You are on page 1of 67

KENDRA’S REDEEMER

(Draft)

Teaser:

"MY plan was to woo you. Hindi kita pinilit na halikan ako sa ilog—I coerced you.
Hindi ko rin balak na madaliin kang pakasal sa 'kin. I'm not cruel, I'm giving you
time to get used to me. At the risk of sounding pompous, sasabihin ko pa rin na
hindi ka madedehado kung ako ang mapapangasawa mo." Tuluyan na siya nitong
hinarap, saka humalukipkip na para bang ang laki-laki nitong mama, gusto nitong
protektahan ang sarili nito sa kanya. "May utak ka, alam mo kung anong
papasukin mo. Whichever angle you look at it, malaki ang pakinabang mo rito.
You'll just have to chose kung anong gusto mo—hard way or easy way."
Masama ang loob na nakipaglaban siya ng titig dito. "I already know the
hard way," sarkastiko niyang sambit. "At anong easy way?"
Nagkibit ito ng mga balikat. "We want each other. That's easier."
Namula ang kanyang mukha sa galit. Akala ba talaga nito, dahil isang
beses siyang nagpahalik rito, he could get away with anything. "Is that so? Let's
see. Pa'nong easy way ba ang gusto mo? Ganito ba?" In the blink of an eye,
nahubad niya ang pantaas niya. Sinimulan niyang ibaba ang zipper ng kanyang
jeans.
Nakatingin ito sa kanya, hindi kumikilos. Ibinaba niya ang jeans niya.
Hindi pa rin ito kumikibo. Sinimulan niyang kalasin ang strap ng bra niya.
Tumalikod ito.
"Harapin mo ako, damn it! You've paid a hundred million pesos for this.
Take it."
"I paid a hundred million pesos for a wife who will make me proud. Don't
degrade yourself like a common whore, Kendra. I will not stoop to taking you that
way."
KENDRA’S REDEEMER
(Draft)
NOELLE ARROYO

PROLOGUE
NOONG DEKADA NG 1970'S, ang daan-daang mga ektarya ng lupain sa gitna ng
mga bulubundukin sa isang liblib na parte ng Quezon ay binuksan ng mayamang
nagmamay-ari niyon sa ilang mga kaibigan ito para ipagbenta. He was leaving the
Philippines for good.
Isang kontratista na developer ng real estates ang nagsuhestyon na para
hindi masira ang lugar ng komersyalismo, ipagbenta nito ang mga lupain sa mga
kaibigan nitong handang maging mga hasyendero. The rich old man picked a
handful among his trusted friends, whom had picked acquaintances in turn to buy
a hundred hectares each for farmlands. Sa prosesong ito nagsimulang mabuo ang
tatlong mga villages na sa huli ay pinarehistro bilang New River Valley, Yellow Sun
Valley, at West Wind Valley ng naunang mga tumira rito.
More than thirty years later, dumami na rin kahit papaano ang mga
nakatira rito. The hacienda owners were protective of their lands here because
these farmlands became their relatives' havens when they needed to rest from their
business in Manila and abroad. Nagkaanak at nagkaapo ang naunang mga owners
hanggang sa ang mga apo na ngayon ang namamalakad sa mga hacienda.
And life moved on as it always did…

ONE
NAKATAYO SI KENDRA sa gilid ng bukas na tarangkahang bakal ng nag-iisang
kapilya nagseserbisyo sa New River Valley. Sa edad na disisiete, matangkad na
kaysa pangkaraniwan ang dalaga, bahagyang nakukuba ang likod nito sa
pagtatangkang itago ang maaga ring nagsimulang mamukol na hinaharap, payat
ito at mahahaba ang mga biyas. Ang kanyang natural na kulot na buhok na
hanggang halos beywang na ngayon ang haba ay nakasalapid. Sa suot na
bestidang puti at makintab pa kaninang itim na sapatos, mistula siyang isa sa mga
estudyante sa New Valley Catholic School na naatasang maging usherette sa isang
pormal na event na ginaganap sa auditorium.
Pero wala roon si Kendra para maging tagatanggap ng bisita. Hindi pa
bumubuka ang kanyang bibig dahil wala pa siyang kasama, natural wala pa siyang
kausap. Mabuti nga iyon, kahit papaano napapatagal ang mga sandaling mukha
siyang anghel na nag-anyong taga-lupa para imbitahan ang mga taong magsimba
ngayong Linggo. O kaya kahit man lang magmukhang kasing hinhin ni Zarah, ang
pinakamaganda at pinakamabining dalaga sa kanilang village.
Alam ni Kendra kung ano ang kanyang hitsura. Lahat ng nakakikilala sa
kanya ay nagsasabi na kamukha siya ng kanyang ina na namatay noong maliit pa
siya. It was only through her mother's memory that she was keeping her hair long
and not because her father would scream bloody murder if she ever dare cut it
short.
Ang problema, maliban sa pisikal na hitsura, wala na siyang nakikitang
pwedeng masabing nakuha niya sa litrato ng isang napakagandang babaeng
mistulang masuyong nakangiti sa lahat nang makakikita habang nakadungaw sa
frame sa tabi ng kanyang kama. Unfortunately, kilalang kilala din ni Kendra ang
ugali niya—she was anything but shy nor polite. Lalo namang hindi siya
malambing—kahit pa nasa paligid niya si Paul na kanyang all-time crush dito sa
New River Valley kung saan siya lumaki at kung saan, gaya ng kanilang mga
kapitbahay, ay nagmamay-ari ang kanyang ama ng ekta-ektaryang lupain.
At bahagyang kumunot ang noo ng dalaga habang naiisip kung paano kaya
niya magagawan nang paraan na makapagsabi ng isang bagay na
makapagpapaalala kay Paul na kung hindi niya ito pinakopya nang konti sa final
exam nila sa Physics, hindi sana nito mame-maintain ang top grades nito at
magkaka-honor noong graduation.
Bumuntunghininga nang pagkalalim-lalim ang dalaga habang bahagyang
naririnig ang mahinang drone ng sermon ng pari sa ikalawang misa na ngayong
nagaganap sa loob ng kapilya. She was there the first mass, pero dahil wala pa ang
kanyang hinihintay hindi pa siya makapasok. Hanggang third mass sa kapilya sa
umaga tuwing araw ng Linggo at wala na sa hapon maliban kung may espesyal na
okasyon o kaya ay kapag may simbang gabi sa Kapaskuhan. Nagsisimba si Paul
tuwing Linggo at dahil wala ito kaninang first at ngayong second mass, siguradong
sa ikatlong misa na ito dadalo.
At matatapos na ang second mass pagkatapos nang… sinulyapan niya ang
kanyang relos sa bisig—puti rin ang strap at isa sa mga padala ng kanyang Tita
Florence na kapatid ng kanyang Mama mula London—may kinse minutos pa.
Konti na lang pala ang ipaghihintay niya.
Nadagdagan ang lakas ng dalaga. Sumigla siya at sandaling nakalimutan
ang ngalay sa mga binti niya. Dios ko, nakapaghintay nga siya ng halos dalawang
oras, kinse minutos pa ba naman ang hindi niya mahihintay? Muntik na nga
siyang maglakad patungo rito sa kapilya kanina, isinabay lang siya ni Nyorita
Luningning, ang pinakamalapit nilang kapitbahay na isang eccentric na matanda,
patungo rito noong makita siya. Hindi kasi sumisimba ang kanyang ama, sabi ng
mga katulong nagsimula raw mula noong mamatay ang Mama niya. Siguro
hinihintay na mabuhay muli ang asawa bago magpakitang muli sa simbahan,
walang damdamin niyang naisip.
Maybe he would go to mass again when I get married to Paul, medyo
pagpapaluwag niya sa kanyang Papa, sabay na nangangarap na naman nang
gising. Alangan naman. Sinong maghahatid sa kanya sa altar, 'di ba?
Mayamaya lamang, natapos ang sermon ng pari. Halos maningkit ang mga
mata ng dalaga sa pagtanaw sa mahabang stretch ng daan para makita kung iyong
paparating na sasakyan ay ang jeep na nina Paul. Nakalapit na ang sasakyan at
nakita niyang hindi ito ang jeep nina Paul. Namatay ang nangangarap na tingin sa
mukha niya habang nagbabalik ang pagkadismaya. Sa totoo lang, kung sakaling
wala nang kintab sa mukha niya, kasi kanina pa napatungan ng gabok ang
pulbong natunaw na sa kanyang balat. At nagsisimula na ring mangutim ang
kanyang costume—what she called her Sunday's Best dress—gaya ng mga estatwa
sa harapan ng chapel.
Pero kung suswertehin siya, baka magkadaop pa ang kanilang mga titig
mamaya sa peace be with you, humahagikhik sa sarili niyang sambit. Sulit ang
mga hirap niya.
"Anong nakakatawa, Iha?"
Napapitlag si Kendra nang marinig ang tinig na halos malapit lang sa
kanyang teynga. Doble asulto kasi kahit sa malayo nakakagitla naman talaga ang
bahaw at basag na tinig ni Nyorita Luningning na hindi niya alam bakit bahaw,
gayong kapag tumatawa naman sobrang high pitch nabubulabog tuloy ang mga
ibon sa mga pobreng punong minalas na natanim malapit sa kung saan nito
napiling tumawa.
Bumaling siya rito. "Wala ho, Ms. Inovicento. May naalala lang ho ako." Si
Nyorita Luningning ay Ms. Inovicento sa lahat—maging sa kanya. Nickname lang
niya iyong NL para rito sa utak niya kasi bagay na bagay. Senyorang bata—
therefore Nyorita. Batang isip. Matandang wirdu, kakatwa, nakakatuwa, therefore
Luningning. Pero Lucrita Inovicento ang tunay nitong pangalan. At Lola Ning-Ning
ang tawag rito ng mga apo nito sa mga kapatid na paminsan-minsan ay
nagbabakasyon sa malaki nitong bahay na tinulad sa isang lumang Spanish house
noong eighteenth century malapit sa kanilang bahay na… well, bahay ng kanyang
tatay.
"Si Paul na naman, ano?"
Nagiging intrimidida na naman ang matanda gaya nang dati. Kaya naman
maraming inis rito, business nitong pakialam ang lahat. Kung bakit naman kahit
kasama siya sa mga gusto nitong pakialaman, hindi siya mainis-inis dito. Siguro
dahil numero uno rin silang pakialamera.
"Hindi ho. Hinihintay ko lang ho sina Angelina. Sabi kasi nila magkita
kami rito pagkatapos ng second mass dahil isosoli nila sa 'kin 'yung hiniram niyang
libro ko."
"Hus! Hindi makakikilala ng Angelinang iyon ng libro kahit makasalubong
pa niya ang isa nang naglalakad." Hindi naman iyon totoo, ibig lang nitong sabihin
pagdating sa pag-aaral alam nitong walang sinasayang na cells ng utak ang
kababata niyang iyon. Meaning, alam nitong wala siyang pinahiram na libro kay
Angelina, at bistado nitong nagsisinungaling siya. "Kung si Zarah naman ang
idadahilan mo, kanina pang nakasimba, sa una pang misa," anito habang
lumalampas sa kanya. "At kung hindi ako nagkakamali si Paul iyong katabi niya."
"Ho?!" Napasunod siya rito. Kwidaw, kelan ba nagkamali ang matandang
ito? May mga mata itong may-sa uwak at iyong hindi nito maaninag nahuhulaan
nito kung sino nang walang kapalya-palya. "Si Paul, nakita n'yo kanina sa loob ng
simbahan? Bakit hindi n'yo naman sinabi? Nauna ba s'ya sa 'tin? Kung nahuli
bakit hindi ko nakita? S'an s'ya nagdaan?"
May nakaaalam na ngiti sa mga labi nito habang patuloy ang paglakad
malapit sa ancient nitong Mercedes Benz, iyong klase na nakikita sa commercial ng
gatas noong 1970's na ipinarada ng driver nito malapit sa nag-iisang pharmacy sa
New River Valley na sa kabila ng pagiging nasa gilid ng isang magabok na daan ay
malaki naman at kumpleto sa lahat ng maaaring kailanganin ng katabi niyong
maliit na pribadong ospital.
"Aba'y kung hindi ako nagkakamali, sabi mo kanina kaya hindi ka sasabay
sa 'kin sa loob, hihintayin mo ang bestfriend mong si Carmina. Sabi ng Mommy
niya, hindi daw sisimba ang bestfriend mo, alam mo naman raw na nasa Maynila
noong isang araw pa at nagbabakasyon sa mga Lola niya." Pinsan ni Carmina ang
kilalang malalaking mga pamilya ng negosyanteng mga Bustamante sa Maynila.
Tito at tita nito ang mga nagmamay-ari ng isa sa pinaka-lucrative na TV Channel
sa Pilipinas. "Akala ko tuloy nagsimba ka na at sa likuran ka na lang tumayo dahil
sikip na. Ibig mo bang sabihin—"
"N-Nagsimba ako. Pasilip-silip lang," nagmamaktol niyang sabi,
nararamdaman na ang nakapanlalambot na epekto ng matinding disappointment
dahil ang tagal niyang naghintay tapos nakatakas sa kanya si Paul. "S'an s'ya
nagdaan, Nyorita—Ms. Inovicento?"
"Sa gilid ng kapilya. Doon din siya lumabas kanina. Pa'no?" Bumaling ito
sa kanya nong katabi na ang pinto ng Mercedes na binuksan ng driver nito para
rito. "Sasabay ka na naman siguro sa 'kin? Mainit na sa pwesto mo, masusunog
ka, mangingitim—papangit ka."
Nakasimangot siya. "Ano pa nga ho bang magagawa ko? Paulit-ulit lang
ang sermon ng pari, nakuha ko na ang gist."
Hindi niya alam kung natatawa si Nyorita Luningning noong pumihit ito
palayo sa kanya para sumakay ng backseat. "Pagpagan mo muna 'yang damit mo
bago ka pumasok. Hihikain ako sa 'yong bata ka. Lahat ng ngalay na ito para sa
iisang lalaki? Haay…" Ang haba ng buntunghininga ito. "Sinabi ko na sa 'yo noon,
kung gusto mong magustuhan ka ng lalaki, pahabulin mo."
Naiinis na pinagpag niya ang damit niya sa labas ng kotse bago siya
pumasok. Ang matandang ito, kanina pa siguro siya sinisilip sa pwesto niya sa
gate. Ni hindi niya ito napaniwala na sumisilip siya sa misa sa loob.
"Pahahabulin?" maktol niya habang isinasara ang pinto. "Dalawang beses niya
akong hinabol, noong taya siya sa Taya-Tayaan namin noong grade six kami at
noong pinakalat kong may buni siya sa puwet noong second year kami para
mabatukan niya ako sa sobrang galit," sarkastika niyang sambit. "Gan'on bang
habol ang ibig n'yang sabihin?"
Tanging pagrespeto lang ang dahilan kung bakit hindi talaga niya tinakpan
ang kanyang teynga noong tumawa ito nang malakas. Mabuti pa ang driver,
nagkunwang may naiwan sa labas ng sasakyan at lumabas agad kaya nakaligtas
mabingi. May naririnig siyang ringing sa loob ng mga teynga niya pagkatapos
nitong tumawa, lalo na sa kanan, iyong katabi nito.
"Tomas, tayo na, nagugutom na ako!" utos ng matanda sa driver nito
matapos tumawa kaya naalala ng driver na wala nga pala itong nakalimutan at
sumakay na muli sa likod ng manibela. "Pasalamat ka't nagrosaryo pa ako kaya
may maaangkasan ka na muli pauwi."
"Salamat kay Aba Ginoong Maria," nasambit niya, kahit alam naman niyang
nakipagtsismisan lang ito sa ibang mga debotong manang sa simbahan sa ilalim ng
mga puno ng acacia sa likod ng kapilya habang minamatyagan siya—at lahat ng
mamamatyagan sa paligid. "Sa tingin n'yo, mapapansin ako ni Pau—er, ng lalaking
gusto ko kapag nagrosaryo ako?" tanong niya rito. Pareho ng Nyora Luningning na
alam niyang bistado na nitong nickname niya para rito dahil ilang beses na siyang
nadulas, alam niyang bistado na rin nitong si Paul at wala nang iba ang lalaking
gusto niya. Hindi nga lang sila nag-aaminan kahit alam na ng buong village ang
kanyang "sikreto" habang ang sikreto niyang nickname para rito ay alam na nito,
so kung tutuusin ay parang alam na rin ng buong village.
"Ni wala kang pasensyang magbilang ng isa hanggang isang daan kung
hindi ka babayaran, rosaryo pa kaya ang mapagtiyagaan mo?" tanong nito.
Hindi na siya nakipag-argumento dahil hindi naman siya magpapabayad sa
kahit kanino para magdasal ng rosaryo. Hiya na lang niya kay Mama Mary, 'no?

SA KABILA ng kanyang panlulumo, nagawa pa rin nilang makipagkwentuhan ni


Nyorita Luningning sa byahe pauwi. Kilala ang dila niya sa pagkakaroon ng
sariling utak at damdamin hiwalay sa kanyang katawan. Soon, she was busy
telling her about her latest letter from her aunt, si Tita Florence na nga na nag-
iisang kapatid ng kanyang Mama, habang ang puso niya ay bahagya pang
bumabawi sa pangungulila kay Paul sa kapilya.
Ilang buwan na lang at magka-college na sila. Gusto sana niyang ipakita sa
lalaki na handa na siyang magdalaga—na pwede na siyang ligawan. Kaya nga
nagpakahirap siyang magbestida, puti pa kung saan hindi siya makakakilos kasi
kapag nagdumi, kitang kita.
Naalala niya ang kanyang kakumpetensya sa puso ng kanyang iniirog—si
Zarah San Marquez. Gaya ng kanyang ama, may sarili ring sakahan na pinaa-
aryendo ang mga magulang nito at may malaking lupain din na may hayupan.
May mga kamag-anak ang mga itong dating mayayaman. Pero masmayaman na
yata ang pamilya nito ngayon kaysa sa mga kamag-anak na iyon dahil sa mga
lupain ng mga ito rito sa New River Valley.
Ang kaibahan nga lamang, walang ibang investments ito na gaya ng
kanyang ama sa pinakamalapit na malaking bayan ng Cumunal (na higit
isandaang kilometros ang layo dito sa kanilang village) at sa Maynila, dahilan kung
bakit kapag umaalis ang kanyang ama ay maghapong wala at kapag lumuluwas sa
Maynila ay lingguhan bago ito bumalik.
Ibig sabihin, kaibahan sa kanya na wala na ngang ina at lagi pang absent
ang ama, halos walang nagpalaki sa kanya. May mga katulong, pero sobrang tigas
ng ulo ni Kendra para makontrol nang kahit sino sa mga ito—bukod pa sa
kasabwat niya ang mga ito sa kanyang mga laro.
There was this old lady beside her, whom she could not exactly call a lady
but was the smartest old person she has ever met. At sa totoo lang, hindi insulto
sa kanya na lagi itong natatawa sa kanyang mga kapilyahan. Hindi lang ilang
beses niyang pinakinabangan ang pagkagiliw nito sa kanya. May iba pang mas
pangit na salita kaysa pagkagiliw, hindi pa niya maisip sa kasalukuyan kung ano.
Basta walang mag-iisip na magiliw si Nyorita Luningning bukod sa kanya na isa pa
ring hindi masasabing magiliw, nagpipilit lang kanina sa kapilya. Na-stood up pa.
"So bibisitahin ka ng Tita at Tito mo?"
"Oho daw," maagap niyang sagot na parang wala siyang ibang iniinda. Saka
niya nakagat ang ibabang labi habang napapatanaw sa labas ng bintana at tuyong
mga damo sa gilid ng daan.
Ni hindi niya namalayang natahimik pala siya pwera noong istorbohin ang
katahimikan ng bahaw nitong tinig. "Natatakot ka?"
Napabaling siya rito. "Ako? Takot. Hindi, ah!"
Napapailing ito, base sa ismid ng mapulang mga labi sa malinyang mukha
ay hindi naniniwala. "Natatakot ka na baka hindi niya magustuhan ang batang
daratnan niya."
Napalunok siya. "Hindi na ako bata, malaki na ako. Isa pa, bakit naman
ako matatakot? Eh ano naman kung hindi niya ako gusto?"
"Mabait siyang tao, gaya ng iyong ina. Mabuti na lang at hindi siya kamag-
anak ng iyong ama—siya na ang pinakainsensitibong taong nakilala ko sa buong
mundo."
Nagbuntunghininga siya at hindi umayon o tumanggi ni hindi kinwestyon
kung nakapaglibot na nga ito sa buong mundo. Sa yaman ng pamilya ni Nyorita,
hindi iyon imposible. Alam naman ng lahat na nagpapakaermitanya lamang ito rito
pero ang mga kamag-anak nito, kilalang mga milyonaryo at bilyonaryo sa Maynila
at sa Cebu. Iyon ngang mga apong dumadalaw rito dito sa village, minsan nakikita
ng mga kababata niya ang mga mukha sa mga glossy magazines na
pinasasalubong sa mga ito ng mga ina mula sa mga byahe.
Hindi rin niya kayang makipag-argumento kapag ang topic ay tungkol sa
kanyang ama. Sa isip lang niya kayang paglaruan ang kanyang ama, hindi niya ito
kayang pulaan sa ibang tao. Anuman ang mangyari, ama niya ito at mahal niya
ito, isa man siyang disappointment para rito.
Malapit na sila, nilalampasan na nila ang malaking bahay ng matanda na
maunang madaraanan, at lihim siyang nagpasalamat. Parang bigla siyang
napagod. Hindi pisikal na pagod, mahirap ipaliwanag. Pakiramdam niya, pagod
maging ang kanyang kaluluwa.
Natatanaw na ang bahay nila nang marinig niya ang marahang pagsasalita
ni Nyorita Luningning, na kakatwang hindi masakit sa teynga sa kabila ng pangit
nitong tinig.
"You are more like your mother than you know, Iha. The greatest tragedy
was that noone is there to remind you of it while you grow up," anito sa malungkot
na tinig. "H'wag kang matakot sa pagdating ng tiyahin mo, perhaps, she will be the
one. Siya ang magpaparamdam sa 'yo nang hindi kayang iparamdam sa 'yo ng
ama mo dahil hanggang ngayon, hindi pa rin niya matanggap na wala na ang
kanyang asawa."
Napatunganga siya rito. Pero bago niya maitanong ang halos isandaang
tanong na naglalaro sa kanyang utak, narinig niya ang sigaw ng kanyang ama
mula sa pinto ng bahay. Nang lumingos siya, humahangos si Brenda sa
pagsalubong sa sasakyan, may sigla at tuwa sa mukha,
Nang tumigil ang sasakyan, nalaman niya kung bakit.
"Nasa Maynila na ang iyong tiya at tiyo! Bilisan mo, bumaba ka na d’yan at
maghanda. Darating sila mamayang gabi rito. Magandang tanghali ho, Miss
Inovicento."
At sa unang pagkakataon, pwera noong sandali bago siya nahulog sa puno
ng mangga noong isang taon, ay nakadama ng takot si Kendra.
Masasaktan na naman ba siya sa isang pagkakasalang alam niyang hindi
niya sinasadya?

