May mga mandudulang gumagamit ng sagisag o simbolismo sakanilang akda. Ito’y hindi lamang nagpapayaman sa panoorin kunditumitinag pa rin at lumilinang ng guniguni o imahinasyon ngbumabasa o nanonood. Ang magulong tagpuan sa tanghalan aymaaring sumagisag sa kaguluhang gumagapi sa mga tauhan, naunit-unting mahahawan, patungo sa kanais-nais na paglutas sasuliranin at sa maayos na tanghalan. Ang isang larawan ng bagyosa mayamang salas ng isang mansion ay maaaring sumasagisag salihim na suliraning nagbabalang magwasak sa pagsasama ng mag-asawa. Ang isang tauhan o kahit ang buong dula ay maaaringgamiting sagisag.Ang katuturan at kaganapan sa pagtatanghal ng isang ng dulaay magiging buo sapagkat iniuungkat na rito ang mga mahahalagangkakailanganin sa isang dula. Una, ang
teatro o tanghalan
- angpinaglalabasan o kung saan ipinakikita sa mga tao o pinanonoodna tao ang dula. Ito’y maaaring sa bakuran lamang, maaari ringsa lansangan, at pwede rin sa loob ng bahay. Ang dula kungibabase sa pinagtatanghalan ay mauuri sa panlansangan,pambakuran at pantahanan. Pangalawa, ang mga
tauhan-
ang mgagumaganap ng mahahalagang papel sa dula, ang dinadaluyan ng mgasuliranin at mga pangyayari, ang gumagawa ng aksyon atresolusyon sa buhay. Pangatlo, ang
iskrip
– ang mga nakasulat namagkakasunod na mga pangyayari sa buhay ng mga tauhan na maysimula, gitna at wakas. Pang-apat ang dretor o tagadrehe- angnag-uutos o nagpapasunod ng mga dapat na gawin ng mga tauhan nanaaayon sa kanyang ginagampanang papel.Ang dula, samakatuwid, sa masining at maagham nitongkatuturan na sa Gresya pa pinasisimulan ng mga batikan atklasikong dramaturgong dina Aeschylus, Sophocles at Euripedes,ayon na rink ay Aristotle, ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita ng kalikasan ng buhay.Ang dula ay kinakatha at itinatanghal upang magsilbingsalamin ng buhay-sa wika, sa kilos, sa damdamin, sa sining upangmakaaliw, makapagturo o makapagbigay-mensahe o basta makaantigng damdamin at makapukaw ng isip.
DULA
aprilmbagon-faeldan
3