babaeng Pilipina, kahit na siya ay
Espanyol – ipinakikita ni Rizal na ang mga babaeng Pilipina kahit na
noong kaniyang kapanahunan ay may mataas na panlasa.
32
Sa bandang huli ay naging praktikal si Don Tiburcio sa pagpili ng
babaeng magiging asawa.

493
minaliit ng isang kaibigan ay sumasagot na:  “Pagkalooban mo
ako ng tinapay at tawagin mo akong hangal.”33
            Sa karaniwang sabi, si Don Tiburcio ay isang taong hindi
nakagagawa ng masama kahit sa isang langaw; walang kakayahan
na magtago ng masamang kaisipan, hindi siya palalo, nagpari
sana siya kung noong unang panahon.34  Ang kanyang
pagkakalagi sa Pilipinas ay hindi nakapagbigay sa kanya ng
paniniwalang siya ay nakakahigit, mahalaga at may malaking
katangian, na sa iilang linggo lamang ay tinataglay na ng marami
sa kanyang mga kababayan.35  Ang kanyang puso ay hindi
nagtataglay kailanman ng pagkamuhi; hindi pa siya nakakatagpo
ng isang pilibustero; wala siyang nakikita kundi mga kaawa-awang
tao na kailangang alisan ng pag-aari kung hindi hangad ang
maging kaaawa-awa pa kaysa kanila. Nang binalak na siya ay
isakdal dahil sa pagkukunwaring manggagamot ay hindi sumama
ang kaniyang loob, hindi dumaing; kinikilala niya ang katwiran at
walang isinagot kundi: “Kailangang lamang na mabuhay!”36
            Nagkasalan nga sila o nagkasakalan, at nagtungo sila sa
Sta. Ana upang idaos ang honeymoon, ngunit nang kinagabihan ng
kasal ay nakaramdam si Donya Victorina ng matinding sakit sa
tiyan dahil sa empatso, at napasalamat sa Diyos si Don Tiburcio,
nagpakita ng pagiging masuyo at pagkamaingat.  Gayunman, nang
sumunod na gabi ay tumupad siya ng dapat gawin ng isang
mabuting lalake, at kinabukasan, nang siya ay manalamin, ay
malungkot na napangiti dahil sa pagkakamalas sa kanyang gilagid
na ulila:  nang gabing iyon ay hindi bababa sa sampung taon ang
kanyang itinanda.37
            Dahil sa nasiyahan si Donya Victorina sa kanyang
asawa ay ipinagpagawa ng pustiso, pinasukatan ng damit sa mga
33
Isang desperadong pananaw ng isang taong labis na naghihirap.
34
Ang lakas na mang-insulto ni Riza sa pamamagitan ng pagsasabi ng
mga katangian na iyon ni Don Tiburcio ay angkop para maging pari
noong unang panahon – nais na iparamdam ni Rizal na hindi na iyon
ang ugali ng mga pari sa kaniyang panahon.
35

Si Don Tiburcio ay hindi nahawa sa masamang ugali ng mga Espanyol


na naninirahan sa Pilipinas na nagiging labis na mayabang sa kanilang
kapanahunan, dahilan sa pagmamaliit sa mga Pilipino.
36
Ito rin ang linya o paliwanag na ginagamit na rasyonal ng mga
empleyado at pinuno ng pamahalaan na nagugumon sa katiwalian.
37
Naging isang malaking suliranin para kay Don Tiburcio ang kaniyang
gagawing pakikipag-honeymoon sa asawa. Gaano ba talaga kapangit si
Donya Victorina?