TWO
LAGING SINASABI NI KENDRA sa kanyang sarili, mabuti pang kasalanang sinadya
niyang ginawa ang maging dahilan ng pantal sa kanyang puwet, kaysa isang
kasalanan na magpaparusa sa kanya gayong wala naman siyang alam tungkol
doon. Magaling siyang umakyat sa puno. Noong maliliit pa sila ng kanyang mga
kalaro, mahilig magkunwaring prinsesa ang mga ito, habang siya ay ginagaya ang
mga unggoy sa taas ng puno ng mangga, namamato ng buko sa sinumang pobreng
aanga-anga sa baba. Kaya kahit noong nasa ospital na siya at sini-set ang balikat
niya, hindi pa rin niya matanggap na nahulog siya. Paano iyon nangyari?
Kaibigan niya ang mga puno,'di ba?
Pero may ibang mga sakit na hindi nararamdaman sa balat o sa buto, kundi
nararamdaman sa puso.
As long as she could remember, her father has avoided looking at her. Oh,
he looked at her alright. Hindi ito bulag, at eksperto siya sa paggawa nang kahit
na anong gulo na makasisigurong magtututok ng mga mata nito sa kanya sa ayaw
nito at sa gusto. But a father's look? No way. Lalo na nitong nagdadalaga na siya.
Alam niyang lalo niyang nakakamukha ang kanyang ina, palatandaan ang laging
paglatay ng sakit sa mukha nito tuwing mapapatingin nang matagal sa kanya nang
hindi sinasadya kaya minsan, tinanong niya kung meron itong ulcer kahit alam
niyang wala. She would probably give it to him one day, kung hindi mauuna ang
alta-presyon o kaya sakit sa puso.
Alam niyang sa mga mata ng kanyang ama, isa siyang nakakabahala at
nakakahinayang na caricature ng Mama niya. Hindi niya alam kung saan nakuha
ni Nyorita Luningning ang sinabi nito sa kotse kanina, malamang na inimbento
lamang para mabawasan ang takot niya sa pagdating ng nakababatang kapatid ng
ina niya na huling dumalaw noong bata pa siya.
She could remember Tita Florence, kahit itinatanggi niya sa mga
nagtatanong kasi kapag i-d-in-escribe niya ito, mapapahiya siya kasi mapapansin
na naman ang laki ng pagkakaiba niya sa mga kamag-anak ng Mama niya. In fact,
malinaw nga niya itong naaalala kasi ito ang klase ng tao na hindi mo basta
makakalimutan. Her aunt has the face of an angel, the laughter of a querubin, the
disposition of a saint and the soft voice of a harp.
In short, hindi niya alam kung paano niya ito naging kadugo.
Sinipa ni Kendra ang batong nasa kanyang daraanan, pagkatapos ay ang
sirang mangga na nasa daraanan din niya. May tumalsik mula roon at tumama sa
mukha niya. Ni hindi siya makaangal sa sakit habang nakatakip ang kanyang mga
palad sa pareho niyang mga mata na napuwing sa spoiled na juice ng bulok na
prutas. Sa halip ay natawa pa siyang parang baliw habang pabagsak na nauupo
sa damuhan.
Something like this always happens to her, all the time. Hindi na siya dapat
nagugulat pa. Mabuti na nga lang at hindi tae ng kalabaw ang nasipa niya nang
hindi nag-iisip—na nangyari na rin sa kanya. Iyon kamong hindi pa natutuyo ng
araw. Kung tutuusin mas mabango pa roon ang amoy ng bulok na mangga, but it
was how she often felt like smelling everytime her father would avoid even being
near her.
Imagine na lang kung ngayon na dumating ang kanyang tita at makita siya
sa ganitong hitsura, nanlilimahid sa walang sigla niyang pahiga-higa sa damuhan
at mabaho, kasing baho ng isang batang tatlong araw nang hindi naliligo?
Maniniwala kaya ito na siya ang pamangkin nito sa nag-iisa nitong kapatid na ayon
sa mga bibig at sa mga lumang litrato ay kasing hinhin at kasing bango rin nito,
kasingganda ng isang diyosa?
Nagbuntunghininga siya habang tuluyan nang humihiga sa damuhan.
Nasa likod na property lang siya ng bahay nila, sa manggahan, sapat ang layo para
pwede siyang magkunwaring hindi nakaririnig kapag may tumawag sa kanya, at
sapat ang lapit para makauwi na siya kapag gusto na niyang umuwi—preferably
kapag malapit nang pumutok ang mga litid ng ama niya sa leeg sakatatawag sa
kanya.
Maraming iniutos sa kanya ang kanyang ama pagdating niya kanina,
habang kumakain sila ng tanghalian, habang nagtu-toothbrush siya ng ngipin, at
habang nakakamot siya sa kanyang kili-kili, na kinuha nitong mensahe na
nabibingi na siya. Marami pero pwedeng sumahin sa iisang salita—behave.
"Magpakita ka ng respeto. Matuto kang magmano at matuto kang ngumiti.
Suklayin mo ang buhok mo, maligo ka, maghilod…" etcetera.. etcetera… hohum…
"nakakahiya sa tiya mo kapag nakita kang ganyan ang hitsura. Baka hindi ka niya
kilalanin!"
Hindi niya alam kung iyong huli nitong sinabi ang dahilan kung bakit noong
pinayagan siya nitong umalis sa harapan nito, nagmano siya rito, saka siya
nagmano sa lahat ng taong may kamay na madaraanan niya habang galit na galit
itong nanonood hanggang sa makarating siya sa kanyang kwarto, kung saan
yumukod muna siya sa tiis na di matawang mga katulong bago siya paurong na
pumasok sa pintuan, bago isinara ang pinto sa gumagana na namang speakers ng
kanyang Papa.
Pero hindi siya natatawa noong nasa loob na siya.
Pagkabihis na pagkabihis niya ng pinakaluma niyang damit ay agad siyang
tumakas patalon sa bintana.
The truth was, kung hindi siya kikilalanin ng Tiyahin niya, hindi niya ito
talaga masisisi. Kaya bakit pa siya magpapakahirap mag-ayos? Bibisita lang
naman ito, imposibleng magtagal. They would be gone and the absolute mistake
she could ever do was to like her, the way she was trying not to like her friendly,
loving letters even when she barely answered them and when she ever did, she
made sure it sounded obligated. Kapag ginawa niya iyon, mas masakit kapag
umalis ito at hindi na babalik kailanman dahil sa sobrang pagkadismaya sa kanya.
Namalayan na lamang niya na hindi na dahil lang sa masakit na silam ng
juice ng mangga sa kanyang mga mata kaya siya naiiyak. Kasi, bakit may kasama
nang hagulhol? Dumapa si Kendra sa damuhan at ipinatong ang kanyang noo sa
magkapatong niyang mga bisig, at noon na siya tuluyang sumuko sa nakakahiyang
mga damdamin na pawang dala-dala niya at kimkim sa kanyang malapit nang
sumabog na dibdib.

NAGLALAKAD SI Jake sa may kakahuyan sa likod ng property ng kanyang Lola


Ning-Ning para magpahangin at mag-isip. Natutulog ang kanyang abwela sa
kasalukuyan, at alam niyang pagod na nga itong dumating ay napagod pa sa
sobrang tuwa nang madatnan siya sa bahay.
He was not in the least bit tired. Gaya ng dati, lalo siyang nare-revive kapag
nakikipagtagisan sa matalas pang utak ng pinakapaborito niyang abwela at sa
maaliwalas na hangin dito sa probinsya na nalalanghap niya. He decided to take a
walk before attempting to take a siesta.
Dahil sa lalim ng kanyang iniisip ay ni hindi na niya namalayan kung
nasaan na siya. He could not be far, though. Kanina, matatandang mga puno ang
nilalakaran niya pero manggahan itong napasok niya. Pabalik na siya nang parang
may narinig siya. Natigil siya sa paglakad, pinakikinggan ang paligid sa ingay na
narinig niya kanina.
At narinig niya iyong muli.
Was that a cry, or a hideous kind of laugh that he has not heard of before?
Hindi siya makasiguro. Bumaling siya sa direksyon kung saan niya iyon narinig
pero maliban sa sipol ng mga ibon at mga dahong nagkakaskasan ay tahimik na
muli ang paligid. He was about to start walking again when he heard it again.
It was a definite cry. Parang sa bata, hindi siya makasiguro. Namalayan na
lamang ni Jake na mabilis niyang nilalakad ang direksyon kung saan niya narinig
na nanggagaling ang pag-iyak. Sigurado na siyang iyak iyon, the crying of a
female. At wala siyang maisip na dahilan kung bakit iiyak ang isang babae sa
ganito kapayapang lugar.
He was thinking about crime already when he finally saw her. Dahil sa
sobra nitong pagka-absorb sa nangyayari rito, ni hindi nito namamalayan na may
kasama na ito. He recognized her instantly. Ito iyong babaeng taga-kabila. Or siya
na ba ang nakatapak na ngayon sa kabilang sinasabi niya, hindi pa lang niya
alam?
Ibig sabihin, ito iyong teenager na kinatutuwaan ng lola niya, the one she
wouldn’t stop talking about, iyong anak nang pinakamalapit nitong kapitbahay. He
would not mistake that hair, nakasalapid lang pero napakahaba at may highlights
na kulay brown at kulay mais. Nagpadala na kasi sa kanya ang lola niya ng
picture na katabi nito ang batang ito.
Ano kayang pwedeng magyari rito para umiyak ito na parang binibiyak na
ang puso sa sakit? Grabe.
Hindi alam ni Jake kung maaawa siya o matutuwa sa drama. He ended up
doing both. Nagdaan din siya sa pagiging teenager at alam niya kung gaano ma-
magnify ang isang maliit na problema into a huge ball of unexpressed feelings, at
kung gaano kahirap dalhin iyon.
Mukhang iyon ang nangyayari sa batang ito ngayon.
What did she do this time? Napahakbang siya palapit nang maalala ang
kahuli-hulihang aksidente na ikinwento sa kanya ng kanyang lola. Hindi na ba ito
nadala? Nahulog na naman ba ito sa puno?
Noon parang biglang naalerto ang babae sa presensya niya. Napabalikwas
ito mula sa pagkakadapa at mabilis na naupo,nakapikit pero alerto ang ekspresyon
sa marungis na mukha. Iyon ang nagsabi sa kanya na hindi ito nahulog mula sa
kung saan at wala itong anumang bali sa katawan. Ang problema, it appeared for
a moment that she was having difficulty opening her eyes. At nakikita niya ang
takot sa mukha nito habang pinakikiramdaman ang paligid nito.
"S-Sino ka?"
He was beginning to think that he would be encountering a problem. Ano
nga bang sinabi ni Lola Ning-Ning?
"Her aim's dead accurate. Naalala mo 'yung sulat ko na sinabi kong may
nangungupit ng dollars dito sa bahay? Nahuli na ng mga katulong, hus, nakatakbo
pa! Ang layo-layo na, binato ni Kendra ng holen, tinamaan sa likod. Aringking sa
sakit. Makakamatay ang kanan ng batang 'yan!"
Sa kasalukuyan, hawak nito ng kanang kamay ang isang bato na nakapa
nito sa tabi nito—batong hamak na mas malaki kaysa holen. Alam niyang kapag
narinig nito ang boses niya—na hindi naman nito kilala—babatuhin siya nito. And
there would definitely be a crime.
Iyon nga lang, siya ang maisusugod sa ospital kapag nagkataon!

KABANG-KABA SI Kendra. Agad niyang nakalimutan ang lahat ng angst niya sa


buhay nang mahuli ng teynga niya ang lagitik ng nayapakang tuyong sanga sa
sahig ng kakahuyan. Lintek, sa dami naman ng pagkakataon na mabubulag siya,
bakit ngayon pa? Sinong nasa malapit sa kanya? Alam niyang hindi iyon hayop,
lahat ng hayop dito sa village domesticated. Wala pa siyang narinig sa buo niyang
buhay na taong sinugod o nasaktan dahil sa isang ligaw na hayop. Ahas pa siguro,
pero hindi gagawa ng ganoong ingay ang isang ahas.
Bakit ayaw nitong magsalita agad?
"Sino ka sabi?" naggagalit-galitan niyang tanong pero muntik na siyang
mapaungol nang kahit siya, narinig ang takot sa boses niya. Blurry pa rin ang
tingin niya, masakit ang mga mata niya kapag sinusubukan niyang imulat ang
mga iyon. At worse sa lahat, patuloy pa rin ang pagbagsak ng kanyang mga luha.
She was beginning to tremble at lahat ng pag-asa niya, naitutok niya sa
batong mahigpit na hawak ng kamay niya ng mga sandaling iyon. "Bakit ba ayaw
mong magsalita?"
Sa wakas, nagsalita ang kung sino mang taong kasama niya sa kakahuyan.
"How can I? May hawak kang bato. Don't… try to throw it, nasa likod ako ng isang
puno. Hindi mo ako tatamaan."
Nagtagis ang kanyang mga bagang. Sa kasamaang-palad, hindi niya kilala
ang boses. Hindi tagarito, isang estranghero!
"H'wag kang lalapit!" aniya habang ipinambabanta ang hawak niyang bato
na iwinawasiwas niya sa harapan niya kasabay nang pagpipilit niyang tumayo at
pagpapahid ng luha at dumi sa mukha niya ng kabila niyang bisig. "Maririnig kita
at babatuhin kita! Hindi pa ako pumapalya. H'wag kang magkakamali at lagot
ka!"
Nakarinig siya nang parang amused na tawa mula sa duwag na nanonood
sa kanya sa likod nang sinabi nitong puno. She was beginning to see at least the
outlines of the trees near her, iyong iba nagugulo ng nakasisilaw na liwanag na
nagre-reflect sa kanyang luhaang mga mata. Nang marinig na pinagtatawanan siya
nito, iyong tawa sa tuwa at hindi tawa na tulad ng mga rapists sa TV, agad na
napalitan ang takot niya ng inis.
"Sino ka ba?!" gigil niyang tanong.
"Ikaw na nga ang nilapitan para tulungan, ikaw pa ang mataray. Narinig
kitang umiiyak habang naglalakad-lakad ako kaya ako napalapit. Tapos babatuhin
mo pa ako?"
"Talagang babatuhin kita kapag hindi ka pa nagpakilala!" babala niya. By
then she knew in what tree he was hiding in dahil matagal-tagal din itong
nagsalita, at nahanap niya iyon dahil doon. Malinaw ang tinig nito, at halatang sa
isang male educated adult, asiwa niyang obserbasyon. Walang asiwang punto,
malinaw ang diction, nakakakiliti ang intonation—hep!—maganda ang boses,
period. Ang reyalisasyon na humahanga siya sa tinig nito ay nagpadagdag sa galit
niya. "Sino ka ba talaga?"
"Apo ng kapitbahay mo, ni Lola NIng-Ning. At wala akong masamang
intensyon. As soon as I can, I will leave you alone. Sabihin mo lang na okay ka na,
at aalis na ako."
Natigilan siya. Apo ni Nyorita Luningning? Teka… "Kasama ko sa
simbahan si Nyorita Luningning kanina, bakit hindi n'ya sinabing may bumibisita
sa kanyang apo?"
"Nyorita… Luningning?" parang natatawa na naman nitong sabi.
Ooops. Nadulas na naman siya. "Si Ms. Inovicento ang sinasabi ko. Bakit
—"
"Nyorita Luningning ang tawag mo sa kanya? Does she, by any chance,
know that?"
"Wala ka na r'on. At bakit ka ba Inggles nang Inggles? For your
information, I am not impressed. Bakit hindi sinabi ng lola mo na narito ka?"
"Because…" natatawa nitong sagot, "she didn't know. I did not tell her to
surprise her. Dinatnan niya ako sa bahay pagkagaling niya sa simbahan,
pagkatapos ka niyang idaan sa inyo."
"Sinabi n'ya 'yon sa 'yo?"
"Yes. At na sinuot mo raw 'yung pang-first communion mo pa yata kanina
sa simbahan para ma-impress ang crush mo."
Napahumindig siya. "Hindi totoo 'yon! How dare you?! For your
information, bagong bili 'yon ng kaibigan ko in the market noong last week!"
(note:sinadyang maliin. Pls don’t correct this last sentence.)
Base sa ingay na kanyang naririnig pagkatapos ng kanyang deklarasyon,
impit na nagtatawa na naman sa kanya ang lalaki sa likod ng puno. Magkahalong
pagkapahiya at galit ang dahilan kung bakit nararamdaman niya na namumula na
ng todo ang kanyang mga pisngi. Apo nga ni Luningning. Intrimidido!
"Wala ka bang panyo? Do you know exactly how you look like right now?"
Napahawak siya sa pisngi niya. Oo nga pala! Tiyak na ang dumi ng mukha
niya!
Inilipat nito sa mga salita ang nasa isip niya. "You look like a five year old
who'd rolled herself in filth."
"Wala ka nang pakialam d'on!"
"You’re wrong. Dahil walang ibang tao rito wala akong choice kundi ang
tulungan ka. Here." At nasilip niya sa pagitan nang naniningkit niyang mga mata
ang walang takot nitong paglabas mula sa likod ng puno. Malabo pa, nasisilaw pa
siya. Pero nakita niyang matangkad ito, mas matanda sa kanya nang hindi lang
iilang mga taon, at sa kabila ng parang ulap sa kanyang mga mata, ay nakita
niyang gwapo.
Natameme siya.
"Here," anito, iniaabot sa kanya ang isang walang kagusot-gusot, walang
kasablay-sablay sa pagkakatuping panyo. Sa malapitan, lalong naging mas buo
ang hagod ng tinig nito.
Wala sa sariling tinanggap niya ang panyo. But she knew that it was too
late.
Kahit punasan pa niya ang kanyang mukha, bistado na nito kung gaano
siya kawalang-modo at kamaldita!

