548 Heartbeats
By JessamineThere’s no such thing as number of heartbeats. As long as your heart knows what
forever
means,It’s possible that even in death, it may still be beating…
___________________________________________________________________________ CHAPTER 1[Mr. Heart]
Dugdug. Dugdug.Tumitibok nanaman si Mr. Heart.
Ewan ko ba. Bat kaya ganon? Bakit kaya para mabuhay, kailangan tumibok ang puso? Labo ng tanong kono? Ang batayan kasi kung buhay pa ang isang tao ay kung tumitibok parin ang puso niya.Pero bakit may naririnig ako na… ‘nung nawala siya, tumigil na ang tibok ng puso ko’ or ‘tumigil yung pintigng puso ko nung una ko siyang nakita’? parang ewan no? ganon ang mga taong sobrang healthy ng lovelife. Sana ako rin.Ako si Peach Xeira Anderson. Cute ng pangalan ko no? kakaiba. One of the few things I’m proud of. Kilalaako bilang Xei-xei o Xeira o Xei lang mismo. Pano ko ba idedescribe ang sarili ko? Mm…Physically, hanggang kalahati ng likod ko ang wavy kong buhok. Sort of kulot. May pagkachubby pero okaylang naman yun kasi hindi naman gaano halata… malalaman mo lang na chubby ako pag kinapa mo na yungchan ko. Maliit lang ako, 5 lang po ako. Mm… the greatest thing about me is my eye lashes. Mahaba kasi.Emotionally? Mahina akong tao. I mean… mahiyain ako. Di ako gaano friendly. I’m one of the geeks inschool. Haha. Hindi naman sa ganon ka geek. Grade conscious kung tawagin. Matalino ako sabi ng ibangtao. Pero tingin ko di totoo yun. Masipag lang talaga ako magaral. May pag ka kabisote at palabasa. Wouldyou believe that my hobby is studying? Oo… studying at hindi lang basta reading…So…
yun ako.
Kahit naman mahiyain ako and stuff, nagkakaroon parin ako ng secret love life. Paano yun? Eh dinagkakagusto ako ng patahimik. Wala pa kasing nakakaalam kung sino yung mga gusto ko. Actually,marami na kong crush pero I always keep it to myself. Haha… hipokrita ba? Ganon ako eh. ayokongmalaman ng ibang tao na nagkakagusto na ko. Bale every year meron ata akong bagong crush…That is…
before he came.
Second year high school pa lang ako. Sabi nga nila, life starts in high school. Kung ako yun, icocontradict koyun at sasabihing, life starts when your heart beats.Ayon. May bagong transfer mula sa isang private boys high school. Hindi ko naman alam kung bakit sa lahatng pinili niya, dito pa siya sa isang science high school. Eh cute nga sa school nila kasi his school is knownfor rich, popular and handsome guys…At oo… well… isa siya dun.Ang pangalan niya? Kyle I. Solomon. Nung dumating siya sa school na to, no wonder kung bakit mula saanit hanggang kuko sa paa niya eh crush siya ng maraming babae. Gwapo kasi at mayaman. Mejo wala ngalang utak. Uh… hindi naman. Di ko nga alam kung bakit siya trinansfer dito eh… Section V siya.So yun. Secret crush ko nanaman siya. Well, I bet… di to tatagal kasi alam kong hanggang pangarap na langsiya. First three months ng taong ito eh naging girlfriend na niya yung pinaka magandang kabatch ko, Nungnagbreak sila of I don’t care reason, naging girlfriend na niya yung pinaka magaling na dancer ng batchnamin… galing no? parang may magnet…