Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Look up keyword
Like this
115Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Panitikan Ng Mga Umuunlad Na Bansa

Panitikan Ng Mga Umuunlad Na Bansa

Ratings:

5.0

(2)
|Views: 63,694 |Likes:
panitikan ng mga umuunlad na bansa...

compiled by:
aprilmbagon-faeldan
aprilbfaeldan@yahoo.com
panitikan ng mga umuunlad na bansa...

compiled by:
aprilmbagon-faeldan
aprilbfaeldan@yahoo.com

More info:

Categories:Types, School Work
Published by: April M Bagon-Faeldan on Jul 16, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

08/11/2014

pdf

text

original

 
ANG BUHAY AT PANITIKAN NG MGA ILOKANO
Kilala ang mga Ilokano sa kanilang pagiging marunong at praktikal sa buhay. Litaw nalitaw ang pag-uugaling ito sa mga tanyag na personalidad na nagmula sa lalawigang ito tuladng dating Pangulong Ferdinand Marcos na sa kabila ng kahirapan sa buhay ay kinilala athinangaan.Noon pa man, hindi na naging madali ang buhay para sa mga Ilokano. Ang lupangkanilang tinitirhan ay kadalasang tigang at hindi magandang pagtamnan. Dahil sa sitwasyongito, maraming Ilokano ang nangibang-bayan sa mga kalapit-probinsya, sa pagnanasangumunlad kahit papaano ang buhay.Marami pa rin namang nanatili at nagkasya lamang sa kung anong mayroon sila. Unti-unti, nagawa nilang pagyamanin ang minsang tigang na lupa. Dahil sa pagsisikap, unti-untingkinilala ang bayan. Sa kasalukuyan, ang Ilocos ang isa sa mga pangunahing lalawigan napinagkukunan ng iba’t ibang produktong agraryo tulad ng sibuyas, bigas at tabako.Saksi ang mga Ilokano sa makulay na kasaysayan ng kanilang lugar. Isa ang lalawigangito sa mga lugar na sinakop ng mga Español nang sila’y pumarito sa Pilipinas. Sa pananatili ngmga dayuhang manlulupig sa kanilang lupain, at sa pagnanais na manatili ang kanilangkapangyarihan sa lugar, hinati nila ang mga Ilokano sa dalawang uri – ang
babaknang 
, o angmga mayayaman, at ang
gagangay 
, o ang mga pangkaraniwang mamamayan. Naging mahirapang buhay ng mas nakararaming bilang ng mga Ilokano dahil sa pagkahating ito.Bahagi ng kulturang Ilokano ang kahirapan. Ang mga pagsubok na ito ang nagbibigay-hugis at patuloy na humuhubog sa matibay at praktikal na pag-uugali ng mga Ilokano.
1
|
Panitikan ng mga Umuunlad na Bansa
 
ANG BUHAY AT PANITIKAN NG PANGASINAN
Sa Hilagang Kanlurang bahagi ng Luzon makikita ang Pangasinan, ang “lugar kungsaan ginagawa ang asin.” Sa baybay ng Bolinao at Dasol matatagpuan ang pinakamataas nauri ng asin. Kilala rin ang Pangasinan sa bagoong nito na asin din ang pangunahing sangkap.Bagoong din ang karaniwang sawsawan para sa inihaw na bangus Bonuan na matatagpuan dinsa Pangasinan.Bago dumating ang mga Kastila, ang mga bayan lamang na malapit sa baybayin angtinatawag na Pangasinan. Caboloan naman ang tawag sa loobang bahagi. Hango ito sa bolo,isang uri ng kawayang sagana doon. Mula sa kawayang bolo, ginagawa ang mga bilao.Sikat din ang Pangasinan tuwing tag-init dahil sa maganda nitong mga
beach
. Dinadayorin ang
Hundred Islands
, isang grupo ng maliliit na isla.Makasaysayan din ang Pangasinan. Mula kay Prinsesa Urduja hanggang kina AndresMalong at Juan dela Cruz Palaris. Ang lahat ng ito ay mga kwento ng pagiging malay ng mgaPangasinense sa mga usaping may kinalaman sa kanilang kapakanan.Matatagpuan din ang pagmamalasakit ng mga Pangasinense sa kanilang kapakanan samga nailathala sa
Silew 
(Ilaw) mula 1934-1943. Naglalaman ang
Silew 
ng mga sumusunod naakda sa wikang Pangasinan:
tongtong 
(kwento),
anlong 
(tula),
 pabitla/bonikew 
(bugtong),
diparan
(salawikain), panayam pampamayanan, liham sa patnugot, opinyong medikal, nobelangde-serye, at mga dula. Marami sa mga akda sa
Silew 
ay ukol sa epekto ng kulturang Amerikanosa gawi at pag-uugali ng tradisyonal at konserbatibong lipunan. Matatagpuan din dito ang isyung aborsyon, eleksyon,at iba pang pagbabago ng pananaw ng mga kababaihang tila nakawalasa tanikala ng makalumang tradisyon.Dalawa sa mga tanyag na pangalan sa Panitikang Pangasinan sina Carlos Bulosan atFrancisco Sionil Jose. Sa kanilang mga nobela, inilarawan nila ang mga suliraning piyudal atmahirap na buhay ng mga tagabaryo. Dahil sa paggamit nila ng Ingles sa kanilang panulat, higitnilang naabot ang mas maraming mambabasa.Sa Pangasinan, tila nagsasanib ang mga pahayag na ito na hango sa Ebanghelyo niSan Mateo: “Kayo ang asin ng lupa at ilaw ng sanlibutan.”
2
|
Panitikan ng mga Umuunlad na Bansa
 