THE TEENAGER looked at him as if she has never seen anyone like him before.
Pakiramdam niya, isa siyang Diyos na bumaba sa bundok para makihalubilo sa
mga tao kung makatingin ito. At tuluyan siyang napaawa noong ni hindi nito
namalayan na nabitiwan na nito ang bato na kanina lamang ay epektibo nitong
pananggalang sa kanya at ni hindi narinig iyon noong bumagsak sa lupa.
"Don’t ever do that with strangers."
"A-Ang alin?"
"Ang bitiwan ang depensa mo. You were a warrior just a moment ago. Pa'no
kung isa pala akong masamang tao?"
Kumunot ang noo nito. "Apo ka ni Nyorita. Lahat ng tao rito, matatakot sa
'yo."
Napangiti siya. "Pwera ikaw?"
Nakita niya ang muling pagkabuhay ng alab sa mga mata nito. "Bakit ako
matatakot sa 'yo? Hindi nga ako takot kay Nyorita."
Ilang sandali siyang napangiti roon, nakatitig rito, natutuwa sa pinakikita
nitong spunk sa kabila ng kaalamang alam nitong mas malaki siya, mas matanda,
at kamangha-mangha. Tama na naman ang lola niya, ang ganda ng pagkatao ni
Kendra ay ang tapang nito, pangalawa lamang ang hindi pa nahahalatang pisikal
nitong ganda.
He knew that he has to go back to the house of his lola soon. Aalis din siya
mamayang gabi, babalik sa kanyang pagbibyahe. Sa isang bahay sa kalayuan,
nakita niya ang isang katulong na lumalabas mula sa likod ng isang halamanan at
nagtatakang napapatanaw sa kanila habang napapadali ang paglapit.
She was not alone anymore. Pwede na niya itong iwan. Yet, he felt that the
offered handkerchief was not enough. Ano kayang pwede niyang iwan sa batang
nagpapaalala sa kanyang Lola ng sarili nitong spunk, ang nagpapaalala rito ng
masasaya nitong mga araw noong bata pa?
Ang napili niyang mga salita ay hiniram din lang niya mula sa bibig ng
kanyang abwela. "You know what? Tama si Lola, isa ka pa lang bubot na bulaklak
pero kapag namukadkad ay napakaganda. Take care of that spirit, kid. Don't let
anyone extinguish that fire. Marami kang paiiyaking mga lalaki pagdating ng
araw."
Bumagsak ang panga nito, shocked at hindi makapaniwala. Natutuwa,
ginulo niya ang buhok nito, saka siya naglakad palayo.

THREE
"KENDRA, sino 'yung kausap mo?" nagtatakang tanong ni Brenda na lumapit sa
kanya habang natutulala niyang pinakikinggan sa isipan niya ang echo nang
huling sinabi ng apo ni Nyorita Luningning sa kanya. "Aba'y ang gwapo!"
"Apo ni Nyorita," sagot niya. Alam na ng mga ito kung sino ang lagi niyang
tinatawag na Nyorita, pero naalala niyang ni hindi niya narinig mula sa lalaki kung
anong pangalan nito. Humarap siya sa katulong.
Nagulat ito. "Nye! Anong nangyari sa 'yo? Bakit may putik at damo 'yang
mukha mo? Saka… bakit ambaho mo?"
Hindi niya pinansin ang tinanong nito. "May panyo ka ba?"
"Wala, apron lang. 'Di ba panyo 'yang hawak mo?"
"Hindi pwede 'to, marurumihan."
"Malinis nga. Hindi sa 'yo, 'no?"
Sinamaan niya ng tingin si Brenda. Pinakabata nila itong katulong at
magkaibigan ang turingannila. Pero mas matanda ito sa kanya ng tatlong taon at
minsan, umaakto rin itong parang mas nakatatandang kapatid. "Sino ba sa 'tin
ang amo?"
Nakagat nito ang ibabang labi, pagkatapos ay biglang yumukod sa kanya at
nagmano. "Mano po, amo," anito, ginagaya ang ginawa niya kanina.
Natatawa niyang hinila ang kanyang kamay. "Mabaho! Natalsikan ako ng
bulok na mangga sa kamay ko at mukha."
"Kaya ka umiyak?" tanong nito, nakatitig sa mukha niya sa paraang
nagsasabing kahit ano pang idahilan niya, alam na nito ang totoo.
Naaasiwa siyang umiwas ng tingin. "O-Oo. Akin na nga 'yan. Bakit mo ako
pinuntahan dito?" Maingat niyang inilagay sa bulsa ng suot niyang sobrang kupas
nang pantalon ang panyo saka ginamit ang apron para ipunas sa kanyang mukha.
"Magdidilim na. Nagsisisigaw na si Among Matanda sa bahay, hinahanap
ka na. Aba'y hindi naman namin pwedeng idahilan na gabi na, nagsi-siesta ka pa."
Nagbalikan ang kanyang mga pag-aalala, iyong mga dahilang kung bakit
siya umiyak kanina. "Bakit? Malapit na raw ba ang mga bisita?"
"On the way na. Darating sa oras ng hapunan."
Nagbuntunghininga siya para papagluwagin ang biglang nanikip niyang
dibdib. May isang oras na lang iyon. And then she would have to face the greatest
acting of her life.
"Anong iniisip mo, ha?" nagdududang tanong ni Brenda na pinagmamasdan
pala ang mukha niya habang pabalik na sila sa bahay.
"Wala."
"Anong wala? Kilala ko 'yang mukhang 'yan, 'yang paglabi mong 'yan. May
binabalak ka."
Sinulyapan niya ito at nginitian nang matamis. "Wala sabi. I will be the
sweetest niece in the world pagdating nina Tita."
Nasamid ito sa sarili nitong laway. "Sweetest? Asim at pait lang ang kaya
ng powers mo. Naku, babae ka, maawa ka sa tiyahin mo. Sabi ni Inay napakabait
daw no'n. Malay mo, kung magbe-behave ka, isama ka niya sa England. Makikita
mo na si Queen Elizabeth, nar'on pa ang tiya mo para magturo sa 'yo ng tamang
asal ng isang kagalang-galang na dalaga."
"Queen Elizabeth? Baka si J.K. Rowling pa.”
“Sinong JK—“
At bakit, hindi ko pa ba alam 'yang tamang asal, tamang asal na 'yan?" Ni
hindi niya naisip o gustong paniwalaan ang sinabi nito tungkol sa pagsasama sa
kanya ng Tita niya sa London. She could not afford to dream that dream. Baka
mapanis ang laway ng kanyang ama kapag wala siya, malason pa. O kaya doon pa
siya sa London magkalat at ang kanyang mga tiyahin ang mabigyan niya ng
problema.
Noong akmang masasamid na naman si Brenda, umakma rin siyang
babatukan ito. Agad itong tumigil.
"Lakad na. Umakyat ka na ulit sa bintana mo at maligo ka na. Hmp,
ambaho!" reklamo nito habang pisil-pisil ang ilong sabay bawi sa kanya ng apron
nito.
"Pulaan ang asal ko, eh, pareho lang tayo," tuya niya rito. Bago siya
humiwalay ng direksyon at nagtungo na sa tapat ng bintana ng kanyang kwarto
para doon magdaan sa pagbalik niya sa loob.

SA UNANG pagkakataon sa matagal na ring panahon, hindi si Paul ang dahilan


kung bakit kumakabog ang dibdib niya habang naririnig ang ingay ng
pumaparadang sasakyan sa labas ng bahay. Gabi na, at nagbuntunghininga si
Kendra sa kinatatayuan niya sa sulok noong sa wakas ay tumigil na ang ingay, at
sunod na narinig ay ang pagbubukas at pagsasara ng mga pinto ng isang van.
And then she heard that voice, that soft, singsong voice. "Kuya Simon,
kumusta ka!"
"Florence, Steffan," bati ng kanyang ama sa tinig na mababa at paos. Hala,
sa kasisigaw kanina, namaos na.
Sinulyapan niya ng tingin ang sarili niya. Plinantsa ni Brenda ang mga
iyon, isang magandang blusa at ang pinakabago niyang palda na magkahalong
kulay blue at peach. Iyon sana ang susuotin niya kanina sa pagsimba, kaya lang
naisip niya mas maganda iyong puti, baka sakaling magmukha siyang mabait.
Saka lang niya naalala si Paul. Nakita kaya siya nito? Nasa isip din ba nito
na mukhang pang-first communion iyong sinuot niyang damit gaya nang sinabi
niyong apo ni Nyorita?
"Nas'an na si Kendra?" narinig niyang tanong ng Tita niya sa ama niya.
"Nasa loob, hinihintay ka. Pasok na kayo."
Kendra mentally braced herself, holding to the strength that would carry her
until these… strangers would take their leave. Isa muling buntunghininga ang
pinawalan niya bago siya nagpaskel ng polite na ngiti sa mga labi niya at
kumawala sa dilim na pinagtataguan niya.
"Hello, Tita," bati niya sa magandang babaeng pumapasok sa frontdoor,
kasunod ang isa pang matangkad na lalaking gwapong gwapo sa likod ng salamin
nito. She remembered a woman so much younger. Pero ang nadagdag na edad ay
parang nagdagdag pa nang kung anong quality sa ganda nito.
"My God… Kendra, ikaw ba talaga 'yan?" hindi makapaniwala pero halatang
halatang natutuwa nitong sambit habang ibinubukas ang mga bisig para sa kanya.
"Kuya… ang ganda-ganda ng pamangkin ko!" At noong yakap na siya nito,
binalingan pa nito ang asawa, naiiyak. "Look at her, Steffan, look at her. Parang si
Ate Faith when she was just fifteen, 'di ba? All limbs and hair. Let me see your
face."
Inobliga niya ang sarili na ipakita rito ang mukhang magkasabay niyang
minamahal at kinamumuhian. Mahal niya ang mukha niya dahil mukha iyon ng
kanyang Mama, while deep inside she felt she was unworthy of that beauty.
Soon, Tita Florence would know. She was not like her mother.
"Hey… now, there's the difference. Ate Faith didn't have that chin or your
dimples. You definitely did get the elf's eyes. Maldita ka rin ba gaya ng Mama mo?"
Napatitig siya rito, hindi makapaniwalang totoo ang kanyang naririnig.
"H'wag mong lagyan nang kung anu-ano ang utak n'yang pamangkin mo,
punung puno na 'yan ng kabulastugan," ani ng kanyang ama habang nagdaraan
para tuluyang makapasok na sa bahay dala ang isa sa mga maleta ng kanyang
mga tita. "Your niece is one of a kind, Florence, hindi tulad ng kanyang Mama." At
tuluyan nang nag-fade ang tinig ng ama niya sa loob.
Nakakunot-noong sinundan ito ng tingin ng tiyahin niya. "I knew it. He's
still the boor of my nightmares. Is your father still blaming himself for your
mother's death?" Iyong himself nagtunog himse'f sa accent nito.
Napatitig na naman siya rito. Bahagya pa lang siyang nakakabawi, heto't
may bago na naman siyang narinig na totally unexpected. She did not dare open
her mouth for fear of not stopping once she had started to talk.
"Florence, hindi ko pa nagi-greet ang pamangkin ko," good-natured na singit
ng tinig ni Tito Steffan. "Sinolo mo na ang bata."
Sinunggaban niya iyon para itago ang kanyang pagkalito. Polite ang ngiti na
hinarap niya ito. "Good evening po, Tito." At nagmano siya rito.
Ang dalawa naman ang napatitig sa kanya. Matapos siyang magmano,
inilahad niya ang kanyang kamay papasok sa salas. "I hope you had a nice trip.
May malamig na orange juice sa salas, inilabas ng mga katulong."
Hindi kumikilos ang tita niya. Tumikhim si Tito Steffan. "Dear, I think we
better go in. You need that drink."
Noong nauuna na siya, napangiti siya nang lihim nang marinig niya ang
bulong ng tita niya sa asawa nito. "It's worse than I thought. What was Kuya
Simon thinking? That wasn't my sister's—"
"Shhh."
Umaayon ang lahat sa kanyang mga plano. Pero sa hindi niya
maipaliwanag na dahilan, hindi siya nasisiyahan.

SA HAPUNAN, nalaman niyang titigil ang mag-asawa dito sa probinsya sa loob ng


isang linggo, isang linggo ng relaxation, enjoyment, at getting to know their niece.
Sa isip niya, binawasan niya ang letra niyong NIECE, ginawa niyang NICE. And a
nice Kendra they would get to know this whole week so when they left, there was no
getting to know their niece that would take place. She would just be one ordinary
girl who would secretly sweep the broken glass under the furnitures until they were
gone.
Dahil sa mag-asawa, masigla ang conversation sa dinner,may laman ang
mga paksa. Pero tiis siyang hindi nagsasalita maliban na lang kung tatanungin, at
hindi siya nagbo-volunteer nang kahit ano. Noong matapos na ang hapunan,
bakas ang kaba, pagdududa at pagbabanta sa mukha ng kanyang ama noong
polite siyang nagpaalam para magpahinga na. Mukhang malapit-lapit na niyang
mabigyan ng ulcer ang Papa niya.
More or less, ganoon ang nangyari sa sumunod na dalawang araw. Kasama
lang siya ng mga ito sa mga pagkakataong impolite umiwas, gaya ng mga oras ng
pagkain, usually. Pagkatapos niyon ay nagpapaalam na siya para magbasa ng
libro o gumawa ng sulat para sa kanyang bestfriend na nasa Maynila na nami-miss
na niya.
At gaya ng dati, sa bintana pa rin siya tumatakas.
Sa ikatlong araw, liliban na sana siya ng bintana para makipaglaro ng Tong-
Its kay Nyorita Luningning—tuloy sumagap na rin ng tsismis tungkol sa birthday
party ng kapatid ni Paul sa isang araw kung saan invited ito.
Sa matanda na rin niya nalaman noong isang araw pa na wala na iyong apo
nito, umalis din noong araw na nakita ito ng silam niyang mga mata. Sa kanyang
lihim na pasasalamat, mukhang walang nasabi ang lalaking iyon sa encounter nila
sa lola nito. If the old crow had known, she would have been cackling like a witch
pagkakita pa lang nito sa kanya.
Hindi maintindihan ni Kendra kung bakit masyado siyang nag-alalang
makasalamuha muli ang lalaking iyon. Ano ngayon kung nakita siya nito in one of
her weakest moments? Ano ngayon kung nagmukha siyang katawa-tawa sa mga
mata nito? What's new? Hindi ba't kaya siya sikat, dahil sa mga kabulastugang
pinaggagagawa niya? Iyong iba nga kahit hindi sinasadya pinangangatawanan na
lang niya. Walang magsasabi na wala siyang paninindigan, hah!
"Kendra?"
Muntik nang mahulog si Kendra sa bintana nang marinig ang tawag. At
pakiramdam niya, namula lahat ng parte ng katawan niya pati buhok at mga kuko
dahil sa sobrang pagkapahiya noong makita niya ang tiyahin niya na natatawang
nakatingala sa kanya mula sa baba ng bintana.
"So now I know why you're always gone everytime I knock on your door
gayong hindi naman kita nakikitang lumabas," anito, hindi mukhang galit o nag-
aalala, at ang knock ay tunog nok.
Miminsang pagkakataon lamang nangyari na napahiya siya nang hindi niya
mapangatawanan, at namalayan na lang niya na napapangisi siya rito habang
napapakamot sa ulo.
"How about taking a walk with me?" masuyo nitong tanong.
"Or else?"
Tumawa na naman ito, at hindi niya mapigilang mapangiti sa sayang dala
niyon sa ere. "Or else what?" Napailing-iling ito. "Kapag na-expose ka sa mga
kamag-anak natin, you will learn that noone threatens a Caballera."
Napatanga siya rito. Caballero ang apelyido ng angkan ng Mama niya.
"I'm still waiting…" matamis nitong sabi.
At mabilis pa sa kisap ng mga mata (na parang ni hindi man lang nito
kinagulat sa halip ay ikinatuwa pa), ay bumagsak siya sa kanyang mga paa sa tabi
nito. Bumuka ang bibig niya habang sabay silang humakbang palayo ng bahay.
And the rest was history.