494
mahuhusay na mananahi sa siyudad; nagpabili mga arana at
kalesa, humingi sa Batangas at sa Albay ng pinakamatuling
kabayo at pinilit pang magkaroon ang lalake ng dalawang
kabayong patatakbuhin sa karera ng kabayo. 38 Samantalang
iniiba ang ayos ng kanyang asawa ay hindi naman nalimot ang
kaniyang katawan; pinalitan ng kagayakang taga-Europa ang
sayang sutla at barong pinya; pinalitan ang pusod-Pilipina ng mga
pelukang kulot-kulot at sa tulong ng kanyang mga kagayakang
hindi angkop sa kanyang katawan ay ginulo ang kapayapaan ng
mga tahimik at mapag-usisang mga kapit-bahay.39
            Kailanman ay hindi niya pinalalabas na naglalakad ang
asawa; ayaw ang babae na makita ng mga tao na ito ay pilay;
dinadala siyang mamasyal sa mga pook na walang mga
dumadaan, bagay na isinasama ng loob ng babae, na may
pagnanais na itanghal ang asawa sa mga dakong lalong maraming
tao, ngunit hindi umiimik dahil sa paglingap sa kanilang
honeymoon. Nagsimula ang pag-unti ng buwan, panahon na para
punahin ng lalake na ang pagamit ng pulbos sa mukha ay mali at
hindi siyang totoong kulay (masagwa); ikinunot ni Donya Victorina
ang kilay at tiningnan ang ngiping pustiso ng lalake.  Ito ay
huminto at nakilala ng babae at naunawaan ng lalaki ang
kaniyang kahinaan.40
Hindi naglaon at inakala ng babae na siya ay nagdadalang-
tao at ibinalita ang gayon sa lahat ng kanyang kaibigan. “Sa
buwang darating, ako at si de Espadaña ay magtutungo sa
Peñinsala:41 ayokong ipanganak dito ang aking anak at matawag
na rebolusyonaryo.”
            Nilagyan ng isang de ang apelyido ng kanyang asawa; ang
de ay hindi naman ginagastusan at nakapagbibigay-uri sa
pangalan.  Pag siya ay lumalagda ay inilalagay niyang:  Victorina
Aba nag-enjoy si Donya Victorina kay Don Tiburcio – mapapansin na si
38

Donya Victorina ay naging isang asucarera de mama.


39
Sa kapanahunan pa man ni Rizal ang pagbabago ng kaanyuan ng
isang babae ay nagiging dahilan ng mga usap-usapan at pagsisiyasat ng
mga kapit-bahay. Maging sa ating panahon, lalo na ang pagbabago ng
kaanyuan (at maging ng kasarian) sa pamamagitan ng medisina ay isa
pa ring dahilan ng usap-usapan at pagsisiyasat.
40

Sa pagkakataong ito ay ipinakita na ni Donya Victorina ang kaniyang


pagiging dominante. Isa sa mga katangian ni Donya Victorina ay ang
kaniyang kakayahan na dominahin ang isang Espanyol na nasa
kaniyang pangangalaga.
41

Tiwaling bigkas ng peninsula, na ang tinutukoy ay ang tangway ng


Iberia na kinaroroonan ng Espanya.

495
de los Reyes de de Espadaña; itong de de Espadaña ang kanyang
kinahuhumalingan; hindi naalis sa isip ang gayon ng kanyang
asawa ni ng litograpong gumawa ng kanyang mga calling card.
“Kung iisang de lamang ang ilalagay ko ay aakalaing walang de
ang iyong apelyido, hangal!” sabi sa kanyang asawa.
            Walang malimit na pinagsasabi kung hindi ang kanyang
paghahanda para sa isang paglalakbay, isinaulong lahat ang mga
bayang titigilan, kaya’t kalugud-lugod na siya ay pakinggan kung
nagsasalita:  “Titingnan ko ang ismo sa canal sa Suez;
inaakala ni De Espadaña na iyon ang pinakaminam sa
lahat, at nalibot na ni De Espadaña ang buong
mundo.  Marahil ay hindi na ako babalik sa bayang ito
ng mga salvaje.  Hindi ako ipinanganak upang mabuhay dito;
mabuti sa akin ang Aden o Port Said; mula pagkabata ay
inakala ko na ang gayon, atbp.”42 Binabahagi ni Donya Victorina
ang mundo alinsunod sa sarili niyang heograpiya, sa Pilipinas at
Espanya, kaiba ng mga chulo43 na binabahagi sa Espanya at
Amerika o sa tawag na Tsina.

PALIWANAG NA MAGBIBIGAY DAAN UPANG MALAMAN ANG TUNAY


42

NA ANYO NI DONYA VICTORINA:

mabuti sa akin ang Aden– mayroong dalawang ipinakikita dito si


Rizal.
Si Rizal sa kaniyang talaarawan ay sinabi na ang
“Aden ay isang pook ng mga bundok ng batong-buhay at hubad
sa anumang mga bagay na nabubuhay… Ni isang dahon o ugat man
lamang. Ang mga tao dito ay maiitim na parang uling… ang buhok ay
parang balahibo ng tupa; ang sa ilan ay may ay may kulay pula at may
isang anyong kakaiba. Sa unang pagkakita ay parang gumagamit ng
peluka:”

Una ang kahinaan ni Dna. Victorina sa larangan ng heograpiya,


SUBALIT ANG PINAKAMAHALAGA ay ang:
Pangalawang nais na ipakita ni Rizal ay ang tunay na kaanyuan ni
Dna. Victorina. Ito ang dahilan kung bakit sa Kabanata 3 ay naapakan
ni Tinyente Guevarra ang saya ni Donya Victorina habang tinitingnan
nito ang peluka ng babae.

