2
MODYUL 19ANG PILIPINAS SA PANAHON NG PAGPAPATATAG
Nasa ika-labingsiyam na modyul ka na ngayon. Sa mga naunang aralin, nalamanmo ang iba’t ibang hamon na kinaharap ng pamahalaan ni Pangulong Corazon Aquino.Sa kanyang pamamahala, unti-unting tumibay ang mga saligan ng demokrasya.Kaakibat nito ang muling pagbangon ng Pilipinas bilang isang bansang nagpupunyagisa Asia sa gitna ng pandaigdigang pagbabago sa pulitika, kalakarang pang-ekonomiya,at teknolohiya.Ang modyul na ito ay tatalakay sa mga pagbabagong pandaigdigan sa pagpasokng dekada nubenta. Titingnan kung papaano hinarap ang mga pagbabagong ito ngpamahalaang Fidel Ramos, Joseph Ejercito Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo.Tutugunan din ng mga aralin ang mga aral na ating natutuhan sa mahahalagangkaganapan sa mga panahong ito katulad ng EDSA DOS. Ang mga aral na ito aymaaaring maging saligan tungo sa isang bansang mapayapa at maunlad sakasalukuyang panahon ng pagpapatatag.May limang aralin sa modyul na ito:Aralin 1: Ang Pilipinas sa Panahon ng Globalisasyon at PandaigdigangPagbabagoAralin 2:
Philippines 2000
at ang Pilipinas Sa Pamamahala ni Pangulong FidelRamos (1992-1998)Aralin 3: “Erap Para sa Mahirap” - Ang Pilipinas sa Panahon ni PangulongJoseph Estrada (1998-2001)Aralin 4: EDSA na NAMAN! Ang Pilipinas sa Nagbabagong Anyo ng Pulitika atPamumunoAralin 5: Tungo sa Isang Matatag na Republika: Pilipinas sa Pamamahala niPangulong Gloria Macapagal-Arroyo (2001 – kasalukuyan)