FOUR
FIVE YEARS LATER…
Nakatanaw sa labas ng bintana ng bago niyang Expedition si Kendra,
kampanteng nakaupo sa malambot na backseat katabi ng kanyang Tita habang
pinagmamaneho sila ng personal nitong alalay na kasama nila sa pagbibyahe nila
pauwi. Hindi nila nakasama si Tito Steffan dahil nasa travels nito ang lalaki. Tito
Steffan was a good businessman in London. Pero hindi lang pala ito isang
negosyante, he was also a dealer of antiques and expensive Art collections.
Malaki ang contrast ng lamig sa loob ng sasakyan sa init at gabok na
nakikita niya sa labas. Tahimik siyang nagbuntunghininga sa kanyang
pagmamasid. Halos walang pinagbago ang New River Valley. Magabok at malubak
pa rin ang daan, madamo pa rin ang paligid, at mukhang malnourished pa rin ang
mga baka ni Mang Igme kahit sigurado siyang apo na ang mga nakikita niya
ngayon ng naunang mga baka.
Itinago niya ang ngiti sa kanyang mga labi nang datnan nila ang vicinity ng
lupain ni Nyorita Luningning. Mukhang hawak pa rin ng matanda ang mga
trabahador nito sa leeg. Malulusog ang mga hayop, malusog ang taniman ng palay
at malinis sa ligaw na talahib ang gilid ng daan. Limang taon ang itinanda ng
matanda, pero sigurado siyang walang nabawas sa kawalanghiyaan nito.
"Malapit na tayo," sabi ni Tita Florence sa kanyang tabi.
Sinulyapan niya ito habang nangingiti. "You remember."
"Wala halos pinagbago."
"Wala po talagang nag-iba!"
"I suppose your friends are still here?"
Bahagya siyang sumimangot. Friends? Isa lang ang kaibigan niya, si
Carmina. Iyong iba, itinuturing siyang isang katawa-tawa at istorbong kapitbahay
noon. "I suppose," sagot niya.
"Wala pang nag-aasawa sa kanila?"
"Isa. Si Digna. Nahuli ng kapatid na kasama sa kwarto 'yung kapitbahay
nilang pulis, nagsumbong sa mga magulang. Kaya 'yun, nakasal." Updated siya sa
mga nangyayari dito sa village dahil sa mga sulat ni Carmina. "Pero si Paul, hindi
pa." Nawala ang simangot niya. "At tingnan lang natin kung mapapahiya pa ako
sa kanya kapag nakita niya ako ngayon."
Nahuli ni Tita Florence ang ebidensya ng sama ng loob at pagkapahiya sa
tinig niya at inakbayan siya nito. "Tsk," anito habang inaakbayan siya. "Forget
about it, it's been a long time. Iba ka na ngayon."
Hindi ako iba, she wanted to say. Nagbago ang kanyang pisikal na itsura,
nadagdagan ang edukasyon sa isang modernong university sa London,
nakapaglibot sa Europe at America, nabihisan, natuto ng poise, nagkaroon ng
maraming mga kaibigan na natutuwa at rumerespeto sa kanyang wit, nagkaroon
ng mga manliligaw…
Pakiramdam niya, mula noong lisanin niya ang New River Valley,
nabiyayaan siya ng Midas' touch—lahat ng nahawakan niya naging ginto.
Nasaktan siya noong una niyang malaman na pumayag ang kanyang ama na isama
siya ng tiyahin niya—nasaktan siya kasi pakiramdam niya, sa wakas ay natupad
ang matagal na nitong kahilingan. He was getting rid of her at last. Alam naman
niyang taon ang pinag-uusapan at hindi mga araw lang. Alam niyang matagal
silang hindi magkikita. Hindi man lang ba ito mangungulila sa kanya?
She has never felt so lonely and scared in all of her life except on those last
days while her papers were being prepared. Grudgingly, her father allowed for her
Tita to prepare a party for her so she could say goodbye to her neighbors. Siguro,
dahil hindi siya halos nagbibigay ng atensyon dahil sa nerves—flight na nila
kinabukasan—hindi siya mapalagay sa party at hindi siya naging madaldal gaya ng
dati o kaya ay palakibo.
Malapit nang matapos ang party noong lumabas siya para magpahangin,
kung saan dinatnan niyang nagkukwentuhan ang ilan sa kanyang mga kababata
sa hardin. Narinig niya agad ang tinig ng mga ito at ang kanyang unang reaksyon
ay umiwas, gayong dati naman ay hindi. Noon lang naulinigan niya ang pangalan
niya siya nauntag sa kanyang sariling preoccupation para tumigil sa isang sulok at
makinig.
"'Kala mo naman, por que masasagap niya ang hangin sa England
magkukulay asul na ang kanyang dugo," tinig ni Angelina. "Ngayon pa lang,
suplada na. 'Kita n'yo ba, halos hindi tayo pinapansin? Feeling n'ya mataas na s'ya
sa atin."
Bahagya siyang nangiti sa sinabi nito. Aminado siyang kahit papaano nga
ay hindi siya ganoon ka-attentive. Pero sigurado siyang si Angelina lang—na
numero unong intrigera at tsismosa sa kanyang mga kababata—ang makaiisip na
iyong sinabi nito ang dahilan ng kanyang behavior.
Tama siya. Dahil nagtatanggol na tinig ni Zarah ang sunod niyang narinig.
"Hindi naman siguro. Hindi naman siya suplada o kaya naging masungit. Tahimik
lang, hindi palakibo. Hindi ka ba natutuwa na mukhang naiimpluwensyahan si
Kendra ng Tita n'ya? Mababawasan na ang pagkakataon na napapag-trip-an niya
tayo."
Nakagat niya ang ibabang labi. Swear niya, pagbalik niya, babawi siya sa
kabaitan ni Zarah.
"Bakit mo sinasabi 'yan? Para sabihin ko sa 'yo, napapagdiskitahan ka lang
naman niya kasi alam niyang ikaw ang gusto nitong si Paul. Alam kaya ng buong
village na lakas tama ang bruhang 'yon dito, 'no? 'Di ba, Paul?"
Nanigas siya. Kasama ng mga ito si Paul? Naniwala kaya ito kay Angelina?
Sigurado siyang ipagtatanggol siya nito.
Umasa siyang maririnig niya ang pagtatanggol sa kanya ng binata. Sa halip,
ang narinig niya ay ang reluctant nitong pagsang-ayon. "Ewan ko nga ba kung bakit
sa 'kin nagkagan'on 'yon. Minsan nakakatawa, minsan naman nakakahiya ang
mga pinaggagagawa niya. Minsan nakakaawa. Pinahihirapan niya ang sarili niya
pero para sa 'kin, para lang siyang isang batang pinsan na nakakatawa minsan,
minsan nakakainis naman. Hindi pa siya natututong umaktong nararapat sa edad
niya."
"Sshh. Batang-isip pa lang si Kendra, sabi ng Mama ko. Hindi siya mean,"
ani Zarah.
"Zarah, kahit magawa niyang gayahin kahit gakuko lang ng kahinhinan mo,
hindi ko siya magugustuhan. Kasi alam kongarte lang niya ‘yon, habang ikaw…"
Hindi na siya tumigil sa spot na iyon para makinig. Bumalik siya sa party.
Pero simula ng sandaling iyon, sinadya niyang totohanin ang bintang ni Angelina,
ilang beses niya itong pinagsupladahan. Masamang masama ang loob niya. Kahit
si Paul, hindi niya kinikibo.
Until that pitcher of juice accidentally poured on her. At sa unang
pagkakataon, hindi siya nakitawa kina Angelina para lang mang-asar noong makita
niyang nasira ang maganda niyang dress para sa party. Si Tita Florence pa ang
bumili niyon, usong uso at ang pinakaunang damit na nagparamdam sa kanya na
dalaga na nga siya noong kanyang maisuot. It was ruined.
Umiyak siya. At pinagalitan pa siya ng ama niya sa harap ng mga bisita
dahil mali-mali na naman siya…
What would her father say when he sees her now? Makikita ba nito ang
itinatago ng make up niya at magarang damit? Kapag nakita ba siya ng kanyang
mga dating kapitbahay, sasabihin ba ng mga ito na nabihisan lamang siya pero
siya pa rin iyong mukhang bilasang isda na parang tangang habol nang habol kay
Paul?
At si Paul? SAsabihin pa rin ba nito na hindi siya nito gusto dahil kung
umakto siya, para siyang uhuging bata? Na kahit magawa niyang gayahin kahit
kuko lang ng mga magagandang qualities ni Zarah ay hindi pa rin siya nito
magugustuhan?
Eh bakit naman kaya hanggang ngayon, ayon sa mga sulat ni Carmina,
hindi pa rin daw nagiging magkasintahan ang dalawa? Balita pa niya lahat daw ay
naiinip na. Lahat umaasa, pati na mga kamag-anak, na ang dalawa ang
magkakasundo. Pero hanggang date pa rin yata ang takbo ng lahat.
Ngayong kung saan-saan na siya nakarating at alam na niya ang mga bagay
na nae-enjoy ng mga kabataang hindi inuuna ang pag-aasawa sa mga priorities ng
mga ito, tanong pa niya kay Carmina, bakit ba nagmamadali ang mga tao rito?
Twenty-two pa lang naman sila, napakaaga pa para mag-asawa. Sagot naman nito,
Ikaw nga n'on, kung pwedeng kahit seventeen pa lang tayo, kung payag si Paul
itatanan mo na, eh!
Oo nga naman.
Nagbuntunghininga siya. Dito sa New River Valley, hindi man uso ay hindi
rin nakakagulat ang makasal nang eighteen pa lang lalo na noong nagdaang
dalawang dekada. Marami naman kasi rito ang hindi na kailangang mag-aral pa sa
kolehiyo dahil puro may lupa ang mga tao at sa kita pa lamang noon ay
mabubuhay na. Iyon marahil ang dahilan kung bakit malaki naman sana ang
oportunidad na unahin ang pag-aaral at karera bago ang pag-aasawa, mas nauuna
ang pag-aasawa. Obviously, nakaka-relax ang buhay dito sa village. Hindi
nagmamadali ang mga taong matapos ang mga trabaho sa maghapon hindi gaya sa
mga lunsod.
Siya nga, siguro kung hindi isinama ni Tito Steffan at Tita Florence, ewan
lang kung makakapagpasensya sa maliit na pribadong kolehiyo na tatlong bayan
pa ang layo rito. Si Carmina naman ay sa Maynila nakapagtapos ng kolehiyo pero
natural na konserbatibo at may isang pusong probinsyana, hindi na siya nagtataka
kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ito nagkaka-boyfriend na na mas pinili
nitong magbalik dito sa Quezon at magpaka-senyorita kaysa magtrabaho sa
Maynila noong makatapos sa pag-aaral. Tutal, hini ito mahihirapan. Malapit na
mga kamag-anak ang papasukan nito.
Nakita niya ang bahay ni Nyorita Luningning at nilampasan. Wala siyang
nakitang tao sa paligid o kahit sinong sumilip man lamang sa bintana.
Imposibleng hindi alam ng matanda na darating siya. Naku, marami siyang
pasalubong rito.
Noong nasa London pa siya, they had kept a regular barrage of letters.
Bukod kay Carmina, ito ang isa pa sa nagpapadala ng tsismis na nangyayari rito sa
village sa kanya. Bukod doon ay nagkukwento rin ito tungkol sa mga apo. At
siguro, noong napapansin nitong pa-mature na nang pa-mature ang mga sagot
niya sa mga sulat nito, unti-unti ay sa kanya na ito nakapagsusumbong ng mga
alalahanin nito.
Nyorita was especially worried about her eldest bachelor grandnephew, si
Jake. Yes, iyong lalaking matapos siyang pagtawanan ay nagbigay sa kanya ng
panyo at nag-iwan ng kind words sa kanya bago sila maghiwalay. Ayon sa lola
nito, mula noong mamatay ang pinakamamahal na fiancé ng binata two years ago
ay nawalan na ng direksyon ang buhay nito. Maliban sa pamamalakad nito sa
negosyo ng pamilya, lahat ng mga pinaggagagawa nito sa personal nitong buhay ay
papabagsak sa wala. At ipinag-aalala ng matanda na sa mga sandaling wala ito sa
sariling wisyo, mapagsamantalahan ito nang kung sinong babae, at lalong masira
ang buhay nito.
Walang divorce dito sa Pilipinas, I have seen one of my brothers going through
the same fate. Siguro naman, iha, naiintindihan mo ako. Bata ka pa man hindi ka
na inosente sa kayang gawin ng isang babae para lang mairaos ang kagagahan.
Aray.
Pero nitong pasok ng huling taon, naging madalang at maiikli ang mga sulat
ng matanda sa kanya. Hindi iyon normalat ipinaalam niya ang kanyang pag-aalala
sa sulat niya rito.
Wala akong sakit o anuman. I made a pack with the Lord that I will not
marry if He will give me a life worth living a long time for. He has been granting his
promise eversince. Kung magkakasakit ako, sana noon pa. Iniipon ko lang ang mga
pagkukwentuhan natin kapag nakauwi ka, Iha.
Sa wakas, nakarating sila sa kanila. Sa kabila ng kanyang kaba, ikinagulat
niya iyong biglang pagsalakay ng pangungulila noong matanaw niya ang bahay
nila. Napangiti siya noong makita niya na bagong pintura ang gate, malinis ang
front lawn at bagong pintura rin ang bahay.
"Hey, we're here," galak na sambit ng Tita niya. "Hmm…mukhang
pinaghandaan ni Kuya Simon ang pagdating mo."
Nagkibit siya ng mga balikat habang pinapasok ng Expedition ang bukas na
gate at tinutunton ang driveway ng sasakyan. Kasabay niyon, inabandona na rin
niya ang memory lane. Habang nakatanaw sa frontdoor, hinihintay ang paglabas
ng mga dating kasambahay na sasalubong sa kanya, naramdaman niya sa puso
niya ang kahandaang harapin ang kung anumang inihanda sa kanya ng Kapalaran
ngayong naririto na naman siya sa New River Valley.
Kasi, kung tutuusin ang nakaraan, kailan ba talaga siya nagtagumpay sa
kanilang mga pagtatagisan? Besides, ano pa ba naman ang kanyang irereklamo
sa lahat ng mga biyayang tinatamasa niya ngayon, hindi ba?
It seemed that she was right when she finally saw her father emerging from
the house, awkwardly smiling as he watched her car getting closer. Kailan ba niya
huling naranasan na sinalubong siya ng kanyang sariling ama ng ngiti?
Nagbuntunghininga siya para mapagluwag ang kanyang dibdib na
nagsisikip sa kaligayahan. Everything was indeed alright.
Hindi nalalaman ng dalaga na isang linggo lang pagkatapos ng araw na ito,
mga ngipin naman niya ang magtatagisan dahil sa galit sa parehong Kapalaran na
sa mga sandaling ito ay walang pag-aalinlangan niyang nirerespeto at
pinasasalamatan.

FIVE
NAGSIMULA ANG LAHAT limang buwan na ang nakararaan. Kagagagaling lamang
sa bahay ni Lola Ning-Ning ang kanyang solicitor, at nagdala ito ng
nakakabahalang balita sa kanya.
It was about her neighbor, Simon Gatchalian. Ang totoo, nagsimula ang
kanyang pag-aalala may isang buwan na ang nagdaan, noong may isumbong sa
kanya ang isang nag-aalalang katulong, si Brenda.
"Wala na ho yatang pera si Senyorito. Ilang buwan na siyang delay sa
pagpapasweldo sa 'min sa bahay at sa mga tauhan. Bagsak na ang mga negosyo
niya sa Cumunal at hinahabol na siya ng paniningil ng mga pinagkakautangan niya
sa Maynila."
"Paano ka naman nakasigurong mangungutang nga ang kausap niya?"
Namula ito nang todo. "Narinig ko ho kasi siyang nangangako kung kailan
siya magbabayad doon sa kausap niya. H-Hindi ko ho gustong maging intrimidida,
m-Mrs. Roxas. Pero naiisip ko ho si Kendra, nag-aalala ho ako sa alaga ko. Baka
pagdating niya wala na s'yang datnan at abutan na lang niya ang kanyang ama sa
kulungan. Dahil i-iyon ho ang hula kong banta ng kausap ni Sir sa phone.
Nakikiusap siya. Hindi daw niya tatakbuhan ang utang niya at hindi na raw
kailangan pang kasuhan siya."
Ang totoo, she has been hearing rumours of late pero ipinagsawalang-kibo
niya iyon noong una. Isa si Simon sa pinaka-productive ang kita sa mga
nagmamantine ng lupain dito sa New River Valley at isa rin sa pinaka-lucrative
small investor na nakilala niya. Granted, ang nasabing mga lupa ay pamana sa
asawa nito ng namatay nitong mga magulang, but through the years she thought
Simon was holding it explendidly for his only daughter.
Pero matapos siyang kausapin ni Brenda ay hindi na niya maiwasang hindi
mag-alala. Tinawagan niya ang solicitor niya para gumawa ng inquiries sa
Maynila.
At ibinigay nito ang balita na hindi niya gustong marinig. Ayon rito, kalat
na sa lunsod ang tungkol sa dami ng utang ni Simon sa mga creditors nito at ang
kawalan na ng pagtitiwala ng mga ito na mababayaran pa nito ang mga iyon. Ayon
din nga sa report nito, sa mga araw na darating ay baka makasuhan na ng estafa
ang lalaki, at sa laki ng perang utang nito, sa dami ng mga legal creditors na
magsasampa ng kaso rito—at malamang na mananalo—ay baka sa kulungan na
nito ubusin ang natitira nitong mga araw sa mundo.
"Estupido! Tonto!" naiirita niyang bulong habang lumiliban sa kanilang mga
propriyedad para makausap ito. Pinalaki na nga nito ang nag-iisa nitong anak
nang salat sa pagmamahal ng isa ama, hindi pa nito naalagaan nang maayos ang
mga yamang tanging maipamamana nito kay Kendra.
May edad na si Simon nang mapangasawa nito si Faith na galing sa
mayamang pamilya. Ang tanging alay lamang ng lalaki sa magandang babaeng
napangasawa nito ay ang talento nito sa pagnenegosyo.
Simon was a darer, a gambler of fate, a taker of risks. Noong napangasawa
nito si Faith—na mas gusto sana niyang umibig na lamang sa isa niyang pinsan na
noon ay sobrang enamored dito—kahit papaano ay may considerable na rin
namang salapi sa pangalan nito. Pero hindi singlaki ng yaman na meron si Faith.
Payo niya ang sinunod ng mga magulang ni Faith at Florence na bilhin ang
mga lupaing karatig nang sa kanya hindi pa man matatawag na village ang lugar
na ito. Lola Ning liked Faith and her sister, Florence. Pero dahil mas nadalas sa
ibang bansa si Florence lalo na noong napangasawanito ang Filipino-based doon na
si Steffan, mas napalapit sa kanya si Faith. She has treated her like her own
daughter, at hindi nakapagtatakang napasa iyon sa kawawa nitong anak na si
Kendra. She was sure, if Faith has lived, hindi magiging ganito ang lahat.
Pero mula noong mamatay ito, nakita niyang nawala na rin ang buhay kay
Simon. Maging ang naiwang anak ng asawa nito ay hindi nakasapat para maibalik
iyon. At nagsimula itong mawalan ng diskarteng dati ay tanging panlaban nito sa
mga quirks ng buhay.
And now, it has all gone down to this. Whatever was he thinking? Whatever
was that stupid man thinking? Bad investments, gambling in secret in Casinos in
Manila, excessive drinking when not at home… paano ito makakapag-isip nang
maayos na diskarte sa buhay kung papasira ang buhay nito? Whatever was he
thinking? Wala na ba talaga itong natitirang pagpapahalaga pa sa anak nito? Sa
naiwang alaala ng asawa nito?
Stupid! Stupid man!
"Nas'an ang amo mo?" galit niyang tanong sa isa sa mga nagitlang katulong
noong bigla siyang pumasok sa pinto ng kusina gamit ang kanyang maingay na
tungkod.
"Nyorita—ibig ko hong sabihin, Ms. Inovinvento—"
"Inovicento, tonta," sambit niya—she has never felt this angry for a very long
time. Nakokontrol niya ang mga affairs ng kanyang mga kamag-anak, ng bungkos
ng mga apo niyang nagkalat sa mundo, pero nakawala sa mismong ilalim ng
kanyang ilong ang isang ito. She thought there was no need to worry about Faith's
little hellcat anymore now that Florence had taken the little chit under her wing.
She felt so angry at herself for being wrong. "Nahahawa na rin kayo sa estupido
n'yong amo. Nas'an ang magaling na lalaking 'yan? S'an ko siya makikita?"
"N-Nasa study ho," namimilog ang mga mata nitong sagot. Noong tangka
siya nitong sundan, sinamaan niya ito ng tingin, napaurong ito.
"Alam ko kung nasaan ang study. Sabihan mo ang lahat ng mga katulong,
lumabas kayong lahat ng bahay at lumayo nang may isandaang metro. Kung may
magsasadya rito, sabihin n'yong nasa labas kayo dahil sumingaw ang isa sa mga
gasul dito sa kusina, kamo'y bukas na sila magbalik. Bumalik kayo pagkatapos ng
dalawang oras, nagkakaintindihan ba tayo? At kapag may nakarating sa mga
kapitbahay nang tungkol sa araw na ito, sa akin kayo sasagot. Naiintindihan n'yo
ba?"
"Oho, oho," sunod-sunod na sagot ng mga ito, may kasama pang mga
pagtango.
"Ano pang hinihintay n'yo?"
Mabilis na nagsikilusan ang mga katulong para sundin ang kanyang utos.

ISANG LINGGO naman pagkatapos, sumasakit man ang ilong sa magkahalong


amoy ng alak at panlalaking pabango sa madilim na kwarto ng kanyang apo ay ni
hindi natinag si Lola Ning-Ning. Walang pag-aatubili na nilapitan niya ang lalaking
nakadapa sa pagkakahiga sa kama katabi ang isang hubad na babae at parehong
himbing na natutulog ang dalawa. Kinatok niya ng dulo ng kanyang tungkod ang
ulo nito hanggang sa galit itong magising.
"What the hell—"
"Magandang tanghali, apo."
Napabalikwas ang lalaki sa higaan, komikal ang ekspresyon sa gwapong
mukha noong makita siya lalo na noong hinablot nito ang kumot nang maalala ang
kahubdan nito. "Lola Ning-Ning, wh—"
"I have seen you in your birthday suit, Iho. I pulled you from your mother's
womb and you howled like a banshee when you came out. Kung mas ikinahihiya
mo ang kahubaran mo kaysa sa mga kabulastugang pinaggagagawa mo ngayon sa
buhay mo, then I never thought you had sunk this low."
"Lola…"
Sa tabi nito, mulaga ang mga mata ng nagising na babae. She recognized
the face—she was one of the more known models in the industry today and she
could understand why. Even in a state of disarray, she still looked beautiful.
"G-Good morning ho."
"Get out of my grandson's room," utos niya rito sa malumanay na tinig.
Walang pag-aatubili o kwestyon siya nitong sinunod, dahilan kaya
naunawaan niya kung bakit naririto ito ngayon sa kama ng kanyang apo. Kahit
papaano, binigyan niya ng credit si Jake sa pagpili nito ng bed partner. Walang
saplot, pinulot nito ang mga damit nito sa sahig, at lumabas ito ng kwarto suot ang
isang robang dinampot nito sa ibabaw ng isang armchair.
But he did not care a fig about her, just about the advantage of bedding
someone as untroublesome as her. At nalungkot siya sa nakikitang ebidensya
kung paanong maging ang compassion nito sa kapwa ay naglaho pagkatapos ng
trahedya sa buhay nito. Batid niyang ang relasyong ganito ay katanggap-tanggap
na sa henerasyon ngayon, but not to Jake. Not the Jake that she knew. Jake
would only touch a woman he loved.
This was not right. And she was going to put a stop to everything, now,
before things become unrepairable.
"I was going to talk to you here but your room stinks," nakangiwi ang ilong
niyang sabi. "Magbihis ka at bumaba ka sa study. Marami tayong kailangang pag-
usapan," utos niya rito.
Saka siya bumaba.