Port Said – isang lugar sa Hilagang silangan ng Ehipto na siyang bukana


ng Suez Canal – Sa paglalakbay dito ni Rizal ay natagpuan na ang
mamamayan ng lugar na maitim ang kulay ay nagsasalita ng mga
dayuhang wika. –
Talagang bagay sa dalawang lugar na ito si Dna. Victorina.
43
Chulo – pangkat ng mga tao sa Madrid na tinitingnan ng mga
naninirahan sa lungsod bilang mga tao na na mga walang dangal,
manduduwit, hampas-lupa.

496
            Alam ng asawa na ang ilan sa mga bagay na ito ay
kababawan, ngunit hindi kumikibo upang di siya sigawan at
ipamukha sa kanya ang pagkautal.  Nagkunwaring naglilihi upang
maragdagan ang kanyang pangangarap na maging ina, at
nagsusuot ng mga makulay, puno ng mga bulaklak at mga ribbon
at naglakad na naka robe sa Escolta;44 ngunit ay! nakaraan ang
tatlong buwan at ang pangarap ay napawi, at sapagkat wala nang
dahilan upang katakutan ang pagkakaroon ng isang anak na
rebolusyonaryo, sa ganito ay hindi na itinuloy ang paglalakbay. 
Nahumaling sa pagtatanong sa mga manggagamot, hilot,
matatanda, atbp., ngunit walang nangyari; kahit sumama ang loob
ni Kapitan Tiyago ay biniru-biro niya si San Pascual Bailon,45
ayaw siyang lumapit sa kaninumang santo o santa 46 kaya nasabi
tuloy sa kanya ng isang kaibigan ng kanyang asawa, na:
“Maniwala kayo sa akin, kayo ang tanging espiritu fuerte,” sa
bayang ito na nakaiinip!”47 Ang babae ay ngumiti nang hindi
naiintindihan kung ano ang espiritu fuerte, at nang kinagabihan,
nang matutulog na, ay itinanong sa kanyang asawa.
            “Ineng,” ang sagot nito, “ang e…espiritu fuerte na
nakikilala ko ay ang amonya:  marahil ay binanggit iyon ng pa…
re…retorika.”

44

Isipin na si Dna. Victorina ay naka-robe sa Escolta. Gaano kaya


karaming pawis ang lumabas sa kaniyang katawan.
45

Sa kabanata 6 ay nagkaroon ako ng mapangahas na pagpapakahulugan


ukol kay San Pascual de Baylon bilang simbolismo ng mga prayle na
nakakabuntis ng mga babae sa Pilipinas. Sa bahaging ito ay
kinukumpirma ni Rizal sa pamamagitan ng paglalarawan niya sa
kaisipan ni Donya Victorina – na ang pagbanggit niya sa San Pascual de
Baylon ay isang anyo ng panunudyo sa mga dayuhang kaparian na
nakakabuntis ng mga babae sa Pilipinas.
46

Hindi siya lumalapit sa mga santa at lalo sa mga santo (mga prayle)
para magdalang-tao.
47

Maraming kahulugan sa Espanyol ang “espiritu fuerte”, ngunit ang


maaring pakahulugan ni Rizal ay pangahas o matapang, masigla.
Maaring si Dna. Victorina ay isang hangal sa kaniyang pagkukunwaring
Espanyola, ngunit ang kaniyang katangian ay makikita sa kaniyang mga
pangahas na pananalita laban sa panatisismo ng kaniyang panahon.
Hindi siya lumalapit sa mga santo/santa at binibiro-biro pa ang San
Pascual de Baylon.
Ang tunay na kahulugan ng espiritu fuerte sa nakakainip na bayan na
ito mula sa hanay ng pananalita ni Rizal ay isan babae na hindi kayang
tuksuhin ng mga inip (bored) na mga paring Espanyol.

