/  2
 
May 2010www.tfdp.net1
Panawagan sa bagong administrasyon:Palayain ang mga Bilanggong Pulitikal!
Ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) aynagpaabot ng panawagan at apela para sa mga kumandidatonitong halalan 2010 hinggil sa pagpapalaya ng mgabilanggong pulitikal. Bilang bahagi ng kampanya aysinimulan ito kasabay ng pagtataguyod ng adyenda para sakarapatang pantao na iginigiit nating maging laman ngprograma ng susunod na pamunuan ng bansa.
Sinundan ito ng mulingpagpapadala ng mga sulat apelakay Ginoong Noynoy Aquinobilang nahalal na pangulo ngbansa.Ipinadala natin ang isangbukas na liham ng mgabilanggong pulitikal na isinulat atpinirmahan ng mga bilanggongpulitikal sa New Bilibid Prison(NBP), sulat ng mga indibidwalmula sa MMDJ at iba pa. Hinikayatdin natin na magpadala ang mgakasaping organisasyon ng Free Allpolitical prisoners/detaineescampaign network ng liham apela.Bilang bahagi nginpormasyon at kampanya ayminabuti nating ilathala ang bukasna liham ng mga bilanggongpulitikal para na rin sa kaalamanng lahat.
Bukas na liham ngmga bilanggongpulitikal para sa mgakumandidatong pinunong bansa
Pagbati sa ating mga magiging pinunong bansa!Bilang mga bilanggong pulitikal ay naispo naming ipaabot sa inyo ang amingmga suliranin at saloobin. Sakasalukuyang panahon, ang bilangnaming mga bilanggong pulitikal sabuong kapuluan ay umaabot sa 258katao, ngunit sa kabila ngnapakaraming bilang namin ayiwinawagayway ng nagdaan atkasalukuyang estado na wala nang mgabilanggong pulitikal, dahil pawang mgapangkaraniwang
 
krimen ang kasongisinasampa laban sa amin.Pilit nilang itinatago angkatotohan na sa isang “demokratikonglipunan” na ating ginagalawan ay maymga tulad naming nakakulong na angugat na dahilan ay ang mga pulitikal napananaw. Sakaling kilalanin man angmga pulitikal na motibo ay tiyak nadadaan sa napakasikip na proseso atparang napaka- imposibleng lumusot.
No. 45 Saint Mary Street, Cubao, Quezon City, 437-8054, tfdp1974@yahoo.com
“Gintong yaman ng sinirang bayan”satirikong dula laban sa mina
Isang pagtatanghal ng mgakabataang kasapi ng Youth forRights (Y4R) at bumubuo ng Arte,Drowing Indak at Kanta ngKabataan para sa KarapatangPantao (ADIK KA) ang ginanapsa Nueva Vizcaya. Pinamagatang“Gintong Yaman sa SinirangBayan,” ang pagtatanghal ayidinaos sa mababang paaralanng Barangay Pacquet, Kasibu,Nueva Vizcaya nitong ika-30 ngMayo, 2010.
Ang dula ay isang satirikoo komedyang tumatalakay sa tunayna mga ginto sa buhay: pangarap,mga relasyon, pamilya atpamayanan ng isang baryongsinisimulang wasakin ngnakaambang malawakangpagmimina ng isang dayuhangkumpanya.Uminog ang kwento sabuhay ni Ruben at ng mgaresidente ng isang baryo sa NuevaVizcaya. Kung paanong angpangako ng isang iskolarship aytumungo sa pagkakahati ngkanyang pamilya. Kasabay ngpagkakahati-hati rin ng mgaresidente. Sa bandang huli aymalalantad ang katotohanan ngmga panlilinlang at trahedya naidinulot ng hangaring minahin angkanilang lupain.Ang dula ay saproduksyon ng Task ForceDetainees of the Philippines(TFDP) sa suporta ng embahadang Australia. Ito ay bahagi ngproyektong ADIK KA (Arte,Drowing, Indak at Kanta ngKabataang Artista para sakarapatang pantao) - isa sa mganagwagi at napili sa patimpalak naKASAMA KA hinggil sa malikhaingpagpapalaganap ng kamulatan sakarapatang pantao.Ang gabi ng dula aynilahukan din ng mga katutubong
Igiit ang adyenda para sa karapatang pantao saprograma ng bagong administrasyon
Ang patapos na administrasyongArroyo ay mag-iiwan ngmahabang tala ng mga paglabagat pagpapabaya sa karapatangpantao. Habang ang napipintongpagpalit ni Senador Benigno“Noynoy” Aquino III bilangbagong halal na pangulo ay punong pangako ng pagbabago atpagiging bukas diumano sa mgaisyung hindi nasolusyunan ngnagdaang administrasyon.Batay dito, ang TaskForce Detainees of thePhilippines (TFDP) at PhilippineAlliance of Human RightsAdvocates (PAHRA) kasama ngbuong kasapian nito aynagpapatuloy sa pagsusulong ngAdyenda para sa karapatangpantao na patungkol sa bagongadministrasyon.Layunin ng kampanyangito na tuloy-tuloy na igiit atmagbantay na ang bagongpamunuan ni Aquino ay gumampansa obligasyon ng pamahalaanupang respetuhin, proteksyunan, atisakatuparan ang karapatangpantao ng mamamayang Pilipino.Kabilang sa nilalaman ngadyenda ng karapatang pantao angpaggigiit na maisabatas ang ilangnakasalang na “bills” para saproteksyon ng karapatang pantaoat upang makasuhan at mapanagotang mga lumalabag nito. Katuladng Anti-Enforced Disappearance
Suportahanangkampanyapara sapapapalaya nglahat ngbilanggongpulitikal!
Umugnay safreeallpoliticalprisonersfacebook account.
Matuto sa aral ng batas ng militar!
Bumisita sa Museum of Courage and Resistance.Makipag-ugnayan sa TFDP 4378054
 sundan sa pahina 2 sundan sa pahina 2 sundan sa pahina 2 Kasapi ng Y4R: Jean Paul Gedang at Catherine Hipolito bilang Ruben at Aling Nieves. Photo: J. Javier
 Photo: R. Yamzon

Share & Embed

More from this user

Add a Comment

Characters: ...