THIRTY MINUTES later, halos nangingiti pa itong nakatitig sa kanya mula sa kabila
ng mesa. May umuusok na kape sa harapan niya, bagong dala ng katulong at
ikalawa sa kino-consume ng kanyang apo sa kasalukuyan. Tsaa ang iniinom niya
dahil matagal na siyang sinisikmura sa kape. She used to drink a lot of that
before, late nights because she has to stay awake taking care of the business, but
now…
Now she was taking care of one of her grandchild's future, and one of her
semi-adopted one's, too.
"I should say I know you’re not kidding," anito.
"That's what I would expect from someone who claimed he knew me like his
favorite bedtime story," pagsang-ayon niya nang mahinahon.
"I can't marry that chit," anito. "I barely know her."
"Hah!" Sinamaan niya ito ng tingin. "You bed women you barely knew. And
afterwards you don’t get to know her further, you just replace her with someone
else."
"Lola… last time I looked in the calendar, I'm thirty-two. I'm entitled to my
own—"
"Bullshit, Jake. Bullshit," naiiling niyang protesta. "Say that to me again
and I'll pull your ear up to the heavens until it's black and blue."
Sa kanyang lihim na tuwa, binigyan siya nito niyong tingin na matagal na
nitong hindi nagagamit. Siguro may labing siyam na taon nang tagal na hindi
nagagamit, saka ito yumuko.
"You will never find anyone like Chantal again, she is one in a million. I
know that, everyone who knew her knows that, too," marahan niyang sabi sa
nakayuko nitong ulo. "Pero bakit sasayangin mo ang panahon mo sa mga babaeng
walang kwenta, gayong heto't may inilalapit ako sa 'yong tiyak na magbibigay ng
buhay sa 'yo kahit hindi mo siya matutunang ibigin, at maililigtas mo pa sa tiyak
na kapahamakan?"
"Marriage is not charity, Lola."
"Marriage is also compassion, closest to love you'll ever gonna get. You loved
Chantal, but she is gone and you have to move on. But not like this, not like this.
Don't spend your life acting inhuman, consider this. May maganda siyang
pangalan, nagmula sa isang respetadong angkan, at maipagmamalaki mo siya
kahit kanino. Matalino rin siyang bata, as I had suspected. Sa London, she has
excelled in four languages. Narito pa man siya sa Pilipinas, binabasa na niya at
naiintindihan ang Spanish Version ng Noli Me Tangere. Hiniram niya sa 'kin ang
isa sa mga unang Umberto Eco ko—the Italian version. Hindi ko na pinaalala na
hindi na niya sinoli," nangingiti niyang dagdag.
That chit had surprised her by reading that book fluently at her bedside one
time she got sick with flu almost seven years ago. Puro poor marks ang pinakita
nito sa International Languages Tutor nito noong elementary pa lang, but she was
sure now that the child acted dumb with her teacher just to annoy her father. She
herself has convinced Simon to have someone teach her dahil naaalala niya kung
gaano ka-proficient ang ina nito noon sa French, Spanish, Italian, at konting
Chinese at Japanese. Faith came from a family of learned individuals. Hindi siya
magtataka kung naipasa nito ang talino nito sa anak when she has definitely
passed on her beauty.
"She's a kid."
May ibinagsak siyang ilang litrato sa ibabaw ng mesa, sa tabi ng coffee cup
nito. At nakakunot-noo nitong tinitigan ang nasa pinakang-ibabaw ng stack ng
mga larawan, saka ihinalumbaba ang isang kamay.
Mayamaya, hinawi ng dulo ng hintuturo ng isa nitong kamay ang larawang
nasa ibabaw para makita nito ang mga nasa ilalim. "Ito na ba s'ya?" tanong nito sa
tinig na halatang nasurpresa at namamangha.
"Not a chit but a chick now, eh?"
At nang makita niyang nabubuhay ang ngiti sa mga labi ng binata, alam ni
Lola Ning-Ning na hindi na siya mahihirapan pang kumbinsihin itong sumunod sa
kanyang well-intentioned na mga balak…

SA SUMUNOD na mga araw, nangyayari ang mga biyahe at pagkikita, ang palitan
ng mga dokumento at ang paglalagay ng mga lagda. Nangyari ang pagsasalin ng
pera sa ilang mga accounts at pag-urong ng mga demanda.
Lahat nang walang kamalay-malay si Kendra.
At nagpatuloy ang pagtakbo ng mga araw…

KASALUKUYAN…
Maghahating-gabi na pero patuloy pa rin ang pakikipagkwentuhan ni
Kendra sa kanyang kaibigang si Carmina. Naupo malapit sa kanila si Brenda,
binubuklat ang mga albums na baon niya mula sa England ngayong nakaalis na
ang ibang mga bisita at ini-entertain naman ni Tita Florence ang mangilan-ngilan
na lamang na natitira. Nauna nang mag-retire kanina pa ang kanyang ama.
"Ang tamad mo naman kasing tumipa," sita niya kay Carmina. "Mabuti pa
nga si Nyorita, sulat-kamay pa, pero mas maraming naikukwento sa 'kin kaysa sa
'yo. Bakit nga pala wala s'ya sa kabila? Hindi ba n'ya alam na darating ako?"
tanong niya kay Brenda.
"Madalas siyang nagbibyahe nitong mga nagdaang buwan," ani Brenda
habang nakayuko sa album na baon niya pag-uwi. "Baka hindi agad makauwi
mula sa kung anumang ginagawa niya sa Maynila ngayon."
Napakunot ang kanyang noo. "Laging nagbibyahe? Bakit naman? Dati
mga tao niya ang bumibyahe patungo rito, hindi siya."
"Baka malapit nang mamatay at inaasikaso ang kanyang mga pamana sa
kanyang mga apo," nakangiting sabi ni Carmina, ngiting bumagsak nang lumagitik
ang palo niya sa hita nito. "Ah-ray! Ano ba?!"
"For your infow-mation, Nyorita will see the-e day I deli-veh my fehrs-
bowrn."
Pinagtawanan ng mga ito ang accent na ginaya niya mula sa mga Briton.
"Totoo ba talagang kapag hindi ka nag-English na may accent nila, hindi ka
nila maiintindihan?" tanong ni Brenda.
"Yes."
At siya naman ang nagkwento ng mga experiences niya sa England at sa
kanyang mga travels saiba pang parte ng Europe.
Bago siya nakatulog, nagbalik ang pag-aalala niya kay Nyorita Luningning.
Para kasing mahirap paniwalaan na kung gusto talaga siya nitong i-welcome pag-
uwi ay hindi ito makagagawa ng paraan. Hindi naman siya makaisip ng dahilan
kung bakit hindi nito gugustuhing hindi siya salubungin.
May sakit kaya ito? May problemang malaki?
Baka tuluyan nang nagkaproblema kay Jake? Ang apong iyon lang naman
ang alam niyang talagang pinag-aalala ni Nyorita sa kasalukuyan. Siguro, kaya ito
madalas lumuwas, the old woman has finally decided to take matters into her own
hands.
Nangiti siya sa naisip. Kawawang Jake. Kapag si Nyorita na ang kumilos,
walang katwiran o kahit na anong maaaring iargumento ang pwedeng pumigil dito.
She could make whatever people perceived as wrong right. Hindi lang nito iyon
nagagawang tama, kumikilos din ito para panindigan iyon hanggang sa wala nang
ibang maari pang kumwestyon rito kung hindi dahil sa takot, ay sa simpleng
pagkapagal sa paglaban.
Iyong ang huli niyang sentimyento bago siya nakatulog sa wakas sa sobrang
antok.

SIX
NANG MAGISING SI KENDRA KINABUKASAN, mabigat ang kanyang ulo. Napaka-
lethargic ng kanyang pakiramdam, at alam niyang humabol na sa kanya ang jetlag.
Pero nagpilit siyang bumangon para silipin kung anong lagay ng kanyang
Tita Florence. Hindi ito talaga mahilig mag-travel, kung sakali man ay napipilitan
kapag niyayaya ng asawa. She never took the hang of it. Mornings after flights
were especially hard for her, halos whole day itong nagpapahinga sa higaan.
Pero nagulat siya nang abutin niya itong nagbe-breakfast mag-isa sa
maluwang na komedor ng bahay. Medyo namumutla ito at bahagyang matamlay
ang ngiti, pero nangangalahati na ito sa nasa plato nitong omellette.
"Good morning, Tita," bati niya rito sabay halik sa noo nito. "You don't look
too good. Bakit hindi ka na lang nagpaakyat ng pagkain sa room mo?"
Umiling ito. "Naisip ko lang na sasayangin ko ang bakasyon ko rito nang
pinadaraan ang unang morning ko in bed. So I struggled to get up, breath the
fresh air, and eat breakfast. Pero siguro mayamaya babalik din ako sa higaan. I've
appreciated the morning as best as I could."
"Hayaan n'yo po. Bukas tiyak na maayos na ang kalagayan n'yo and we can
go try Papa's new horses."
Umaliwalas bigla ang mukha nito. "Oh yes. I heard him talking about them
last night. Mukhang matagal nang dream ng Papa mo na bumili ng mga horses?"
Tumango siya habang nauupo sa pwesto niya sa mesa. "Humingi siya ng
payo mula kay Nyorita, sabi ni Nyorita sa sulat niya two months ago. Jake—'yung
grandnephew niya—ang nag-asikaso ng lahat. Nagulat nga ako. I did not realize
they talk. I mean, they do, of course. But not about anything that will take them
more than five minutes to do it."
She started to put food on her plate while continuing the topic inside her
head. In fact, bago siya umalis laging nauuwi sa stilted na pagtatalo ang pag-
uusap ng magkapitbahay. Sinisisi kasi ni Papa si Nyorita sa mga "wild ideas" daw
na pumapasok sa kukote niya. Habang si Nyorita naman, sinisisi ang Papa niya
dahil nirerendahan daw nito ang paggawi niya sa natural niyang pag-uugali sa
pamamagitan ng hindi pagpansin sa kanya, whatever that meant.
"Your mother loved horses." Napaangat ang kanyang tingin sa kanyang
tiyahin dahil sa kanyang narinig. "Hindi ko ba nabanggit noong in-encourage
kitang matuto sa England?"
"It's the reason why I tried hard to learn. Napansin ko na lahat ng mga
kamag-anak natin, kulang na lang gawing oxygen ang pangangabayo. It's hard not
to believe that Mama did, too, when she was alive." Asiwa niya itong tinitigan.
"Kaya ka ba naiyak minsan, while you watched my riding?"
Bahagyang nagkakulay sa maputla nitong pisngi. "You saw? But I was far
away." Nasa labas ito ng koral noon, katabi ang asawa.
"I guessed. Hindi ikaw ang nahalata ko, si Tito. Nataranta siya sa
paghahanap ng panyo para sa 'yo."
Nagbuntunghininga ito. "You looked so much like your mother. Sa
malayo… your hair flying and you looking so natural when you ride… naisip ko
lang na kung nabubuhay si Ate Faith she would have been so proud to see you."
"Napanood na ba ni Papa si Mama sa pangangabayo?"
"I think so. I think they had visited my cousin's ranch in California. Bago
mamatay si Ate, she'd written to me na nagpapagawa na ng koral at stables si Kuya
Simon rito at nakahanda na ang pag-purchase ng horses. Pero noong nangyari ang
trahedya… well… marami sa kanilang mga balak ang hindi na naituloy pa ng Papa
mo."
"Hindi ko alam kung bakit biglang bigla siyang nagbago ng isip, siguro
bagong business venture. Inaasahan ko nang pagkatapos ni Papa, magsisisunuran
na rin ang iba pang mga hasyenderong malapit rito." Hindi naman niya
mapaniwalaan na nakumbinsi ito ni Nyorita dahil nabanggit niyang favorite
pastime niya sa England ang pangangabayo sa ranch nina Tito Steffan sa tahimik
na outskirts ng London. That was too much to hope for.
Pagkatapos ng breakfast, umakyat sila ni Tita Florence pero ito ay para
magpatuloy sa pagpapahinga nito habang siya naman ay nag-shower at lumabas
ng bahay. Nalaman niya mula sa cook na maaga pang umalis ang Papa niya para
magtungo sa Cumunal so hindi niya ito kailangang hanapin para kahit papaano ay
subukang i-engage ito sa isang adult conversation. She was dreading that. Sa
England, sa kanyang pag-aaral ay madalas niyang maka-chat ang kanyang mga
kaklase at ibang mga mas nakatatanda sa kanya tungkol sa seryosong mga topics
—matinong mga topics tungkol sa world situation, latest international news about
politics and business, and even Economics. She had thought of honing that skill so
when she was home, makakausap niya ang kanyang ama in the same way at
makikita nitong "adult" na siya.
Maybe, iyon na ang magiging simula ng isang mabuting relasyon para sa
kanilang mag-ama.
Pero dahil na rin siguro sa mga trauma niya noon, hindi niya maiwasang
ma-relieve na nabigyan siya ng isa pang araw. Too many times in the past she had
goaded her own father into thinking that she could not think a single, responsible
thought on her own. Naisip niyang siguro, may kasalanan din siya kung bakit
malayo ang loob nito sa kanya. Pero masakit din sa kanya na sarili siya nitong
anak, and he could not afford a single faith in her. So now she was determined to
be the first to try correcting her own mistakes. She hoped that the rest would
follow.
Sandali niyang nakakwentuhan si Brenda na nadaanan niya sa mas
maluwang na ngayong hardin sa likod bakuran. Natigil ang kwentuhan dahil may
dumating siyang bisita.
Si Paul.
"Hey," nasurpresa niyang sambit noong makita itong lumiliko sa may gilid
ng patio, sumusunod sa isang katulong.
"Magandang umaga," bati nito, nakangiti sa kanya. "may pinadala si Mama
kina Mrs. Prieto at dahil malapit lang naman, naisip kong dumaan dito, tingnan
kung gising ka na."
Nakadama siya ng tuwa sa sarili habang nararamdaman na hindi na siya
natatarantang gaya nang dati pagkakita rito. "You were not in my party last night,"
sisi niya.
"I came home from Manila late last night at nahiya na akong pumunta rito
kasi baka tapos na ang party." Napapailing ito habang humahangang nakatitig sa
kanya. "My, my… ang laki nga pala ng pinagbago mo."
"I hope for the better?" flirtatious niyang tanong.
Tumawa ito at hindi nag-comment. Pero nakikita niya sa ngiti nito na ang
hindi nito isinaboses ay ang gusto niyang marinig.
"May plano ka bang gawin ngayong umaga?" tanong nito kapagdaka.
May hawak siyang rose at nilalaro-laro niya ang stem niyon sa kanyang
daliri. "As a matter of fact, I was planning on going to a neighbor."
"Kanino?" nakakunot-noo nitong tanong. "Kung gusto mo, I'll drive you."
Naalala niya ang lihim niyang pangako kay Zarah noong huling disastrous
party niya bago siya lumipad patungong England. Na pagbalik niya, babawi siya sa
kabaitan nito. Zarah was in her party last night and she began by being friendly to
her. Ngayon, hindi maalis sa isipan niya na marami nang naghihintay na ianunsyo
ng dalawang ang mga ito ay nagkakamabutihan na.
Gayunpaman, siniguro ni Carmina kagabi na wala pa nga raw pormal na
relasyon ang dalawa.
"Siguro naiisip ni Paul na kapag nagtapat siya ng kanyang intensyon kay
Zarah sa mga parents nito, tiyak na engagement na 'yon na ang pinakamatagal ay
tatlong buwan. Wala na siyang kawala. Maybe they're already 'it', secret nga lang,
para kahit papaano ma-enjoy pa nila ang pagiging single kasi kahit papaano, nag-e-
entrtain pa rin ng ibang mga manliligaw si Zarah habang si Paul naman, nakikipag-
date pa rin paminsan-minsan sa iba."
Pinakiramdaman ni Kendra ang kanyang sarili. Kaya na naman niya
talagang pakawalan si Paul. Maraming nanliligaw sa kanya ang lubhang
nakakaingos sa kapabilidad at yaman ni Paul—mga lalaking ni hindi siya ituturing
na isang uhuging pinsan. Sa England, ibinuhos niya ang kanyang isip at
damdamin sa kanyang pag-aaral at pakikipagkaibigan sa iba para maibaon niya
ang lahat ng disappointments na ipinaaalala sa kanya ng Pilipinas. Well, as of last
night, feeling niya, nagtagumpay naman siya.
Ang problema, hindi pa rin siya makawala sa sense of injustice na
nararamdaman niya kapag naaalala niya ang nakaraan. She has become more
than anyone had ever believed her to be. Ano pa ba ang kanyang kailangang
patunayan?
Nagsikip ang kanyang dibdib nang maalala niya si Angelina na dumalo rin
sa Welcome Party kagabi. Pero wala siyang ilusyon na dumalo ito para i-welcome
siya, mas malamang na para makita ng sarili nitong mga mata kung anong
iniungos niya rito.
Ang kapal ng mukha, noong batiin siya, para silang matalik na
magkaibigang matagal na hindi nagkita. She was old enough—and experienced
enough—to see na sa likod nang peke nitong ngiti ay ang naninibugho nitong
damdamin. Pinuri nito ang kanyang party dress, at ang kanyang "natutunang"
kapabilidad na suotin iyon nang may poise doon pa sa England.
"Well, some of us are lucky," sagot niya rito. "But really, dito pa lang sa 'Pinas
alam na nating no-no ang turtle neck sa isang party unless may itinatagong bukol ng
goiter or… shucks… kiss marks," sabi niya sa tonong para iyong private joke,
tumitingin sa likod nito kung may karay-karay itong boyfriend gayong alam na
niyang wala. "Uh-oh, sorry. Single? Then it's either goiter or wrong fashion sense,
right?"
Sobra na itong nag-e-exert ng effort sa pagpapanatili ng ngiti sa mukha nito
kaya siguro ni hindi na ito nakasagot.
"Welcome to my party. If it becomes too hot inside you can always borrow one
of my dresses—if you'll find one that would fit," dagdag pa niya habang nakatingin
sa halatang medyo nananaba nitong kaha.
Impit na tawa at naeskandalong katahimikan ang narinig niya sa malalapit.
Tumawa rin ito para panindigang nagbibiruan lang sila. Pero sa buong pag-stay
nito sa party hanggang sa pag-alis, nakalalason ang mga tinging itinatapon nito sa
kanyang direksyon.
Bago niya mamalayan, tumatango na siya sa imbitasyon ni Paul. "Not drive,
though. May alam akong way dito sa likod. Let's take a walk."
Tumango ito nang nakangiti. "Better. Makakapagkwentuhan pa tayo. "
Naiisip niya, habang inaamoy ang bango ng rose na hawak niya, na kung
sakali balak lang niyang medyo paasahin si Paul para mabigyan ito ng leksyon.
She has no intention now of actually taking him away from Zarah. Ito na ang una
at huling pagkakataon na sasama siya rito nang sila lamang. Next time, they
would be with friends and with Zarah, saka niya pakikita sa lahat na hindi na niya
hinahabol-habol pa ang lalaki gaya ng dati. Na na-outgrow na niya talaga ito.
Siguro naman, hindi na siya magiging odd-one-out ngayon sa mga lakad ng
kanyang mga kababata?
"London had been good for you," narinig niyang comment nito habang
nilalayuan na nila ang hardin patungo sa dati pa ring manggahan.
"I can't help but say yes," pagsang-ayon niya. But she did not want to talk
about London anymore. She has exhausted that topic last night. "The years had
been good to you, too. Balita ko, ikaw na raw ngayon ang responsible sa
kabuhayan ng family n'yo?"
Tumango-tango ito habang halatang bahagyang lumiliyad ang dibdib. "Yes.
Dalawang taon na, mula noong mag-asawa si Kuya Lemuel at maging madalas ang
pagta-travel. Noong maka-graduate ako, ako na talaga ang pumalit sa mga dati
niyang ginagawa."
At lihim siyang napabuntunghininga nang—gaya ng ibang mga lalaki—ay
nagpatuloy ito sa sunod na mga minuto nang pag-e-expound ng mga
responsibilidad nito para lalong mapayaman ang kaban ng yaman ng mga
magulang.
Nakaliban na sila sa property ni Nyorita nang halos hindi niya
namamalayan. They changed direction, pumipihit sa kanan patungo sa likod
bakuran na siguro lampas sampung metro na lamang ang layo sa kanilang
kinatatayuan. Napahinga siya nang malalim nang maamoy ang mabangong amoy
ng bagong trim na damo sa kanilang nilabasang clearing.
"Nahawan na pala ang likurang ito," singit niya sa sinasabi ni Paul tungkol
sa bagong patubigan sa may limang ektaryang palayan ng mga ito habang
sinusundan niya ng tingin ang dati'y madawag na kakahuyan. Pinutol na ang mga
puno sa may sampung ektaryang lupa pero hindi pinutol ang mga kahoy malapit
sa ilog.
O ang namumungang mga bungang-kahoy malapit sa bakuran, dagdag niya
noong maibalik niya ang kanyang mga mata sa kabila.
"Ang bali-balita, may bahay na planong ipatayo ang apo ni Ms. Inovicento sa
likurang ito. Malaki raw sa property ng matanda ay inilipat na niya sa pangalan ng
apong iyon kaya naman noong dumating, siya na ang nagpapalakad sa naiwang
mga responsibilidad ng matanda. Ang tsismis pa, malapit na raw mag-asawa at
ang bahay na ipagagawa ay bahay ng mga ito dito sa probinsya."
"Apo? Sinong apo?"
"Hmmm… Jacinto Canlas Inovicento III, kung hindi ako nagkakamali. Iyong
pinakamatanda raw sa mga binata pang apo."
Si Jake, naisip niya. Bahagyang napakunot ang noo niya habang naiisip na
kaya siguro madalang ang mga sulat ni Nyorita nitong huling tatlong buwan dahil
sa sobra nitong pagkaabala sa pagsasaayos ng mga kabuhayan nito at paglilipat ng
pamamalakad sa mga kamay ni Jake. Nabanggit na nitong sa lahat ng mga apo, si
Jake ang pinakang-mapagmahal rito, at pinakamaalaga sa mga lupain ng mga
Inovicento sa mga probinsya. "Sa kanya ko naiisip ipamana ang mga properties ko
dito sa New River Valley."
"Balita ko, napakayaman na n'on, yet he's only in his early
thirties,"pagpapatuloy ni Paul. "He has dealings with your father, they said. S'ya
ang nagbenta ng mga breeding horses sa Papa mo. Have you seen the horses?
Nakakatuwa. Pinag-uusapan na namin sa bahay ang magpaturong mangabayo at
bumili na rin sa isang taon kung papalaring makakalusot sa istriktong budget ni
Papa…"
Kilala ang ama ni Paul sa pagiging kuripot. Halatang pinagsisihan nito na
nabanggit pa ang huling sinabi dahil kanina lamang, pinagmamalaki nitong ito na
ang may kontrol maging sa pinansya ng pamilya nito.
Ipinagpatuloy nila ang paglalakad habang iniiba nito ang subject. Malapit
na sila noong isinuksok niya ang rose sa kanyang teynga dahil wala siyang
mapaglagyan niyon. Namamawis na ang kanyang batok dahil sa nakalaglag niyang
buhok at plano niya iyong ipuyod gamit ang ponytail na naka-bracelet sa kanyang
bisig.
Nakayuko siya habang sinasalikop ang kanyang buhok pataas sa kanyang
ulo habang iniingatang malaglag ang rosas sa kanyang teynga kaya hindi niya
napansin ang kasalubong pwera noong malapit na siya rito, noong nakikita na niya
ang mga paa nito sa lupa malapit sa kanyang harapan at na natahimik na si Paul
sa kanyang tabi.
Gulat na napaangat ang kanyang tingin para umangat pang lalo. The man
was tall. Sa kabila ng pagiging Asian, kahit sa London bihira siyang ma-overwhelm
sa tangkad ng isang lalaki sa taas niyang five eight dahil alam niyang natural lang
iyon. They were foreigners.
But this one was definitely an Asian, too. Mestizo, pero Filipino. Hindi lang
ito matangkad, maganda ang pangangatawan, at kapansin-pansin agad ang
kagwapuhan. It took just a few seconds for her to realize whom she was facing.
Hindi madaling makalimutan ang mukhang iyon kahit noong huli niya iyong nakita
ay nasisilam sa juice ng mangga ang kanyang mga mata.
She must admit na mas nakakamangha ang kagwapuhan nito ngayong
hindi siya nasisilam like the last time.
"H-Hello, J-Jake," bati niya.
Pero nanatili itong nakatingin sa kanya, pagkatapos ay kay Paul, na parang
nakatingin ito sa dalawang trespassers sa property ng Lola nito.