497
            Mula noon ay sinasabi niya sa mga usapan, na: “Ako ang
tanging amonya sa nakaiinip na lupaing ito,48 kung paretorikang
salita, gayon ang sabi ni G.N. de N. taga-peninsula na may
malaking katangian.”
            Ang lahat nang masabi niya ay siyang gagawin;
nakapangingibabaw na buung-buo sa lalake na hindi naman
tumutol nang bahagya kaya naging parang munti at masunuring
aso sa kandungan ng babae.  Kapag nagagalit sa kanya ang babae
ay hindi siya pinapamasyal, at kapag totoong galit na galit ay
inaalisan siya ng ngipin at binabayaan siyang gayon ng isa, dalawa
o tatlong araw ayon sa laki ng galit. Naisipan ng babae na ang
asawa ay dapat maging doktor sa Medicina at Cirugia49 at
ipinahayag niya dito ang gayon.
           “Ineng!  Ibig mo bang ako ay mahuli?” ang tanong na may-
sindak.
           “Huwag kang hangal at bayaan mo, ako ang bahala!” ang
sagot, “hindi ka manggagamot, ngunit ibig kong tawagin kang
doktor at ako’y doktora!”50
           At nang kinabukasan ay tinanggap ni Rodoreda51 ang
pagawang ukit sa isang putol na maitim na marmol ang:  DR. DE
ESPADAÑA, ESPESYALISTA SA LAHAT NG URI NG
KARAMDAMAN. Kinakailangan na tawagin sila ng lahat ng alila sa
kanilang bagong katawagan, at dahil dito ay naragdagan ang dami
ng mga flequillos, ang pulbos sa mukha, ang mga sintas, at laso, at
higit na naragdagan ang pag-alipusta ni Donya Victorina sa mga
kahabag-habag at sawimpalad na kababayang babae, na ang mga
48

Isang pagpapatawa ni Rizal na ipinasabi niya kay Donya Victorina


upang itago ang tunay na kahulugan ng espiritu muerte.
49

Cirugia – ang ipinagawang pagyayabang ni Dna. Victorina para sa


kaniyang asawa ay labis na nakakatakot sa dahilang ang pagtitistis
(surgery) sa anumang bahagi ng panloob na katawan ng tao ay
ipinagkakatiwala lamang sa mga tunay at dalubhasang manggagamot.
Paano kung may mga mangmang na katutubo na maniwala – katulad ni
Kapitan Tiyago.
50

Mapapansin na ang vanity ni Dna. Victoria ay nagpapatuloy pa rin


ngayon sa mga taong kumukuha o pinipilit na magtapos ng doctoral
degree sa iba’t ibang larangan ng kaalaman na hindi abot sa
pamantayan ng kinakailangang kapantasan. Nagkaroon nga ng titulo
ngunit hubad naman sa kapantasan na dapat sanang kaagapay ng
karangalan.
51
Francisco de Rodoreda – isang mangangalakal na nagmamay-ari ng
Isang pagawaan ng ng mga kagamitang marmol. Matatagpuan ito noon
sa daang Carriedo sa distrito ng Santa Cruz, Maynila.

498
asawa ay may maliit lamang katangian kaysa kanyang asawa.  Sa
araw-araw ay inaakalang lalong higit ang kanyang pagiging dakila,
at sa ganito ay aakalain niya, pagkaraan ng taon, na siya ay buhat
sa langit.
            Sa kabila ng mga malaking kahibangang ito ay hindi
makapigil upang sa bawat araw na dumaan ay lalong maragdagan
ang kanyang katandaan at kakutya-kutyang ayos.  Kailanman at
magtatagpo sila ni Kapitan Tiyago at maaalaala nito ang pag-ibig
niyang walang napala ay nagpapadala ng piso sa simbahan upang
ipagmisa bilang pasasalamat.52  Subalit kahit man gayon ay
iginagalang na lubha ni Kapitan Tiyago ang asawa dahil sa
katangiang especialista sa lahat ng sakit, at taimtim niyang
pinakikinggan ang mangilan-ngilang salita na lumalabas sa bibig
dahil sa kautalan.  Dahil dito, at sa dahilang ang doktor na ito ay
hindi dumadalaw sa kahit sino, na gaya ng ibang manggagamot,
kung kaya siya ang pinili ni Kapitan Tiyago na gumamot sa
kanyang anak.
            Ang tungkol sa binatang si Linares ay iba naman.  Nang
binabalak ng mag-asawa ang magtungo sa Espanya ay inakala ni
Donya Victorina na iwan sa isang tagapangasiwang Kastila ang
kanyang mga pag-aari, dahil wala siyang tiwala sa mga Pilipino;
naalaala ng asawa ang isang pamangking nasa Madrid na nag-
aaral nang pagka-abugado at siya ang pinakamatalino sa kanilang
angkan; sinulatan, binayarang pauna ang magugugol sa
paglalakbay, at nang magwakas na ang pangarap ni Donya
Victorina na makapaglakbay ay nasa gitna na ng paglalayag
patungo sa Pilipinas ang binata. Ito ang tatlo taong bagong dating.
            Samantalang kumakain ng almusal ay dumating si Padri
Salvi at ipinakilala rito na kakabit ang lahat ng titulo ang
binatang Linares na namula.53 Gaya nang dapat mangyari ay
napag-usapan si Maria Clara; ang binibini ay nagpapahinga at
natutulog.  Napagkuwentuhan ang paglalakbay; Nagsimula si
Donya Victorina ang kanyang matalas na pananalita sa pagpintas
sa ugali ng mga taga-lalawigan, ang kanilang mga bahay na pawid,
ang mga tulay na kawayan, at hindi malimot ang pagsasabi sa
kura na siya ay kaibigan na ng Segundo Cabo,54 ng Alkalde, ng
52

