Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
16Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
ANDRES BONIFACIO: Ang Buhay na Puno ng Pakikibaka

ANDRES BONIFACIO: Ang Buhay na Puno ng Pakikibaka

Ratings: (0)|Views: 2,258 |Likes:

More info:

Published by: Daniel Mendoza-Anciano on Apr 30, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF or read online from Scribd
See more
See less

01/07/2013

pdf

 
 
ANDRES BONIFACIOAng Buhay na Puno ng Pakikipagbaka
 
Daniel Mendoza Anciano
Hindi mapag-aalinlanganan na ang mga Filipinong ilustrado ay nakapag-ambag ng malaki sa ebolusyon ng nasyonalismo sa bansa, angkanilang pagnanais na isulong ang interes na dinadala ng kanilangkinabibilangang pangkat sa lipunan at mga naging mapangahas nilangpagpapahayag ng ideyalismo para sa kapantayan ng mga Filipino sa mgaEspanyol ay nagsilbing mga lagabog ng maso na lumamat sa tila matibay namoog ng kolonyalismo sa bansa. Ngunit ang kanilang mga mahalagangnagawa ay mayroon limitasyon, dahilan sa taglay nilang ilusyon namagkakaroon ng reporma at posibilidad ng asimilasyon sa sistemangkolonyal ay hindi nila tinawid ang parametro ng radikal na pagkilos upangtahakin ang kasarinlan ng bansa mula sa pagkaalipin ng mga banyaga.Sa ilang huling mga taon na lamang ng ika-19 na daantaon, angilusyon na dinala ng mga ilustrado ay nagbigay daan sa dis-ilusyon atnapagtanto na ang pangarap na reporma ay hindi magaganap sa isanglipunan na kontrolado ng mga pangkat ng mananakop na hindi kaylanmannaging mapagparaya sa pagbibigay daan para sa mga positibongpagbabago, dahilan dito ang kurtina ng kasaysayan ay nahawi na parabigyang daan ang ating himagsikan.Ang Himagsikang Filipino ng 1896 ay maituturing napinakamapagpasiyang pangyayari sa pahina ng kasaysayan ng atingbansa. Ito ang panahon na ang sambayanang Filipino ay kolektibo atnangahas na pinili ang pagsusulong ng isang armadong pakikibaka bilangparaan ng paglatid ng kadena ng kolonyalismo. Ito ang panahon naipinahayag ng sambayanan ang kanilang paghahangad na maging mgatunay na panginoon na magpapasiya sa kapalaran at kahahantungan ngating bayan. Kung ang himagsikan ay isang mapangahas na pagkilos,gayundin masasabi nating ang naging tagapasimuno nito ay nagtataglay ngisang mapangahas na personalidad at tila aserong determinasyon upangpamunuan ang isang kilusan na maglalatid ng kadena ng pangkaalipin ngkaniyang mga abang kababayan. Ang lider na ito ay walang iba kundi siAndres Bonifacio, ang tagapasimuno at kaluluwa ng himagsikang Filipino.
 
Kung ang mga ilustrado ay nakipaglaban para sa interes ng gitnanguring kanilang kinabibilangan ang masang Filipino ay nakatagpo din nglider na magsusulong ng kanilang totoong interes, sa katauhan niBonifacio, kung naging mas radikal man ang kaniyang naging direksiyon sapagtahak sa pagbabagong panlipunan ay sa dahilang ang buhay ng isanganak-maralita ay naratibo ng pang-araw-araw na personal napakikipaglaban para mabuhay. Mga karanasan na pumanday upangmagkaroon ng isang malalim na repleksiyon sa katotohanan ng buhay ng
 
kaniyang mga kapwa maralita at epektibo mapamunuan ang himagsikanna magpapalaya sa kaniyang mga kababayan sa dinadanas nilang paniniilat kadahupan.
 
Ang Panimula ng Pakikipagbaka
 
Ang maralitang lider ay ipinaganak sa isang kubo sa Tondo noongNobyembre 30, 1863 sa mag-asawang Santiago Bonifacio na isang sastreat Catalina Castro. Sa batang edad ay naulila sa parehong magulang atnatagpuan ang sarili na tagakupkop ng kaniyang mga nakababatangkapatid. Sa pagtutulungan ng mga magkakapatid nakita nila ang kanilangmga sarili na nasa lansangan ng Maynila o nasa mga patyo ng simbahan(na tila
streetchildren 
ngayon) at naglalako ng pamaypay at baston samga nagdadaan. Nagpatuloy ang kaniyang pagsuporta sa kaniyang mgakapatid hanggang sa pagdating ng sapat na taong gulang at maempleyo siBonifacio sa Fleming & Company (pag-aari ng mga Ingles) at sa bandang "huli bilang ahente ng Fressel and Company (pag-aari ng mga Aleman).Ang leksiyon ng kaniyang unang pakikibaka ay ang makita niBonifacio na siya ang nagsilbing magulang ng kaniyang mga kapatid.Isang karanasan na naghanda sa kaniya para tanggapin ang papel namaging isang ama na gagabay sa kanyang ulilang bansa.
 