SEVEN
BAHAGYANG NAKAKUNOT ANG NOO NITO. Sa titig nito, pakiramdam niya bigla
siya na ulit iyong marungis na seventeen-year-old na nakasalamuha nito dati,
iyong amoy manggang bulok at may matalas na dila. Umangat ang mga kilay nito
sa pagtataka nang marinig ang tawag niya.
"H-Hindi mo ba ako naaalala?"
"Excuse me," narinig niyang sabi ni Paul. At lumipat ang tingin dito ni
Jake.
Habang pinakikilala siya ni Paul rito, lihim niyang pinagmasdan ang lalaki.
Malaki na pinagbago nito. Kung noon, friendly ang mukha nito at nakatawa ang
mga mata, ngayon ay malungkot ang mga matang iyon, walang kinang o tuwa
siyang nakikita. Nagsisimula nang maasiwa si Paul habang nakatitig dito ang
lalaki nang may lamig sa mga mata. Na-guilty tuloy siya dahil siya ang nagsama sa
kababata rito.
"I'm sorry we didn’t try to visit through the front gate," pagsingit niyang muli
para sa kanya malipat ang malamig na tingin ni Jake. She deserved it, siya ang
may kasalanan. "Nasanay kasi ako noon na dito nagdaraan kapag dinadalaw ko
ang lola mo."
"Wala siya rito," sagot nito sa tinig na malayong malayo sa naalala niya.
Iyon pa rin naman ang dating baritone, buo at mababang tinig. Ang nawawala ay
iyong amusement, though she could not understand why she would miss it, gayong
siya ang pinagtatawanan nito noon. "She would be staying abroad for a while."
Lumipad mula sa kanyang isip ang lahat nang marinig iyon. "Abroad?
Why? M-may sakit ba si Nyorita?" nag-aalala niyang tanong. "Bakit hindi n'ya
sinabi sa mga sulat niya? She didn’t even say she was going abroad. May
problema ba s'ya? Sinong kasama n'ya? How can I reach her?"
"Calm down, Kendra. She's fine."
Noong narinig niya ang tawag nito sa pangalan niya, saka niya na-realize na
alam nito kung sino siyabago pa man siya ipakilala ni Paul dito. It was the way he
said her name. Hindi niya alam kung paano ipaliwanag, but she was sure.
Nahihiya siyang napatitig rito. "Anong ginagawa niya sa ibang bansa?" marahan
niyang tanong.
"She's visiting. In the past, she's done it in three to four times inside ten
years. But she's old now. Last time she had visited family and properties was
seven years ago. Akala ko nga last time na 'yon kasi mula noon halos walang
nakakapagtaboy sa kanya mula rito maliban kung may magkakasakit sa kanyang
mga apo, o may ikakasal."
"Are you sure na walang ibang dahilan? Wala siyang sakit or something?"
"Or something," sagot nito. Sa naalarma niyang tingin dito,
nagbuntunghininga ito. "Don’t worry about her health, ako mismo ang nag-i-insist
ng general physical check up para sa kanya three times a year and the doctor
declared she was as fit as a horse last time. Worry about her mind. Everybody
does. Nobody could predict what she would think of next time. Everybody does
pray that it wouldn’t involve anything that involves them."
Napangiti siya nang hindi sinasadya, naaalalang sa huling mga sulat ng lola
nito, ang lalaking ito ang nasa isip nito. Ngayon siya lalong nakasiguro na si Jake
na nga ang huling nakatikim ng hagupit ni Nyorita Luningning.
"Gan'on naman pala… then walang dapat ipag-alala," relieved na niyang
sabi.
Walang ginawa si Jake para ipakita kung anuman ang opinyon nito sa
sinabi niya. Walang salita, tango o iling o kahit ano. Nanatili itong nakatitig sa
kanya sa ilang sandali hanggang sa maisip niya na maaaring nakakaistorbo na sila
ni Paul rito.
"Pasensya ka na sa abala. Aalis na kami."
"Hindi ka nakakaabala," sagot nito. "You can come visit anytime you want."
Bahagya siyang tumango. "Thank you."
"Welcome back, Kendra," marahan nitong sabi.
Hindi niya alam kung bakit siya nakadama ng init sa simpleng mga salita.
But his voice seemed to caress her, the message on his words seemed to invoke an
intimacy that only she must be feeling. Kasi walang logic na maramdaman iyon ng
lalaking ito para sa kanya.
"Thank you."
"Matagal ko nang naririnig na close ka sa matandang Inovicento, pero
ngayon ko lang napatunayan na totoo pala," ani Paul noong naglalakad na sila
pabalik sa bahay niya.
"Ha?" Napatingin siya rito. Dahil sa pananahimik nito kaninang nag-uusap
sila ni Jake, akala niya ay mananatili itong tahimik kahit pagkatapos. Halata
naman kasi kanina na na-overwhelm din ito sa presensya nang mas nakatatanda
at mas matangkad na lalaki.
Nasa isipan pa niya si Jake. No, hindi lang ang tangkad nito o tanda sa
edad ang nag-angat dito kay Paul. It was because of other reasons. Confidence,
manly appeal, his casualness despite the intelligence in his eyes… his sexual
appeal… that actually raised his personality a bloody notch higher than any man
she has ever met, kahit pa sa London. Iyon ang dahilan kung bakit ni hindi
sumagi sa kanyang isip na hahangaan nito ang taglay niya ngayong ganda—she
knew that he had met others who were more beautiful. Jake was a man of the
world, and she now knew this. Iyon ang itinuro sa kanya ng kanyang mga pagta-
travels, at higit pang mga bagay na hindi kayang insultuhin ni Angelina kahit ano
pang gawin nito sa kanya. "Ah… oo. She was the grandmother I never had,"
masaya niyang sambit.
"Matagal mo nang kilala si Mr. Inovicento?"
"I've met him only once," aniya, nakadarama ng satisfaction na nakaririnig
siya ng natatagong selos sa tinig nito.
Noong ngumiti ito, ngumiti rin siya sa kanyang sarili. Her battle with Paul
was already won. It was time for her to move on.
"So, anong balak mong isuot na costume sa yearly April Fool's Day Party ng
Mommy ni Carmina next week?" tanong niya rito habang patuloy sila sa kanilang
paglalakad.
“But that’s supposed to be a surprise,” nakangiti nitong sabi.

TUWING APRIL Fool's Day, may Masquerade Party na ino-organize ang Mommy ni
Carmina para sa lahat ng mga kapitbahay at mga kaibigan nito sa sa loob at labas
ng New River Valley. Nagsimula iyon noong maliit pa ang young twin-brothers ni
Carmina at hit agad sa mga kalaro nito at sa kanilang magkababata. Sa paglaon
ng panahon, nangunguna na sa social events sa village ang Masquerade Party na
iyon, kahanay ng Christmas Ball, Valentine's Eve Party, Thanksgiving Village Party,
at Halloween Party na ini-sposor kanya-kanya ng pinakamayayamang mga
landowners sa tatlong villages sa valley.
Kaya hindi na siya nagtaka nang sa pagpasok ng linggo, napalitan ng mga
usapan tungkol sa party ang dating usapan tungkol sa kanyang pagbabalik-bayan
sa mga tsismisan. Kanya-kanyang gimikan na naman sa pagda-diet ang mga
dalagang may planong magsuot ng seksing mga costumes, kanya-kanyang
bulungan tungkol sa kung sinong pagti-trip-an at kanya-kanyang ispekulasyon
kung sino ang magkakamit ng premyo para sa pinaka-succesful na prank sa gabi
ng party.
Ang huli ay ideya naman ng Manilenyong pinsan ni Carmina, ang Kuya
Jericho nito, na mula nang maka-attend sa unang party ay fateful attendee na sa
sumunod na mga taon. Every prank that anyone wanted to play on anybody, naka-
register para makontrol ang mga pranks na iyon at masigurong hindi makasasakit
sa kaninunam sa pisikal na paraan—maliban sa pride, dignidad at reputasyon
kahit pansamantala lamang.
At tatlong beses nang nakapanalo ng first prize si Kendra noon.
"I've outgrown that," natatawa niyang sagot sa hindi na niya mabilang na
pagkakataon sa buong linggong iyon tuwing may excited na magtatanong kung
nakapagpa-register na siya ng kanyang prank. Ang nakakatawa, walang maniwala
sa kanya, kahit ang kaibigan niyang si Carmina. Malapit na raw magbakasyon ang
Kuya Jericho nito muli rito sa New River at tinatanong na raw nito sa phone kung
ano ang bagong prank niya, now that she has come home.
"Kinwento niya sa 'kin noong nagkita raw kayo sa Paris," wika nito, "at hindi
ka raw niya agad nakilala kahit alam niyang ikaw na ang kaharap niya. He'd
attended that party knowing he would see you there," ani pa ni Carmina sa
malakas na pagkukwento habang nagpapalipas sila ng oras sa hardin ng mga ito
kasama ang iba pa nilang mga kababata. "Alam mo ba, sabi ni Kuya, kung hindi
lang daw naalala niya bigla na mag-bestfriends tayo baka right there and then
niligawan ka na n'ya?"
Sinakyan lang niya ang sinabi ni Carmina kasi naroroon din si Angelina.
"Na para namang sasagutin ko siya? Sinungaling ang pinsan mong 'yan.
He was with a beautiful Egyptian model when he arrived. Pa'no naman kaya niya
ako mapapansin?"
Nagbuntunghininga itong parang nangangarap. "I wish I could have seen
you. Sabi nga niya, ang dami mo raw admirers na French."
Nararamdaman na niya ang unti-unting pag-iinit ng mukha niya. "Isa lang,"
sagot niya rito.
"Anong isa? Tatlo. Pierre, Jean and Nicolas. Tita Florence told me. Bukod
pa r'on ang English suitors mo. There were five. Want me to tell their names?"
Nasa loob ng bahay si Tita Florence, binibisita naman ang Mommy ni
Carmina na acquaintance pala nito noong bata pa. "Carmina, ano ka ba?" saway
niya rito. "Hindi ba pwedeng pagkwentuhan natin ang ibang kwento tungkol sa
travels ko kaysa mga manliligaw? I barely had time for them. Besides, marami
akong nakilalang mas interesting pa ang personality kaysa sa mga lalaking 'yon."
"I can't understand how anyone could be more interesting than those
foreigner suitors of yours," singit ni Angelina na sa nagdaang isang oras ay
nagpakita nang kawalang interes sa pag-uusap at mas nagbigay ng interes sa tini-
text nito sa cellphone nito. "Unless they were not interesting in the first place."
Ni hindi na siya nagulat sa kagat nito. Tuluyan nang lumabas ang
animosity ni Angelina sa kanya pagkalipas ng party. Sa bawat pagkakataon na
magkakasama silang magkababata ay ipinararamdam nito iyon sa kanya may
makaririnig man at makakikita o wala.
In fact, Angelina had tried so hard to make her feel like an odd-one-out, the
way she did before. Iyon nga lang, hindi sing-successful kasi kahit ang iba,
interesado lagi sa mga sinasabi niya, nagtatanong dahil sa genuine na curiosity.
Ericka was a little competitive at first. Once upon a time, halatang nagkagusto rin
ito kay Paul kaya naging sentro ito ng mga pranks niya noon. Pero araw-araw niya
itong binomba ng compliments at mabilis din niyang nakuha ang loob nito. Si
Errol naman na laging masayahin, ganoon pa rin hanggang ngayon. Walang
masamang tinapay rito kaya madali niyang nakuha muli ang loob nito.
"Oh, they are, actually—if you’re a fonder for compliments about your wit
and your beauty and your little little waist and your dainty ankles… and promises
that they will adore you and take care of you for the rest of your life…" sagot niya.
Hindi siya tumitingin rito pero nalalaman niyang alam ng lahat na ang mga
binanggit niyang qualities ay hindi nito taglay. Wala itong wit, anumang
kagandahang meron sa mukha nito ay natatalo sa atensyong nakukuha ng
maumbok nitong dibdib na mas gusto nitong i-display sa mga makakikita,
nonexistent naman lalo ang kaliitan ng waist nito at bata pa ito mabigat na ang
mga paa at kina-career lagi ang pagkadapa saanumang nakausli sa lupa. "In the
end, you'll get tired of hearing that everyday, 'di ba?" tanong niya rito nang
natatawa, dahil noong tumingin siya rito, nanggigigil ito sa pagkakatitig sa kanya.
"You’re such a hypocrite," natatawang sambit ni Ericka. "If my boyfriend
would forget saying that to me at least once daily, nagmamarakulyo talaga ako."
"But you've been together ni Frank for what—two years? Iba siguro kapag
boyfriend, iba siguro kapag mahal mo ang nagsasabi n'on sa 'yo. Tell us, iba nga
ba?"
There was nothing more that could distract them from her except any stories
about romance, at noong sumakay si Ericka, nakahinga siya nang maluwag. She
was getting tired of talking about herself. Sumulyap siya sa bahay, nag-iisip kung
hanggang anong oras pa kaya magkukwentuhan ang tita niya at ang Mommy ni
Carmina nang mamalayan niya ang biglang pagkilos ni Angelina mula sa
kinauupuan nito sa damuhan.
"You came! How did you know I'm here? Sinabi ba ni Mommy?"
Nagbuntunghininga siya nang hindi tumitingin sa kung sino mang
dumating. Alam naman kasi niyang kung sino na naman iyong binata na in any
whatever way ay nakumbinsi nitong puntahan ito sa kung saan man ito naroroong
kasama sila para maiparada nito sa kanila.
Ang hindi nito alam, they were secretly laughing about it behind her back.
Kasi naman, aakto si Angelina na kaya dumating ang lalaki, hinahabol ito in a
romantic sort of way. Saka nila malalaman later na may mas mundane palang
dahilan kung bakit hinahanap ito ng pobreng lalaki na walang kinalaman sa gusto
nitong palabasin, katulad nang may hiniram pala ang babaeng importante na hindi
pa nito sinosoli. One of those men complained na hindi na lang daw ito makaangal
dahil mapapahiya si Angelina.
Nagulat na lang siya nang marinig niya ang isang pamilyar na tinig sa
kanyang likod.
"Actually, I'm looking for Kendra," ani ng tinig ni Jake.
Nang mapatingin siya rito, nakatingin ito sa kanya.
"Your father sent me to look for you," anito, saka kaswal na iginiya ang ulo
sa direksyon ng gates ng mga Bustamante habang unti-unting ngumingiti.
"Dumating na ang bago mong kabayo."

EIGHT
DAHAN-DAHANG NAPATAYO SI KENDRA mula sa damuhan. "Hindi ko alam na
may binili siya para sa 'kin," nasambit niya sa hindi halos makapaniwalang tinig.
"Actually, it was not his idea. Nasabi sa 'kin ni Lola Ning-Ning na natuto
kang mangabayo sa London. I saw you riding with your aunt the other day, at
nasabi ko sa 'yong ama na mas maganda kung meron kang kabayong para sa
personal mong pangangailangan. He asked me to choose for you. She's right
outside."
She has seen Jake ride, too. He was magnificent atop a black stallion. She
would never dream of riding the horse that he was riding that day, ang laki pa
lamang niyon ay nagdadala na sa kanya ng kaba na hindi niya gustong subukang
alamin kung hanggang saan makararating kung ide-dare niya. But yes, she loved
riding, too. And she would love to have a horse of her own. Pero tama na ang isang
mare.
And it was a mare, a chestnut colored one. Kasunod niya ang mga kaibigan
nang lumabas sa gate para makita ang dalawang kabayong ang mga reins ay
nakatali sa sanga ng magkahiwalay na mga puno. The other horse was jake's black
stallion. Malinaw na gusto nitong mangabayo siya kasama nito.
"I'd love to try her," aniya rito.
Tiningnan nito ang suot niya—a lady's shirt and jeans, sandals sa mga paa.
"We won’t be long," anito, "so I guess that will have to do. Saka nito nilapitan ang
mga kabayo, pinawalan ang mga reins at inilapit ang mga kabayo sa kanila.
Sa likod niya, nag-urungan ang mga kaibigan niya, obvious na na-
overwhelm sa laki ng stallion ni Jake. "What's his name?" tanong niya rito.
"Satan."
Napahingal si Zarah at Ericka at napangiti siya.
"How about her?" tanong naman niya habang inaangat ang kamay para
haplusin ang leeg ng kanyang bagong kabayo.
"Beauty."
"You certainly are beautiful," marahan niyang sabi sa kabayo habang
nararamdamang mahal na niya ito.
Bahagyang nag-snort ang kabayo, saka walang pag-aatubiling ipinaling ang
ulo palapit sa kanya sa malambing na kilos na nagdala ng ngiti sa mga labi ng mga
kaibigan niya.
"She likes you," ani Jake.
"She's sweet," sabi naman niya.
Ibinigay nito sa kanya ang reins ng kabayo. Kinagat naman niya iyon para
magamit ang kanyang mga kamay sa mabilis na pagpupuyod ng kanyang
nakalugay na buhok. Gusto sana niyang sabihing kaya na niyang sumakay sa
saddle ng kabayo nang mag-isa, pero noong inilahad nito ang kamay para alalayan
siyang tumapak sa stirrup, hindi na niya tinuloy sabihin ang sasabihin sana niya.
Nagtagpo ang kanilang mga kamay sa unang pagkakataon at nasurpresa siyang
napatingin dito, nasurpresa dahil sa hindi maipaliwanag na reaksyon ng kanyang
katawan nang magtagpo rin ang kanilang mga palad. Bumilis ang tahip ng
kanyang puso, nakadama siya ng parang kuryenteng nanalaytay sa kanyang
katawan at namula ang kanyang mga pisngi nang matagpuan niyang nakatitig ito
sa kanyang mukha habang inaalalayan siya nitong makaakyat sa kabayo.
Alam kaya nito kung anong nangyari sa kanya, taranta niyang naisip
habang sumusunod sa mosyon nang pag-akyat sa kabayo. Mayamaya lamang ay
nakasaklang na siya sa saddle at pinilit niyang magpakakaswal habang ina-adjust
nito ang haba ng stirrup sa haba ng kanyang biyas. Saka ito nag-angat ng
nagtatanong na tingin.
"Alright?"
Pipi siyang tumango dahil parang may bara sa kanyang lalamunan kung
magsasalita siya. The last time she felt something like this, it was because a very
handsome real life prince had offered to dance waltz with her in a party in London.
It was more of the romance in dancing with a prince that had roused her, hindi
gaya nang nangyayari ngayon.
At noong nag-iwas siya ng tingin, she suddenly realized that she was
foolishly attracted to Jake. How did that happen? When had it started?
How could it be when she knew that however she has grown in the last five
years, ang tingin nito sa kanya ay para pa ring sa isang bata at na alam niyang
malapit na itong ikasal?

