Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
24Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Intermedia ng Indang - Kabanata 15

Intermedia ng Indang - Kabanata 15

Ratings: (0)|Views: 1,645 |Likes:
Paglalagom sa kasaysayan ng Intermedia ng Indang (kna Cavite State University)
Paglalagom sa kasaysayan ng Intermedia ng Indang (kna Cavite State University)

More info:

Published by: Daniel Mendoza-Anciano on May 17, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF or read online from Scribd
See more
See less

11/07/2012

pdf

 
EPILOGO, IMPRESYON,AT REKOMENDASYON
Mankind is always more or less storm-driven; andhistory is the sextant and compass of states which,tossed by wind and current, would be lost in confusion if they could not fix their position. It enables communitiesto grasp their relationship with the past, and to chart ongeneral lines their immediate forward course. It doesmore. By giving peoples a sense of continuity in all theirefforts, and by chronicling immortal worth, it confersupon them both a consciousness of their unity, and afeeling of the importance of human achievement.
History is more than a mere guide to nations. It isfirst a creator of nations, and after that, theirinspirer
.Allan Nevins – Gateway to History
EPILOGO
Ang pag-unawa sa unang yugto ng kasaysayan ng Cavite StateUniversity bilang isang paaralang intermedia sa kaniyang unang yugtong eksistensiya ay magiging susi upang maintindihan ang mgapanimulang kalakaran sa paglitaw ng mga kasalukuyang kolehiyo atunibersidad sa Pilipinas. Tandaan na ang mga unang paaralang
intermedia
na naitayo aybahagi ng paaralang panlalawigan. Ito ay mayroong sariling gusali athigit na maluwang na lupa na hiwalay sa paaralang primarya ng bayanna kinatatyuan nito. Sa paglipas ng mga panahon, ang mga paaralangsentral ng mga bayan ay naging ganap na elementarya na nagtuturong kursong primarya at
intermedia.
Sa integrasyon ng primarya at
intermedia
sa ilalim ng paaralang elementarya ay nagkaroon ng
vacuum
sa ilang mga
 pioneer intermediate school
. Ang ilan sa kanilaay naging purong paaralang elementarya, katulad ng TondoIntermediate School na naitatag noong 1903 bilang una o
 pilot intermediate school
sa Pilipinas ay kilala na ngayon bilang Isabelo delos Reyes Elementary School. Sa lalawigan ng Cavite, ang ImusIntermediate School na ang klase ay pinasimulan noong 1905 atnagkaroon lamang ng bukod na gusali noong 1911ay kilala na lamangngayon bilang Cayetano Topacio Elementary School.Ang ilang mga
intermedia
ay dumaan sa transisyon bilang mgapaaralang sekondarya sa mga importanteng distrito sa kanilang mgakaukulang lalawigan. Sa paglipas pa ng panahon na magkaroon ng ibapang mga hayskul sa lokalidad na kinaroroonan ng mga
 pioneer 
212
 