Ang Pakikipagbaka Laban sa Kamangmangan
 
Si Bonifacio bilang isang anak mahirap sa kaniyang kapanahunan napinalala ng pagkaulila at pangangailangan na maandukha ang kaniyangmga nakakabatang kapatid, ang isang mas malaking pakikipagbaka nakaniyang hinarap ay ang labanan ang kamangmangan na tiyak niyangkahahantungan. Sa kaniyang kabataan ang kaniyang tanging pormal naedukasyon ay ang pagpasok niya sa paaralan ni Don Guillermo Osmeña naito ay agad din naputol. Sa pagtatantiya ni Professor Teodoro Agoncillo, saating panukatan ang kaniyang natapos ay ikaapat na baitang lamang ngpaaralang elementarya.
 
Ngunit ang tunay na esensiya ng edukasyon ay hindi lamangturuan ang mag-aaral kundi ang matutunan ng mag-aaral na turuan angkaniyang sarili. Nilabanan ni Bonifacio ang kamangmangan na maari niyasanang nasadlakan sa pamamagitan ng sariling pag-aaral at ang kaniyangpagtatrabaho sa mga establisementong dayuhan ay nagbigay daan paramasundan niya ang mga kaganapan at pag-unlad ng kaisipan sa labas ngbansa. Ang kaniyang pakikisalamuha sa mga Espanyol sa tanggapangkaniyang pinaglilingkuran ay nagpatalas sa kaniyang komprehensiyon ngwikang Espanyol at magkaroon ito ng sapat na kaalaman upangmaunawaan ang wika ng dati nating mga panginoon.Ito ang dahilan kung bakit nagkaroon siya ng pagkakataon namaunawaan ang mga kaisipan ng mga pantas ng kanluran na si Hugo (
es Misarables 
 _ 
), Sue (
Wandering Jews 
); inunawa ang sistemang presidensiyal
 
ng Amerika (
Bu 
hay ng mga Pang 
lo ng Estados Unidos 
); at angkalakaran ng himagsikan sa aklat na
Kasaysayan ng Himagsikang Pranses 
. Nagkaroon din ng inpluwensiya sa kaniyang kaisipan ang mgasulatin ng mga Filipinong Propagandista sa Europa, lalo na sina Del Pilarat Jose Rizal sa aklat ng huli na
Noli Me Tangere 
at
El Filib 
sterismo 
. Angpagbabasa ng supremo ay hindi lamang naging isang pag-sasanay napangkaisipan at hindi rin nanatili lamang sa bakuran ng kaniyangkaisipan. Ang kaniyang mga natutunan ay nagsilbing isang apoy nanagpakulo ng kaniyang kaisipan, na sa dakong huli ang namuong ideya ay nailipat sa mas kongretong pagkilos.
 
Isa rin sa naging sanayang pang-kaisipan ni Bonifacio ay angtanghalan na kung saan siya ay isa sa mga gumaganap sa palabas na moro-moro. Ang moro-moro ay isang pagtatanghal ng paglalaban ng dalawangmagkasalungat na puwersa, sa una ay maririnig ang argumentongisinasaad ng kaisipan at sa dakong huli ay ang pagpipingkian ng mgasandata ng dalawang pangkat na ang argumento ay hindi pinapakingganng isa't isa. Sa tanghalan lumalabas ang salungatan, katwiranan, at sabandang huli ang pisikal na paglalaban. Dito natutunan ni Bonifacio angpangangailangan sa pagkakaroon ng isang malakas, mapang-akit atmakapangyarihang pananalita, at ang pagtatantiya ng takbo ng istoryapara sa mga tauhan. Nilisan ng supremo ang kaniyang tanghalangpaaralan, ginamit niya ang pangangailangan ng mapang-akit atmakapangyarihang pananalita sa kaniyang mga naging kasama saKatipunan. Sa paglisan niya ng tanghalan ng moro-moro ay kaniyanginilipat ito sa mismong puso ng lipunan na kaniyang ginagalawan.
Pakikibaka Laban sa Matandang Kaisipan
 
Ang lipunan sa panahon ni Bonifacio ay pinangingimbabawan ngsapot kamangmangan at pamahiin na pinanatili ng mga alagad ngkolonyal na Kristiyanismo sa paniniwala ng mga ito na ang kanilangpagsasamantala sa ating bayan ay malulubos lamang sa isang kapaligiranna hindi sinisikatan ng liwanag ng kaalaman. Ang mga alagad ng kolonyalna Kristiyanismo ang nagpakalat ng paniniwala a ang mga katutubo ay likas na mahina, mangmang, at ang edukasyon para sa mga ito ay mapanganib sa kanilang mga kaluluwa - sa mismong panulat ng isangprayle
ng isang indio kapag nat 
to, ay magiging kalaban ng Diyos at ng Espanya 
 
Sa pamamagitan ng sariling edukasyon, namulat ang mata niBonifacio sa kalagayan ng lipunan sa kaniyang kapanahunan. Ngunit angkaalamang natutunan ay hindi sinarili manapa ay kaniya itong ibinahagisa iba sa layunin na gisisingin ang kaniyang mga kababayan para sapagbabago sa bayan. Nagsimula bilang isang masugid na tagasuporta ngkilusang propaganda at naging tagapamahagi (sa pamamagitan ng lihimna pagtitinda) ng mga literaturang pang-protesta sa mga mag-aaral ngUnibersidad ng Santo Tomas, at sa pamamagitan ng pagtitinda ng mgaliteraturang pang-protesta ay nakilala niya si Ladislao Diwa na noon ay 

Activity (16)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 hundred reads
1 thousand reads
yromem liked this
Louisa Puno liked this
Mia Joy Catibog liked this
Julie liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->