ANG BUHAY AT PANITIKAN NG PAMPANGA
“Pampanga’s best.” Unang banggit pa lamang ng salitang Pampanga ay ito na marahilang mga salitang unang papasok sa isipan ng bawat Pilipino. Marahil, kakambal na nglalawigan ng Pampanga ang mga produktong tulad ng tocino at longganisa. Isa ito sa mgapatunay kung gaano kahilig – at kasarap – magluto ang mga Kapampangan. Ngunit, hindilamang ito ang mga produktong ipinagmamalaki ng lalawigang ito.Kabaligtaran ng Ilocos, ang lalawigan ng Pampanga ay biniyayaan ng Diyos ngmayamang lupa na napaliligiran ng iba’t ibang yamang tubig tulad ng batis at ilog. Dahil sayamang ito ng lupa at tubig, naging madali ang pamumuhay ng mga Kapampangan. Hindi nanila kailangan pang mangibang-bayan upang kumita ng pera sapagkat sa kanilang sarilingbakuran lamang ay maaari na silang makapagtanim o makapangisda. Sa katunayan, ang palayat asukal ay ilan lamang sa mga produktong ipinagmamalaki ng lalawigang ito.Ito marahil ang dahilan kung bakit kilala ang mga Kapampangan sa kanilang pagigingmarangya at galante. Marami silang biyayang natanggap mula sa Diyos kaya naging maluwagrin para sa kanila ang makapagbigay sa kapwa – lalong-lalo na sa mga Ita, ang mga sinaunangtao sa lalawigang iyon. Ayon sa kasaysayan ng lalawigan, napilitang mamundok ang mga Ita ngsakupin at manirahan ang mga Malay sa gilid ng mga batis. Napasok ng mga dayuhang ito angPampanga sa pamamagitan ng pamamangka sa mga batis at ilog na nakapaligid sa lalawigan.Ayon pa rin sa mga unang tala tungkol sa lalawigan ng Pampanga, ang sinaunangpanitikan ng mga Kapampangan ay binubuo ng mga bugtong, kasabihan, awiting pambayan atpambata, alamat, tula, at maikling kwento na nagpapakita ng pasasalamat ng mgaKapampangan sa taglay na likas na yaman ng lugar.Tulad ng ibang lugar sa Pilipinas, dumaan din ang lalawigan ng Pampanga sa panahonng pananakop ng mga Kastila, Amerikano, at Hapon. Sa mga panahong ito lalo pang lumakasang panitikan ng lalawigan, partikular na ang mga tula na siyang sumasalamin sa pagkatao ngKapampangan. Ang talento na mga Kapampangan, noon pa man, ay kasinlalim ng mga poso atbalon na nagkalat sa kanilang lugar.Mula pa sa panahon ng pananakop hanggang sa kasalukuyang panahon, nanatilingmasayahin, mapagbigay, at mapagmahal ang mga Kapampangan. Kitang-kita ito sa uri ngpanitikang mayroon sila.
3
|
Panitikan ng mga Umuunlad na Bansa

Activity (115)

You've already reviewed this. Edit your review.
Jan David Afalla reviewed this
Rated 5/5
Maraming salamat!!!
1 hundred thousand reads
Ivy Mae Abolde added this note
..., THANK YOU !! ^_^
Ivy Mae Abolde liked this
Marielle Maneje added this note
salamat!
1 thousand reads
1 hundred reads

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->