intermediate school
ay sinahod nito ang panibagong gampanin bilangkolehiyo.
1
Ilan sa mga
intermedia
na minsang naging
Farm School
aynakarating na sa antas ng pagiging pamantasan. Ang Central LuzonAgricultural School na unang nagturo ng kursong Intermedia ay nagingpaaralang sekondarya at sa dakong huli ay naging Central Luzon StateUniversity. Ang Batac Farm School (Ilocos Norte) ay naging DonMariano Marcos State University; Ang Guinobatan Farm School (Albay)ay naging Roxas Memorial Agricultural School at naisama bilang
College of Agriculture and Forestry 
ng Bicol University; Ang SantaMaria Farm School (Ilocos Sur) ay ang kasalukuyang College of Agriculture ng Ilocos Sur Polytechnic State College. Ang Batangas FarmSchool na pinakaunang Farm School na natatag noon pa mang 1905 aynaging Batangas Trade School at sa kasalukuyan ay siyang BatangasState University..
2
Isang kabalintunaan na sa bisyon ni Sekretaryo Bernard Mosesng Kagawaran ng Instruksiyong Pampubliko noong 1902 na ang mgapaaralang sekondaryo sa mga lalawigan ay magiging kolehiyo ng mgamamamayan. Sa pag-aaral na ito ay iisa lamang ang ang nakita ngnagsasaliksik na
 provincial high school
na nakarating sa bisyon na ito.Ang Tarlac High School na itinatag ng gurong si Mr. Frank R. White(naging direktor ng edukasyon 1909-1913) na ngayon ay kilala na sakatawagang Tarlac State University.
Ang Pag-unlad ng
Intermedia
ng IndangSa Paglipas ng Panahon
Sa taong 1927 ang Indang Farm School ay naitaas ang antasnang itinuturong kurso mula sa
intermedia
bilang isang paaralangsekondarya at kinilalang Indang Rural High School. Sa taong 1961, anginstitusyon ay naging isang pambansang paaralan at kinilala na DonSeverino National Agricultural School. Sa taong 1964 hanggang 1998ay kinumberte ng pamahalaan sa bisa ng Batas Republika 3917 bilangDon Severino National Agricultural School at nagkaroon ngkategoryang kolehiyo ng estado hanggang sa huling buwan ng taong1997. Noong Enero 22, 1998 ang institusyon ay ginawang isangpamantasan ng estado at nakilala sa katawagang Cavite StateUniversity sa bisa ng Batas Republika 8468.
1
Sa Estados Unidos ay nanatili pa rin ang bukod na paaralang
intermedia
sakanilang sistema ng edukasyon. Ito ay tinatawag na Middle School o JuniorHigh School.
2
Ang Batangas Farm School ay isa sa mga unang Farm School na itinatag sabansa. Ayon kay Cocannouer, ito ay itinatag upang pag-aralan angnaghihingalong industriya ng kape sa lalawigan ng Batangas. Misteryoso angpagkawala ng Batangas Farm School sa pag-uulat ng 27th ARTDE at angpaglitaw naman sa nabanggit na panahon ng Batangas Trade School – na
 precursor institution
ng Batangas State University.
213
 
MGA IMPRESYON MULA SA PAG-AARAL
Ang kasaysayan ay isang pag-aaral na ang pangunahing layuninay makatuklas at makalikha ng mga katanggap-tanggap na impresyonmula sa rekonstruksiyon ng mga nakalipas na kaganapan. Sa ganito,nilalagom ng nagsasaliksik ang kabuuan ng pag-aaral sa pamamagitanng mga sumusunod na impresyon:1.Ang pagpapahalaga ng mga taga-Indang sa edukasyon aymayroong malalim na pagkaka-ugit sa kaniyang kasaysayanglokal.
2.
Ang lokasyon nito na sa kabila ng pagiging nasa interyor atmataas na lupa ng lalawigan ng Cavite ay nabigyan naman ngkaukulang kompensasyon sa pagkakatalaga ng mgamisyonerong Jesuita na nagpakilala ng pormal na edukasyonsa
 pueblo.
3.
Sa panahon ng pananakop ng Espanya, ang edukasyon ay isasa mga mahalagang aktibidad ng bayan ng Indang na makikitasa pagkakaroon nito ng isang maayos na
escuela
at sa taong1891 ay ang plano na pagsasa-ayos ng paaralan mula sa isapatungo sa pagkakaroon ng ikalawang palapag.
4.
Sa taong 1895, itinatag ni Don Severino de las Alas sa Indangang isang
Latinidad 
na nagtuturo ng paunang dalawang taonsa kursong sekondaryo. Makikita sa aksiyon ni Don Severino,ang kaniyang adhikain na ang Indang ay maging sentro ngedukasyon sa Katimugan ng Cavite bago pa man maganap anghimagsikan noong 1896.
5.
Sa unang taon ng pananakop ng mga Amerikano ay binuksannila sa Indang ang paaralang publiko na unang pinagturuan ngisang kawal Amerikano at sa dakong huli ay hinalinhan ng mgahindi armadong
Thomasites
na nagturo sa mga kabataan sapaggamit ng bagong wika sa pakikipagtalastasan, nagpakilalang araling panlipunan, at bokasyonal. Naituro ang mga itoupang maging angkop ang mga kabataan ng bayan sapakikilahok sa bagong anyo ng ng pamahalaan at sistemangpang-kabuhayan na ipinairal ng mga Amerikano sa Pilipinas sapanahon ng kanilang pananakop.
6.
Sa taong 1902 inirekomeda ni Hammon H. Buck ang pagtatayong ikalawang paaralang panlalawigan sa Indang sa layunin naang mga mag-aaral sa Katimugang Cavite ay mabigyan ngoportunidad sa higit na mataas na edukasyon na hindi
213

Activity (24)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 hundred reads
1 thousand reads
Eugean S Sison liked this
Rodel Dimaandal liked this
Grei Sen liked this
Heiz Mongaya liked this
Ana Faye liked this
Eirol Gomez liked this
denalyn liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->