THEY RODE for about an hour. Thirty minutes of that hour was spent on a little
rough-riding when they reached the rough trail that bordered the road from the
river. Matapos ang rough ride, they let the horse cool down while chatting a little.
Hindi naman niya maipaliwanag kung bakit, sa kabila nang sa tingin naman niya
ay kumbinsido niyang show ng kakaswalan dito, ay hindi niya magawang alisin
ang kakaibang excitement na kanyang nararamdaman na kasama ito.
Of all the men she had met and got reacquainted with since she came back,
wala pang nakaapekto sa kanya nang gaya ng epektong binibigay nito sa kanya. In
fact, if she remember it correctly, ganito na siya kanerbyos noong unang magtagpo
silang muli sa likod na property ng lola nito, noong kasama niya si Paul at
hinahanap niya si Nyorita. Hanggang noong makalayo na sila ni Paul kinakabahan
pa rin siya.
She thought then that it was only because she was over-whelmed. Sa lahat
ng mga lalaking kanyang personal na nakilala, Jake was the oldest, the smartest.
She could not imagine him talking pompously about himself the way Paul did
nonstop when given the chance, hogging the hours glorifying himself the way most
of her admirers did. Jake did not disappoint her. Sa kanilang pagkukwentuhan,
they talked about the weather and the horses, his new acquaintances in the valley
and his grandmother. Never about himself, or, in further thinking, about her.
Ngayon, alam na niyang kombinasyon iyon ng pagka-overwhelm at
atraksyon, mga damdaming naramdaman na niya noong una pa niya itong makita,
masyado pa nga lang siyang bata noon para malaman kung ano ang mga
damdaming iyon. Alam na niya ngayon kasi biglang bigla, siya naman ang gustong
magmalaki tungkol sa kanyang sarili rito in the immature way that her suitors did.
As she chatted with him, she began to understand na nagsimula ang
infatuation na ito noong seventeen siya—she has never seen anyone more
handsome than him in all her life living in the valley. Kaya siguro nitong nagdaang
mga araw, kapag natatanaw niya ito sa malayo, nakadarama siya nang pagnanasa
na panoorin ito nang mas matagal kaysa ibinibigay niyang atensyon sa iba.
Hinahangaan din naman ng ibang babae ang kagwapuhan nito at porma kaya
akala niya normal lang na hangaan din niya ang parehong mga bagay rito. Noon
lang nahawakan nito ang kamay niya saka niya naramdaman na physically—halos
sexually—attracted siya rito.
But he was already bethrothed to someone else, paalala niya sa kanyang
sarili, and she's not seventeen anymore, twenty-three na siya. Best to stop this
now before she gets deeper. Kung si Paul nga na all-time crush niya na-outgrow
niya, ang lalaki pa kayang ito?
"Balita ko dito sa valley, magpapagawa ka ng bahay sa likod nina Nyorita
para sa fiancee mo," pagbubukas niya. Actually, her father has already confirmed
this at dinner. "Kelan siya bibisita rito?"
"Hindi ko alam na pinag-uusapan pala ng iba ang affairs ko," kaswal nitong
sambit.
"We can't help it, the valley's a small place," nangingiti niyang sambit.
"Actually, hindi ako naki-tsismis. Madalas kang ikwento ni Papa sa bahay. Sabi
niya sabi mo raw—"
"You'll be the first one to meet her when I bring her here," singit nito. Na
ibig sabihin, ayaw nitong pag-usapan ang subject.
Why not? Sa kanyang karanasan, kapag ayaw ng isang lalaking ikwento
ang babaeng pakakasalan nito, that meant he did not want to marry her in the first
place—or he wanted to play around a little before he actually gets tied.
Good, sabi niya sa kanyang sarili. Best find something bad about him, para
hindi ka na mahulog pa sa kanya.
"A-Attend ka sa party?" tanong niya.
"The Masquerade Party. I was invited with Lola Ning-Ning."
Napatingin siya rito, nangingiti. "You mean, malapit na siyang umuwi?"
"I guess so."
"Why isn’t she calling me?" tanong niya rito.
Ngumiti ito habang sumusulyap sa kanya. "Don’t worry, baka kapag
kakwentuhan mo na s'ya, sabihin mo naman sana nagtagal na lang siya sa
pagbabakasyon niya."
Napatawa siya. "Ibahin mo 'to. I never get tired of her meandering
questions. Wala kasi akong itatago sa matandang iyon. While you…"
"I learned to protect my own privacy from too many well-intentioned females
in my family at an early age. It's the best step of preserving my sanity."
"Kaya pala ngayon ka pa lang mag-aasawa?" nanunudyo niyang tanong,
naaalala sa huli na namatay nga pala ang babaeng balak sana nitong pakasalan a
few years ago at noon pa sana, kasal na ito. Napahiya siya noong nakita niyang
nawala ang ngiti sa mga labi nito. "How about if we let the horses have a drink?"
bigla niyang tanong. "May sapa malapit dito."
"You know the place more than I do," sabi lang nito sa hindi na masayang
tinig. At muntik na niyang batukan ang kanyang sarili sa kanyang pagiging
tackless.
"It's right here," aniya. "Bumaba na tayo rito at hilahin na lang natin ang
mga kabayo."
Nauna na siyang nag-dismount kay Beauty. Hawak ang reins nito sa isa
niyang kamay, naglakad sila nang magkatabi papasok sa kakahuyan, sumusunod
sa kanila ang mga kabayo.
"I thought you do business. How did you get into horses?" tanong niya rito
para mapunan ang katahimikan.
"I loved them since I started mounting a pony when I was a kid. Lola was a
good horsewoman in her younger years."
"I've seen dozens of pictures of her atop horses in her house," pagsang-ayon
niya. "Kaya nga kwento ako nang kwento sa kanya noong nag-aaral pa lang akong
mangabayo sa London. She gave me tips in her letters." Nagbuntunghininga siya.
"For an active person like Nyorita, siguro malungkot para sa kanya ang tumanda."
"Don't believe that," natatawa nitong sabi. "Ang hindi na niya magawa sa
buhay niya mula noong tumanda siya, inilipat niya sa mga bata. We've been doing
her biddings from the cradle."
"Bakit? Nagkamali ba siya kahit minsan sa mga iminando niya sa inyo?"
natatawa rin niyang tanong. "I don’t know about you, pero lagi niyang
ipinagmamalaki na kung hindi raw dahil sa kanya, lumaki sana kayong mga
'undisciplined barbarians.'"
"She called us what?"
"Spoiled brats din," dagdag pa niya.
"Lekat na matandang 'yon, ah? And to think we are the ones who had been
spoiling her for years."
"That's what she'd said," paninindigan niya sa kanyang sinabi. "Mabuti na
lang hindi niya kayo dinidiktahan sa mga babaeng gusto n'yong pakasalan," sabi
niya.
"Well, kung siya'ng masusunod—"
"Of course not!" nasambit niya. Sa tingin nito, napatawa siya. "She does?"
"Of course not," ulit nito sa sinabi nito. "I do my own picking and my own
damn wooing. Bakit mo naisip na pati sa ganoong bagay hahayaan kong
pakialaman ako ni Lola?"
"Not you," pagtatama niya nang makitang talagang naiinis ito. "But all of
you in general. Tell me, ang pakakasalan mo ba ngayon siya ang nagpakilala sa
'yo?"
Inagaw nito sa kanya ang reins na hawak niya noong makarating sila sa
may sapa at binitiwan ang mga iyon noong kusa nang lumapit sa malinaw na tubig
ang mga kabayo. Pero hindi ito sumasagot.
"Pwede mong sabihing hindi at maniniwala ako," nangingiti niyang sabi sa
likod nito.
"I don’t have to lie to save anything. Yes, I've met her through Lola. But
that didn’t mean I wanted to marry her because that old chit ordered me to."
"Of course not."
Bumaling ito sa kanya. Pero sa kanyang pagkasurpresa, sa halip na iritado
ay nakangiti pa ito. "Are you trying to patronize me?"
"I will never dream of it," maagap niyang sabi. Noong humakbang ito
palapit, awtomatiko siyang napaurong. "I was teasing, not patronizing,"
pagdedepensa niya sa kanyang sarili.
"Of course not," ulit na naman nito sa sinabi niya sa parehong parehong
tono. And she realized that he was actually flirting with her.
My God, was she flirting with him just a few moments ago? Hindi niya
namamalayan!
Unti-unti pa rin itong lumalapit. Nakatutok ang mga mata nito sa kanya sa
paraang kilala na niya, pero kung nakita na niya ang ekspresyong iyon sa mga
mata ng ibang mga lalaki, it has never quite affected her in the way his was
affecting her now.
"J-Jake, what are you doing?"
"Doing my own kind of wooing," sagot nito.
"Of course—"
"Not?"
Nagtatapang-tapangan siyang tumigil sa kanyang kinatatayuan. No, he was
just trying to tease her. Hindi niya ma-imagine si Jake bilang isang two-timer.
Mula sa sarili nitong mga labi, hindi ito magpapakasal sa isang babaeng hindi nito
mahal kahit pa malinaw na malaki ang boto sa babaeng iyon ng pinakamamahal
nitong lola. He would not actually… he would not dare to…
But he was still coming closer.
"J-Jake, anong ginagawa mo?"
"I told you—"
"Stop it," utos niya, trying to draw on the fact that she was not seventeen
anymore, she's an adult, and she was not a kid to tease. Pero bigla niyang naisip
base na rin sa nakikita niya rito kung anong laban ng isang inosente pa talagang
twenty-two sa isang treinta-dos anyos na lalaki na singgwapo, sing-simpatiko, sing-
virile ng isang ito. He'd been kind from the onset that she had met him. But she
had always known that he could be as aggressive as this. Nasa hitsura nito—at
nasa dugo nito. His Lola was the most aggressive woman she has ever known.
"Kailangan ko pa bang ipaalala sa 'yo na ikakasal ka na?" desperado niyang
paalala noong maramdaman niya ang tigas ng isang boulder sa likod niya.
Nararamdaman niya ang unti-unting pagbagsak ng kanyang depensa sa papalapit
nitong presensya. He was a man she felt sexually attracted to, fully, for the first
time in her adult life. Who knew where this would lead? In fact, sa likod ng
kanyang isip, naiisip na nga niyang tutal, hindi pa ito kasal, and she could still…
No…
"Yes, I'm fully aware of that," he whispered when he was just an smell away.
And a good smell that was, sweat and a man's cologne and heat… her very first
encounter to powerful aphrodisiacs.
"Then why are you doing this?" nangangatog ang mga tuhod niyang tanong
noong itinuon nito ang mga kamay nito sa magkabila niyang tabi.
"Because you, madam, are that woman I'm going to marry," sagot nito, bago
yumuko ang ulo nito para kamkamin ng bibig ang kanyang mga labi.

NINE
SHE HAS NOT actually heard him. Actually, she did, kaya lang sobra na siyang
taranta ng mga sandaling iyon para totoong makinig. Lumapat ang mga labi nito
sa kanya at walang duda niyang nabatid na dumating na ang sandali na kanyang
nararanasan ang pinakauna niyang halik. Dahil sa kabila ng kanyang success sa
society ng London at Paris, she really has never been kissed by anyone of the men
she has met there.
Sa unang tatlong sandali, ang hindi niya naiwasang hindi pakiramdaman ay
kung ano ang pakiramdam nang madikitan ng ibang mga labi ang kanyang mga
labi. However good kisses looked on-screen, she had always imagined it would be
drastic. Hinintay niyang dumating ang sandaling iyon. Pero sa kanyang
pagkamangha, having his lips firmly pressed to hers was actually… nice.
Naramdaman niya ang maingat na paglibot ng mga bisig nito sa kanyang beywang
at nahapit siya sa katawan nito. Hmmm… nice. Naramdaman niya ang paghigpit
ng yakap nito kasabay nang pagdiin ng mga labi nito sa kanya. Hmm… nice.
Naramdaman niya ang paghagod ng mga labi nito sa mga labi niya at relieved
siyang nanlambot.
For it was wonderful.
Lumalim ang halik. He was a master kisser, even an inexperienced like her
would know that as his lips expertly guided her lips to follow. Tama ang
pakiramdam niya noong umangat ang kanyang mga bisig at gumapang pataas
hanggang sa nakayakap na siya sa leeg nito. She had wanted to touch his hair
when she saw him grinning at her while they ride, and she never thought she could
do that barely an hour after thinking it. But she never thought of wanting to kiss
him… she'd felt she wanted to, when she caught him gazing at her before they left
Carmina's gates. Nahihiya lang siyang aminin iyon kanina, pero ngayon lang niya
iyon na-realize.
Carmina… hmmm, imagine what her bestfriend would say if she finally tells
her that she has finally been kissed for the first time. Imagine what she would say
when she tells him it was Jake who has kissed her. Carmina had wondered. It's
just that Jake was too handsome a man for a woman not to feel attracted to him.
And now he was kissing her… for how long? It felt like ten minutes already.
At si Tita Florence, who had always insisted that she guard her first kiss like
a… Tita Florence! Napatulak siya bigla kay Jake habang isa-isang nagbabagsakan
ang mga alalahanin sa kanyang isip. Naiwan niya ito kina Carmina. Worse, what
would her aunt say if she finds out her only niece has kissed a man engaged to
someone else? At ano na lang ang sasabihin ng mapapangasawa nito kung—what
the bloody hell was she doing kissing him back?
"Bitiwan mo ako!"
"Why?" tanong nito sa tinig ng isang taong hindi na nagugulat.
Inis na inis siya habang nakaitig sa mukha nito. Insolent, over-bearing
man! Ni hindi man lang ito nagi-guilty sa fiancée nito sa ginagawa nito. Worse, he
looked like he has done this before, that he was not even surprised when she got
angry. "Why? Why? Naloloko ka na ba? Bitiwan mo sabi ako!"
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina?"
"Hindi! Yes, narinig ko. Sabi mo…"
Ano nga bang sinabi nito? He mentioned someone he was going to marry.
Hindi na niya naunawaan kung ano iyon. Lalo pa tuloy siyang nagalit. Ibig bang
sabihin niyon, hindi pa niya ito masisisi kung alam na nga niyang ikakasal na ito
sa iba, nagpahalik pa siya rito.
Ang kapal naman ng mukha nito!
"Kapag hindi mo ako binitiwan, isusumbong kita sa Papa ko," pagbabanta
niya.
Umangat ang isa nitong kilay. "Your father? What could he do to me?"
"SAsabihin ko sa kanyang sinabi mo 'yan!"
"But he already knew about this," pangangatwiran pa nito.
"Sinungaling! Hindi ko akalaing makapal pala ang mukha mo. Isusumbong
kita kay Nyorita!"
Parang lalopa itong na-amuse sa sunod niyang banta. "She already knows,
too."
Napatunganga siya rito. Hindi na talaga kapani-paniwala ang
kaarogantehan nito. Maging ang lola nito, pinagbibintangan nitong hindi
magagalit sa ganitong behavior na pinakikita ng apo nito? Tingnan na lang niya
kung anong klaseng sermon ang matatanggap nito kay Nyorita kapag nalaman ng
matanda ang tungkol dito.
"Wait… hindi mo naintindihan ang sinabi ko kanina, ano?"
"Hindi!" nagpa-panic niyang sagot. Hindi pa rin siya nito binibitiwan, at sa
panibago pa niyang pamimiglas ay lalo pang humigpit ang yakap nito. Dios ko,
may plano ba itong rape-in siya? Hindi siya makapaniwala na merong isang apong
rapist si Nyorita. But in the light of what has been going on…
"Ikaw ang babaeng pakakasalan ko."
"Wala akong pakialam! Basta bitiwan mo ako! Ayokong makisakay sa
panloloko mo sa ibang…" unti-unti, shocked na napaangat ang kanyang mga mata
sa mukha nito. "A-Anong sinabi mo?"
He has the look of someone who seemed to think that a few hours ago, he
was thinking this was the right thing to do, but was not sure about that anymore
now that he has done it. "I said, ikaw ang babaeng pakakasalan ko."
"A-Anong… Anong ibig mong sabihin?"
"Your father and I has signed a contract bethrothing you to me. At alam ito
ni Lola Ning-Ning."
"S-Since when?" napapantastikuhan niyang tanong.
"About three months ago."
"Without consulting me?" shocked na naman niyang sambit.
Nagbuntunghininga ito. "We wanted to, the same day you came back. Pero
I took it upon myself to tell you. I ordered Lola to stay away because I don’t think I
can trust her to stay quiet before I do what I planned to do. Gusto ko munang
malaman kung paano ka magre-respond sa 'kin before I finally tell you. I think
you've responded rather well. Don’t you think so, too?"
"That was an experiment?" bulong niya.
"Kind of."
"You mean you pricked me like a guinea pig?"
Tinitigan siya nito. "Now, Kendra—"
Pinutol ng malakas niyang suntok ang sunod pa sana nitong sasabihin.

"PAPAAAA!"
Napapitlag si Brenda sa gulat sa sigaw niya. May nire-repair pa naman
itong kurtina sa may bintana at napangiwi ito nang matusok ng karayom ang daliri
nito. Ni hindi na niya napansin pa ang kaibigan, sa halip ay nagtungo sa study
nang makitang piping itinuro ng isang katulong ang pinto niyon. Itinulak niya ang
pinto at ang ama naman niya ang napapitlag sa pagkakaupo nito sa likod ng desk
nito.
Nakita niyang naroroon din si Tita Florence, natigil sa pagbubuklat nito ng
mga albums sa ibabaw ng maliit na conference table sa may bintana. Good, may
kakampi siya, galit niyang naisip.
"Kendra, ano bang pumasok sa isip mo't kung makasigaw ka, para kang
ginigilitang biik?" galit na tanong sa kanya ng ama.
"How could you do that to me?" sa halip ay sisi niya rito. At base sa nagi-
guilty nitong tingin, alam na nito ang kanyang sinasabi. Unfortunately, ibig
sabihin ay hindi nagsinungaling si Jake sa kanya kanina sa may sapa.
At kung hindi ito nagsinungaling tungkol sa kanyang ama, hindi rin ito
nagsinungaling tungkol kay Nyorita.
"Anong ibig mong sabihin, Iha?" nakabawi na sa gulat na tanong ng
kanyang tita.
"Tita, ipinagkasundo ako ni Papa sa iba nang ni hindi man lang ako
kinukunsulta."
"Kung 'yon naman pala ang gusto mo, sana—"
"Kahit pa!” singit niya sa ama. “You have no right to interfere with my
future! You have no right to think of picking a man I barely knew for me to marry.
Gan'on ba ako kawalang-halaga sa inyo, na hindi pa nga ako umuuwi, iniisip n'yo
nang ipasa naman ako sa iba? Gan'on ba ako kawalang-halaga bilang nag-iisa
n'yong anak, Papa?"
Napatitig ito sa kanya na parang hindi ito makapaniwala sa kanyang
sinasabi. "Of course not, Kendra!" protesta nito.
Napatitig siya rito. Nakikita na naman niya ang normal na sakit sa mga
mata nito. But this time, she knew it was not because of her mother.
"I will not deny the fact that I was constantly worried about you, that you
had driven me to the brink of madness for too many times, that I had failed you the
way I… I failed your mother…" namumutla itong napaupo sa silya nito. "The way I
had failed everything and everyone. Pero hindi ko binalak sirain ang kinabukasan
mo. Pinasama kita sa tiyahin mo dahil alam kong maibibigay niya sa 'yo ang hindi
ko alam kung pa'no ibigay. I did not want to send you away… but look at you now.
Hindi ba't tama na pumayag akong isama ka nila sa London?"
Ang mga sinasabi nito ay parang pulot na gumagamot sa kanyang mga
sakit. Knowing that he actually cared for her as a father was her utmost dream.
Unti-unting nabawasan ang kanyang galit.
"Then why are you sending me away again?"
"Hindi ba't dito ka rin sa malapit titira? Nangako siyang magpapagawa siya
ng bahay para sa inyong dalawa sa likod ng bahay ng Lola n'ya. He bought that
property from her abwela for you."
Sa kabila nang sinabi nito, hindi pa rin mawala sa kanya ang pakiramdam
ng injustice sa ginawa nitong pakikialam sa buhay niya. "Papa, kahit na. What if I
detest him? What if I don’t love him?" tanong niya. Sa isip niya, may tumututol,
gustong makipag-argumento. But she ruthlessly pushed the voice away.
"I chose the right man for you," determinado pa rin nitong giit.
"I want to choose the man I wanted to marry," galit na naman niyang sabi.
"Ama kita. Pero ang karapatang iyon ay hawak ko. Ni hindi ko pa nga balak mag-
asawa."
"Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi n'yo," naguguluhan na singit na
naman ng kanyang tita. Lumapit na ito sa desk. "Kuya Simon, totoo ba ang mga
sinasabi ni Kendra? Totoo bang ginawa mo ang sinabi niya?"
Piping tumango ang papa niya.
"Pero… bakit mo ginawa 'yon? Pinilit ka ba nila? Tinakot ka ba nila?"
Napatitig siya sa ama. Hindi niya kayang paniwalaan na magagawa iyon
nina Nyorita sa Papa niya.
"At sino ba ang lalaking ito? Was the contract legally binding? Tumanggap
ka ba ng pera?"
Tahimik ang kanyang ama, at muli siyang na-shock nang ma-realized niya
kung bakit.
"Pinagbili n'yo ako?" nanghihina niyang tanong.
"Hindi kita pinagbili. I accepted an investment," matiim ang mga bagang
nitong sambit.
"Of how much?" shocked ding tanong ng kanyang tita.
Hindi na naman ito makasagot.
"How much, Papa?" naiiyak na niyang tanong.
Nabuntunghininga ito. Kasabay niyon ay ang pagbagsak ng mga balikat
nito. "One hundred million pesos," paos nitong sagot.
Hindi siya nakaimik sa loob ng ilang sandali. She felt like her ability to talk
has been taken away from her for good.
"Sinong lalaki ang magbabayad nang ganoong kalaki para sa isang babaeng
mapapangasawa?" hindi makapaniwalang tanong ng Tita niya.
"Jake Inovicento," matatag na sagot ng kanyang ama.
"Jake? Jake ni Tita Ning-Ning?" paniniguro nito, halatang nagulat.
"Yes," sagot ng kanyang ama, tumitingin dito na parang humihingi ng pang-
unawa. "If it wasn't him, I never would think of agreeing to this, Florence. Believe
me. Ni hindi ko pa naririnig ang terms ng investment, o magkano ang ii-invest
when I accepted. I swear."
"Alam ba ito ni Tita?"
"Yes, of course. You think anything could get passed that woman?"
"She'd blessed this contract?"
"Yes, of course. You think she would let anyone marry any of her brood if
she didn't approve of it?"
Naiirita siya sa naririnig. Naiirita rin siya sa kanyang tita kasi parang hindi
na ito galit. "Stop that! Wala akong pakialam sa kanila. Ang pakialam ko lang,
ang ginawa n'yong ito sa 'kin. Hindi ko kayo mapapatawad, Papa."
Tumitig ito sa kanya. "Give it a chance, Kendra. Dahil kung ako ang
tatanungin, I have found the best man for you to marry."
"Yes! The man who could pay the best prize!"
"Not that! Give it a chance, at kung hindi mo talaga siya magugustuhan,
ibabalik ko sa kanya ang investment niya in any way I could."
"Any way you could?" tanong na naman siya, halos natatakot na ngayon.
Dahil mukhang hindi pa tapos ang kanyang mga matutuklasan. "Any way you
could? In what way? Papa, bakit naisip mag-invest ni Jake sa 'yo?"
Kalahating oras pa ang lumipas noong umiiyak at nanlalambot na lumabas
ng study ng kanyang ama si Kendra. Sinusukuan na niya iyong damdaming
matagal na niyang pinanlalabanang maramdaman para rito.
Kinamumuhian na niya ito ngayon nang lubusan.

