You are on page 1of 3

Mga makata sa panulaang kastila

Mula noong 1902 hanggang 1910, maraming makatang pilipino ang sumulat ng mga tula sa wikang
kastila. Ang madalas na mga paksa ay mga tulang papuri, at paghanga kay Dr. Jose Rizal at pagdakila sa
bayan. Ang lalong tumatanyag ay sina cececilio apostol, Fernando ma. Guerero, jesus balmori, manuel
bernabe, claro m. recto, at marami pang iba, subalit ang ipinalalagay na kauna-unahang makata sa
Kastila sa panahon ng mga amerikano ay si jose de vergara.

Cecicilio apostol

Siya ay isang abugado, naging piskal sa Maynila, at mamamahayag sa pahayagang la vanguardia. Ang
kaniytang mga sinulat ay halos naglalaman ng matinding pagmamahal sa bayan. Sumulat din siya ng mga
tulang papuri kay rizal, mabini, at jacinto. Ang ilan sa mga sinulat ni apostol ay patria (inang bayan),
invitacion (paanyaya), a la bandera (sa watawat), los martires anonimos de la patria (mga hindi
nakikilalang martir ng inang bayan), at sobre el plinto (sa ibabaw ng haligi). Narito ang dalawang saknong
ng tulang papuri ni apostol kay rizal sa kastila na malayang isinalin ni jose panganiban.

A rizal (kay rizal)

Bayaning walang kamatayan, kadakilaang maalamat

Sumungaw ka mula sa bangin ng libingan

Na kinahihimbingnan mo sa maluwalhating pangarap!

Halika! Ang pag-ibig naming pinapagliyab ng iyong alaala,

Mula sa madilim na walang wakas ay tumatawag sa iyo

Upang putungan ng mga bulaklak ang iyong gunita.

Matulog kangf payapa salilim ng kabilang buhay

Tagapagligtas ng isang bayang inaalipin

Huawg iluha, sa hiwaga ng libingan ang sandaling tagumpay ng kastila,

Pagkat kung pinasabog man ang utak mo ng isang punglo,

Ang diwa mo nama’y gumiba ng isang imperyo!

Luwalhati kay rizal! Ang ngalan niyang kabanal-banalan

Na parang sunog sa tabor sa pag-inaapoy

Ng talino ng pantas ay ilaw ng kaisipan,


Sa marmol ay buhay, at sa kudyapi’y kundiman.

Fernando ma. Guerero

Tulad ni apostol, si Fernando ma. Guerero ay sumulat din ng mga tulang papuri at paghanga kay rizal.
Siya ay naging kinatawan ng kapulungang pambansa, guro, at mamamahayag. Ang kanyang tula ay
tinipon sa isang aklat na may pamagat na crisalidas (mg higad).

Ang kanyang tulang in peace (sa kapayapaan) ay kababasahan ng isang marubdob na pagmamahalsa
mga bayani ng lahi. Narito ang dalawang saknong ng tulang in peace na malayang isinalin sa Pilipino ni
rufino alejandro.

In peace (sa kapayapaan)

Mga martir, kayo’y magsipamayapa! Paglubog ng araw

At ang pulang ngiti ay ipinapahid sa langit kaunlaran at kinukulayan ng kaniyang silahis ang kagalang-
galang

Na lupang malamig na sa bangkay ninyo ay pinagbaunan.

Walang kamatayan iyang mga martir sa libingan nila

At sa kaluluwa’y muling nadurugtong napugtong hininga

Kung ibong mabait ang nakakatulad nang buhay pa sila

Ngayong sila’y patay, ang nakahimbing ay isang agila.

Jesus balmori

Si jesus balmori ay kinikilalang tagapagbandila ng panitikang Pilipino sa wikang kastila. Bukod sa pagiging
makata, siya ay isa ring mamamahayag. Siya ay naglingkod sa pahayagang la vanguardia at la voz de
manila. Narito ang isang tula sa kastila ni balmori na lumabas sa pahayagang la voz de manila na
malayang isinalin ni rufino alejandro.

A kristo (kay kristo)

Manuel bernabe
Amg mga tula ni bernabe ay may iba’t ibang paksa tulad ng pagbibigay puri sa espanya, ukol sa relihiyon,
paglalarawan ng buhay, at mga tulang pangkaisipan. Narito ang Halimbawa ng tulang panrelihiyon ni
bernabe na inaawit sa mga simbahan sa katagalugan.

No mas amor que el tuyo (pagibig mo’y walang kahambing)

pagibig mo’y walang kahambing

o pusong maawain

kaya’t ang bayan namin

sa’yo ang puso’y hain

sa simbaha’t tahanan

ikaw ang tinatawagan

maghari kang tunay

sa aparri hanggan jolo

You might also like