Welcome to Scribd. Sign in or start your free trial to enjoy unlimited e-books, audiobooks & documents.Find out more
Download
Standard view
Full view
of .
Look up keyword
Like this
31Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Intermedia ng Indang - Kabanata 04

Intermedia ng Indang - Kabanata 04

Ratings: (0)|Views: 877|Likes:

More info:

Published by: Daniel Mendoza-Anciano on Apr 25, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

10/07/2013

pdf

text

original

 
KABANATA 4UNANG TAON NG PANGANGASIWANI MR. CHARLES JOHN ANDERSONSA EDUKASYON NG INDANG 1903-1904
48
There is a world elsewhere 
CoriolanusSinipi ni George B. Hill sa kaniyang aklatna
Harvard College by An Oxonian 
(1895)
C. J. Anderson Bago Maitalaga sa Indang
Ang humalili kay J. M. Krauss sa pangangasiwa saedukasyon ng Indang ay si Mr. Charles JohnAnderson. Sa mga Thomasites sakapanahunang iyon, si Anderson ay itinuturing na isa sa mga potensiyal na gurong Kawanihan. Ipinanganak noong Enero 9,1879 sa bansang Sweden at mula sapagkabata ay nanirahan sa Estados Unidos.Sa ulat ng Harvard College, siya ay naninirahan sa 67 Smith St., Quincy,Massachusetts, nag-aral sa Quincy HighSchool at nagtapos ng kursong Bachelor of Arts noong Hunyo 1900 sa Harvard College. Bago siya mareklutasa pagtuturo sa Pilipinas ay mayroon na siyang isang taonkaranasan sa pagtuturo.
1
 Si C. J. Anderson ay isa sa mga orihinal na guro na sakay ngUSAT Thomasna dumating saPilipinas noongAgosto 1901.Una siyangnadestino sabayan ngLucena salalawigan ng Tayabas (NKA Quezon). Noong Hunyo 1902 itinatag ng mga gurong
1 Report of Secretary Harvard College Class 1900 at binanggit din saaklat na inihanda ng U. S. Embassy Public Afairs Section na
To the Islands Far 
Away:
The Story of Thomasites and Their Jouney to the Philippines.
2001:66.
 
 
Intermedia ng Indang / Anciano
49
Amerikano sa Tayabas (matandang kabisera ng Tayabas) ang isangpaaralang sekondarya para sa lalawigan na pinamunuan niAubrey Boyles.
2
Ang epidemiya ng kolera ay naging dahilan sakakauntian ng mga nakapasok dito at ilipat ito noong Oktubre1902 sa bayan ng Lucena, kung saan si Anderson ay orihinal nanaitalaga pagdating sa Pilipinas. Ang paaralang panlalawigan naitinatag sa Lucena ay tinawag na Tayabas High School at si C. J.Anderson ay nanungkulan bilang
assistant 
 
 principal 
ng paaralanhanggang mapalitan siya ni Henry H. Balch noong Enero 1903.
3
 Sa mga gurong Amerikano, ang pagtuturo sa paaralangsekondarya noon ay indikasyon ng pagtataglay ng kahusayan. Angposisyon ni C. J. Anderson bilang
assistant principal 
sa mataas napaaralang panlalawigan ay patunay ng intelektwal na kahigitan sakaniyang mga kasamahang gurong Amerikano. Ang pagkakatalaganaman kay Henry H. Balch noong Enero 1903, ay indikasyon nahindi nagtagal si C. J. A nderson sa Lucena at siya ay napalipat saIndang bago magtapos ang taong 1902.Ang paglipat noon sa isa sa mga itinuturing na potensiyal nagurong Amerikano sa panibagong destino ay hindi maaring bungalamang ng isang biglaang desisyon. Ang pagkalipat sa kaniya saIndang ay upang bigyan ng pagkakataon na magkaroon nang higitna malaking bilang ng mga nasasakupang guro at mag-aaral,malawak na eryang pang-superbisyon, at pang-administratibongawtonomiya upang epektibo maisakatuparan ang kaniyang
2 Si Aubrey Boyles ay isa sa mga orihinal na gurong Amerikano na sakay ng Barkong USAT Thomas, nagtapos ng B. A. sa Alabama StateUniversity noong 1897. Ang kaniyang pangalan ay wala na sa listahanng mga Thomasites at sa talaan ng mga empleyado ng serbisyo sibil ngpamahalaang insular ng Pilipinas noong 1904. Sa ganito ay hindi niyanatapos ang kontrata at umuwi na sa Estados Unidos. Sa kasaysayan ngestado ng Alabama noong 1920·s ay lumitaw ang pangalan ni Aubrey Boyles bilang District Attorney ng Mobile, Alabama na nanguna sapagpapatupad ng batas laban sa iligal na produksyon ng Whiskey.Maaring basahin ang artikulong
Teflon Tycoon 
ni Sam Hodges saInternet.3 4th ARPC Part III:818Si Henry H. Balch ay mula rin sa estado ng Alabama at nagtapos saNobo State Normal sa nasabing Estado. Siya ay naging
 principal 
ng Tayabas High School hanggang 1912 at kinikilala na pinakahuling Thomasite na namatay (November 30, 1969). Maaring basahin angartikulong
Henry H. Balch: Lesser known American hero 
sa internet.
 
Kabanata 4 ² Mr. Charles J. Anderson sa Indang
50
 
malawak at pangmatagalang balakin.
4
Ang pagkapili naman sabayan ng Indang para paglipatan ni C. J. Anderson ay indikasyonna ang bayan ay angkop sa kahusayan at katalinuhan ng gurongsa itatalaga sa kanila na manungkulan.Sa bahaging ito ay ipapansin ang pag-uulat ni Hammon H.Buck noong 1902 at nalathala sa taong 1903:. The Cavite high school was opened June 19, 1902 withMr. S. K. Mitchell as principal and Mr. RichardLeonard as assistant teacher... The school commencedwith an enrollment of about 25. This increased slowly till it reached a maximum of 80 in November with adaily attendance of 70. The bulk of pupil came from the neigboring towns, themore distant being scarcely represented.
This seemto argue the necessity of establishing a secondaryschool in the southern part of the province
.
5
 Noon pa man taong 1902 ay pinanukala na ni H. H. Buckang pagkakaroon ng ikalawang paaralang sekondarya saKatimugan ng Cavite, bukod sa unang naitayo sa kabisera. Angpanukala ni H. H. Buck ang nagpakita sa pangangailangan ngekspertisyo at karanasan ni C. J. Anderson sa Lucena, upangmakapagtatag ng ikalawang paaralang sekondarya sa Indang.Mapapansin na ang itinapat na magsimula ng ikalawangpaaralang panlalawigan sa Cavite ay mula sa Harvard natradisyonal na karibal ng Yale.
4 Sa pagtatasa ng Philippine Journal of American Chamber of Commerceay isa sa kanilang naging persepsiyon noon na ang mga Thomasite nanagtapos sa mga paaralang
Ivy League 
ng Estados Unidos ay nakapokussa lideratura ng edukasyon sa Pilipinas.5 ARPC 1903:572Lumilitaw sa pag-uulat ni Gobernador Mariano Trias noong January 14,1902 ay pinanunukala na noon pa man sa lalawigan ng Cavite, angpagtatag ng isang Agricultural School sa alinamng bayan ng SanFrancisco de Malabon o Tanza. Maaring basahin ang
Affairs in the Philippine Islands: Hearing Before the Committee on the Philippines of the United States Senate. (Washington: Government Printing Office) 
p. 2408.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->