Nagpamisa ng pasasalamat si Kapitan Tiyago para sa isang pag-ibig na


walang napala. Kung natauhan si Kapitan Tiyago na dapat niyang
ipagpasalamat sa Diyos ang isang pag-ibig na walang napala.
53
Ikaw man ang ipakilala na alam mo namang hindi totoo ang mga
ipinagpaparangalan sa iyo sa harapan ng isang mas nakakahigit sa iyo
ay tunay na nakapanliliit at makapagpapamula ng mukha (kung may
kahihiyan).
54

499
Oidor,55 ng Intendente,56 at iba pang mga taong may mataas na
katungkulan sa pamahalaan na nagbibigay ng pakundangan sa
kanya.
            “Kung naparito kayo nang mga dalawang araw ang
nakalipas, Donya Victorina,” sabi ni Kapitan Tiyago sa isang
munting pagkakatigil, “ay natagpuan sana ninyo ang Kapitan
Heneral:  diyan umupo.”
            “Ano?  Papaano?  Naparito ang Kapitan Heneral?  At sa
bahay ninyo?  Kasinungalingan!”
            “Sinasabi ko sa inyong diyan umupo!  Naparito sana
kayong mga dalawang araw muna…”
            “Ah!  Sayang at hindi napa-aga ang pagkakasakit ni
Clarita!”57 ang bulalas ng babae na taglay ang tunay na sakit ng
loob at hinarap si Linares.
            “Nadinig mo pinsan?  Nagparito ang Kapitan Heneral! 
Nakita mo na at  may katwiran si De Espadaña nang sabihin sa
inyong hindi bahay ng isang timawang Indio ang iyong
papanhikin?58  Sapagkat sukat ninyong maalaman Ginoong
Santiago na ang aming pinsang ito, sa Madrid, ay naging kaibigan
ng mga ministro at mga duke at madalas kumain sa bahay ng
Konde del Campanario.”
            “Duke dela Torre, Victorina,” pagtutuwid ng asawa.
            “Isa na rin iyon, kung ikaw pa ang magsasabi sa akin…!” 59

Ang segundo cabo ay pumapangalawa sa Kapitan Heneral at


gumaganap na pansamantalang kapalit ng KH sa pagkakataon na
mamatay, magkasakit, o biglang alisin sa tungkulin.
55
Oidor – hukom ng Audencial Real na siyang pinakamataas na
hukuman ng kolonyal na pamahalaan ng Espanya sa Pilipinas.
56
Intendente de Hacienda - Pinuno sa kagawaran ng pananalapi ng
kolonyal na pamahalaan ng Espanya sa Pilipinas.
57

Taklesa – walang pakundangan kung masasaktan ang kausap sa


binibitiwang mga salita.
58
Talagang si Maria Clara ang sadya ni Dna. Victorina para sa ireto sa
binata. Pansinin na si Don Tiburcio ang nagkukuwento kay Linares sa
positibong katangian ng dalaga. Talagang prospector si Don Tiburcio.
59
Makikita ang paglalaro ng mga salita, Konde del Campanario at Duke
de la Tore – Nais na sabihin ni Dna. Victorina ay “maski kampanario o
tore, magkapareho lang iyon.” Ang Duke de la Torre ay isang titulo para
sa grandee ng Espanya na may pribilehiyo na makausap ng personal ang
hari/reyna ng Espanya.