TEN
PARA SIYANG NALILIGAW NA BUBWIT habang nagkukulong sa kanyang kwarto.
Her life has taken a shockingly unexpected turn.
Pakiramdam niya ay kalaban niya ang buong mundo. Who among her
friends would sympathise with her? Realistic siya, alam niyang marami sa mga ito
ang masayang sasalo sa kapalaran niya kung mabibigyan ng pagkakataon. Tapos,
kung hindi siya nagkakamali si Nyorita Luningning ang pasimuno nito. Hindi na
niya ito bati. Tapos ito ngang si Tita Florence, na kinakampihan nga siya pero
dahil sa loyalty lang naman at hindi dahil nararamdaman nito nang lubusan ang
kanyang nararamdaman. May lihim siyang tampo sa tiyahin dahil sa kapansin-
pansin nitong reaksyon noong nalaman nito kung sino ang lalaking pinagbentahan
sa kanya ng kanyang ama—he might call it otherwise but that's how she would call
it—natigilan ito at humupa ang galit nito. Hindi lang pinahalata pero kilala na niya
ito. Alam niyang para rito ay magandang catch si Jake.
The injustice of it, marrying a man she did not love and losing all her
dreams of romantic bliss. Siguro nga maliit na sakripisyo lang iyon kumpara sa
dadanasin ng kanilang pangalan. But it was so important to her. It was so
important for someone like her who had never dreamed of more than that when she
first realized that she was unloved in her very own home.
Ang alam niyang may remote na chance na kumampi sa kanya ay si Paul.
But she would not expect him to shell one hundred million pesos for her. Wala
siyang magagawa kundi mapilitang pakasal sa isang lalaking pakakasalan lang
siya for convenience. Dahil kapag hindi niya iyon gagawin, they would lose
everything, at makukulong pa ang kanyang matanda nang ama. Sa kabila ng
kanyang pagkamuhi rito, hindi niya ito kayang tiisin na nasa kulungan when she
could save him. Ang gagawin lang naman niya ay ang pakasal kay Jake, pahalik
rito, sleep with him, and bear him children…
Was that really such a bad idea?
Tinakpan niya ng unan ang kanyang nag-iinit na mukha. Bwisit! Bakit ba
siya na-attract sa mismo pang lalaking iyon? Her fight would have been much
better if she did not feel like this. Ngayon nga, sa kabila ng kanyang galit at
hinagpis ay nakadarama pa rin siya ng alab sa kaibuturan ng kanyang puso kapag
naaalala ang yakap nito at halik sa kanya sa may sapa. Was she a tramp in feeling
this?
Nanlamig ang kanyang dugo nang maisip naman kung anong dahilan ni
Jake sa pagpayag nitong pakasalan siya. He wanted her, that was certain.
Naramdaman niya iyon kanina. Iyon lang ang certain. There was no love. Iyong
love, naibigay na nito sa iba, sa isang babaeng patay na. Iyong pag-ibig, binayaran
na nito ng isandaang milyong piso.
A big price to pay for something so trivial to him, something that was
priceless to her. At hindi niya alam kung paano iyon ipauunawa sa lalaki nang
hindi mawawalan ng natitira pa sa kanya—ang kanyang pride.
Hindi siya kumain ng tanghalian. Hindi niya binuksan ang kanyang pinto
kahit halos isang oras na pabalik-balik doon ang kanyang tita at si Brenda,
hinihimok siyang sumubo kahit konti. Pero bago matapos ang araw ay
nakapagdesisyon siyang kausapin si Jake. Hindi niya kayang palipasin ang araw
nang hindi nalalaman kung anong nasa loob ng kukote nito para sa kanilang
dalawa.
Hindi siya sa pinto nagdaan. Sa bintana. Dahil halos madilim na, madali
siyang nakaalis nang walang kahit isa sa mga katulong ang nakakikita sa kanya.
Nagdaan siya sa dati niyang dinaraanan kapag lumiliban siya kina Nyorita, sa likod
na property nang kanilang mga bahay. Oo nga pala, property na rin ng mga
Inovicento ang kanilang property. Matatawag lang talaga na sa kanilang muli ang
mga iyon sa sandaling nakasal na siya kay Jake, mapait niyang naisip. By then
she would be his property.
Hindi nagtagal at pumapasok na siya sa hardin ng mga Inovicento.
Naaamoy niya ang bango ng mga rosas, ang paborito nilang bulaklak ni Nyorita.
But tonight, she could not appreciate the fragrance, or the flower's beauty in the
soft light. Nagdiretso siya papasok sa gate at patungo sa likod-bahay, kung saan
muntik nang himatayin sa gulat sa kanya ang cook noong bigla na lang siyang
pumasok sa pinto.
"Hesus-Mariang bata ka! Aatakehin ako sa puso sa 'yo!" reklamo nito.
"Pasensya na, Aling Hermy. Kailangan ko hong makausap si Jake."
May ispekulasyon sa mga mata nito habang tinuturo ang taas ng bahay.
"Nasa kwarto n'ya."
"Alin d'on?" tanong niya. Bukod sa bedroom ni Nyorita, alam niyang
sangkaterbang mga guestroom ang nasa itaas.
"'Yung unang guestroom sa kanan."
"Sandali lang ako."
"Kahit magtagal ka pa," nakangiting sabi ng matanda habang lumalabas
siya ng kusina. Bawas puntos sa kanya. Wala ba siyang makakaharap na hindi
matutuwa sa posibilidad na pwedeng maging sila ni Jake?
Umakyat siya sa hagdan. Wala nang ibang katulong siyang nakasalubong
at alam niyang hindi tsismoso si Aling Hermy pagdating sa affairs ng mga amo nito
—takot na lang nito sa matanda nitong amo—kaya hindi niya pinag-aalala ang
matanda. Nang nasa tapat na siya ng pinto ng guestroom, kumatok siya roon.
Hindi siya nagtagal. Mayamaya lamang ay nasa harapan na niya si Jake,
isang Jake na may putok sa mga labi. Naging aware tuloy siya bigla sa masakit na
parte sa kanyang kanang kamay, preferebly her knuckels, tumitibok-tibok pa ng
mga sandaling iyon habang nagkakatitigan sila nito.
"Gusto kong malaman kung anong iniisip mo," sabi niya rito nang walang
pasakalye.
Walang amusement itong tumawa. "You really wouldn’t want to know that."
Napatingin siya sa putok sa labi nito at nagpigil siyang umurong. "Hindi
'yon. Tungkol sa agreement n'yo ng ama ko. Tungkol sa one hundred million
pesos mo."
"If you think this would make me back out, you're mistaken," sarkastiko
nitong sabi habang umuurong at pumapasok na muli sa pinto.
She knew now that he would not try to hurt her if she would enter the room.
Hindi siya nito sinaktan kanina kahit halatang nagalit ito noong sinuntok niya ito.
"Of course. Ang laki nang ibinayad mo, syempre hindi ka magba-back out
sa suntok ng isang babae."
Masama ang tingin ipinukol nito sa kanya. "Don’t push it."
"What will make you back out?" demanda niya.
"You’re risking your father going to prison?"
Nagdaan ang kirot sa puso niya. Hindi niya akalaing kaya nitong kantiin
ang kanyang konsensya para sa sarili nitong pakinabang. "Kaya mong pilitin ang
isang babaeng pakasal sa 'yo kahit hindi ka niya mahal?"
This time, na-amuse ito sa sinabi niya. "What made you think I'm planning
that? My plan was to woo you. Hindi kita pinilit na halikan ako sa ilog—I coerced
you. You wanted it. Hindi ko rin balak na madaliin kang pakasal sa 'kin. I'm not
cruel, I'm giving you time to get used to me. At the risk of sounding pompous,
sasabihin ko pa rin na hindi ka madedehado kung ako ang mapapangasawa mo."
Tuluyan na siya nitong hinarap, saka humalukipkip na para bang ang laki-laki
nitong mama, pero gusto nitong protektahan ang sarili nito sa kanya. "May utak
ka, alam mo kung anong papasukin mo. Whichever angle you look at it, malaki
ang pakinabang mo rito. You'll just have to chose kung anong gusto mo—hard way
or easy way."
Masama ang loob na nakipaglaban siya ng titig dito. "I already know the
hard way," sarkastiko niyang sambit. "At anong easy way?"
Nagkibit ito ng mga balikat. "We want each other. That's easier."
"You are a bloody pompous asshole."
Tumango ito. "And you’re a very beautiful denial queen."
Namula ang kanyang mukha sa galit. Akala ba talaga nito, dahil isang
beses siyang nagpahalik rito, he could get away with anything. "Is that so? Denial
Queen pala, ha? Let's see. Pa'nong easy way ba ang gusto mo? Ganito ba?" In the
blink of an eye, nahubad niya ang pantaas niya. Sinimulan niyang ibaba ang
zipper ng kanyang jeans. "Ganito ba? I just hand everything over to you? Gano'n
ba ang easy way na sinasabi mo?"
Nakatingin ito sa kanya, hindi kumikilos. Ibinaba niya ang jeans niya.
Hindi pa rin ito kumikibo. Sinimulan niyang kalasin ang strap ng bra niya.
Tumalikod ito.
"Harapin mo ako, damn it! You've paid a hundred million pesos for this.
Take it."
"I paid a hundred million pesos for a wife who will make me proud. Don't
degrade yourself like a common whore, Kendra. I will not stoop to taking you that
way."
Para siyang sinampal. Ilang saglit, namanhid siya, pagkatapos ay naupos
sa sobrang kahihiyan. Namalayan na lang niya na humahagulhol siya sa pag-iyak.
Noong mamalayan niya ito sa tabi niya, sinampal niya itong muli. "You son
of a bitch, you bought me like a whore!"
"I bought you like no other man will buy you," pagtatama nito. "'Yung pera
lang ang nakikita mo, Kendra. Why? Numero lang ang mga iyon, numerong
magliligtas sa dignidad ng ama mo, sa kahihiyan ng pamilya mo. Handa kong
isuko ang higit pa r'on—ang kalayaan ko, ang buong kayamanan ko, ang pangalan
ko, ang proteksyon ko. Hindi mo ba kayang tanggapin ang mga 'yon?"
Naudlot ang pag-iyak niya. Napatitig siya rito. Biglang bigla, hindi na niya
kayang mag-isip.
"Ask me. Ask me what you want to ask me," utos nito.
"Jake…"
"Ask it, Kendra."
"What are you trying to say?" tanong niya.
"Na mahal kita," sagot nito.
"Hindi ako naniniwala sa 'yo," galit niyang protesta.
"I know. But I have not reached this age without knowing what I want, what
I love, what I want to own." At inilagay nito sa kamay niya ang damit niya.
"Magbihis ka na. Lalabas ako, hihintayin kita. Ihahatid kita sa inyo."
At bago siya makapagprotesta, iniwan siya nitong mag-isa sa kwarto.

"ALL I want to ask is for you to give us a chance, 'yon lang. Wala na akong
hihilingin pang iba, Kendra. After this, ikaw na ang bahalang magdesisyon."
"Gaano katagal?"
Bahagya itong tumawa. "You're only twenty-two. We could be engaged for
us long as we're sure what we really want. Kung hindi mo ako matatanggap, I will
know, wouldn’t I?"

GABI NG Masquerade Party. She knew that by this time, whispers about her
engagement to Jake had leaked out. Mahirap itago ang naging sigawan nila ng
kanyang ama sa study sa mga katulong. Nararamdaman niya ang kakaibang mga
tingin at pagtrato sa kanya ng mga kapitbahay since they had arrived in the party
together, sila ni Jake. Pero mula noong ihinatid siya nito sa bahay, ngayong gabi
lang sila talaga nagkitang muli.
He fetched her from home garbed in Zorro's outfit, all in black. He looked
splendid. Ang problema, naapektuhan nito ang kanyang sistema in ways that a
woman who did not want to be his wife should not be affected.
She dressed in a vampire's dress. Pinili niya iyon dahil alam niyang
maputla siya, lalabas kahit papaano na make up. Wala siyang reaksyon noong
sinabi ni Jake na kung kasing ganda niya ang isang bampira, okay lang rito ang
maging dinner niya. Wala siyang reaksyon sa panlabas, pero ang inilabas ng
imahinasyon niya ay lihim na nakakiliti sa kanya.
Nagdaraan ang party sa kanyang mga mata nang halos hindi niya iyon
namamalayan. Of course, in all the merriment, her friends could not ask her
beyond whispers. Hindi siya makasagot. Lahat ng mga ito, nalalamang bago siya
dumating, she barely knew Jake. They would all guess na kaya sila engaged, may
nangyaring transaksyon. At nananahimik siya at nagtitiis dahil wala siyang maisip
na paraan kung paano niya ililigtas ang kanyang kahihiyan.
To top it all, all evening, Angelina, in an angel's garb with a sinful cleavage,
had been smirking at her. Kahit ang pasimpleng bulong sa kanya ni Carmina na
pinagkakalat daw ni Angelinang kaya siya pinadala sa London ng kanyang ama ay
dahil may nangyari sa kanila noon ni Jake sa miminsang mga pagdalaw nito sa
New River Valley ay tinawanan lamang niya. Ni hindi niya pinansin ang
naguguluhang tingin sa gwapong mukha ni Paul kapag nagtatagpo ang mga tingin
nila. She felt drained, colorless, lifeless. Kahit iyong parang umuusbong na
pagrespeto niya kay Jake ay kulang para iligtas siya sa kahihiyang aabutin niya sa
mga taong noon ay pinagtatawanan lamang ang kanyang nilalakaran. The
nightmare was happening all over again.
Malapit nang matapos ang party, but she could not be grateful. Kung
sakali, katawan lang niya ang mapapahinga. Hindi ang kanyang damdamin, hindi
ang kanyang kaluluwa. But she has yet to discover a pleasant change to the
evening when the winner for the most successful prank has been announced.
"Dalawa ang winner natin ngayong gabi," ani Jericho Bustamante, Jr. sa
mikropono. Halos hindi pa siya makaniwala nang marinig niya ang pangalan
nilang dalawa ni Jake.
"What?" shocked niyang bulong rito.
"For making us all believe that they were engaged to be married. It was all a
prank, everyone," tumatawang sambit ni Jericho sa mikropono.
Napatingin siya kay Jake.
"Act like you actually thought it was a prank," bulong nito malapit sa
kanyang teynga. "C'mon. Humour them."
"O-Okay."
Umakyat sila sa entablado para tanggapin ang kanilang premyo. Si Jake
ang nagsalita sa mike.
"We thought of this prank para makita kung anong magiging reaksyon ng
lahat… kung anong klaseng mga tsismis ang kakalat. And welll, haven't we played
a prank on you all." Tawanan at hiyawan. "First of all, hindi ho ako engaged. But
I do am planning on courting this beautiful vampire beside me." Hiyawang muli.
"Second of all, hindi naghihirap ang pamilya nina Kendra, and third but not the
least… she was but a child when I last saw her before this. Binigyan ko pa siya ng
panyo para pahirin ang dungis sa kanyang mukha." Nagtawanan na naman dahil
lahat ay nakaaalala pa sa isang dati'y marungis na teenager. "But I remember
telling her then not to loose her spirit. At na isang araw, marami siyang paiiyaking
lalaki. I'm proud to say that I was right."
Narinig ang mock na iyakan ng mga lalaki sa paligid at ang malakas na
palakpak ng kanyang mag kaibigan. Nakadama siya nang mainit na pakiramdam
sa kanyang dibdib noong makita niya ang galit na mukha ni Angelina sa crowd.
At na-realize niya na iniligtas na naman siya ni Jake ng gabing iyon.

"UUWI SI Lola tomorrow rito," ani Jake sa kanya noong naglalakad sila nang
magkatabi pauwi. They chose to walk like the others, para ma-enjoy ang gabi.
"Bakit raw?"
"Sabi n'ya, tatamain niya ang palpak ko. I guess she has so much to tell
you."
"Like explaining to me na hindi mo lang ako binili ng pera mo?" mahina
niyang tanong.
Tumingin ito sa kanya, saka marahang tumango.
"I know now, hindi na niya kailangang magpaliwanag."
Muli itong napatingin sa kanya.
"Isa pa, akala ko ba ikaw ang balak manligaw? Ang tanda-tanda mo na,
papatulong ka pa sa lola mo?"
"Are you teasing me?" amused nitong tanong.
"Actually, I thought I was trying to flirt with you. Mali ba'ng diskarte ko?"
Naglalakad sila, pero sa mukha niya ito nakatitig.
"Baka mabunggo ka," sabi niya, nahihiya sa titig nito.
"Would you like to stop for a while so we can talk about this?"
"Preferably in the dark?" tanong niyang muli. "This vampire is hungry."
At tumatawa, agad siya nitong pinagbigyan. –END—

ANIM NA BUWAN pagkatapos, wala na halos nagulat nang ianunsyo ng mga


pamilya nina Jake at Kendra ang kanilang engagement. Since the night of the
Masquerade Party, they were almost inseparable. Jake followed the proper
decorum of formally courting Kendra and for the first time in her life, Kendra could
only look on as her father started to mellow from his old, insensitive ways. Siguro
dahil na rin marami na siyang pinagbago mula sa dating matigas ang ulong anak
na nagpapasakit ng ulo nito.
Masayang masaya rin sina Tita Florence at Nyorita Luningning sa
engagement. Tita Florence went back to London but would go back to help in the
arrangement for their wedding on New Year’s Eve.

You might also like