500
            “Matatagpuan ko po ba si Padre Damaso sa kanyang
bayan?” ang putol ni Linares na nagtanong kay Padre Salvi, “may
nagsabi sa aking malapit daw rito.”
            “Naririto ngayon at mayamaya nang kaunti ay paparito,”
ang sagot ng kura.
            “Mabuti kung gayon!  Mayroon akong dalang isang sulat
para sa kanya,” sabi ng binata, “at kung hindi dahil sa mapalad na
pagpunta ko dito, ay sadya ko siyang pupuntahan upang dalawin.”
            Samantala naman ay nagising ang mapalad na
pagkakataon.           
 “De Espadaña,” ang sabi ni Donya Victorina nang matapos
ang pagkain, “tingnan natin si Clarita,” at kay Kapitan Tiyago
naman ay, “Dahil lamang sa inyo!  Ang asawa ko’y hindi
gumagamot kundi sa matataas na tao lamang at hindi pa sa
lahat!  Ang asawa ko’y hindi kagaya ng mga tagarito… sa Madrid
ay wala siyang dinadalaw kundi mga taong may matataas na
katungkulan.”
            Nagsituloy sila sa silid na kinalalagyan ng maysakit.
            Ang pook na iyon ay madilim, nakasara ang mga bintana
dahil sa takot sa simoy ng hangin, at ang tanging ilaw na ay
nanggagaling sa dalawang kandilang nasa harap ng isang larawan
ng Birhen ng Antipolo. Ang binibini ay nakahiga sa kanyang
kamang kamagong na may mga tabing na husi at pinya, siya’y
may taling panyong basa ng cologne sa ulo, ang katawan ay
nababalot nang mapuputing kumot na nakatakip sa kanya.  Ang
kanyang buhok na nakabakod sa kanyang payat na mukha ay
nagpaparagdag pa sa pamumutlang binibigyang-buhay ng
dalawang malalaking mata na puno ng kapighatian.  Nasa
kanyang tabi ang dalawang kaibigan at si Andeng na may hawak
na isang kumpol na asusena.
            Pinulsuhan siya ni De Espadaña, siniyasat ang dila,
bumanggit ng ilang tanong sa maysakit at sabay sa mga pagiling-
iling ng ulo, ay sinabing: “Ma… may sakit, ngunit mapapagaling.”
            Mapagmalaking minalas ni Donya Victorina ang mga
kaharap.60
            “Liquen at gatas, jarabe de altea,61 dalawang pildoras na
cinoglosa,” ang utos ni De Espadaña.
            “Lakasan  mo ang iyong loob, Clarita,” ang sabi ni Donya
Victorina, “naparito kami upang gamutin ka… Ipakikilala kita sa
aming pinsan!”62
60
Nakapagmamalaki pa sa kakayahan ng asawa niya – na alam niyang
siya mismo ang humuwad.
61
Katas ng marshmallow – mula sa puno ng Athaea officinalis na ang
pinulbos na ugat kapag hinalo sa tubig ay kumakapal.
62

501
            Si Linares ay napatigil dahil sa pagtingin sa mga mata ng
dalaga na parang may hinahanap, kaya hindi nadinig ang
pagtawag sa kanya ni Donya Victorina. “Ginoong Linares,” upang
maalis ang pagkatunganga ng binata sa dalaga ay sinabi ni Padre
Salvi, “hayan at dumarating si Padre Damaso.” 63
            Si Padre Damaso nga ay dumarating, maputla at
malungkot; nang makabangon sa banig ay si Maria Clara ang
unang-una niyang dinalaw.  Hindi na siya ang dating Padre
Damaso na malaki ang katawan at masalita; ngayo’y tahimik na
lumalakad at may pagka-bantulot nang kaunti.

Tandaan na hindi talaga panggagamot ang dahilan ni Dna. Victorina


dahil alam naman niyang hindi tunay na manggagamot ang asawa niya –
ang tunay niyang balak ay ireto si Linares kay Maria Clara na itinapat sa
panahon ng pagkakasakit ng dalaga.
63
Nagsismula na ring pagselosan ni Padre Salvi ang pagtitig ni Linares
kay Maria Clara.

502

You might also like